You are on page 1of 8

"DAWN"

" Nasa balkonahe upang pag masdan ang bukang liwayway. Naka ngiti siya pero luha ay tumutulo. Tugtug ng kanyang Alpa na dinadala
siya sa alaala at mahika ng nakaraan.
Isang panaginip na pangarap nya....

Habang tumutugtug siya ng kanyang Alpa naramdaman nya ang init na humahawak sakanya, na sumisimbolo na dapit hapon na.
Nanghihina at humaba ulit ang kanyang buhok.

"Ika labing anim na pag lubog ng araw na pala"

Itinuloy niya ang pag tugtug nya sa kanyang Alpa pero ang tunog nito ay parang nasasaktan na. Tumigil siya sa pag tugtug at gusto nyang
umiyak pero walang luha ang tumutulo, pangarap nya din ang sumaya pero wala siyang dahilan para sumaya. Tanging kadiliman lamang.

Gabing malalim at tahimik. Kinuha niya ang piring sa kanyang mga mata at tumingin sa salamin. Mga makikintab na buhok, mala anghel na
balat, labi na parang mga rosas at mga mata ng sumpa, kamalasan, at kamatayan.

Napatingin siya sa buwan at pinagmasdan ang kagandahan nito. Puno ng galit at pag sisisi, inis na hinahawakan ang kanyang piring. At muli
nya itong sinuot at muli... kadiliman nanamn ang nakikita...
____________________________________________

"Ikalabing pitong paglubog ng araw"

Tumugtug siya ng lamig na galing sa kaniyang Alpa ng mahika, at Isang boses ng lalaki ang sumabay.

Ze'ev's POV:
Tunog ng Alpa na puno ng alaala at mahika. At tuluyan nalang ako nahulog. Humahanga mula sa malayo at habang tumutugtog siya ay
bigla akong napakanta dahil sa ganda. Ganda ng nasasaktan... Ngunit, bigla itong huminto....
" Bakit ka huminto? " ( Z )
" Sino ka? " ( Dawn )
" Ipag patuloy mo muna " ( Z )

Kumanta ulit ang lalaki na baka siya ay tutugtug ulit. Mga pakpak ay bumubukadkad at lumipad papunta sa balkonahe kung saan ang
musika ng mahika ay naririnig.

Nanginginig na hindi na maka galaw at makapag salita.

" Umalis kana!! "

Ang tunog ng Alpa mo ang nag dala sakin dito.....

Humaba ulit ang buhok at ng hihina

" Dapit hapon na pala, oh kay ganda nya nanamn "


" Yung buhok mo? "
" Umalis kana!! paki usap po "

Bumaba ang mga pakpak neto at umalis nalng…

" Isang momento na hindi ko malilimutan, ang boses nya na pinagaan ang loob ko, ang pag ka bighani sa tugtug ko at pag tataka nya sa
aking pangalan.... "

Ze'ev's POV:

Kay ganda ang tunog ng Alpa nya. At ang ganda nya rin ngunit mga mata nya ay may tabon, isang tela na kulay puti na tinatali nya sa likod
ng buhok nya.. Apaka ganda nya parinnn....
____________________________________________
"Ika labing walong pag lubog ng araw"

Binukadkad ni Zeeve ang kaniyang mga magagandang pakpak at lumipad ulit ito pa balik...

Ze'ev's POV:
Ha? Kaliwa ba o kanan?

At bigla na lang nag patugtog ng kaniyang Alpa si Dawn, at narinig ito ni Zeeve kaya't nalaman niya kung saan ang daanan.

" ang ganda nanamn ng dapit hapon pero siya ang gusto ko makita ngayon "

Isang tugtug ng mahika ang narinig ng lalaki at bigla itong napa ngiti....

Ze'ev's POV:
Mas maganda pa sa dapit hapon...

Napatulala at nahuhulog ito ulit.... At na tapos na ang tugtog nito.....


" puno ng lamig at sakit ang naririnig ko " ( Z )
" ikaw? " ( D )
" hindi siya HAHHAHA " ( Z )
" ano ang ginagwa mo dito at isa pa bat ka bumalik " ( D )
" hayst eto namn na miss ako agad " ( Z )
" duhhhhh?? ako? ma mimiss ka?? " ( D )
" hala siya... gumaganun na ah " ( Z )
" umalis kana " ( D )
" kala koba na mimiss mo ako? " ( Z )
" di nga kita kilala eh " ( D )
" hay nako, at ngayon gusto mo malaman pangalan ko? " ( Z )
" umalis kana! " ( D )
" Ze'ev, ikaw? " ( Z )
" wala akong pangalan " ( D )
" ha? HAHHAHA wala kang pangalan? "
Nang hihina siya at ang mga buhok ay humababa ulit..
" pasensya na at aalis na ako " ( Z )
" Mga tawa nya ay pangarap ko. Ze'ev, isang ngalan na alam ko at ito ay naging espicial sa akin. "
Ze'ev's POV:
HAHAHHA seryoso wala siyang pangalan? HAHHAHA
____________________________________________
(Umaga)
Ze'ev's POV:
Kaya koto !
Ako nato eh !
Isang boses ng panaginip ang narinig sa pag sikat ng araw na puno ng pag kahulog.
*/ HARANA
ehe
Hindi namalayan na ngumiti ito at nahulog rin ito.
Ze'ev's POV:
Isang ngiti ang nakita ko at alam ko rin na ang ngiti na yun ay unang ngiti nya.
Lumipad ako pa punta sakanya at ( pinat ko ang kanyang head )
*/ gin pa music lang ang HARANA
Ngiti na hindi na ma alis sa kanyang mukha at saya na muli ang nadama.
" lalo ka nang gumanda at nahulog na namn ako "
"ika labing siyam na pag lubog ng araw"
" hindi ko na malayan na ika labing siyam na pag lubog ng araw na pala, hindi ko naramdaman ang pag haba ng buhok ko at pag ka hina ko.
Nanaginip ba ako? Bigla lang ako ngumiti at nahulog bigla kay Zeev.
Ze'ev's POV:
hindi ko na abutan ang bukang liwayway ng na kapag paalam na ako na aalis na ako.

____________________________________________
Bahaghari ang nakita sa unang oras ng umaga.
*/ sa iyong ngiti ah
Ze'ev's POV:
Mga ngiti nya na hindi na maalis at mga labi nya na pupula na gusto ko ng halikan. Huyyyy.

__________________

Unang oras ng umaga naging paborito nila papunta sa unang oras din ng dapit hapon
Ika labing dalawa,
Ika labing dalawamput isa,
Ika labing dalawamput dalawang pag lubog ng araw
____________________________________________
Mga ulap ay umitim at umulan ng malakas.
" arrghhh umulan pa "
Nawala ang ngiti at tutulog na sana, baka duna nalang sila mag kita sa panagip ngunit....
" pstt " ( Z )
" po? " ( D )
" sino ka? " ( Z )
" so na kalimutan mo na ako? "
" Ze'ev? " ( D )
" HAHHAA tawagin mo nga ako ulit, nakikilig ako HAHAHA " ( Z )
" hoyyy, umuulan " ( D )
" anong connect? " ( Z )
Umakyat si Ze'ev sa balkonahe dahil di ito maka lipad sa ulan. Kinuha ang mga buhok nya at binaba.
" Ze'ev? " ( D )
" mag tiwala kalang ( Z )
Ang buhok ay parang naging hagdan na tumulong sa pag baba nya. Ngunit ng malapit na sa damo, bigla siyang huminto at na takot.
" humawak ka sakin, sundin aking himig at wag na ka nang matakot
hayaan mong kusa at sundin ang damdamin. Sumama ka sakin.... at tayo ayyyy.... sasayaw sa ilalim ng mga ulap at sa ulan, ii kutin ang
puno at sasabay sa himig ng ulan. "
" nahulog ang puso ko sakanya at buo ang tiwala ko. Naramdaman ko ang tulo ng ulan sabay sa pag tibok ng aking puso. Hindi ko nakikita
ang ulap at ang ulan ngunit ramdam ko ang pag mamahal sa hangin at sa tiwala. "
Tumatakbo na puno ng kasiyahan at tiwala.
Na kung maligaw man sila, puso nila ang pakikinggan at tiwala sa isa't isa ang mananaig
Na pagod at nakakita si Ze'ev ng isang duyan at may na alala siya.
" ayun meron akong nakita na duyan, at ang duyan na yun ay tinatawag nila na pangarap ng panaginip jdkdjdbdmsn" ( Z )
" kwento mo yan ih " ( D )
Umupo ang dalawa na para bang tinadhana na sila na umupo dun
*/Tahanan
Mga ngiti ng mahika, mga tinginan ni Ze'ev na para bang nasa kanya na siya... Mga usapang nakakahulog ng isa't isa..
Ze'ev's POV:
Tulo ng ulan ay parang I fall for her harder than the before.
Lakas ng hangin na dinuduyan na sila. Napansin ni Ze'ev na may buhok na sumasagabal at agad nya itong kinuha sa mukha nya. Napahinto
at napamangha nanamn sa kagandahan neto. Hinawakan nya ang mukha ng babae sabay papalapit sa mukha nya. Pinikit ang mata at sabay...
kumulog ito ng malakas at nagulat ang dalawa. Sabay na tumawa na para bang alam nila na ang mga lihim sa isa't isa.
Naka upo at pa tuloy ang pag hulog nila sa isa't isa na huminto ang ulan sabay pag dating ng dapit hapon
"ika dalawamput tatlong pag lubog ng araw"
" Bat mo binibilang? "
" ikaw dalawamput tatlong pag lubog ng araw, pag lubog ng araw na nadama ko ang tunay na saya "
" syempre ako nato eh "
Gabi na puno ng pag mamahal at tiwala.
" hintay at babalik ako "
" po? "
Boses ng pag kahulog ang narinig.
*/ panaginip
( nag kanta panaginip )
____________________________________________
( PANAGINIP NI DAWN )
"ANG NAG SUMPA SA KANIYA NA SINASAMBIT ANG MGA KATAGANG: HA,HA,HA IKA DALAWAMPUT APAT NA PAG
LUBOG NG ARAW, ANG HULING ARAW MONA"
Nagising at hindi na maka galaw...
____________________________________________
*/ UMAASA
Apat na beses nang pag lubog ng araw na ang boses ni Ze'ev hindi na naririnig. Walang ngiti at kasiyahan sa mga ulan, mga pangako sa
ilalim ng mga bituin at buwan. At tunog ng Alpa na dina naririnig.
____________________________________________
*/ musika
Isang oras na hindi malilimutan ng dalawa.
" Yumakap ka sakin. " ( Z )
Binuka ang pakpak at dinala sa duyan ng panaginip ng pangarap.
Kay lamig ng hangin at ulap ng nasasaktan. Luha ay tumutulo sa mukha ni Ze'ev at bigla nya itong niyakap.
" SINUMPA AKO!!! ANG BUHAY KO AY WALNG KULAY, TUNAY NA KASIYAHAN O NGITI. TANGING KADILIMAN AT
KAMATAYAN LAMANG. " ( D )
Humaba nanamn ang buhok at muling nang hina.
" dalawang apat na pag lubog, I larawan mo nga sakin "( D )
Pinag masdan ni Ze'ev ang bukang liwayway at ito ay napa lingon sa kanya
" Mga ulap ay kahel at dilaw. Ngumingiti ito, at ang kagandahan nito ay nakakahulog. " (Z)
" apaka ganda nya "
" sobra "
Niyakap nya ito ng mahigpit na hindi siya pwede makuha.
sa lahat ng mga kamangha-manghang Umaga, hapon at gabi na naranasan ko, nag tiwala ka sakin, humawak ka sa kamay ko, tumakbo,
sumayaw at nag usap tayo sa ilalim ng umagang nag uulan ng kilig, hapon ng pag ka hulog at gabi ng mga pangako na hindi ko
malilimutang sandali ng aking buhay. ( D )
" bat kaba nag sasabi ng mga nyan? " ( Z )
" ze'ev, umiiyak kaba? " ( D )
" maririnig paba kita na nag tutugtog? " (Z )
" oo namn basta sa dapit hapon kalng titingin "
Napag tanto ni Ze'ev na eto yung huling pag uusap nila at niyakap nya ito ng mas mahigpit pa...
" ang ganda ng dapit hapon namn nyan " ( Z )
Ang dalawa ay tumawa at hinahayaan nilang kalimutan ang kanilang kalungkutan, hanggang sa tumama sa mata ni Ze'ev ang paglubog ng
araw. Katulad nangyari sa kanila nung 24th sunset....
Humaba ang buhok at humina na ng tuluyan. Hinalikan nya at sabay sa pag tangal ng blindfold sa mata nya.

Luha ay tumulo.....
habang ang kanyang mga mata'y pipikit na, nasulyapan nya pa ang ganda ng dapit hapon kahit ilang segundo lamang..

You might also like