You are on page 1of 3

Hulyo 25, 2019

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8


Grade 8-Mendel/8-Linnaeus
I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, inaasahan sa mga mag aaral ang mga sumusunod:
a. Naiisa-isa ang mga lungsod-estado at imperyong naitatag sa kabihasnang
Mesopotamia;
b. Naipapaliwanag ang mga mahahalagang pangyayari sa mga lungsod-estado at
imperyong naitatag sa kabihasnang Mesopotamia; at
c. Naitatala ang mga nagawa ng mga pinuno at naiambag ng mga lungsod-estado
at imperyong naitatag sa kabihasnang Mesopotamia.
II. Nilalaman
 Paksa: Ang Pagsisimula ng Kabihasnan sa Daigdig (Kabihasnang Mesopotamia)
 Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig Modyul p. 57-58 67-70
 Mga Kagamitang Panturo: manila paper, pentel pen, aklat, mga larawan
III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
*Panalangin
*Pag-iisa-isa ng liban sa klase
*Balik-aral
Anu-ano ang mga yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga sinaunang tao?
2. Pagganyak
WORD MATCH: Hanapin ang mga salita sa loob ng kahon at iugnay ito sa mga
larawan na ipapakita ng guro.

Ziggurat
Hanging Gardens of Babylon
Cuneiform
Cyrus the Great
Tanong:
1. Tungkol saan kaya ang mga larawan?
2. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa kabihasnang Mesopotamia?
3. Gawain
K-W-L (Know-What-Learned)
Pasasagutin sa mga mag-aaral ang KWL Chart upang malaman ng guro ang
kanilang kaalaman sa paksang tatalakayin.
Mga Tanong:
1. Anu-ano ang iyong alam tungkol sa Kabihasnang Mesopotamia? (KNOW)
2. Ano ang gusto niyong malaman tungkol sa Kabihasnang Mesopotamia? (WHAT)
3. Anu-ano ang mga natutunan ninyo tungkol sa Kabihasnang Mesopotamia?
(LEARNED)
Kabihasnang Mesopotamia
Know What Learned

4. Paglalahad
Mga gabay na tanong:
a. Anu-ano ang mga lungsod-estado at imperyong naitatag sa Kabihasnang
Mesopotamia?
b. Paano nagsimula at nagwakas ang mga lungsod-estado at imperyong naitatag
sa Kabihasnang Mesopotamia?
c. Paano nakatulong ang mga ginawa ng mga pinuno at mga naimbento para
maitaguyod ang kabihasnang Mesopotamia?
5. Paglalahat
Ano na ang iyong alam tungkol sa kabihasnang Mesopotamia?
Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?
Paano nakatulong ang mga naiambag ng mga tao sa kabihasnang Mesopotamia at
sa kasalukuyang kabihasnan?
6. Aplikasyon
Kumpletuhin ang impormasyon tungkol sa kabihasnang Mesopotamiaupang
makumpleto ang pangungusap.
1. Ang Mesopotamia ay maituturing na kabihasnan dahil
___________________.
2. Nakatulong ang mga pinuno ng kabihasnang Mesopotamia para maitaguyod
ang kanilang kabihasnan dahil ____________________________________.
3. Mahalaga ang mga naiambag ng kabihasnang Mesopotamia dahil
_______________________________________.
7. Pagtataya
COMPLETE IT! Kumpletuhin ang pangalan na tinutukoy na pook o tao. Isulat
ang akmang mga letra para mabuo ang salita.
1. Mga unang lungsod estado ng Mesopotamia. S_______________.
2. Unang imperyong itinatag sa daigdig. A__________________.
3. Kabisera ng Imperyong Bablonia. B_______________.
4. Imperyong naitatag ni Nabopolassar. C___________.
5. Tawag sa mga lalawigang bumuo sa Persia. S______________.
6. Imperyong naitatag pagkatapos ng Babylonian. A___________.
7. Ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia. N___________.
8. Kinilala bilang isa sa Seven Wonders of the Ancient World. H_______ G_______.
9. Ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. C___________.
10. Naging pinuno ng lungsod ng Babylon. H___________.

IV. Takdang-Aralin
Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Kabihasnang Indus.

You might also like