You are on page 1of 2

Oktubre 28, 2019

BANGHAY ARALIN SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO


TUNGO SA PANANALIKSIK
Grade 12-Pascal

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, inaasahan sa mga mag aaral ang mga sumusunod:
a. Naiisa-isa ang mga layunin at nilalaman ng kurso;
b. Nauunawaan ang mga pangangailangan ng kurso;
c. Nalalaman ang sistema ng pagmamarka; at
d. Nasusuri ang paunang kaalaman ukol sa kurso.
II. Nilalaman
 Paksa: Oryentasyon sa Kurso/
 Mga Kagamitang Panturo: laptop, projector

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
*Pagbati
*Panalangin
*Pag-iisa-isa ng liban sa klase
2. Pagganyak
Think – Pair – Share!
Sa isang-kapat na papel, sagutin ang tanong na ibibigay ng guro sa loob ng 1 minuto.
Hahanap ng kapareha ang mga mag-aaral at ibabahagi sa klase ang kanilang pinagsamang
kasagutan ukol sa tanong.
Tanong sa Aralin: Bakit mahalagang pag-aralan ang Heograpiyang Pantao?
3. Gawain
May ipapakitang mga larawan ang guro, ilarawan ang mga ito at iugnay sa aralin.
4. Paglalahad
Mga gabay na tanong:
a. Sabihin kung ano ang ipinahihiwatig ng bawat larawan.
b. Ito ba ay bahagi ng inyong pamumuhay? Paano?
c. Anu-ano ang mga saklaw ng Heograpiyang Pantao? (Gamit ang tsart sa baba,
inaasahan na maipapahayag ng mga bata na ang mga ito ay bahagi ng kultura.
LAHI WIKA RELIHIYON ETNIKO
Negroid
Caucasian
Mongoloid
Australoid
Capoid

5. Paglalahat
Ano ang Heograpiyang Pantao? Anu-ano ang bumubuo sa Heograpiyang Pantao?
6. Aplikasyon
Ang guro ay magtatawag ng mag-aaral na sasagot sa mga sumusunod na
katanungan:
a. Paano mo ipapakita ang pagpapahalaga sa ating wika?
b. Sa paanong paraan maipapakita ang paggalang sa ibang lahi?
IV. Pagtataya
Gagawa ng slogan ang mga mag-aaral ukol sa kahalagahan ng Heograpiyang
Pantao.

V. Takdang-Aralin
Pangkatang Presentasyon: Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Gagawa ng tula ang
bawat pangkat ukol sa Heograpiyang Pantao. Ipaparinig ito sa buong klase.

Inihanda ni

Dezzelyn B. Balleta
Guro

You might also like