You are on page 1of 45

WIKA

• Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan.


Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng
6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig
depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan
sa “wika” o kung paano ipinag-iba ang mga wika at
mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika
ay tinatawag na linggwista.Nag-ugat ang salitang
wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula
naman sa kastila ang isa pang katawagan sa wika:
ang salitang lengguwahe.
• Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng
language-tawag sa wika sa Ingles- nagmula ang
salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang
lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”,
sapagkat nagagamit ang sila sa paglikha ng
maraming kombinasyon ng mga tunog,
samakatuwid ang “wika”- sa malawak nitong
kahulugan ay anumang anyo ng pagpaparating
ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o
wala, ngunit mas kadalasang mayroon.
• ANG WIKA AY NAKABATAY SA KULTURA
Dahil hindi maaaring paghiwalayin ang wika at
kultura sapagkat sa pamamagitan ng
wika,nasasalamin ang kultura ng isang bansa.

ANG WIKA AY NAGBABAGO


Hindi ito tumangi magbago.Ang isang wikang stagnant
ay maaaring mamatay tulad ng hindi paggamit nito. At
maaari din nadaragdagan ang vokabularyo, bunga ng
pagiging malikhain ng mga tao,maaaring sila ay
nakakalikha ng bagong salita.At yung mga salitang
balbal ay isa ding dahilan.
BILINGGUWALISMO
Kahulugan ng Bilinggwalismo
• Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong
makapagsalita ng dalawang wika.
• Ipinatupad ang Bilingual Education sa Pilipinas sa
pamamagitan ng National Board of Educaton
Resolution N0.73-7, S 1973
• 1974- ipinatupad ang polisiya sa paglalabas ng DECS
ng Dept. Order No. 25 S. 1974 na may Implementing
Guidelines for the Policy on Bilingual Education.
-.
- Ilan sa mahahalagang probisyon sa nasabing kautusan ay ang
mga sumusunod.

1. Makalinang ng mga mamamayang Pilipinong matatas sa


pagpapahayag sa mga wikang Pilipino at Ingles.
2. Ang mga asignatura o araling dapat ituro sa Pilipino ay Social
Studies/Social Science, Work Education , Character Education ,
Health Education at Physical Education. Ingles naman ang
magiging wikang panturo sa Science at Mathematics..
• Pilipino na naging Filipino.

• Mga ituturo sa Filipino: Aralin/ Agham Panlipunan, Musika,Sining,


P.E
•Layunin ng Bilinggwalismo
1.Mapataas ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang
wika.
2.Maipalaganap ang wikang Filipino bilang wika ng literasi.
3.Mapaunlad ang Filipino bilang simbolo ng pambansang
identidad at pagkakaisa.
4.Malinang ang elaborasyon at intelektwalisasyon ng Filipino
bilang wika ng akademikong diskurso.
5.Mapanatili ang Ingles bilang internasyonal na wika sa
Pilipinas at bilang wika ng siyensya at teknolohiya.
MAGANDANG MAGSIMULA SA ilang
paglilinaw. Una, ano ba ang multilingguwal?
• Ang multilingguwál ay isang bagong pangalan sa isang
lumang tawag sa katangiang matuto ng mahigit dalawang
wika. Tinatawag ito noong polyglot.[mula sa Griego
na poly (marami)+glōtta (dila)]. Kayâ si Rizal na maraming
alam na wika ay tinawag na polyglot; ngunit kung
nabubúhay siyá ngayon ay tatawaging multilingguwal. 
Inihihiwalay ngayon ang multilingguwal sa bilingguwál—
isang katangiang limitado sa dalawang wika—bagaman
may naninindigang bahagi ng multilingguwal ang
bilingguwal. Kaugnay nitó, tinatawag
na monolingguwál ang tao na iisa ang alam na wika
• Kahulugan ng Multilinggwalismo
• Tumutukoy sa kakayahan ng isang taong
makapagsalita ng iba’t ibang wika
• Nangangahulugan ng pagkakaroon ng iba’t
ibang wika na sinasalita ng iba’t ibang grupo
ng mga tao sa mga lalawigan at rehiyon
Dulot na kagandahan ng Multilinggwalismo
• Kritikal na pag-iisip

• Kahusayan sa paglutas ng mga suliranin

• Mas mahusay na kasanayan sa pakikinig

• Matalas na memorya

• Mabilis na pagkatuto ng iba’t ibang wika


Dept. of Education Order,s. 2012
(Guidelines on the Implementation of the
MTB-MLE)
Layunin
• Pagpapaunlad ng wika tungo sa matatag na
edukasyon at habambuhay na pagkatuto
• Akademikong pag-unlad na maghahanda sa
mga mag-aaral na paghusayin ang kakayahan
sa iba’t ibang larangan ng pagkatuto

• Pag-unlad ng kamalayang sosyokultural na


magpapayabong sa pagpapahalaga at
pagmamalaki ng mga mag-aaral sa kanyang
pinagmulang kultura at wika..
Ang Kahulugan ng Sosyolek
Sosyolek ang tawag sa isang uri ng wika na ginagamit ng
isang partikular na propesyon o ng anumang pangkat na
kinabibilangan ng mga iba’t-ibang indibidwal. Sa mga
wikang ito may mga salitang pormal at ang mga iba naman
ay di-pormal.
Pormal ang tawag sa mga wika na gamit ng mga
propesyonal o yung may mga mataas na natatapos tulad
ng mga guro, doktor, nars at enhinyero. Di-pormal naman
sa mga salitang naimbento lamang ng mga ordinaryong tao
sa lipunan. Kadalasan sa mga wikang ito ay kusa ring
nawawala sa sirkulasyon kapag ito ay luma na at
napagsawaan na ng mga gumagamit nito.
Mga Halimbawa ng Sosyolek
1.) Pro Bono Serbisyo
2.) Takdang Aralin
3.) Asignatura at kurikulum
4.) Astig
5.) Tapwe
6.) Mustah po
7.) Chx
8.) Boom Panes!
9.) Churva
10.) Chaka
11.) Ansabe?!
12.) Ala Areps
Dahil yan sa ating hindi pagkakatulad sa mga maraming
bagay tulad na lamang ng edad, kasarian, katayuan sa 
buhay at klase ng lipunan na ginagalawan.
Sa mga propesyonal gaya ng mga abogado, guro, nars at
iba pa, sila ay may mga partikular na sosyolek na wika
 na kanilang ginagamit sa kanilang mga kliyente,
pasyente o mga estudyante.
Mga salitang kung minsan ay sila lamang ang
nakakaintindi. Sa mga grupo naman ng mga bading,
andiyan ang gay lingo at bekimon, sa mga kabataan
 naman ay jejemon at konyo, at pabalbal naman o
salitang kanto sa mga tambay at siga ng mga kalye.

You might also like