You are on page 1of 17

FIL 106: Ugnayan ng

Wika, Kultura at
Lipunan
Ano ang WIKA?
KAHULUGAN NG WIKA AYON SA
MGA DALUBHASA
• Henry Gleason (1988)- ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
• Dell Hymes (1972)- ang wika ay nangangahulugan ng isang buhay at
bukas sa sistema na nakikipag-interaksyon. Ang mga taong kabilang sa
isang kulturang gumagamit ang nagbabago nito.
• Sa pagtalakay ni M.A.K Halliday (1973), may gamit na instrumental ang
wika. Nakatutulong ito sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na
gusto niyang gawin. Nagagamit ang wika sa pagpapangalan,
pagpapahayag na berbal, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos at
pakikipag-usap.
Ayon naman sa ilang mga dalubwika, ang
wika ay:
a. Isang instrumento ng komunikasyon
b. Isang paraan ng pagpapaabot ng kaisipan, kaalaman,
impormasyon at damdamin sa pamamagitan ng pasalita at
pasulat.
c. Kabuuan ng mga sagisag ng panandang binibigkas.
d. Isang likas na makataong pamamaraan sa paghahatid ng
mga kaisipan, damdamin at hangarin
Ano ang Ideolohiya?

Ang ideolohiya ay ang agham ng mga ideya o kaisipan.


Ito ay sistema ng mga ideya na naglalayong
maipaliwanag ang daigdig at mga pagbabago dito.
Maituturing din itong pamantayan at gabay ng mga
pinuno kung paano nila pamamahalaan ang kanilang
nasasakupan.
• Ayon kay Zaidi, ang ideolohiya ay maituturing na “raison d’ etre” o rason
o “justification” ng pamumuhay ng tao. Ito ay isang paraan kung paano
tinitignan ng tao o binibigyan pakahulugan ng tao ang kanyang paligid at
mga karanasan.
• Set ng magkakaugnay at organisadong paniniwala o ideya, at maging
atityud ng isang grupo o komunidad. Ang mga paniniwala, ideya at
atityud na ito ay maaaring:
• Politikal
• Legal
• Etikal
• Estetiko
• Relihiyoso
• Pilosopikal
POLITIKA, KULTURA AT LIPUNAN
A. POLITIKA
-Ang politika ay ang agham ng pamamahala ng estado o bansa, at isa
ring sining ng negosasyon upang mapagkasundo ang mga interes.
Agham Pampulitika, ito ay tungkol sa paraan ng isang pamahalaan na
kumilos laban sa ilang mga isyung panlipunan at pang-ekonomiya na
interes ng publiko: patakaran sa edukasyon, patakaran sa seguridad,
patakaran sa suweldo, patakaran sa pabahay, patakaran sa kapaligiran,
atbp, na kung saan ay pangkalahatan sa salitang pampublikong mga
patakaran.
Ang sistemang pampulitika ay isang anyo ng
pamahalaan na sumasaklaw sa mga institusyong
pampulitika upang pamahalaan ang isang bansa. Ang
Monarchy at ang Republic ay tradisyonal na mga
sistemang pampulitika.
B. KULTURA
-Ang kultura ng isang bansa ay binubuo ng kanyang mga katutubo at
katangi-tanging kaugalian, paniniwala at mga batas.

Dalawang Uri ng Kultura


1. Materyal na Kultura
2. Di- Materyal na Kultura
Materyal na Kultura
1. Kasangkapan- inukit, hinasa, pinakinis at nililok nila ang mga ito
ayon sa kagamitang nais nilang mabuo.
2. Kasuotan- nagkakaiba-iba sila ayon sa kanilang pinagmulan at pag-
aangkop sa klima ng kapaligiran.
3. Pagkain- niluluto nila ang kanilang pagkain sa palayok o sa bumbong
ng kawayan.
-nakakamay sila kung kumain sa dahon o sa bao ng niyog. Umiinom sila
sa pinakinis na bao o biyas ng kawayan.
4. Tirahan
Di- Materyal na Kultura
• Edukasyon
• Kaugalian
• Gobyerno
• Paniniwala
• Relihiyon
• Sining/ Siyensya
• Pananalita
C. LIPUNAN
-Ang lipunan ay isang grupo ng mga tao o mamamayan na
binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga huwaran
ng mga pagkakaugnay ng bawat indibidwal na binabahagi
ang ibat-ibang kultura at mga institusyon.
-Ang lipunan ay kinapapalooban ng pamilya, mga
institusyon at ibat-ibang istuktura sa paligid. Pagkakaisa
ang pangunahing katangian na makikita sa isang lipunan.
Layunin ng Lipunan
• Maibigay ang pangangailangan ng mga mamamayan
• Gabayan ang mga mamamayan tungo sa mabuting hangarin
• Bigyan ng proteksyon ang mga mamamayan 
• Panatalihin ang kaayusan sa isang komunidad
DAYALEK, SOSYOLEK AT IDYOLEK
A. Dayalek
Ito ang pinakakaraniwang Barayti ng wikang alam at tanggap sa
bansang tulad ng Pilipinas. Dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago,
nahahati sa mga pulo ang kinaroroonan ng mga tao na dahilan din upang
makabuo ng kani-kanilang sistema ng pananalita. Ang dayalek o dialect
ay uri ng pagsasalita na nabubuo ayon sa heograpikong kinabibilangan
ng mga mamamayan. Karaniwang ang pagtanggap sa wikang dayalek
ay ayon sa rehiyon, lalawigan, o bayan na kinaroroonan.
B. Sosyolek
Naipapangkat din ang mga tao ayon sa kanilang personalidad, kasarian,
at katayuang socio-ekonomiko. Ang pagkakapangkat na ito ay
nagbubunga rin ng kanilang sariling paggamit at pagbigkas ng mga salita
na tinatawag na sosyolek o sosyalek. Ito ay tinatawag ding
pansamantalang Barayti lamang dahil ginagamit lamang ito ayon sa uri
ng taong kausap at sisiguruhing kaya niyang intindihin at unawain ang
ginagamit na wika. Kadalasan ding umuusbong ang Barayting ito ayon
sa napapanahong uri ng pagsasalita tulad ng bekimon at jejemon.
C. Idyolek
Kahit mayroong pamantayang itinuturo sa pagsasalita, nagkakaroon pa
rin ng pagkakaiba ang bawat indibidwal ng kanilang paraan para bigkasin
ang mga ito. Ganito ang konsepto ng idyolek. Nakaayon ito sa istilo sa
pagpapahayag at pananalita. Karaniwang naririnig ito sa mga sikat na
personalidad na nag-iiwan ng marka sa pagbitaw ng kanilang linya sa
mga programa at pelikula nila.

You might also like