You are on page 1of 2

Homogenous na Wika

Ang katangiang homogeneity ay mailalarawang pagkakaroon ng isang estruktura o


paraan ng pagkakabuo ng wika. Sa Pilipinas na multilinggwal ang konteksto, ang
pagkilala sa homogenous na wika ay makikita sa mga espisipikong katangiang
pekulyar sa bawat isang wika.

Ganoon pa man, bahagi ng layong pagkakamit ng intelektuwalisasyon at


pagpaplanong pangwika ang tinatawag na estandardisasyon ng wikang Filipino.

Kailangang dumaan muna sa estandardisasyon o pagiging magkakaanyo o uniporme


ng isang wika para sa higit na malawakang pagtanggap at paggamit nito (Fortunato,
1991).

Kaugnay sa hakbang ng unipormeng wika ang kawalan ng kalituhan sa palabaybayan.


Sa sitwasyong pangwika sa Pilipinas, naging banta sa estandardisasyon ang isyu
tungkol sa 2001 Revision na inilahad ni Ruth Elynia S. Mabanglo (2009) sa papel na
Pagtuturo ng De-Kalidad ng Linggwistika at Literaturang Filipino sa
Ikadalawampung Siglo: Hamon sa PSLLF. Ang pabagu-bagong patakaran sa
palabaybayan ng KWF at ang pagtatakda ng iba’t ibang unibersidad ng kani-kanilang
ispeling na walang batayan sa lohika at kakanyahan ng wika ay itinuturong dahilan.

Upang matugunan ang mga katulad na suliranin, may nabanggit na mungkahi si Paz
(1995). Kailangang linawin ang pagbaybay ng mga salitang hiram, maging bukas sa
language replacement o palit-wika at language shift o lipat-wika, pag-aralan ang mga
barayti ng Filipino, at bigyang-pansin ang sosyo-kultural at politikal na konteksto.

Bilang bahagi ng akademikong larang, ang estandardisasyon ay tumutukoy rin sa


pagtiyak sa wikang gagamitin sa mga prosesong pagtuturo at pagkatuto. Para kay
Cubar (1985) ang estandardisadong wika ay mas malapit sa kasanayang pasulat,
sopistikado, istrikto sa paggamit ng mga salita sa diskurso at hindi tulad ng wikang
pasalita na gamit sa pang-araw-araw.

Maaari ring pag-ugnayin ang mga kasanayang pasalita at pasulat sa pamamagitan ng


paglinang ng mga babasahing akademiko sa Filipino. Sa ganoong gawain, malilinang
ang literasiya para sa marami.

Tinukoy naman ni Mabanglo (2009) sa nabanggit na papel sa itaas ang suliranin sa


mga nakalimbag na midyang alipin ng sensasyonalismo at komersyalismo. Kung
mababasa ng mga mag-aaral ang gamit ng mga salitang slang lalo sa tabloid na
nakasisira sa patakaran ng pagsulat ng balita at editoryal, lalabnaw ang kanilang
bokabolaryo. Sa kabila nito, tinanggap niya na ang kalakarang iyon ay bahagi nga ng
sensasyonalismo.

Sa paliwanag naman ni Paz sa sanaysay na Ang Standardisesyon Bilang Isyu (1995),


ito ay hindi lamang tungkol sa wikang gagawing uniporme. Ito ay pagtugon din sa
mga gagamit ng istandard na wika - ang mga bumubuo sa larang akademiko at mga
karamihan sa iba-iba pang larang.
Inilahad sa Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyon/Primer on the
Filipino Language as Language of Education (2004) ng Pambansang Komite sa Wika
at Salin ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining (NCCA) ang paliwanag
ng mga iskolar sa wika at globalisasyon. Sa kasalukuyan, sabay-sabay na pinauunlad
ang pandaigdigang wika, rehiyonal na wika, at lokal na wika. Ngunit napauunlad din
ang mga rehiyonal na wika o wikang magsisilbing lingua franca ng mga magkakalapit
na bansa. Hindi na lamang sa Ingles nakatuon.

Kaya, lilitaw naman ang hamon kung kakayanin naman ng wikang Filipino na
magtungo at makinabang sa globalisasyon (Miclat at Constantino, 2005). Tinugunan
naman ito ni Almario sa Zafra (2008) ng estratehiyang gamitin ang Wikang Pambansa
sa lahat ng sektor ng kapangyarihan sa lipunan sa ika-21 siglo. Maisasagawa lamang
ito sa pamamagitan ng tinawag niyang simulaing pluralista. Nangangahulugan itong
hindi lamang isang paraan ang gamitin kundi maluwag sa iba’t ibang paraan ng
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wika tulad ng pagsasalin at ebalwasyon.

Kaugnay nito, nakikitang suliranin ni Fortunato sa Villafuerte et. al. (2009) ang
kakulangan sa kasapatan ng tuntunin para mapapasok ang karaniwang terminong
ginagamit sa pag-Filipino, pasalita at pasulat.

Matapos ang estandardisasyon, handa nang ipalaganap ang wika. Ito ay


maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapakilala nito sa mga katutubong
nagsasalita o sa karamihan sa pasulat at pasalitang anyo.

Sanggunian:
Mortera, M. O. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Mandaluyong
City : Books Atbp. Publishing Corp.

You might also like