You are on page 1of 6

HELEN CONCON PAGTALUNAN PROF. REYNALDO B.

TIOSEN
FIL. 251 BARAYTI AT BARYASYON NG WIKANG FILIPINO 12 DECEMBER 2018

INTRODUKSYON

Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-aaral at

pananaliksik ang tungkol sa varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay ng mga pagpaplanong pangwika na
isinasagawa sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may mga isyung panglinggwistika na kaugnay
ng pagkakaroon ng varayti ng wika. Paano nga ba nagkakaroon ng mga pangkat ng mga tao na may
isang varayti ng wikang sinasalita? Natalakay sa nakaraang aralin ang tungkol sa mga varayti ng wika
at ibang mga pag-aaral tungkol sa wika.
Ipapaliwanag ko ang dalawa sa mga teoryang pangwika na pinaniniwalaang dahilan ng
pagkakaroon ng wika at pag-usbong ng panibagong varayti ng wika.
TEORYA NG AKOMODASYON
Kaugnay ng pananaw ng varyabilidad ng wika ang TeoryangAkomodasyon (Accomadation
Theory) ni Howard Giles (1982). Si Howard Giles ay isinilang noong Disyembre 22,1946. Nagtapos siya
ng bachelors degree sa University of Wales taong 1968. Nagtapos siya ng Doctor in Philosophy and
Doctor in Science sa Bristol University. Sa kasalukuyan ay isa siyang kilalang propesor sa larangan ng
pananaliksik at komunikasyon sa University of California, Santa Barbara.
Marami na siyang naisulat na mga akda na may kaugnayan sa kanyang propesyon, at kabilang
na dito ang mga sumusunod. Communication Accommodation Theory: Negotiating Personal
Relationships and Social Identities across Contexts, Contexts of Accommodation: Developments in
Applied Sociolinguistics, The Dynamics of Intergroup Communication (Language as Social Action), Law
Enforcement, Communication, and Community, at marami pang iba. Kagaya ng nabanggit sa itaas
kaugnay ng pananaw ng varyabilidad ng wika ang Teoryang Akomodasyon. Kaugnay ito ng mga teorya
sa pag-aaral / pagkatuto ng pangalawang wika / SLA (SECOND LANGUAGE ACQUISITION). Nakafokus
ito sa mga taong kasangkot sa sitwasyong pangwika. Kabilang dito ang LINGUISTIC CONVERGENCE,
LINGUISTIC DIVERGENCE, INTERFERENCE PHENOMENON AT INTERLANGUAGE.
LINGUISTIC CONVERGENCE
Sa linguistic convergence, ipinapakita na sa interaksyon ng mga tao ay nagkakaroon ng
tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikipagpalagayang loob, pakikisama o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo.
Halimbawa na lamang nito ay kapag nakikipag-usap tayo sa mga bata na may edad 2-4 na taong
gulang, na kung saan ay ibinabagay natin ang ating boses sa kanila at minsan ay ginagaya natin ang
kanilang pananalita at tono ng boses upang mapuna nila at maisip na tayo ay kabilang sa kanila. Isa
pang halimbawa kapag tayo mga guro ay nakikipag-usap sa ating mga mag-aaral ay may mga
pagkakataon na ginagawa natin ang kanilang pananalita upang maipadama sa kanila na tayo ay kaisa
sa kanila.
LINGUISTIC DIVERGENCE

Sa kabilang banda naman ay kabaliktaran ang divergence, pilit na iniiba ang pagsasalita sa
kausap para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling identidad.
Halimbawa nito sa isang grupo na nag-uusap tapos biglang may mag-iiba o iibahin bigla ang kanyang
paraan ng pakikipag-usap o pananalita upang ipakita ang kanyang kaibahan sa nasabing grupo. Katulad
ng pagsasalita gamit ang wikang Ingles gayong ang mga kausap mo ay bata na pawang mga Cebuano.

Bahagi din ng Teoryang Akomodasyon ang interference phenomenon at interlanguage na

kung saan nakafokus sa mga wikang kasangkot.

INTERFERENCE PHENOMENON

Tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbawa,

ang Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga
katutubong wika ng mga bansang naging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles.
lpinapakita ang pagkakaroon ng interference sa pagbuo ng mga varayti ng Filipino. Makikita ang
impluwensya ng unang wika sa pagsasalita ng Filipino ng mga kababayan natin sa iba't ibang rehiyon.
Tulad halimbawa ng Cebuano Filipino na mapapansin ang di-paggamit ng reduplikasyon o pag-uulit ng
pantig sa salita. (Halimbawa: Magaling ako sa pagturo ng Filipino.) Maibibigay ring halimbawa ang
paggamit ng panlaping mag- kahit na dapat gamitin ang um- sa dahilang walang um- na panlapi sa
Sebwano. Halimbawa: Magkain na tayo sa halip na Kumain na tayo.

INTERLANGUAGE

Tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng

pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na
dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng
tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago ng mga
alituntunin. Halimbawa nito ang paglalagay natin ng mga panlapi sa mga salitang Ingles kahit na ito ay
wala sa diksyunaryong Ingles sa ating pang-araw-araw na interaksyon tulad ng presidentiable,
boarder, bed spacer, mailing. Gayundin naririnig na ang mga salitang Turung-turo na ako, Sayaw na
sayaw na ako na dati ay hindi tinatanggap bilang pang-uri. Ang mga teorya, konsepto at pananaw na
inilahad ay hango sa mga batayang teoretikal sa pagtuturo /pag-aaral ng wika at sa pagtingin sa
pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa kalagayan ng wikang Filipino.
TEORYANG WAVE

ito ay teorya ni Henry Otley Beyer isang american anthropologist. Isinilang noong July 13, 1883
sa Edgewood, lowa, U.S, siya ay kilala bilang father of Philippine anthropology. Ayon sa teoryang ito
ang mga ninuno ng lahing Filipino ay dumayo sa Pilipinas ng ilang ulit o waves ng pandarayuhan sa
pamamagitan ng mga tulay na lupa na nalantad dahil mas mababaw ang mga dagat noong panahon
ng kalamigang pandaigdig o ice age. Kaya naman dito ay pinaniniwalaan na nagmula ang ating kultura
pati na rin ang wika. Subalit sa pagdaan ng panahon ay unti-unting napapatunayan na mali ang teorya
ni Beyer at ito ay sinalungat ni Landa Jocano. Ayon sa kanya ang ating pinaniniwalaang mga ninuo na
Negrito, Indones at Malay ay ngayo’y napalitan na ng mga Austronesyano. Sa teorya ng Migrasyong
Austronesyano ay naipapakita ang pagkakahalintulad ng mga bansa saTimog-Silangang Asya sa aspeto
ng wika, kultura at paniniwala. Maaring ang unang mga to na nagsasalita ng wikang Austronesian ay
dumating sa Pilipinsa mula sa hilaga limang libo ang nakakaraan at dito marahil nag umpisa ang
pagkalat at pagkakaroon natin ng varayti sa wika.

Sa pagpapatuloy ng aking paghahanap tungkol sa teoryang wave ay may nakita pa akong isang
konsepto na sa tingin ko ay mas may kaugnayan sa ating asignatura. Ang teoryang wave na unang
minungkahi ni Johannes Schmidt (1972).

Ang pagbabago ng isang wika o dayalek sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ibang wika

o dayalek na kalapit dito. Madalas nagkakaroon ng pagbabago sa wika o dayalek na kasangkot dito.
Inihahalintulad niya ito sa isang wave o alon dahil ayon sa kanya kagaya ng isang alon kapag
bumabangga ito sa isang bato ay may mga bahagi nito na humuhina at hindi na nakakasabay sa
susunod na alon habang may bahagi din na lumalakas. Pansinin ang diagram sa ibaba.
Ito ay nagpapakita ng modelong wave, ang background nito na kulay puti ay ang mga stable
na wika, samanta ang mga bilog ay ang mga pagbabago ng wika o ang tinutukoy na wave o alon. Sa
paglipas ng panahon ang unang pagbabago ay maaring humina kaya maliit na bahagi ng bilog, may
parte na nadadala dito subalit hindi lahat. Ganun din sa mga sumusunod pa na alon o wave na
itinuturing na mga pagbabago sa wika ay lalong lumalaki sa pagdaan ng panahon. Isang halimbawa
nito ay ang French dialect ng Normandy. Sa latin ang K ay nagiging CH sa standard French gaya ng
‘CANTRE’ to ‘CHANTER’ na nangangahulugang ‘ to sing’ o umawit sa French na kung saan may
pagbabago sa tunog. Gayunman may mga bahagi sa Normandy na hindi kasali sa mga pagbabagong
ito sapagkat nanatili ang tunog ng K.

Chain- catena- ‘chain’

Champ – campus – ‘field’

Chandelle– candela – ‘candle’

Chanson – cantio – ‘song’

Chanter – cantare – ‘ to sing’

Chat – cattu(s) – ‘cat’

Sa kadahilanang buhay o dinamiko ang wika ay hindi ito mapipigilan sa pag-usbong o sa

pagbabago. Kaugnay nito kaya dumadami din ang varayti at varyasyon ng isang wika.

MGA SANGGUNIAN

David, ed. Austronesian Taiwan: Linguistics, History, Ethnology, and Prehistory.SMC Publishing, Inc.,
2001.

https://teksbok.blogspot.com/2011/06/teoryang-pangwika.html

https://www.coursehero.com/file/p2mqdfq/Kaugnay-ng-pananaw-ng-varyabilidad-ng-wika-ang-
Teoryang-Akomodasyon/

http://www.bristol.ac.uk/ias/fellowships/meakers/giles.html/

http://kaspilchops.blogspot.com/2008/08/ang-wave-of-migration-theory-dapat-pa.html

https://filipinopride.wordpress.com/tag/wave-of-migration-theory/

https://www.coursehero.com/file/p1e7ajk/Ayon-pa-din-kay-Jocano-may-malinaw-na-pagkiling-ng-
ibang-lahi-malinaw-sa/

You might also like