You are on page 1of 4

Subject: EsP Baitang: 8

Petsa: Linggo: Anim Quarter: Unang Markahan


Pamantayang Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag
Pangnilalaman ng Pamilya
Pamantayan sa Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos
Pagganap tungo sa pagpapatatag ng pamilya gamit ang
komunikasyon.
Kompetensi Nahihinuha na ang:
a. Ang bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga
magulang at mga anak ay nagbibigay-daan sa
mabuting ugnayan ng pamilya sa kapwa EsP8PBIf-3.3
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-
pasalita at virtual na uri ng komunikasyon ay
nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa EsP8PBIf-3.3
c. Ang pag-unawa sa limang antas ng komunikasyon
ay makatutulong sa angkop at maayos na pakikipag-
ugnayan sa kapwa EsP8PBIf-3.3
d. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa
pagkakaroon at pagpapaunlad ng komunikasyon sa
pamilya EsP8PBIf-3.4
I. LAYUNIN

Apektiv Naiaangkop ang kahalagahan sa mabuting


pakikipagdiyalogo sa pamilya
Saykomotor Nakapagsusulat ng isang tula tungkol sa ugnayan ng
magulang at anak
Kaalaman Nakapagpapamalas ng mabuting gawain ng pamilya sa
pagharap sa mga hamon sa komunikasyon sa
modernong panahon
II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa Yunit I- Ang Pamilya Bilang Ugat ng Pakikipagkapwa


Modyul 6- Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya
Linggo: Ikaanim
B. Sangguninan EsP 8 – Modyul para sa Mag-aaral , pahina 65-74
SLM EsP 8, Unang Markahan- Modyul 6
C. Kagamitang SLM EsP 8, Laptop, bondpaper, pangkulay, atbp.
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN

A. Paghahanda 1. Saan nararapat unang nagsisimula ang


Pangmotebisyunal na diyalogo? Bakit?
Tanong 2. Gaano kahalaga ang paghubog sa pamilya sa
pakikipagdiyalogo? Pangatuwiranan…

Aktiviti/Gawain Pagbasa ng sipi mula sa tulang “Ano Ba Naman Itong


Anak Ko?” ni Lara Faye Millalos.
Ano ba naman itong anak ko?
Kagagaling lang sa eskwela,
Kasama ang mga barkada,
Kasama ang mga barkada,
Akala mo’y kaytagal na hindi nagkita,
Cellphone ang hawak kausap ang kaeskwela,
May ka skype sa computer nya,
Naka Facebook pa!
Kung may twitter account kaya ako,
i-follow nya?

Iniwan ang gamit sa sala,


Nagkalat ang mga textbook nya,
“Anak mag-aral ka na nang leksyon
At ang mga homework gawin mo na”.
Ilang sandali pa marinig na,
Ubod ng lakas na t.v. sa kuwarto nya,
Labis akong nag-aalala,
Siya kaya’y nakaririnig pa,
Ano ba naman itong anak ko?

Sa umaga sa almusal,
Earphones nakapasak na sa tenga,
Ipod nya ang kahunta,
Ni ha ni ho, walang pagbati man lang,
Sa nagluto ng almusal nya!
Ang anak ko kaya’y nakapagsasalita pa?
Namimiss ko na ang boses nya!
Ano ba naman itong anak ko?
Nag-aalala talaga ako sa kanya!

Pagsusuri/Analysis 1. Ano ang ipinahiwatig sa tula? Bakit?


2. Naaangkop ba ang tula sa paksa?
Pangatuwiranan.
3. Ano ang katangian ng anak?
4. Ano ang katangian ng Ina?
5. Ano ang dapat gawin ng ina sa anak? Bakit?
B. Paglalahad Tatalakayin ang Halaga ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya nasa modyul pahina 5-6.
Abstraksyon
(Pamamaraan ng
Pagtatalakay)
C. Pagsasanay Pagsusuri sa mga suliranin sa komunikasyon na
(Mga Paglilinang na kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa modernong
Gawain) panahon. Punan ang hinihingi ng talahanayan sa
Isagawa na nasa pahina 7-8 ng modyul.
D. Paglalapat 1. Gumawa ng dalawang saknong na tula na may
(Aplikasyon) tig-aapat na taludtod tungkol sa ugnayan ng
magulang at anak.
2. Gawing basehan ang tulang “Ano ba naman
itong anak ko?”

Gawing basehang krayterya:

Nilalaman - 10 puntos
Istilo - 10 puntos
Orihinalidad - 10 puntos
Kabuuan - 30 puntos

E. Paglalahat Mabisa ba ang diyalogo sa pagpapatatag ng relasyon


(Generalisasyon) sa pamilya?
IV. PAGTATAYA Pasagutan ang Tayahin sa pahina 8-9 ng modyul.
V. KARAGDAGANG Ilarawan ang isang sitwasyon na nagpapakita ng mga
GAWAIN suliranin sa komunikasyon, dahilan at ang epekto nito
sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa. Gawin ito sa
pamamagitan ng pagguhit at pagkulay ng iyong
nabuong paglalarawan.

Krayterya sa pagbibigay ng puntos:

Kaangkupan - 10 puntos
Pagkamalikhain- 10 puntos
Kabuuan - 20 puntos

Prepared by:

Ms. YSMAELA CHAT A. ASDILLO


EsP 8 Teacher

You might also like