You are on page 1of 2

Tulad ng Ulan

(Tekstong Naratibo)

Sabi nila, ang pag-ibig daw ay parang ulan.

Pero paano ko maihahalintulad sa ulan ang pag-ibig? Kapag ba nagmahal ako mag-
iingay ang mga palaka? Ganoon kasi kapag umuulan. Ang labo.

Ilang beses ko ng naririnig na ang pag-ibig daw ay parang ulan. Pero bakit hanggang
ngayon hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit magkatulad ang ulan at pag-ibig?

"Uy, isasayaw ka ata." sabi ni Mae sa akin.

"Hindi ako, baka ikaw." sagot ko sa kanya.

Nakaupo kami sa hagdan habang pinagmamasdan ang mga nagsasayawan nang may
mapansin kaming lalaki na papalapit sa amin at mukhang magyayayang sumayaw.

Naglahad siya ng kamay na siyang ikinaguat ko ngunit tinaggap ko din. Natapos ang
tugtog at babalik na sana ako kung saan ako nakaupo, pero hinawakan niya ang aking
kamay at inihatid bago siya bumalik kung saan siya nakapwesto. At napangiti na lang
ako sa nangyari.

Ang ulan bigla bigla na lang dumarating ng hindi mo inaasahan.

"Mukhang masayang maglaro ngayon." napatingin naman ako sa labas.

Oo nga. Makulimlim at mahangin. Parang uulan.

Ilang linggo na rin ang lumipas simula ng isayaw niya ako. Lagi ko siyang nakikita at
laging nakakausap sa telepono, minsan inaabot pa ng madaling araw.

"Maaari ba kitang ligawan?" tanong niya.

Noong una nagdalawang isip ako dahil natatakot ako, pero pumayag din ako pagkalipas
ng ilang araw.

Ipinakilala niya ako sa nanay niya. Nahihiya pa ako pero paglipas ng oras ay unti unti
ding nawala. Naging malapit din kami sa isa't isa na halos itinuring ko na siyang
pangalawang ina.

Inaalagaan at ramdam ko yung pagmamahal na binibigay niya.

Lumipas ang ilang buwan. Nobyembre 11,2017, nagpasya ako na sagutin siya.

"Mahal, hintayin kita hanggang matapos ang klase mo" sabi niya
"Sige, salamat. Mahal kita."

"Mas mahal kita."

Ang ulan, pwede mong maramdaman pero hindi mo pwedeng pigilan.

Dumaan pa ang mga araw, linggo at buwan. Lagi niyang pinaparamdam na mahal at
mahalaga ako sa kanya.

Ngunit isang araw nagbago ang lahat. Nagbago siya.

Akala ko noong una, baka pagod lang kasi madami silang ginagawa. Na baka kailangan
niyang magpahinga kaya hindi ko siya gaanong nakakausap.

Binigyan ko siya ng ilang araw, para makapagpahinga at makapagisip.

Hanggang isang araw sinabi niya na ayaw mo na niya, na pagod na siya. Pero pinilipit
ko, kumapit pa ako kahit bumitaw na siya. Kinakausap ko siya kahit hindi na niya ako
kinakausap. Hindi pa ako sumuko. Hinintay ko na lang na mapagod ako.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit inihalintulad ang pag-ibig sa ulan. Dahil tulad ng
ulan, ang pagmamahal ay traydor.Madaya.

Kung kailan masaya ka na, saka ito titila. Bigla nalanag mawawala.

Sana hindi nalang ako sumama noon. Baka sakaling hindi ko siya minamahal ng ganito
ngayon.

You might also like