You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


 Nasusuri ang sinaunang kabihasnan ng Ehipto, Mesopotamia, India at Tsina batay sa
pulitika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan. (MELC5)

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
1. Nasusuri ang limang (5) kabihasnang umusbong sa daigdig at ang heograpiya nito;
2. Nakagagawa ng “geography checklist” ayon sa paksa;
3. Napahahalagahan ang mga katangiang heograpikal ng mga sinaunang kabihasnan.

II. NILALAMAN
1. Paksa: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
2. Kagamitan: modules, MELC; power point presentation; video, ballpen at papel
3. Sanggunian: Unang Markahan – Modyul 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020
4. Values Integration: Nabibigyang halaga ang katangiang heograpikal at napapangalagaan ito.

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati ng Guro
c. Pagtatala ng liban
d. Motibasyon – Bidyo Presentasyon
e. Balik-Aral
Batay sa nakaraang paksa, ibigay ang mga lambak-ilog na siyang pinagmulan ng
mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig. Isulat ang mga hinihingi sa sagutang papel.
1. Ehipto -
2. Mesopotamia -
3. India -
4. Tsina –
f. Paglinang ng Aralin
a. Mga Gawain
Panuto: Magbigay ng mga salitang maaring iugnay sa konsepto ng kabihasnan.
Batay sa nabuong concept map, ano ang iyong mahihinuha sa salitang kabihasnan?
Isulat ang sagot sa sagutan papel.

A. Pagtatalakay
1. Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
2. Kabihasnang Indus sa Timog Asya
3. Kabihasnang Tsino sa Silangang Asya
4. Kabihasnan sa Africa
5. Kabihasnan sa Ehipto

B. Pagsusuri (Analisis)
Indibidwal na gawain

Gumawa ng Geography Checklist


Panuto: Suriin ang mga kalagayang pulitika, ekonomiya, paniniwala ng mga kabihasnan.
Lagyan ng kaukulang mga katangian ang bawat aspeto. Isulat sa inyong mga papel.

C. Paghahalaw (Abstraction)
1. Anu ano ang mga kabihasnang umusbong sa daigdig at saan ito matatagpuan?

D. Paglalapat (Aplikasyon)
1. Magtala ng mga mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng konsepto ng
kabihasnan sa inyong lugar. Isulat ito sa inyong mga papel.
2. Para sa iyo, alin sa mga katangiang heograpikal ang nararapat na mapangalagaan
at bakit?

IV. PAGTATAYA / EBALWASYON


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ito ay nangangahulugang “sa pagitan ng dalawang ilog”.
2. Ito ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok.
3. Ito ay nangangahulugang middle kingdom.
4. Ilog kung saan nagmula ang sinaunang kabihasnan sa Africa.
5. Ito ay nangangahulugang “gitna”.

Susi sa Pagwawasto:
1. Mesopotamia 2. Timog Asya
3. Zhongguo 4. Nile River 5. Meso

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Paano nagsimula at nagwakas ang kabihasnang Mesopotamia?
2. Sinu-sino ang mga pinunong namamahala sa imperyo?
3. Ano ang naging paraan ng kanilang pamamahala?

You might also like