You are on page 1of 2

Kahulugan ng Multilinggwalismo

Ang multilinggwalismo ay galing sa mga salitang “multi” na nangangahulugang marami at


“lingguwalismo” na mula sa salitang “linggwahe”.

Dahil dito, ang kahulugan ng multilinggwalismo ay ang paggamit ng maraming wika (dalawa o
higit pang wika).

Ang paggamit ng maraming wika ay sa kabila ng anumang lebel ng kaalaman ng isang tao sa bawat
wika.

Ang pagiging multilinggwal ay hindi lamang tumutukoy sa kakayahan ng isang tao upang
magsalita ng mga wika, kundi pati sa kakayahan nitong makaunawa ng mga ito.

Halimbawa: Ang Pilipinas ay isang multilinggwal bansa. Ito ay may mahigit na 150 na wika sa
buong bansa.

Ang multilinggwal na tao ay gumagamit ng tatlong wika:

1. Unang wika

2. Pangalawang wika

3. Pangatlong wika

Kahulugan ng Bilinggwalismo

Ang bilinggwalismo ay galing sa mga salitang “bi” na nangangahulugang dalawa at


“linggwalismo” na mula sa salitang “linggwahe”.

Dahil dito, ang kahulugan ng bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalit.

Sa ilalim ng bilinggwalismo, malayang nagagamit ng isang tao o isang lugar ang sariling wika nito
at ang ibang hiram na wika na nagiging wari’y sarili na nito sa paglipas ng panahon.

Maaaring umabot sa punto na hindi na mawari ng isang tao o lugar kung alin sa dalawang wika
ang naging unang wika nito.
Halimbawa: Ang isang tao na nakakapagsalita o nakakaunawa ng wikang Tagalog at Ingles ay
isang bilinggwal na tao.

Ang bilinggwal na tao ay gumagamit ng dalawang wika:

1. Unang wika
2. Pangalawang wika

You might also like