You are on page 1of 11

FILIPINO 1

ORYENTASYON
LICEO-SHS
Filipino 1
Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Deskripsyon ng Kurso

Pag-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa


kalikasan, katangian, pag-unlad, gamit
at paggamit ng Wikang Filipino sa mga
sitwasyong komunikatibo at kultural sa
lipunang Pilipino.
Pamantayang Pangnilalaman:

 Nauunawaan ang mga konsepto,


elementong kultural, kasaysayan, at
gamit ng wika sa lipunang Pilipino.
 
Pamantayang Pagganap:

Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa


isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling
komunidad
Pananaw ng Guro sa Pagtuturo ng Asignaturang
Filipino I.

Malinaw na ang Filipino ay itinuturo sa ating mga


paaralang pambansa sa dahilang nakatadhana sa umiiral
na Patakarang Edukasyong Bilinggwal. Itinuturo ito
bilang sabjek pangwika at wikang pangklasrum sa iba
pang sabjek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang
panturo. Bagama’t kapwa magkatuwang ito sa
kaganapan sa pagkatuto, kailangan lamang na
matutuhan ang Filipino bilang isang wikang may sariling
kakayanan upang magamit ito ng efektivo sa pagkatuto
ng iba pang sabjek na itinuturo sa Filipino.
Ayon kay Otanes (2001), anuman daw
balaking bumuo ng isang kurikulum pangwika,
kinakaliangang bigyan pokus ang mga mag-
aaral na ang pangunahing layunin ay ang
matuto ng wika upang sila ay
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa
kanilang kapwa at makapagpahalaga sa
kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan.
Sa pamamagitan ng pamantayang nilalaman ng sabjek na
FILIPINO 1 na 21st Senior High School ay bibigyang –diin ang pag
-aaral tungo sa pananaliksik ukol sa kalikasan, katangian, pag-unlad,
gamit at paggamit ng Wikang Filipino sa mga sitwasyong
komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. Layunin nitong linangin
ang kasanayang komunikatibo at kasanayang pampananaliksik ng
mga estudyante habang pinalalalim ang kanilang kaalaman sa mga
konseptong pangwika at ang kanilang pag-ugat sa sariling kultura
bilang mga Pilipino(Reyes, 2016).
Sa pamamagitan ng mga kaisipang nabanggit, nabuo
ang konsepto ng mga guro sa LICEO na ang pangunahing
mithiin ng pagtuturo ng Filipino bilang isang larangan ng
pagkatuto sa level Senior High School ay makadevelop ng
isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino
at responsableng mananaliksik sa kanyang larangan.
Kaya’t ang Filipino ay hindi lamang isang sabjek pangwika
kundi isang wika na may sariling kakayahan upang
mapaunlad , malinang , at mapalawak ang komunikatibong
kakayahan ng isang mag-aaral.

Sariling pananaw ni Gng. Rowena Abacaro

Guro sa Filipino
Naunawaan ba ang kalikasan ng asignaturang
Filipino 1?

Kung ganoon, angat ka na sa susunod na


lebel….

You might also like