You are on page 1of 9

JUVELYN A.

MUNDOY # 09351302910 - AGR-AS 2B

HADISSA RAMOS # 09555284455- AGRI- AS 2A-2C,AGRI-CS-2A

PREFINAL
SINING NG PAKIKKIPAGTALASTASAN

MODYUL 6

1 SEMESTER- Week 10 - PAGBASA

Sanggunian: Sining ng Pakikipagtalastasa, Alcomtiser P. Tumangan, et al.
Pahina: 100 -105
Paksa:Mga Katangian ng salita, mga uri nng pagbasa

1. Layunin

Kaalaman 1. Nasusuri ang katangian at uri ng pagbasa,

Apektibo 2. Nabibigyang-unawa ang kasanayan ng pagbasa, at
Saykomotor 3. Nakapagsasagawa ng gawain na may kasanayan sa pagbasa.

Tuklasin Natin Ito

MGA KATANGIAN NG SALITA

Dapat ding maging maingat ang bumabasa sa pagbibigay- kahulugan sa salitang binabasa.
Bukod sa nagagamit ang salita sa kahulugang denotasyon at konotasyon, dapat iisaisip ng
mambabasa na ang mga salitang binabasa niya ay nagtataglay ng iba’t ibang kahulugan.
Nagkakaroon lamang ito ng tiyak na kahulugan kapag nagamit na sa pangungusap. Narito ang
mga katangiang ito ng salita.

1. Nagagamit ang salita sa maraming kahulugan. Ang kabuuang talasalitaan ng isang wika ay
hindi sapat para mabigyang-ngalan o tawag ang milyun-milyong kaisipan, konsepto, kaalaman at
paniniiwala ng kung anu-anong naabot na ng kaalaman ng mga tao, lalo na ngayon naabot na natin
ang ibang planeta.dahil dito, ginagamit ng tao ang isang salita sa iba’t ibang kahulugan upang
makatipid at huwag nang manghiram o lumikha ng salita. Gayunpaman, nagkakaunawaan pa
nabubuonlamang kapag ginagamit na ito sa pangungusap.

Hal.
1. lumubog na ang araw. (sun)
Anong araw ngayon? (day)

2. May mga salitang ginagamit na idyoma. Ang idyoma ay pahayag na hindi literal ang
kahulugan ng mga salita o di-tuwiran ang kahulugan . kaya upang maunawaan ang kahulugan ng
idyoma, dapat kunin ang panlahat na kaisipan o kahulugan ng ipinapahiwatig ng kabuuang
pahayag.

Halimbawa:
1. Mababaw ang luha ng guro namin. (madaling umiyak)
2. Hindi siya sanay na maglubid ng buhangin. (magsinungaling)

May mga salitang ginagamit na tayutay.Tinatawag din itong patalinhagang pahayag. May
kagulugan itong konotasyon. Ang tayutay ay isang pahayag na sadyang lumilihis sa karaniwang
paraan ng pagpapahayag nang ang pahayag ay magawang maganda at kaakit-akit.

1. Pagbibigay-katauhan (Personification). Pahayag ito na ang mga karaniwang bagay ay

ginagawang paraang tao sa pamamagitan ng pagsasalin sa mga ito ng mga katangian at
kakayahaan ng tao. Nagagawa ang pagsasaling ito sa paggamit ng pandiwa at pangngalan sa
pahayag.
Hal. Hingal na hingal kami ng datnan namin ang paa ng bundok. (pangalan ang paa na
kakanyahan ng taong ibinigay sa bundok)

2. Pagtutulad (Simile). Sa pahayag na ito, dalawang bagay na magkaiba ang pinaghahambing at

dito ay ginagamit ang mga salita o pariralang tulad (katulad) ng, para (kapara) ng, animo ay, anaki
ay,, wangis(kawangis) ng at iba pang katulad nito.
Hal. Anaki’y maliit na uli-uli ang biloy sa pisngi ng dalga.

3. Pagwawangis (Methapor). Tuwiran o tiyakan itong paghahambing ng dalawang bagay na

magkaiba kaya hindi na gumagamit ng mga panulad na gaya ng pagtutulad.
Hal. Leon sa bagsik ang tatang mo.
4. Pagmamalabis (Exaggeration; Hyperbole). Sapahayag na ito sadyang pinalalaki o pinaliliit
ang katanian o kahalayan ng tao, bagay o pangyayari.
Hal. Nakalulusaw ang matalim siyang irap.

5. Pagtawag (Apostrophe). Dito,kinakausap na parang tao ang mga bagay o ang isang tao na
parang naroroon at kaharap gayong wala naman.
Hal. Tukso, layuan mo ako!

6. Pagsalungat (Oxymoron). Pahayag ito na gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat ng

kahulugan.
Hal. Ikaw ang simula at wakas ng buhay ko.

7. Pabaligho (Paradox). Pahayag ito na tila labag sa batas ng kalikasan ngunit kapag
ipinaliwanag ay makikita ang katotohanang taglay nito.
Hal. Umuunlad ang bayan dahil sa katamaran ng tao. (Naimbento ang mga makabagong
kagamitan bilang tugon sa mga gawaing kinatatamaran ng tao.)

8. Pag-uyam (Irony, sarcasm). pahayag ito na nangungutya ngunit gumgamit ng pananalitang

kapag kukuning literal ay tila kapuri-puri.
Hal. Napakarunong ninyo, isa man ay walang nakasagot sa tanong.

9. Paglilipat- wika (Tranferred Epithel). Ang mga pang-uring ginagamit lamang sa tao ay
ginagamit sa mga karaniwang bagay.
Hal. Ang ulilang puntod ay tinulusan niya ng kandila.

10. Pagpapalipat- diwa (Metonymy). Sa pahayag na ito, nagpapalit ng ngalan o katawagan ang
bagay na tinutukoy. Ang pagapapalit ng ngalan ay nagagawa sa mga paraang ito.
a. Saisag para sa sinasagisag
Hal. Si Prinsipe Edward ang nagmana ng korona. ( ang korona ay sagisag ng kaharian)

b. Sisidlan para sa isinisilid

Hal. Isang daang bakol ang naani niya sa tumana.(bakol sa halip na kamatis o anuman)

11. Pagpapalit- saklaw (Synechdoche). Nagpapalit din ang ngalan o katawagan ang bagay ngunit
sa mga paraang ito:
a. Pagbanggit sa bahagi halip sa kabuuan.
Hal. Huwag ka nang tutungtong pa sa aming hagdan. (hagdan sa halip na bahay)

b. Isang tai na kumakatawan sa isang pangkat. Ang tao ay maaaring hango sa Biblia, kasaysayan,
literak na mito.
Hal. May mga Magdalenang nakakalat sa kalsada kapag kumagat na ang dilim (mula sa Biblia)
SUBUKIN NATIN

Panuto: Sumulat ng talata na gumamit ng mga idyoma

PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 35%
Gramatika 30%
Paggamit ng tamang bantas 20%
Kalinisan at kawastuhan 15%
Kabuuan 100%

____________________________________________________________________________

__________________________________

____________________________________________________________________________
Tuklasin Natin Ito

MGA URI NG PAGBASA

Ayon sa layunin, ang pagbasa ay maaaring masusuing pagbasa at masaklaw na pagbasa.

Ang masusing pagbasa ay maingat at puspusang pag-unawa sa isang aralin o teksto. Maaaring ito
ay bahagi ng tula, maikling kwento, sanaysay ay iba pang akda at nauukol sa mapanuring pag-
aaral sa nilalaman at kayarian ng teksto.

Samantalang ang masaklaw na pagbasa ay karaniwang itinakda ng guro nang maaga at ginagawa
sa labas ng silid- aralan. Maaring ito ay ang buong maikling kwento, kabanata ng nobelo o isang
drama kaya nakatuon ang pag-unawa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na mga detalye ng
akda.

Ayon naman sa paraan ng pagbasa. Ito ay mauuri sa tahimik na pagbasa (silent reading) at ang
pasalitang pagbasa(oral reading). mata lamang ang ginagamit sa tahimik na pagbasa at walang
tunog o pasalitang ginagawa. Ang pasalitang pagbasa naman ay gumagamit din ng bibig bukod sa
mga mata kaya may tunog at pagsasalita. Ang pasalitang kung may tagapakinig na nais makihagi
sa pagpapakahulugan ng mga salitang binabasa.
Maaari ring uriin ang pagbasa ayon sa paraan, sa mabagal na pagbasa at mabilis na pagbasa, sa
mabagal na pagbasa, kailangag basahing isa-isa ang lahat ng mga salita sa akda; sa mabilis na
pagbasa na tinutukoy na Ingles na scanning at skimming, binabasa lamang ang mga tiyak na
impormasyon.
SINING NG PAKIKKIPAGTALASTASAN

MODYUL 6

1 SEMESTER- Week 11 - PAGBASA

Sanggunian: Sining ng Pakikipagtalastasa, Alcomtiser P. Tumangan, et al.
Pahina: 105-107
Paksa: Mga kasanayan sa pagbasa, ang pormulang SM3B sa pagbasa

1. Layunin

Kaalaman 1. Nasusuri ang katangian at uri ng pagbasa,

Apektibo 2. Nabibigyang-unawa ang kasanayan ng pagbasa, at
Saykomotor 3. Nakapagsasagawa ng gawain na may kasanayan sa pagbasa.

2. Tuklasin 1:

MGA KASANAYAN SA PAGBASA

Nagtala sina Smith at Dechant ng ilang kasanayan sa pagbasa o ibinubunga sa mambabasa ng
kasanayan sa pagbasa.

1. Pagkikila sa salita. Nagiging pamilyar sa paningin ng sanay mambasa ang mga salitang paulit-
ulit niyang natutunghayan sa binabasang mga teksto o aklat kaya. Malaki ang naitutulong nito sa
pag-unawa sa pagbasa.

2. Pag-unawa sa salita. Nagiging mahusay umunawa sa kahulugan ng mga salita ang sanay
magbasa. Ang isang mapagbasa ay kaibigang matalik ang diksyunaryo na kanyang sinasangguni
kapag nakakkatagpo ng mga bagong salita sa akdang kanyang binabasa.

3. Tulin sa pagbasa nang tahimik. Kapag nasanay na siyang bumasa, mawiwili na siyang magbasa
at sa paulit-ulit niyang pagbabasa, uunlad din ang tulin niyang bumasa.

4. Yumayaman ang talasalitaan. Sa pagbasa, nakakatagpo siya ng mga bagong na kapag

nauunawaan niya ang kahulugan ay nagagamit niya sa pagpapahayag at nagiging talasalitaan na
niya. Maaaring sadyain niya ang pagpapayaman sa kanyang bokabularyo na habang siya ay
nagbabasa ay nagtatala siya sa isang kuwadernong mga bagong salita na aalamin niya ang
kahulugan at gagamitin lagi na sa kanyang mga pagpapahayag.

5. Nagiging mapanuri sa pagbasa at pagpapahalaga. Higit na nagiging mapanuri at nagpapahalag

sa binabasa ang isang sanay sa pagbabasa. Nagiging mapili siya sa mga aklat na binabasa bunga
nito. Lalo ring humuhusay ang pag-unawa niya sa kanayang binabasa habang inuugali niya ang
pagsusuri at pagpapahalaga.

6. Sanay bumasa sa pagita ng mga linya. (reading between the lines). nasasabi niya ang natatagong
kahulugan o pahiwatig na kahulugan sa binabasang mga pangungusap.

7. Nakapagsusuri ng mga materyal upang makuha ang mga pangunahing kaisipang at layunin sa
pagbasa.

8. Maliwanag na pagbasang pasalita.

9. Natututong gumait ng graph, mapa, at tsart.

10. Marunong gumamit ang aklatan at mgs sanggunian aklat.

Tuklasin Natin Ito

ANG PORMULANG SM3B SA PAGBASA

Isang paraan ng pagbasa madalas gamitin ng mahuhusay mambabasa ay ang tinatawag na

pormulang SM3B.

Ang S sa pormula ay nangugnuhulugan ng survey na binubuo ng tatlong gawain gaya ng; 1.balik-
gunita sa ating nalalaman kaugnay ng paksang babasahin;
2.pagkilala sa mensaheng ibig ipahatid ng awtor;at
3. pagpapasa sa layunin natin sa pagbasa.

Ang M sa pormula at magtanong. Pagkatapos ng sarbey, magtanong ng mga nais mong malaman
sa teksto. Mahalaga ang mga tanong na sino, saan, ano, kailan, paano, at bakit.

Ang B1 ang unang pagbasa. Simulang basahin ang teksto pagkatapos na mapili ang pamaraang
angkop sa layunin mo. Masaklaw bang pagbasa ang gagawin mo o masinsinang pagbasa.? sagutin
na ang mga tanong na ginawa mo at nais mong masagutan sa pagbasa.

Ang B2 ay balik-basa. Basahing muli ang teksto upang matiyak kung nakuha ang mga kasagutan
sa mga tanong. Ang pagtiyan na paggunita sa mga natutunan ay nakatutlong upang mabasa ang
iyong pantanda o memorya.

Ang B3 ay buod. Ayusin ang mga detalyeng napili upang magamit sa maayos na pag-uulat. Ang
paggawa ng buood sa binasa ay katiyakan na naunawaan ang binasa. Nakatutulong sa paggawa ng
buod o lagom ang paggawa ng balangkas ng binasa.

Gawain 1
Panuto: Padulang basahin ang tulang. “Buwan, Buwan, Mag-usap Kata.”at sagutin ang mga
tanong.

PAMANTAYAN NG KOMENTO

Pamantayan Napakahusay Mahusay (9) Di-gaanong

(10) Mahusay (8)
Nilalaman Lubusang Nagpakita ng Simpleng
naipakita ang pasasalamat at pasasalamat at
pasasalamat at pagpapahalag pagpapahalaga
pagpapahalaga a para sa para sa
para sa magulang magulang ang
naipakita
Paggamit ng Walang mali sa May 1-3 May apat o
mga Salita paggamit ng salita maling higit pang
paggamit ng pagkakamali
mga salita sa paggamit
ng salita.
Paggamit ng Walang mali sa May 1-3 May 4 o
Bantas paggamit at wasto maling bantas mahigit pang
ang lahat ng ang paggamit maling bantas
bantas. nito. ang paggamit
nito.
Kalinisan at Wastong-wasto at May 1-2 Hindi mabasa
Kaayusan napaakalinis ng bura/dumi sa at mat 3 o
pagkasulat. pagkasulat. higit na
bura/dumi sa
pagkasulat.

BUWAN, BUWAN, MAG-USAP KATA

Ni Alcomtiser P. Tumangon

Isang gabing maliwanag ang buwan,

Ngunit inuulap naman ang aking isipan
Ay humihibik akong nanawagan:
“Buwan … buwan, hulugan mo ako ng sungang!”
Sinagot ako ng ng buwan:
“Aanhin mo ang sundang?”
“Ipambibiyak ko ng tiyan!”
“kaninong tiyan?”
“ Sa tiyan ng buwaya at pating sa katihan.”
”At bakit naman?”
“pagkat nilamon nila ang tuyo ko’t nilugaw
Kaya pati mag-ina ko sa gutom ay nangamatay!”
Nangaral sa akin ang buwan:
“Juan Tamban, ang paghatol ay sa Lumikha,
At ang sa patalim umaasa
Sa patalim din humahangga;
Ang sa iyo ngayon ay magtiis,
Patatagin ang sarili sa paghibik,
Magbaluti sa katawan ang pag-asa
At umasam na may tuwa
Sa pangakong di-nasisiraan
Ng Makapangyarihang Ama!’
Sa kabilugan ng buwan
Nakita ko ang nakangiting mukha ng Maykapal.

Mga Tanong
1. Sang-ayon ka ba sa ibig gawin ni Juan Tamban? Bakit?
_______________________________________________________________________________

________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ng pasulat: “ Ang nabubuhay sa patalim, sa patalim din namamtay.”

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________

3. Ano ang payo ng Buwan kay Juan Tamban? Sang-ayon ba kayo rito? Bakit?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________

4. Ikaw, ano ang maipapayo mo kay Juan Tamban?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
___________________________________________
SINING NG PAKIKKIPAGTALASTASAN
MODYUL 7

I SEMESTER- Week 12 - PAGSULAT

Sanggunian: Sining ng Pakikipagtalastasa, Alcomtiser P. Tumangan, et al.
Pahina: 138 - 140
Paksa: Pagsulat: Kahulugan at kahalagahan, mga uri ng pagsusulat, ilan sa paraan ng
pinatnubayang pagsulat

1. Layunin

Kaalaman 1. Naipapaliwanag ang kahulugan, kahalagahan, uri ng paraan ng pinatnubayang

pagsulat,
Apektibo 2. Napapahalagahan ang kaalaman nakapaloob sa paksa, at
Saykomotor 3. Naisasagawa ang mga gawain na may kasanayan sa pagbasa.

2. Tuklasin 1:

PAGSULAT: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN

Ang pagsualt ay ang kasanayanng isatitik ang nais ipaalam ng isang tao sa iab. Nais ipalam ng
isang taoo ang kanayang nalalaman sa maraming tao na hindi niya kayang kausaping lahat,
Pagsulat nito ang kanyang ginagawa. Myroon namang nais ipaman sa salinglahi ang kaalaman at
mga karanasan niya, kaya sumusulat ng aklat. Ganito rin ang dahilan kung bakit isinisulat ang
kasaysayan; upang maipaalam ang mga nangyari sa bansa sa mga darating na henerasyon ng lahi.

MGA URI NG PAGSULAT

1. Ginagamit ang pagtuturo ng malayang pagsulat sa mga mag-aaral na sanay sa paggamit ng

wika. Tumutulong na lamang ang guro sa mga pagababalak at sa dapat gawi ng mag-aaral para
maisulat ang sulatin sa labas ng silid-aralan karaniwang ginagawa ang malayang pagsulat.

2. Ang patnubayang pagsulat naman ang paraang ginagamit sa pagtuturo ng pagsulat sa mga mag-
aaral na hindi pa gaanong sanay gumamit ng wika. Kailangan pa ng patnubay ng guro upang
maisulat ang kanyang iniisip at nadarama. Ito’y ginagawa sa loob ng silid-aralan na naroon ang
gurong gagabay sa pagsulat ng mag-aaral.Payak ang mga paksang isinusulat sa pinatnubayang
pagsulat.

3. Tuklasin 2:

ILAN SA PARAAN NG PINATNUBAYANG PAGSULAT

1. Pagsagot sa mga tanong na may maayos na pagkasunud-sunod.

Hal.
Ang Paboriyo Kong Guro
1. Ano ang pangalan ng guro mo?
2. Ilan ang gulang niya?
3. Saan siya nagtapos ng pag-aaral?
4. Anong karunnungan ang natapos niya?
5. Saan siya nagtuturo?
6. Ano ang itunuro niya?
Ang Paborito Kong Guor
Ang paborito kong guro ay si G. Alberto Rivero. Siya ay 24 na taong gulang na. Nagtapos siya ng
pag-aaral sa Far Easren University. Nagtapos siya ng BSE at Master in Education major sa
Filipino at minor ng History. Nagtuturo siya ngayon ng Filipino sa Pilippines Wweyan-
Philippines.

2. Pagsulat ayon sa balangkas sa pisara.

Isususlat ng guro sa pisara ang balangkas ng isang tiyak na paksa. Maaaring bago pasulatin ang
mag-aaral ay magkakaroon muna ng pasalitang pagpapahayag ang ilang pag-aaral.

Halimbawa.
Ang Aking Pamilya
I. Miyembro ng aking Pamilya
A. Si Tatay
B. Si Nanay
C. Si KuyaNarding
D. Ako
E. Si Lilet
II. Gawain ng bawat isa sa bahay
A. Si Tatay
1. Naghahanapbuhay
2. Kung Sabado at Linggo, katulong ni Nanay sa paglalaba.
B. Si Nanay
1. Tagaasikaso ng pangangailangan ng pamilya.
2. Naglluluto
3. Naglalaba
C. Si Kuya Narding
1. Tagalinis ng bahay
2. tagalinis ng bakuran
D. Ako
1. Katulong ni Inay sa pag-uurong
E. Si Lilet
1. Nagpupunas ng mga gamit sa bahay

Maari itong sulatin ng dalawang talata. Ang unang talata ay pagpapakilala sa mga miyembro
ng pamilya. Maaaring banggitin ang kanilang mga edad. Ang ikalawang talata ay iukol sa
paliwanag sa mga gawani ng bawat isa sa bahay.

3. Pagsulat ng buod ng isang komposisyon.

Babasahin ng guro ang isang halimbawang komposisyon. Ipasusulat ng guro sa mga mag-aaral
ang buod ng komposisyon. Maaaring itakda ang haba ng susulating buo.

4. Pagsulat ng komposisiyon ayon sa larawan o serya ng mga larawan.

Magpapakita ang guro ng isang larawan o serye ng mga larawang may inihayag na istorya,
ipasusulat ng guro sa mga mag-aaral ang istoryang inihahayag sa larawan/ mga larawan

5. Pagsulat mula sa pamaksang pangungusap.

Ibibigay ng guro ang pamakksang pangungusap (topic sentence) ng isang talata. Pasusulatin
ng talata ang mga mag-aaral batay sa paamakksang pangungusap.

6. Pagsulat mula sa buod.

Magbibigay ang guro ng isang maikling buod ng isang akda. Palawakin ang mga mag-aaral ang
buod para sumulat ng isang komposisyon.
Gawain
A. Panuto: Pumili ng isang larawan at gumawa ng komposisyon hingil dito.

A - Napakahusay
B - Mahusay
C - Hindi mahusay
D - Paunlarin
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Estilo ng pagsusulat
Wasto at angkop na gamit ng gramatika at retorika
Hikayat at kawilihan
Kalinisan at kaayusan

_____________________________________________________________________________

.

_____________________________________________________

You might also like