You are on page 1of 3

Enero 7, 2020

Banghay Aralin sa Filipino (Grade 12-Pascal)


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa at daigdig
Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
Kasanayang Pampagkatuto: Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto.
F11WG-IIIc-90

I. Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang pahiwatig at kaisipan na nakapaloob sa
teksto.
2. Nakikilala ang tekstong naratibo (narrative) at nakagagawa ng isang halimbawa nito.
3. Nakasusulat ng isang tekstong naratibo.
II. Paksang Aralin
 Paksang Aralin: Tekstong Naratibo (Narrative)
 Kagamitan: Laptop, marker, kagamitang biswal, powerpoint
 Sanggunian: Heidi C. Atanacio et al. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
C & E Publishing, Inc.
III. Hakbang sa Pagkatuto

A. Motibasyon

B. Aktibiti
Pangkatang Gawain: Story Mapping
Ang bawat pangkat ay gagawa ng story mapping batay sa binasang teksto. Ipakita at ipaliwanag pagkatpos ng
ng 15 minuto. Gamitin ang rubrik bilang pamantayan.

Ang Galit ng Alon sa Tinig ni Maria


Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay
ng takot at pangamba sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa naglalakihang hampas ng alon nito.
Si Maria ay isang anak ng isang mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng mga alon, simula
noon ay lagi na siyang pumupunta sa dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay kumakanta ay tila
tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya. Sinabi
ng matanda, na may kapangyarihan ang ginintuang tinig ni Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniya ng pagkahinto
sa paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.
Sa katahimikan ng gabi ay nagwasik ng napakalaking hampas ng alon ang Haring Alon na kumain sa halos
kalahating bahagi ng isla, napakaraming namatay pero hindi pa nakuntento ang Haring Alon muli ay naghampas siya
ng napakalaking alon, nagmadaling tinawag ng isang matanda si Maria sinabi nitong kailangan ng buong mamamayan
ng buong isla ang kanyang makapangyarihang tinig upang tumigil ang Haring Alon.
Nakipag sagupaan ang tinig ni Maria sa hampas ng malalaking alon hindi niya ininda ang hampas ng alon na
bumubugbog sa kaniyang katawan, nang naglaon ay huminto rin ang galit ng Haring Alon, at mula noon ay hindi na
muling humampas ang alon sa dalampasigan ng isla at namuhay ang mga tao ng walang takot at pangamba sa
kanilang puso.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman 20%
Organisasyon 20%
Mekaniks 10%
KABUUAN 50%
C. Analisis
1. Ano ang napasin niyo sa nilalaman ng teksto?
2. Ano ang istilong ginamit ng awtor sa paglalahad ng pangyayari?
3. Paano isinalaysay ang mga kaganapan na nakapaloob sa binasang teksto.

D. Abstraksyon
1. Paano inilahad at ginamit ng awtor ang pagkasunod – sunod na pangyayari?
2. Gaano kahalaga ang mga panyayaring naganap sa tekstong binasa?
3. Ano ang mga hakbang at dapat tandaan sa pagsasalaysay?

Pagbibigay ng Input ng Guro

Ang naratib ay isang tekstong naglalahad ng pagkasunud-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalaysay. Ito ay
maaring ilahad sa pamamagitan ng pagsasalasariling karanasan ng manunulat gayundin sa isang natatanging tao o
pangyayari sa nakalipasna panahon.
Maaring sabihin na ang tekstong ay isang narativ kung ito ay:
- isang informal na nagsasalaysay na para lang nagkuwento ng isang bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan
- magaang basahin, madaling unawain at maaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan, eksena at
mga detalye ng mga pangyayari at
- nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ng tekstong narativ at ng isang matibay na katapusan o
kongklusyon

E. Aplikasyon
Story Telling (Dugtungang Pagsasalaysay)
Panuto: Ang guro ay magsisismula ng isang kwento at dudugtungan ng mga mag-aaral para makabuo ng
isangpangyayari o kwento.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Lebel PAMANTAYAN: Katangian ng sinulat na komposisyon Puntos

Napakahusa *Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye 10


y *Malinaw ang intensiyon at nilalaman ng teksto
*Gumamit ng wastong bantas
Mahusay *May kaisahan at may sapat na detalye nakabatay sa tunay na pangyayari 8
*May malinaw na intensiyon sa pagpapahayag
*Gumamit ng wastong bantas
Katamtaman *Konsistent, may kaisahan , kulang sa detalye 5
*Di-gaanong malinaw ang intensiyon
*Gumamit ng wastong bantas
Mahina *Hindi ganap ang paglalahad ng mga detalye 4
*Di-malinaw ang intensiyon
*Hindi wasto and bantas na ginamit
Napakahina *Hindi buo at konsistent, walang sapat na na detalye 1
*Malabo ang intensiyon
*Di-wasto ang bantas

IV. Ebalwasyon
Panuto. Ayon sa larawan, sumulat ng narativ ayon sa pagkasunod-sunod na pangyayari. Gamitin ang pamantayan
sa pagmamarka.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Lebel PAMANTAYAN: Katangian ng sinulat na komposisyon Puntos

Napakahusa *Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye 10


y *Malinaw ang intensiyon at nilalaman ng teksto
*Gumamit ng wastong bantas
Mahusay *May kaisahan at may sapat na detalye nakabatay sa tunay na pangyayari 8
*May malinaw na intensiyon sa pagpapahayag
*Gumamit ng wastong bantas
Katamtaman *Konsistent, may kaisahan , kulang sa detalye 5
*Di-gaanong malinaw ang intensiyon
*Gumamit ng wastong bantas
Mahina *Hindi ganap ang paglalahad ng mga detalye 4
*Di-malinaw ang intensiyon
*Hindi wasto and bantas na ginamit
Napakahina *Hindi buo at konsistent, walang sapat na na detalye 1
*Malabo ang intensiyon
*Di-wasto ang bantas

V. Takdang Aralin
Ano ang cohesive device? Kilalanin ito at gumawa ng sariling halimbawa ng tekstong naratibo.

Inihanda ni:

Bb. Dezzelyn B. Balleta


Guro

You might also like