You are on page 1of 1

pinakamalungkot na tula

maisusulat ko ang pinakamalulungkot na salita sa gabing ito halimbaway isusulat kong tumigil ang gabi at nangangatal, nangangasul, silang mga bituin sa dakong iyon. ang hangin ng gabi ay pumihit sa langit at umawit. maisusulat ko ang pinakamalulungkot na salita sa gabing ito. minahal ko siya, minsan, minahal din niya ako. sa mga gabing katulad nitoy yapos siya ng aking mga bisig. masiil ko siyang hinahalikan sa kaibuturan ng dilim ng gabi. minahal nya ako, minsan, minahal ko din siya. paano kong hindi mamahalin ang kanyang mga mata. maisusulat ko ang pinakamalulungkot na salita sa gabing ito. sa paniniwalang hindi ko siya kapiling, sa pakiramdam na nawala na siya sa akin. pakinggang mabuti ang kaibuturan ng gabi, mas malalim ngayong wala siya. ang mga salitay nahuhulog sa kaluluwa tulad ng hamog sa damo. ano nga bang halaga na hindi ko siya kapiling? ang gabi ay tumigil at siyay wala sa akin. iyon lamang. mayroong umaawit mula sa malayo. malayo, ang aking kaluluwa ay hindi mapakali sa kanyang pagkawala. tila inaabot ko siya, hinahanap siya ng aking paningin. hinahanap siya ng aking puso: wala siya sa aking piling.

ang gabing ito ay lumilinaw, sa katulad na mga sanga. tayo, mula sa panahong iyon, tayo ay hindi na katulad ng dati. hindi ko siya mahal, tiyak iyon, ngunit mahal na mahal ko siya. tinatangka ng aking tinig na hanapin siya sa hangin. may humahalik sa kanya, tulad ng aking mga halik. ang kanyang tinig, ang makinis niyang katawan, malamlam na mata. hindi ko siya mahal, tiyak iyon, ngunit maaariy mahal ko siya. maikli lamang ang pag-ibig; ang paglimot ay walang katapusan. mula sa mga gabing ito na yapos siya ng aking bisig, hindi mapalagay ang aking kaluluwa sa kanyang pagkawala. ito na marahil ang huling sakit na maidudulot niya sa akin, at ito ang mga salitang maisusulat ko sa kanya. [salin, saddest poem, from twenty poems of love, pablo neruda] para kay lia, ang aking pinakamamahal.
10 agosto, 2006, maynila.

You might also like