You are on page 1of 12

Mga Konseptong Pangwika

Wikang Pambansa

• Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV,


Seksyon 6:
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika.”
Wikang Panturo
• Ang wikang panturo ang wikang opisyal na
ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito
ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-
aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa
pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa
pagtuturo sa silid-aralan.
Wikang Opisyal
• Ang wikang opisyal ang itinadhana ng
batas na maging wika sa opisyal na
talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito
ang wika na maaaring gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa
anyong nakasulat, sa loob at labas ng
alinmang sangay o ahensiya ng
gobyerno.
Bilingguwalismo
• Ang bilinggwalismo ay galing sa mga salitang “bi” na
nangangahulugang dalawa at “linggwalismo” na mula sa
salitang “linggwahe”.
• Dahil dito, ang kahulugan ng bilinggwalismo ay ang
paggamit ng dalawang wika nang magkasalit.
• Sa ilalim ng bilinggwalismo, malayang nagagamit ng
isang tao o isang lugar ang sariling wika nito at ang
ibang hiram na wika na nagiging wari’y sarili na nito sa
paglipas ng panahon.
• Maaaring umabot sa punto na hindi na mawari ng isang
tao o lugar kung alin sa dalawang wika ang naging
unang wika
Multilingguwalismo
• Ang multilinggwalismo ay galing sa mga salitang “multi”
na nangangahulugang marami at “lingguwalismo” na
mula sa salitang “linggwahe”.
• Dahil dito, ang kahulugan ng multilinggwalismo ay ang
paggamit ng maraming wika (dalawa o higit pang wika).
• Ang paggamit ng maraming wika ay sa kabila ng
anumang lebel ng kaalaman ng isang tao sa bawat wika.
• Ang pagiging multilinggwal ay hindi lamang tumutukoy
sa kakayahan ng isang tao upang magsalita ng mga
wika, kundi pati sa kakayahan nitong makaunawa ng
mga ito.
Homogeneous
• Ang Homogeneous ay pagkakatulad ng
mga salita, ngunit dahil sa paraan ng
pagbabaybay at intonasyon o aksent sa
pagbibigkas ito ay nagkakaroon ng ibang
kahulugan.
Heterogenous
• Sa Heterogenous naman ay nauuri ang mga wika sa ibat
ibang baryasyon o barayti. May mga aspetong
sumasaklaw sa pagkakaiba-iba nito, gaya ng
heograpiya, kasarian, edad, grupo, antas ng
pamumuhay at uri ng sosyodad na ginagalawan ng
nagsasalita.
• Maihahanay din sa Heterogenous ang mga salitang di
pormal at mga naimbento lamang ng mga ibat- ibang
grupo sa ating lipunan. Ito ay mga salitang ginagamit sa
iba’t-ibang pamamaraan at istilo pero ang kahulugan ay
iisa din lamang. Andiyan ang mga salitang nabuo sa
mga kalye o mga pabalbal na uri ng mga salita.
Linggwistikong Komunidad
• Linggwistika-Ito ay sangay na siyang nag-aaral ng wika,
at kung paano ito nakakaapekto, kasabay ang mga
kultura dito, at kung saan ito nagmula.
• Komunidad- Ito ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang
yunit ng panlipunan o pakikipagkapwa na mas Malaki
kaysa sa isang tahanan, mag-anak, o pamamahay na
may pinagsasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga
at may matibay na pagsasamahang panlipunan.
• Ito ay ang iba't-ibang uri ng mga wikang ginagamit sa
komunidad sa paglipas ng panahon. Nagkakaintindihan
sila sa tuntunin nito, at naibabahagi ng bawat isa ang
parehong pagpapahalaga at damdamin sa paggamit nila
ng wika sa pakikitungosa isa't-isa.
Unang Wika
• Ang unang wika ay tinatawag din bilang
katutubong wika. Ito ay arteryal na wika na
natututunan natin mula ng tayo ay
ipinanganak. Batayan para sa
pagkakakilanlang sosyolinggwistika ang
unang wika. Bukod dito, ang unang wika
ang wikang madalas nating ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa loob ng bahay.
Pangalawang Wika
• Ang pangalawang wika, ayon sa
dalubwika, ay tumutukoy sa alinmang
wikang natutuhan ng isang tao matapos
niyang maunawaang lubos at magamit
ang kanyang sariling wika.
• Ang pagkakaiba ng unang wika sa pangalawang wika ay
dahil sa mga sumusunod na dahilan:
• Ang unang wika ay ang katutubong wika ng isang tao
habang ang pangalawang wika ay isang wika na
natutunan ng isang tao upang makipag-usap sa
katutubong nagsasalita ng wikang iyon.
• Ang unang wika ay nagmumula ito sa kanya bilang isang
mana / pamana / karapatan ng pagkapanganay. Sa
kabilang panig, ang pangalawang wika ay laging
itinatakda ng tao.
• Ang unang wika ay napakabilis ng proseso habang ang
proseso ng pag-aaral ng pangalawang wika ay maaaring
mag-iba mula sa wika sa wika at mula sa tao hanggang
sa tao.

You might also like