You are on page 1of 7

Homogenous na Wika

Heterogenous na Wika
Linggwistikong Komunidad
Homogenous na Wika
 Ang katangian ng homogeneity ay mailalarawang pagkakaroon ng
isang estruktura o paraan ng pagkakabuo ng wika. Sa Pilipinas na
multilinggwal ang konteksto, ang pagkilala sa homogenous na wika
ay makikita sa mga espisipikong katangiang pekulyar sa bawat isang
wika. Kailangang dumaan muna sa estandardisasyon o pagiging
magkakaanyo o uniporme ng isang wika para sa higit ng isang wika
para sa higit na malawakang pagtanggap at paggamit nito
(Fortunato, 1991).

 Sa sitwasyong pangwika ng Pilipinas, naging banta sa


estardardisasyon ang isyu tungkol sa 2001 revisyon na inilahad ni Ruth
Elynia S. Mabanglo (2009) sa papel na pagtuturo ng De-Kalidad ng
Linggwistika ay Literaturang Filipino sa Ikadalawampung Siglo:
Hamon sa PSLLF. Ang pabagu-bagong patakaran sa palabaybayan ng
KWF at ang pagtatakda ng iba't ibang unibersidad ng kani-kanilang
ispeling na walang batayan sa lohikal at kakanyahan ng wika ay
itinurong dahilan.
 
 Paz (1995). Kailangang linawin ang pagbaybay ng mga
salitang hiram, maging bukas sa language replacement o
palit-wika at language shift o lipat-wika, pag-aralan ang
mga barayti ng Filipino, at bigyang pansin ang sosyo-
kultural at politikal na konteksto.

 Para kay Cubar (1985), ang estandarisadong wika ay mas


malapit sa kasanayang pasulat, sopitikado, istrikto sa
paggamit ng mga salita sa diskurso at hindi tulad ng wikang
pasalita na gamit sa pang araw-araw.
Heterogenous na Wika
 Ang pagiging heterogenous ng wika ay bunga ng nilikhang
ugnayan ng tao sa iba. Nabubuo ang variety o pagkakaroon
ng iba't ibang wika. Bunga ito ng pagigingbsosyal na
penomena ng wika ayon sa paglalarawan ni Saussure sa
tinatawag na langue (sistema ng wika).
 Binanggit ni Constantino sa Peregrino (2005), may naganap
na linguistic convergence salig sa teorya ni Giles na teorya
ng akomodasyon (accomodation theory). Sa kondisyong ito,
nagkakaroon ng pagkakataong gumaya o bumagay sa
pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikilahok o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa
grupo.
 Taliwas ito sa tinatawag na linguistic divergence na
nangyayari kapag ang gumagamit ng wika ay tumatangging
gayahin ang wikang namamayanisa pangkat ng
 Ang switching at mixing ay bunga naman ng interference at
interlanguage phenomenon. Nakakaimpluwensya ang unang
wika sa pagkatuto ng iba pang wika (interference) at nakabubuo
ng mental grammar ang tao kaya't nakalilikha ng pagsasama ng
dalawang wika sa isang salita o pahayag (interlanguage). Ang
salitang dugyot ng Ilocano ay bahagi na ng talasalitaan sa
Tagalog­ Maynila/Filipino. Ang pagpalit ng gitlaping ­um­ para
sa unlaping ­o na­ sa pandiwa (kumain tungo sa magkain/
nakain) ay halimbawa rin ng nangyayaring interference.
 Sinabi ni Dr. Fermin(2005) sa kanyang akdang Mga Varyti at
Varasyong Antropolohiko: Pagsilip sa mga Hibla't Habi ng
Wika, Kultura at Lipunan, ang tawag sa mga pekulyar na
katangiang mayroon sa isang wika o kaanyuang pangwika kung
ihahambing sa iba pa ay variation. Samantala, variety naman
ang aktuwal na wika o kaanyuang pangwika na nagtataglay ng
mga partikular na katangiang tangi sa iba pa.
Linggwistikong Komunidad
 Binanggit ni Gumperz sa Patrick (nakuha sa elektronikong
sanggunian, 2016), ang linggwistikong komunidad ay pangkat sa
lipunan na maaaring monolinggwal at multilinggwal na nagsasama
at nagkakaroon ng interaksyon sa pinagkakaisahang tuntunin sa
paggamit at interpretasyon ng wika. Nakasandig ito sa
sosyolinggwistikong pagtanaw na ang wika ay sosyal na
penomena. Ang kabuoan ng estruktura ng wika ay nagbibigyang­
saysay kapag ginagamit para sa ugnayan ng mga taong kabilang
sa lipunan. Salig pa rin ito sa klasipikasyon ni Saussure
natinatawag na parole at langue. Ang parole ay ang mismong
sinasabi (sinusulat) na partikular sa bawat isang kabahagi ng
komunidad (lipunan). Kaya, sinasabing pang­ indibidwal ito.
 Samantala, ang langue ay maituturing na sistema ng
wika, ang mismong wika. Ito ay sistema ng mga
tuntuning nalalaman ng isang komunidad (lipunan).
Kaya, sinasabi na panlipunan ang wika Ang langue ay
mga abstraktong tuntuning nalalaman ng mga taong
kabilang sa isang pangkat. Ito ang competence- ang
nalalaman ng tao sa kanyang wika. Ang parole ay tiyak
na sinasabi. Ito ay angbperformance- ang akto ng
pagsasabi. Ang pagngkat ng mga mangingisda sa
Navotas ay may tiyak na tuntunin ng pagsasawika.
Ganoon din ang mga kabilang sa partikular na mga
rehiyon sa bansa.

You might also like