You are on page 1of 13

Mga Gawaing

Pangkomunikasyon
ng mga Pilipino
LAYUNIN
1. Mailarawan ang mga gawaing pangkomunikasyon ng
mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Makagawa ng mga malikhain at pamanghikayat na
prsentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang koneksto.
3. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng
pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang antas at
larangan.
INTRODUKSYON
Ang komunikasyon ang nagbibigay buhay at
nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao habang hinuhulma
nila ang kanilang lipunan at habang hinuhulma rin sila
nito. Magkaakibat ang kultura at wika. Hindi nito
mapaghihiwalay ang isa’t isa. Isang intelektwalisadong
Gawain ang komunikasyon kung gagamitin nang tama.
Ito ay maaaring makasira o makatulong sa pagpapaunlad
ng lipunan.
PAGTALAKAY
Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
Salamyaan- uri ng silungan ng mga Marikenyo, partikular ng mga
matatanda, dito sila nagsasama-sama upang magpahinga, magkwentuhan,
maglibang at sabay-sabay kumain.
Isang pahingahan, may mahabang papag at/o mesa, makikitid na upuan
at walang dingding.
Ito ay nakalokasyon malapit sa ilog Marikina o sa lugar kung saan
maraming malapit na kabahayan.
Ang uri ng istrukturang ito ay nagpapahiwatig ng isang lugar na
maginhawa at bukas para sa lahat.
Tsismis
•Ang salitang tsismisan ay hindi na bago
para sa ating mga Pilipino. Simpleng
usapan ng isang grupo ay maaaring
mauuwi sa tsismisan.
• Maaari din na ito ay isang
bagay,karaniwang mga pangungusap o
kuwento na may kaugnay tungkol sa buhay
ng may buhay.
• Ang tsismisan ay kasingkahulugan din ng
sitsit,satsat,sabi-sabi,balitang barbero at
marami pang iba.
Umpukan - Sa gawaing pangkomunikasyon ito
ay nag iipon-ipon ang mga tao upang pag-usapan
ang isang paksa.
Talakayan - Ito ay gawain ng pagpapalitan ng
pananaw sa isang isyu. Nagkakaroon dito ng
diskusyon sa mga dapat at hindi dapat gawin sa
isang talakayan. Ang mga paksang pinag-uusapan
dito ay karaniwang napapanahong isyu. .
Pagbabahay-Bahay - Ang gawaing pangkomunikasyong ito ay may layuning
maghatid ng abot-kamay na impormasyon sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay.
Mainam itong estratehiya kung ang impormasyong hatid ay nais na mabatid ng mga
tao sa paraang personal na pakikipag-usap.
Pagbabahay-bahay
ng mga pulis sa mga
hinihinalang drug users at
pushers.

Pagbabahay-bahay
para sa misyong
pangmedikal sa mga
hayop
Mga pangunahing dahilan kung bakit nagbabahay-bahay:
∙ Naaabot ang mga taong nasa loob lang ng bahay o hindi
palalabas.
∙ Nakakausap hindi lang isa kundi maging ang buong pamilya.
∙ Nasasabi nang tuwiran ang mga layunin ng
pagbabahay-bahay.
∙ Komportable ang kapaligiran para sa maliit na talakayan.
∙ Personal na naihahatid sa mamamayan ang impormasyong
nais mabatid.
Pulong-Bayan - Ito ay may karaniwang paksa na
pag-uusapan na may namumunong may kapangyarihan
o awtoridad sa nasasakupan. Maaaring punong kapitan,
mga kagawad, pulis, mga guro at iba pa.
Komunikasyong Di Berbal:
Malaki ang ginagampanang tungkulin ng komunikasyong di
berbal sa pang-araw-araw na buhay. Maarimg bigyang
kahulugan ito bilang proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng
ideya sa pamamagitan ng kilos o galaw, ekspresyon ng mukha,
lakas at hina ng boses, galaw ng mata at iba pa.
Iba Pang Komunikasyong Di Berbal Ayon sa Kontekstong
Pilipino:
∙ Pagpitik o tuktok sa itaas ng dyip-ito ay nangangahulugang ikaw
ay bababa na.
∙ Para-Ito ay galaw ng daliri na sinasamahan ng pagtaas ng kamay
senyales na gusto mong sumakay sa dyip, trysikel at bus.
∙ Pito-Ito ay pantawag o pangkuha ng atensyon ng isang tao.
∙ Apir-Pagdidikit ng dalawang kamay na nangangahulugang
papapagsang-ayon
Ekspresyong Lokal
Maraming wika ang ginagamit ngayon
sa ating bansa. Ilan dito ay mga diyalekto
katulad ng Ilokano, Waray, Hiligaynaon,
Cebuano, Kapampangan, Tagalog,
Pangasinense at Bikolano. Dahil ang wika
ay dinamiko, ito ay patuloy na nagbabago
at lumalaganap. Ang mga ekspresyong ito
ay kalamitang nasa unahang bahagi ng
pangungusap, mga ekspresyong kapag
nabibigla, nagugulat, natatuwa, nagagalit
at iba pa.

You might also like