You are on page 1of 2

Sayawan

Rhen Dale Lopez

Ako ay naimbitahan sa isang sayawan

Nais ko ng magtapat sa babaeng matagal ko ng mahal

Nais ko ng ilapat ang mga kamay kong handang masaktan

Na kahit bitawan niya ay handa ko ng panindigan

Kabado ang pusong umaabante't umaatras

Mabilis ang takbo ng oras

Naghihintay na siya ay masulyapan

Kay raming inimbitahan ngunit siya lang aking hangad

Kulay asul ang palatandaan ng magarbo niyang kasuotan

Ang usapan namin magtatabi pa kami ng reserbang upuan

At sa unang sulyap ko sa kaniya noong pumasok siya sa pintuan

Ang ngiti ko'y abot langit ng hindi ko maiwasan

Nagsimula na ang sayawan, handa na ang lahat siya nalang ang kulang

Bulaklak na bagay sa kaniyang marikit na mukha

At ang mga salitang dalawang linggo kong kinabisa

Kay ganda ng musikang nagpapaindak sa aking kaluluwa

Nagkatitigan ang aming mga mata

Sa tagal na naming pagsasama noon ko lang nadama


Ang lagkit at tamis ng pagtititigan naming dalawa

Tumayo, tumayo ako at sinabi sa sariling "heto na"

Habang palapit ng palapit ay bumabagal ang sandali

Ng di ano anoy biglang nagdilim ang paligid

Ang lahat ay napasigaw

Tumigil ang aking mundo

Sa dagliang pagpatay ng ilaw

Ay siya rin pagbukas isipan ko

Na may iba pala siyang kasayaw

At yaon ay hindi ako.

Namumuo ang mga ilusyong

Dumuduyan sa ating isipan

Na kahit ika'y nahulog na at natapilok

At noong dumilim na ang paligid,

Patuloy ka pa rin sa indayog

Manhid na umiibig

Doble ang pait, pagkat masakit ang katotohan

Na may iba na siyang kasayaw

Sa sayawan kung saan ka naimbitahan.

You might also like