You are on page 1of 25

PAMILYA DUTERTE

MGA GAWING
PANGKOMUNIKASYON
TSISMISAN
• Mula sa salitang Kastila “chismes”
• Mga kuwento o pangyayari na maaaring
totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi
ng kuwento o pangyayari ay maaaring
sadyang binawasan o dinagdagan upang ito
ay maging usap-usapan hanggang tuluyan
nang magkaroon ng iba’t-ibang bersyon.
UMPUKAN
• Tumutukoy sa pagpapangkat-
pangkat ng mga taong may
magkakatulad na paksa, gawi,
kilos, gawain at layunin na
hangaring bigyang linaw ang
mga ito.
PAGBABAHAY-BAHAY
• Isang gawaing panlipunan na
layuning makipag-usap sa mga
mamamayan sa mga bahay-bahay
upang magbigay impormasyon.
PULONG-BAYAN
• Usaping politikal ang karaniwang
paksa
• Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga
namumuno sa isang barangay o
bayan kasama ang mga mamamayan
upang pag-usapan ang mga layunin,
proyekto at batas na isasakatuparan.
LUGAR
• Tumutukoy sa lokasyon kung saan
isinasagawa ang komunikasyon.
• May impluwensya sa paksa na
pag-uusapan.
• May mga kultural na gawi at
pamamaraan ng pagpapahayag sa
bawat lugar na tangi sa pangkat ng
tagapagsalita.
MGA TAONG
NANINIRAHAN
• Mga paniniwala, ugaliin, gawi, at uri ng
pamumuhay, at maging ang kanilang mga
kaisipan hinggil sa mga bagay-bagay sa
paligid ang nagtatakda ng kanilang paksa o
usapin.
SOSYO-EKONOMIKO
•Iniaayon ang gawi
ng komunikasyon sa
iba’t-ibang antas ng
pamumuhay ng
mga tao.
EDUKASYON
• Ang paggamit ng antas
ng mga salita ay may
kaugnayan sa edukasyon.
• Ang pamamaraan at
nilalaman ng pahayag ay
naiimpluwensyahan ng
edukasyon ng isang tao.
KASARIAN
• May kaniya-kaniyang
salita ang bawat
kasarian na hindi
maunawaan ng ibang
kasarian.

You might also like