You are on page 1of 1

Heterogenous na Wika

Ang pagiging heterogenous ng wika ay bunga ng nalilikhang ugnayan ng tao sa iba.


Nabubuo ang variety o pagkakaroon ng iba’t ibang wika. Bunga ito ng pagiging
sosyal na penomena ng wika ayon sa paglalarawan ni Saussure sa tinatawag na langue
(sistema ng wika).

Binanggit ni Constantino sa Peregrino (2005), may nagaganap na linguistic


convergence salig sa teorya ni Giles na teorya ng akomodasyon (accomodation
theory). Sa kondisyong ito, nagkakaroon ng pagkakataong gumaya o bumagay sa
pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok o kaya’y
pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Taliwas ito sa sinasabing linguistic
convergence na nangyayari kapag ang gumagamit ng wika ay tumatangging gayahin
ang wikang namamayani sa pangkat na sinasamahan.

Ang switching at mixing ay bunga naman ng interference at inter-language


phenomenon,. Nakakaimpluwensya ang unang wika sa pagkatuto ng iba pang wika
(interference) at nakabubuo ng mental na grammar ang tao kaya’t nakalilikha ng
pagsasama ng dalawang wika sa isang salita o pahayag (interlanguage).

Ang salitang dugyot ng Ilocano ay bahagi na ng talasalitaan sa Tagalog-


Maynila/Filipino. Ang pagpalit ng gitlaping -um- para sa unlaping mag- o na- sa
pandiwa (kumain tungo sa magkain/nakain) ay halimbawa rin ng nangyayaring
interference.

Ang sinasabing mental grammar ay tuntuning nabubuo mula sa pagsasama ng wika sa


penomenang interlanguage (paggamit ng panlapi sa Filipino sa salitang Ingles- i-text,
mag-mall, nag-internet).

Ang pagkakaiba ay makikita sa katangian ng wika na manghiram/panghihiram.

Sinabi ni Dr. Fermin (2005) sa kanyang akdang Mga Varayti at Varasyong


Antropolohiko:Pagsilip sa mga Hibla’t Habi ng Wika, Kultura at Lipunan, ang tawag
sa mga pekulyar na katangiang mayroon sa isang wika o kaanyuang pangwika kung
ihahambing sa iba pa ay variation. Samantala, variety naman ang aktuwal na wika o
kaanyuang pangwika na nagtataglay ng mga partikular na katangiang tangi sa iba pa.

Katulad ng nabanggit na, ang wika ay dinamiko. Ito ay sa dahilang buhay ay


nagbabago. Kaya, hindi maaawat ang mga wikang sumusulpot, hinihiram at nagiging
bahagi ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang larang o panig sa bansa.

Ang pagkakaroon ng pagkakaiba o baryasyon (na maaaring panghihiram) ay hindi


dapat lumikha ng ingay ng pagtatao-talo sa dapat na linangin o maging superyor sa
lahat. Ito ay dapat na ituring na kaangkinan ng isang wikang buhay.

Sanggunian:
Mortera, M. O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mandaluyong
City : Books Atbp. Publishing Corp.

You might also like