You are on page 1of 3

Asignatura Homeroom Guidance Program Baitang 6

W1 Markahan Ikatlong Markahan Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Protektahan! Mga Isyung Personal at Pribado
II. MGA PINAKAMAHALAGANG Share the ability to protect personal and private information in social media
KASANAYANG HGIPS-IIIb-3
PAMPAGKATUTO (MELCs)
Nakapagbabahagi ng kakayahan upang maprotektahan ang personal at
pribadong impormasyon sa social media

III. PANGUNAHING NILALAMAN Pagbabahagi ng sariling kakayahan upang protektahan ang personal at
probadong impormasyon sa social media
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Sa panahon ngayon, hindi na natin maiiwasan na ang katulad mong mag-aaral sa ikaanim na baitang
ay madalas nang gumagamit ng cellphone o anumang gadget. Mayroon na din sariling social media
account ang mga kabataang tulad mo.
Mainam na malaman mo ang mga dapat gawin upang maprotektahan ang iyong personal at
pribadong impormasyon sa social media.
Sa araling ito, iyong matututunan kung paano mapoprotektahan ang mga impormasyong ito upang
ikaw ay maprotektahan. Matutunan mo din kung paano mo ito maibabahagi sa iyong kapwa.

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Malaki ang naitutulong ng internet at social media sa mga mag-aaral na kagaya mo. Ngunit dapat
mong malaman na maraming tao ang maaaring makakita ng kung anuman na iyong ipopost. Isang post
lamang ay maaari nang mabasa ng daan-daan o libo-libong tao. Kaya dapat maging maingat ka sa lahat
nang iyong ibinabahagi sa social media lalo na ang mga personal at pribadong impormasyon, dahil may
mga taong mapagsamantala at maari nila itong gamitin sa masama.

Limang Paraan para maging Ligtas sa Social Media


1. Protektahan ang iyong pagkakakilanlan - Ang numero ng iyong telepono, tirahan, mga detalye sa bangko
at anumang impormasyon na maaaring magpahiwatig ng iyong mga personal na password ay hindi dapat
ibahagi sa online.
2. Kilalanin ang mga peke - Hindi lahat ng nasa social media ay totoong nagsasabi kung sino sila. Maaaring
may mga kabataan at matatanda na nagpapanggap na ibang tao at maaaring maging sanhi ng iyong
kapahamakan. Kaya makipagkaibigan at makipag-usap lamang sa mga totoong kakilala.
3. Mag-isip bago magpost o magbahagi ng anomang bagay - Kahit na may matibay na setting ng privacy,
mahalaga na malaman mo ang katotohanang ang naipost mo sa online ay hindi kailanman talagang
pribado at puwedeng maibahagi ng iba ano mang oras.
4. Huwag maniniwala sa mga kahina-hinalang mensahe - Ang mga mensahe na may pinaikling URL at email
na mayroong kahina-hinalang link o attachment ay hindi dapat pagkatiwalaan.
5. I-block ang sinomang gumugulo sa iyo – Lahat ng social media sites ay pinapayagan kang mag-block ng
taong hindi mo nais na maaccess ang iyong account.

Dapat nating tandaan na mainam na ibahagi natin ang mga paraang ito sa iba, upang mas
maraming tao ang maging ligtas sa paggamit ng social media.

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Lagyan ng tsek (✓) kung ang sumusunod ay dapat gawin upang maging ligtas
sa social media at ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.
____1. I-add friend lamang ang mga kaibigan at mga kilala mong tao.
____2. Magpost ng larawan ng ID o report card.
____3. Huwag magbibigay ng address, cellphone number, birthday at password sa Facebook o saanmang
social internet sites.
____4. Huwag mag magclick ng mga links na hindi pamilyar sa iyo.
____5. Gawing public ang iyong profile.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumawa ng isang maikling dayalogo (dialogue) na nagpapakita ng


pagbabahagi sa iba ng mga paraan upang maging ligtas sa paggamit ng social media. Gawing gabay ang
mga pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Katamtamang Hindi Gaanong


Napakahusay Mahusay
Pamantayan Husay Mahusay Puntos
(5) (4)
(3) (2)
Nilalaman Ang mensahe ng Hindi gaanong Medyo magulo Walang
dayalogo ay naipakita ang ang mensahe ng mensaheng
masusing mensahe ng dayalogo naipakita ang
naipakita dayalogo dayalogo
Pagkamalikhain Napakaganda Maganda at Maganda ngunit Hindi maganda
at orihinal ang orihinal ang hindi orihinal ang at hindi orihinal
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng ang
dayalogo dayalogo dayalogo pagkakasulat ng
dayalogo
Kaugnayan May malaking May kaugnayan Hindi gaanong Walang
kaugnayan sa sa paksa ang may kaugnayan kaugnayan sa
paksa ang dayalogo sa paksa ang paksa ang
dayalogo dayalogo dayalogo
Kabuuang Malinis at Medyo malinis at Hindi gaanong Marumi at
Presentasyon maayos ang maayos ang malinis at magulo ang
kabuuang kabuuang maayos ang kabuuang
presentasyon ng presentasyon ng kabuuang presentasyon ng
dayalogo dayalogo presentasyon ng dayalogo
dayalogo
KABUUAN

A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gumawa ng leaflet na naglalaman ng mga paraan na nais mong ibahagi
sa iyong mga mahal sa buhay upang maging ligtas sa paggamit ng social media. Gawing gabay ang mga
pamantayan sa ibaba. Ipamigay ito sa iyong pamilya at mga kaibigan.

Katamtamang Hindi Gaanong


Napakahusay Mahusay
Pamantayan Husay Mahusay Puntos
(5) (4)
(3) (2)
Nilalaman Ang mensahe ng Hindi gaanong Medyo magulo Walang
dayalogo ay naipakita ang ang mensahe ng mensaheng
masusing mensahe ng dayalogo naipakita ang
naipakita dayalogo dayalogo
Pagkamalikhain Napakaganda Maganda at Maganda ngunit Hindi maganda
at orihinal ang orihinal ang hindi orihinal ang at hindi orihinal
pagkakasulat ng pagkakasulat ng pagkakasulat ng ang
dayalogo dayalogo dayalogo pagkakasulat ng
dayalogo
Kaugnayan May malaking May kaugnayan Hindi gaanong Walang
kaugnayan sa sa paksa ang may kaugnayan kaugnayan sa
paksa ang dayalogo sa paksa ang paksa ang
dayalogo dayalogo dayalogo
Kabuuang Malinis at Medyo malinis at Hindi gaanong Marumi at
Presentasyon maayos ang maayos ang malinis at magulo ang
kabuuang kabuuang maayos ang kabuuang
presentasyon ng presentasyon ng kabuuang presentasyon ng
dayalogo dayalogo presentasyon ng dayalogo
dayalogo
KABUUAN

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)


● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
√- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 2 Bilang 3

VI. SANGGUNIAN Walt Disney Company. “Kaligtasan sa Internet”. The Walt Disney Company. Accessed
May 13, 2021. https://privacy.thewaltdisneycompany.com/tl/kaligtasan-sa-internet/
Kidscape.org.uk. “Staying Safe on Social Media”. Kidscape – hep with bullying.
Accessed May 13, 2021. https://www.kidscape.org.uk/advice/advice-for-young-
people/dealing-with-cyberbullying/staying-safe-on-social-media/
Young Scot. “Four Tips for Being Safe on Social Media”. Young Scot Get Informed.
Accessed May 23, 2021. https://young.scot/get-informed/national/four-tips-for-being-
safe-on-social-media
Homeroom Guidance Curriculum Guide
Inihanda ni: PAUL ANTHONY B. ALDON Sinuri ni: EDNA C. STA. ANA
CECILIA A. JEREZ
RODRIGO M. RODRIGUEZ JR.
MARILYN E. MACABABBAD
EVELYN P. DE CASTRO

MYRASOL D. BELTRAN
MA. LETICIA JOSE C. BASILAN, PhD
PHILIPS T. MONTEROLA

You might also like