You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education – Region III Central Luzon

DIVISION OF CITY OF SAN FERNANDO

Self-Instructional Packets (SIPacks)


Araling Panlipunan Grade 7
Quarter 1 – WEEK 2
A. Pamantayang Pangnilalaman (Content Standards):
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang Asyano.

B. Pamantayan sa Pagganap (Performance Standards):


Ang mag-aaral ay malalim na nakapag uugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at tao sa
paghubog ng sinaunanang kabihasnang Asyano.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto/ Most Essential Learning Competencies


MELC No. 1 Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko: Silangang Asya, Timog-
Silangang Asya, Timog-Asya, Kanlurang Asya, Hilagang Asya at Hilaga/Gitnang Asya
D. Layunin (Objectives):

1. Nailalahad ang kahulugan ng kontinente.


2. Naiisa-isa ang limang kontinente.
3. Natutukoy ang limang rehiyon ng Asya.

I. NILALAMAN (Content): Ang Konsepto ng Asya at Limang Rehiyon Nito


Kagamitang Panturo (Learning Resources)
A. Sanggunian (References)
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro (TGs): TG p. 36-39/ 42-55
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-mag-aaral (LMs): LMs p. 11,16-17
3. Mga pahina sa Teksbuk (Other references):
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resource:
5. Iba pang pinagkuhanang sources:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Borneo_rainforest.jpg
http://www.xinhuanet.com/english/2019-08/29/c_138348383.htm
https://www.britannica.com/place/Banaue-rice-terraces
https://www.aa.com.tr/en/energy/international-relations/littoral-states-agree-on-caspian-sea-status/21220
https://missomana.tumblr.com/image/51848526498
https://www.pinterest.ph/pin/201113939586135732/

B. Iba pang Kagamitang Panturo: mga larawan, sagutang notebook

II. PAMAMARAAN (Procedures):

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Subukin):


Paunang Pagsusult (Pretest)

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi tumutukoy na paglalarawan at paghahambing ng sukat at laki ng Asya
sa ibang kontinente ng mundo?
A. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa at Antartica
B. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog America
C. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa nang apat na beses ng laki nito
D. katumbas nito ang ikatlong (1/3) na bahagi ng kabuuang lupain sa mundo

2. Anong bansa ang hindi kabilang sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya?


A. Indonesia B. Pilipinas C. South Korea D. Vietnam

3. Ilang bahagdan ng kabuuang lupain sa mundo ang saklaw ng buong sukat ng Asya?
A. 1/3 B. 1/4 C. 1/8 D. ½

4. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo?


A. kapatagan B. kontinente C. kapuluan D. rehiyon
Page 1 of 7
5. Ilan ang kontinente ng mundo?
A. 4 B .6 C. 5 D. 7

B. Paghahabi sa layunin ng aralin (Panimula)


Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na iyong matututuhan ang sumusunod:
1. mailahad ang kahulugan ng kontinente.
2. maisa-isa ang limang kontinente.
3. matukoy ang limang rehiyon ng Asya.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Gawain 1: Loop A Word(LMs pahina 11)

Ang gawaing ito ay susubok sa iyong kakayahang humanap ng mga salitang bubuo sa iyong kaisipan ukol sa
paksa, at kung paano mo ito bibigyang kahulugan. Sa pamamagitan nito ay makakabuo ka ng mga pangungusap
o paglalahad na may kaugnayan sa Asya at sa pisikal na katangian nito.

Mula sa kahon ay hanapin mo, sa anumang direksyon, ang salita na tinutukoy sa bawat aytem. Bilugan ito at
isulat sa guhit bago ang bilang.

H I B L D K T E K M A L P I N
E K A P A L I G I R A N I P K
O R U S N A B I L H G A S Y A
G I W L E T S A P U N B I A B
R K O N T I N E N T E P K H I
A S B I N U T R A S G I A O H
P O B A H U R O N A N G L B A
I S U N U G N A Y A N I P I S
Y N I S B A S E L Y I T E S N
A K T R O S T Y A D O P S T A
N I B A S W E T R K Y O P E N

1. Bigkis o tulungan para sa kapwa kapakinabangan


2. Ang pangunahing tagalinang ng kapaligiran para sa kabuhayan
3. Kalikasan, ang ekolohikal na komposisyon ng daigdig
4. Maunlad na yugto ng kulturang panlipunan, moral at kultural
5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo
6. Katutubo o tagapagsimula
7. Pag-unawa at paghanga sa sining, kaugalian, paniniwala, gawaing panlipunan, edukasyon, relihiyon at
siyentipiko
8. Ang malaking masa ng lupain sa mundo
9. Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon
10. Katangiang nakikita at nahahawakan

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1 (Paglinang/ Alamin


Mo/Paunlarin)

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin
ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang
ideya tungkol sa Asya.Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang
masagot ang mga sumusunod na gawain. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba.

ANG KONSEPTO NG ASYA


Heograpiya ang agham na nag-aaral tungkol paglalarawan sa
ibabaw ng mundo, ang pagkakahati nito sa mga kontinente at
bansa, ang klima, behetasyon (vegetation), likas na yaman, at
maging ang mamamayan.
Kontinente ang tawag sa pinakamalaking masa ng lupain sa
mundo. Mayroong pitong kontinente ang mundo kung saan
ang Asya ang pinakamalaki. Ang Africa, North America, South
America, Antarctica, Europe at Australia ang anim na
iba pang kontinente na sumasakop sa dalawang katlo (2/3) ng
kalupaan ng mundo.

Page 2 of 7
Paraan ng Pagtukoy ng Lokasyon ng isang Kontinente o Bansa
1. latitude- distansyang angular na tumutukoy sa hilaga o timog ng equator
2. longitude- distansyang angular na tumutukoy sa silangan o kanluran ng prime meridian
3. equator- zero-degree latitude at humahati sa globo
4. prime meridian- tumutukoy sa zero-degree longitude
• Asya- pinakamalaking kontinente sa buong mundo. Tinagurian ding melting pot of cultures.
• Nahahati ito sa limang rehiyon: Hilaga, Kanluran, Silangan , Timog at Timog- Silangan

Limang Rehiyon ng Asya

1. Hilagang Asya- kilala rin ito bilang Central o Inner Asia. Ang mga bansang bumubuo ditto ay ang mga ss:

Bansa Capital
1. Kazakstan Astana
2. Kyrgyzstan Bishkek
3. Tajikistan Dushanbe
4. Turkmenistan Ashgabat
5. Uzbekistan Tashkent

2. Kanlurang Asya- karamihan ng mga bansang kabilang dito ay mga Muslim. Ang mga bansang bumubuo dito ay
ang sumusunod

Bansa Capital

1. Armenia Yerevan
2. Azerbaijan Baku
3. Bahrain Manama
4. Cyprus Nicosia
5. Georgia T’bilisi
6. Iran Tehran
7. Iraq Baghdad
8. Israel Jerusalem
9. Jordan Amman
10. Kuwait Kuwait City
11. Lebanon Beirut
12. Oman Muscat
13. Qatar Doha
14. Saudi Arabia Riyadh
15. Syria Damascus

Page 3 of 7
16. Turkey Ankara
17. United Arab Emirates Abu Dhabi
18. Yemen Sana á

3. Silangang Asya- Ang mga bansang bumubuo dito ay ang mga ss:

Bansa Capital
1. China Beijing
2. Japan Tokyo
3. North Korea Pyongyang
4. South Korea Seoul
5. Mongolia Ulaanbaatar
6. Taiwan Taipei

4. Timog Asya- Ang mga bansang bumubuo dito ay ang mga ss:

Bansa Capital
1. Afghanistan Kabul
2. Bangladesh Dhaka
3. Bhutan Thimpu
4. India New Delhi
5. Maldives Male
6. Nepal Kathmandu
7. Pakistan Islamabad
8. Sri Lanka Colombo

5. Timog- Silangang Asya- nahahati ito sa mainland at insular Southeast Asia. Ang mga bansang bumubuo dito ay
ang mga ss:

Bansa Capital
1. Brunei Bandar Seri
2. Cambodia Phnom Penh
3. Indonesia Jakarta
4. Laos Vientiane
5. Malaysia Kuala Lumpur
6. Myanmar Yangon
7. Philippines Manila
8. Singapore Singapore
9. Thailand Bangkok
10. Timor- Leste Dili
11. Vietnam Ha Noi

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Paglinang/ Alamin


Mo/Paunlarin)

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ilarawan ang kontinente bilang anyong lupa.
2. Paano natutukoy ang lokasyon at kinaroroonan ng isang kontinente o ng isang bansa?
3. Ilan ang kontinente ng daigdig?
4. Anong kontinente ang pinakamalaki ang sukat?
5. Anong kontinnte ang may maliit ang sukat?
Page 4 of 7
F. Paglinang sa Kabihasnan( Gawin Mo/ Pagyamanin)
I. TAMA o MALI
Panuto: Tukuyin mo kung tama o mali ang bawat pahayag.
____________ 1. Pinag-aaralan sa heograpiya ang pagkakahati ng daigdig sa mga kontinente, rehiyon at bansa.
____________ 2. Saklaw ng Asya ang 2/3 ng kabuuang lupain ng mundo.
____________ 3. Kontinente ang pinakamaliit na dibisyon ng lupa sa mundo.
____________ 4. Ang Asya ay tinawag na asu o silangan.
____________ 5. Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo.

II. Rehiyon Ko! Itala Mo!


Panuto: Isulat mo sa loob ng mga ulap ang mga rehiyon sa Asya na iyong natutunan sa ating aralin ayon sa
Silanganing Pananaw. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Gawin Mo/ Pagyamanin)


(Tunghayan sa huling pahina)

H. Paglalahat ng Aralin (Tandaan Mo/ Pagyamanin at Isaisip)


• Heograpiya ay tumutukoy sa katangiang pisikal ng daigdig. Ang bawat salik nito gaya ng kapaligirang
pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, vegetation cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong
tubig, klima, at likas na yaman ng isang lugar ay nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad
ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa kanilang kabuhayan.
• Kontinente ay ang pinakamalaking masa ng lupain sa mundo.Binubuo ito ng Asya, frica, Hilagang
Amerika, Timog Amerika, Antartica at Australia.
• Ang Asya rin ang pinakamalaki sa sukat. Hindi nakapagtataka na maraming magkakaiba ang lahi,
kultura at relihiyon ng mga tao dito.Sa kabila ng pagkakaiba ay dapat magkaisa pa rin ang bawat
Asyano.
• Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon; Hilaga, Timog, Kanluran, Silangan at Timog- Silangang
Asya.

I. Pagtataya ng Aralin (Natutuhan Ko/ Isagawa)


(Tunghayan sa huling pahina)

J. Karagdagang Gawain at Remediation

Gawain 1: Magsip-Isip!! Panuto: Punan ang hinihinging impormasyon sa kahon.

Bansa Capital
1. Indonesia
2. Dhaka
3.Lebanon
4. Tashkent
5. Philippines
6.Afghanistan
7.North Korea
8. Abu Dhabi
9. Kyrgyzstan
10.Thailand

Page 5 of 7
Araling Panlipunan Grade 7
Lingguhang Pagsusulit at Aplikasyon (Written & Performance Task)
Quarter 1 – Week 2 (School Year 2021 – 2022)

Pangalan: _________________________________ Paaralan: ______________________ Section: ________ Score


PERFORMANCE TASK: Panuto. Kumpletuhin mo ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng pagtatala ng
tatlong halimbawa ng mga bansang kabilang sa bawat rehiyon ng Asya.

Page 6 of 7
Page 7 of 7

You might also like