You are on page 1of 2

Pebrero 11, 2020

Banghay Aralin sa Filipino (Grade 12-Pascal)


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
Kasanayang Pampagkatuto: Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig. F11PB-IIId-9

I. Layunin
1. Nakikilala ang tekstong prosidyural
2. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pahiwatig at kaisipan na nakapaloob sa teksto
3. Nakasusulat ng isang tekstong prosidyural

II. Paksang Aralin


 Paksang Aralin: Tekstong Prosidyural
 Kagamitan: Laptop, marker, kagamitang biswal, powerpoint, aklat
 Sanggunian: Heidi C. Atanacio et al. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
C & E Publishing, Inc.
III. Hakbang sa Pagkatuto

A. Motibasyon

B. Aktibiti: DEMO TEACHING


Pangkatang Gawain: Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Ang bawat
grupo ay may 10 minuto para mag-organisa ng kaisipan. Ipakita at ipaliwanag sa klase.
Pangkat 1 – Proseso ng pagkuha ng pagsususlit
Pangkat 2 - Proseso sa paano magpapayat
Pangkat 3 – Proseso ng pagpapahayag ng pag-ibig
Pangkat 4 - Proseso sa pagluluto ng tinolang manok.

C. Analisis
1. Ano ang napansin ninyo sa mga ipinakita?
2. Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyong ipinakita?
3. Paano inilahad ng pangkat ang impromasyon nakapaloob sa demo teaching?

D. Abstraksyon
1. Bakit mahalalaga ang impormasyon?
2. Bakit may mga impormasyon na kinakailangan gamitan ng proseso?
3. Paano at saan gingamit ang prosidyural o proseso?

Pagbibigay ng Input ng Guro

Ang prosidyural ay isang teksto na kung saan ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod
(proseso) na hakbang na may malinaw hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Ito ay may malinaw o
wastong pagkasunud sunod na hakbang sa paggawa ng isang bagay.

E. Aplikasyon
Panuto: Gumawa ng FLOWCHART kung paano mahalin ang taong hindi kamahal-mahal. Ilahad at ipakita sa
harap ng klase gamit ang pasalitang diskurso sa pagpapaliwanag.
IV. Ebalwasyon
Panuto: Bilang isang mabuting mag-aaral, gumawa o magtala ng proseso kung paano mo madedebelop ang iyong
gawi sa pag-aaral.

V. Takdang Aralin
Maghanda ng maikling pagsusulit. Pag-aaralan ang mga uri ng teksto.

Inihanda ni:

Bb. Dezzelyn B. Balleta


Guro

You might also like