You are on page 1of 3

Morpolohiya

 Ang pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo
ng salita.
 Ang morpolohiya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang
morpema.
Morpema

 Galing ang salitang morpema sa katagang morpheme sa Ingles na kinuha naman sa salitang
Griyego – morph (anyo o yunit) + eme (kahulugan)
 Ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan
 Ang ibig sabihin ng pinakamaliit na yunit ay yunit na hindi na maaari pang mahati nang hindi
masisira ang kahulugan nito

Anyo ng Morpema sa Wikang Filipino

1. Morpemang Ponema

 Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa pagdagdag ng ponemang /a/ o


kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema.
 Ito ay ang paggamit ng makahulugang tunog o ponema sa Filipino na nagpapakilala ng gender
o kasarian
2. Morpemang Salitang-Ugat

 Ito ay isa sa anyo ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak na anyo ng isang salita.

3. Morpemang Panlapi

 Ito ay anyo ng morpema na idinurogtong sa salitang-ugat na maaaring makapagpabago ng


kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong mag-isa ang mga panlapi at kailangan idugtong
sa salitang-ugat upang magkaroon ng kahulugan.
 Isa itong anyo ng morpema na ibinibilang na di-malaya sapagkat nalalaman lamang ang
kahulugan nito kapag naisama na ito sa istem o salitang-ugat.

Uri ng Morpema
1. Morpemang Leksikal
 Ito ang mga morpemang tinatawag ding pangnilalaman pagkat may kahulugan sa ganang sarili.
Ito ay nangangahulugan na ang morpema ay nakakatayo ng mag-isa sapagkat may angkin
siyang kahulugan na hindi na nangangailangan ng iba pang salita.
 Ito ay may tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-
uri at pang-abay
2. Morpemang Pangkayarihan
 Ito ang mga morpemang walang kahulugan sa ganang sarili at kailangang makita sa isang
kayarian o konteksto upang maging makahulugan. Ito ang mga salitang nangangailangan ng
iba pang mga salita upang mabuo ang kanilang gamit sa pangungusap.
 Walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto ang mga ito
upang magkaroon ng kahulugan

Pagbabagong Morpoponemiko
 Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya
ng katabing ponema (panlapi)
 Ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaaring yaong sinusundan ng morpema o yaong
sumusunod dito
Limang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
1. Asimilasyon
 Tumutukoy sa pagbabagong anyo ng morpema dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito.
 Mayroon itong dalawang (2) uri:
 Asimilasyong Parsyal o Di-ganap
 Kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa /d,l,r,s,t/, ang panlaping pang- ay nagiging pan-.
Ito ay nagiging pam- kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa /b,p/
PAALALA: Nananatiling pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na /k,m,n,ng,w,y/ o
patinig (a,e,i,o,u). Nilalagyan ng gitling (-) kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig
 Asimilasyong Ganap
 Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat
2. Pagpapalit ng Ponema
 Kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito’y pinapalitan ng ponemang r
3. Metatesis
 Pagpapalit ng posisyon ng panlaping /-in/ kapag ang kasunod na ponema ay ang mga
ponemang ( l, y, o,)
4. Pagkakaltas ng Ponema
 mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema
5. Paglalagom
 Ito ay mga salitang pinapaikli

Kayarian ng mga salita


1. Payak - ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat lamang, walang panlapi at walang katambal
na ibang salita ( Santiago & Tianco)
2. Maylapi - sa pagkakapit ng iba't ibang uri ng panlapi sa isang salitang-ugat, nakakabuo ng iba't
ibang salita na may kani - kanyang kahulugan (Ampil, Mendoza, & Breva, 2010)
- Ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga
katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat.
- Ayon kay Alfonso O. Santiago, may tatlong pangkalahatang uri ng panlapi na
matutukoy.
1. Unlapi – panlaping ikinakabit sa unahan ng istem
2. Gitlapi – isinisingit ito sa pagitan ng unang katinig at kasunod nitong patinig
3. Hulapi – inilalagay ito sa hulihan ng istem
 Magkabilaan – inilalagay sa unahan at hulihan ng istem
 Laguhan – inilalagay sa unahan, gitna at hulian ng salitang-ugat
3. Inuulit - maaring ganap, parsyal, o magkahalong parysal at ganap (Ampil, Breva & Mendoza,
2010)
- inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito
- Mayroong dalawang uri:
a) Pag-uulit na Ganap - inuulit ang salitang-ugat
b) Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap - ang isang salita ay nasa pag-uulit na PARSYAL kapag
ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit
c) Magkahalong Parsyal at Ganap - kapag ito ay nilalapian at inuulit nang buo ang
salitang-ugat.
4. Tambalan - ang pagbubuo ng salitang-ugat
- dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita
- may dalawang uri ng tambalan; ang tambalang ganap at di-ganap
a) Tambalang Di-ganap
- ang taglay na kahulugan ng bawat dalawang salitang pinagtambal ay hindi mawawala
- tambalang salitang nanatili ang kahulugan
b) Tambalang Ganap
- ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa
isinasaad ng mga salitang pinagsama.
- tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Bahagi ng Pananalita
1. Mga Salitang Pangnilalaman (Content Words)
a. Mga Nominal (Pangngalan at Panghalip)
b. Pandiwa
c. Mga Panuring (Mga pang-uri at Pang-abay)
2. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
a. Mga Pang-ugnay (Pangatnig, Pang-angkop at Pang-ukol)
b. Mga Pananda (Pantukoy at Pangawing na ‘ay’)

MGA SALITANG PANGNILALAMAN


1. PANGNGALAN
 ito ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay ngalan ng hayop, bagay, pook, at pangyayari.
Dalawang Klasipikasyon Ng Pangngalan
1. Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang panlahat o hindi panlahat.
2. Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na tahas o hindi tahas.

Pantangi - tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook at pangyayari


Pambalana - tumutukoy sa pangkalahatang diwa ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari

Tahas - tumutukoy sa bagay na materyal


Dalawang Uri:
1. Palansak- tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.
2. Di-palansak -tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang ng isa-isa.

Di-tahas o basal - basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay hindi materyal kundi diwa o kaisipan.

Kasarian ng Pangngalan
 Panlalaki
 Pambabae
 Di-tiyak
 Walang Kasarian

2. PANGHALIP
 ito ay salitang panghalili sa ngalan ng tao.

Tatlong panauhan:
1. Unang Panauhan - tumutukoy sa taong nagsasalita
2. Ikalawang panauhan - tumutukoy sa taong kausap sa pangungusap
3. Ikatlong panauhan - inihalili sa taong tinutukoy sa pangungusap

You might also like