You are on page 1of 2

Ngayong Gabi Kaya kong Magsulat

Ngayong gabi kaya kong magsulat ng pinakamalulungkot na linya.


Magsulat, halimbawa, Ang gabi ay kumikislap
At ang bituin ay asul at nanginginig sa ginaw sa kalayuan

Ang hangin ay umiikot sa kalangitan at kumakanta

Ngayong gabi kaya kong magsulat ng pinakamalulungkot na linya.


Mahal ko siya, at minsan mahal niya rin ako.
Sa gabi tulad ng isang ito, hawak ko siya sa aking mga bisig
Hinahalikan ko siya muli at muli sa ilalim ng walang katapusang kalangitan

Mahal niya ako, at minsan, mahal ko rin siya.


Paanong hindi maiibigan ng isa ang kanyang mga mata na napakaganda pa rin

Ngayong gabi kaya kong magsulat ng pinakamalulungkot na linya.


Na isiping wala na siya sa akin. Na maramamdamang wala na siya sa akin.

Na marinig ang napakalawak na gabi, na mas lumawak pa ng wala siya.


At ang taludtod ay bumagsak sa kaluluwa tulad ng isang hamog sa pastulan

Ano ang kahalagahan ng aking pagmamahal kung hindi kayang panatilihin siya.
Ang gabi ay kumikislap at hindi ko siya kasama.

Ito na ang lahat. Sa kalayuan, may isang taong kumakanta. Sa kalayuan.


Ang aking kaluluwa ay hindi nasisiyahan na hindi ko siya kasama.

Sinisikap ng aking mga mata na hanapin siya na tila upang dalhin siya palapit sa akin
Hinahanap siya ng aking puso ngunit hindi ko na siya kasama.

Sa parehas na gabi na nagpapaputi sa parehas pa ring mga puno.


Tayo, ng mga panahong iyon, ay hindi na pareho.

Hindi ko na siya mahal, ito ay tiyak, ngunit, ah kung paano ko siya minahal.
Sinubukan ng aking tinig na hanapin ang hangin upang mahawakan ang kanyang pandinig

Sa iba. Magiging sa iba na siya. Gaya noong una bago ang aking mga halik.
Ang kanyang tinig, ang kanyang nangniningning na katawan. Ang kanyang walang hangganang mga mata

Hindi ko na siya mahal, ito ay tiyak, ngunit, ah kung paano ko siya minahal.
Napakaikli ng pag-ibig ngunit ang paglimot ay napakatagal.

Sa gabing gaya nito, hinagkan ko siya sa aking mga bisig.


At ang aking kaluluwa ay hindi nasisiyahan na hindi ko na siya kasama.

Ngunit ito na ang huling sakit na idudulot niya sa akin


At ito na ang mga huling taludtod na isusulat ko para sa kanya.

You might also like