You are on page 1of 1

Teoryang Pangwika

A. Sosyolingwistikong teorya:

Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ayonkay Sapir, ang

wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal

ay hindi iiral kung wala nito. Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at

magkaugnay na serye, ang signifier(language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na

nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole).

Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang

indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng

komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura. Dito ngayon

lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang idyolek, dayalek, at sosyolek.

B. Teorya ng akomodasyon:

Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at linguistic divergence, Ang mga

ito y mga teorya mula sa SLA (second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa linguistic

convergence sinasabin na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap

para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya’y

pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence sinasabing pilit nating

iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y lalong pagigiit sa sariling kakayahan at identidad.

Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage.Ang interference phenomenon ay

ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang

Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa dimaiwasang pagpasok ng mga

katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang

interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa

proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating

ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay

binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng

mga alituntunin.

You might also like