You are on page 1of 6

ARALIN 13

PAGSULAT

A. Kahulugan

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring magamit


na mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan. Ito ay bunga ng interaksyong proseso ng mag-aaral
at produkto ng sosyo-kultural na konteksto na nakaapekto sa pagkatuto.

Para sa isang mag-aaral, napakahalaga ng gawaing pagsulat upang makakuha ng


mga tala sa mga sinasabi ng guro na napag-aaralan niya ang mga ito kapag dumarating ang
panahon ng pagsusulit.

Bilang isa sa mga pangunahing kasanayang pangkomunikasyon, ang pagsusulat ay


karaniwang bunga ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao. Isang kasanayan ito na
may malaking ginagampanan sa pag-unlad ng wika at panitikan kundi maging ng
sangkatauhan. Kasangkapang nilikha at ibinunga ng talino ng tao gamit ang pinakamahalaga
at pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.

B. Ang Pagsulat Bilang Kasangkapan ng Tao

1. Tagapagsiwalat – karaniwang naipapahayag ang mga pangyayari sa lipunan maging ito


man ay personal o nasyonal na isyu, naisusulat ang mga pangyayari. Ang mga pahina ng
mga pahayagan, magasin, dyornal at iba pang kaanyo nito ay pawang nagpapatunay na
may naisisiwalat sa pamamagitan ng pagsulat.

2. Tagapagtago – sapagkat lahat ng mag impormasyong nagkakaroon na ng anyong pasulat


ay nagiging tagapagtabi ng mga impormasyon. Mula sa personal na dayari hanggang sa
mga akdang pampanitikan, teksbuk at iba pa.ang mga impormasyon at pangyayaring
naitago na sa kalaunan ay ginagamit bilang matibay na batayan ng bagong pagsulat.
Naitatabi din ang mga matatalinong kaisipan ng tao, na kung hindi maisusulat ay maaaring
mawala at di na mabalikan ang mga alaalang iyon.

3. Tagapaglinang – sapagkat sa pamamagitan nito ay nahuhubog at napapaunlad ang mga


paksa o pangyayari mula sa isang simpleng usapin tungo sa isang mayaman at
mahalagang usapin na nagpapakita ng mga mahahalagang isyu ng lipunan. Magandang
halimbawa nito ang mga pananaliksik na nagtatampok ng isang paksa sa mas mataas na
antas ng kahulugan niti gamit ang mga pamamaraang siyentipiko.

4. Tagapagtuklas – sapagkat sa pamamagitan ng pagsulat, nahahanap, natatagpuan at


nakikita ang mga bagong karanasan, talino at lakas ng sangkatauhan. Ang mga kaugnay na
literature ng mga tesis at disertasyon at mga teknikal na imbensyon.

C. Layunin ng Pagsulat

1. Ekspresiv – personal na pagsulat para maipahayag ang sariling opinyon.

2. Formulari – isang mataas na istandardisadong pagsulat o kasunduan sa negosyo at iba


pang transaksyong legal, pulitikal at pang-ekonomiya.

3. Imaginativ – upang mabigyan ng ekspresyon ang mapanlikhang imahinasyon ng


manunulat sa pagsulat ng mga dula, awit, tula, iskrip at iba pa.
4. Informativ – upang magbigay ng mahalagang impormasyon at ebidensiya.

5. Persweysiv – upang makapanghikayat at mapaniwala ang mambabasa dahil sa mga


ebidensiya at katibayang ipinahayag.

D. Uri ng Pagsulat

a. Ayon sa Anyo – tumutukoy ang anyo o form sa kaayusan ng patern at paraan ng pagbuo
ng isang tekstong pasulat. Ito ay ibinabatay sa patern ng nilalaman o detalye ng isinusulat.

1. Subhektibong Pagsulat – kung ang magiging daloy ng kanyang mga paliwanag ay


batay lamang sa kanyang mga pananaw at sa mga limitadong batayan. Ang
halimbawa nito ang ang pormal na sanaysay at mga kwento ng karanasan.

2. Obhektibong Pagsulat – kung pinapahalagahan ang mga konkreto, siyentipiko at


paktwal na mga impormasyon. Ito ay ang pormal na sanaysay.

b. Ayon sa Gamit – layunin ng pagsulat na ito na tukuyin ang partikular na gamit nito sa
sumusulat at sa mga babasa ng isinulat.

1. Personal – kung ang layunin ng pagsulat ay tumutugon sa personal na


pangangailangan tulad ng liham-pangkaibigan.

2. Bisnis Korespondens / Korespondensiya Opisyal – layunin ng pagsulat na ito na


lumikha ng liham-pangangalakal tulad ng liham-aplikasyon, liham-paanyaya at iba
pang kauri nito.

3. Papel Kritisismo at Reaksyong Papel– naglalayong magsuri at magbigay ng


reaksyon, puna o komentaryo sa dula, pelikula, aklat, maikling kwento o maging sa
mga pabigkas na pahayag.

4. Panliterari – naglalayong makalikha ng isang akdang pampanitikan gaya ng maikling


kwento, nobela, tula at sanaysay.

5. Teknikal – kinapapalooban ito ng mga impormasyon para sa mga mekanikal na


proseso na karaniwang tumutukoy sa mga teknikal na kagamitan. Kabilang sa
ganitong uri ang progress report, project proposal, memorandum at maikling report.

6. Sayantifik – bunga ng isang epektibong eksperimentasyon, masusing pag-aaral at


analitikong pagsusuri. Ilan sa mga uri nito ay ang papel pananaliksik, tesis at feasibility
study.

c. Ayon sa Pokus o Disiplina

1. Agham o Sayans – kung ang paksa’y nauukol sa mga katotohanan, nagtataglay at


tumutugon sa prinsipyo ng sayantipikong pangangailangan. Kabilang sa ganitong
disiplina ay ang medisina, enhenyera, arkitektyur, akawnting, kompyuter at iba pa.

2. Agham Panlipunan – kung ang tuon nito ay nauukol sa mga katotohanang


panlipunan gaya ng disiplinang pambisnes, advertaysing, ekonomiks, midya,
isports, kasaysayan at iba pa.
E. Istandard na Dapat Taglayin ng Sulatin

1. Kaisahan – kailangang umikot ang diskasyon sa paksang isinusulat. May isang sentral na
ideya at ito’y dinedevelop.

2. Koherens – maayos ang pag-uugnayan ng mga pangungusap. Napagdurugtong ang mga


ideya sa pamamagitan ng detalye.

3. Kalinawan – hindi maligoy ang mga pangungusap. Dapat ay may direksyong tinutungo
ang sulatin. Gumagamit ng eksakto o wastong salita.

4. Kasapatan – may sapat na datos at detalye. Halimbawa nito ang tuwirang sabi at dahilan
na sumusuporta sa sinasabi.

5. Emphasis / Diin – kung ano ang bibigyang-diin sa sulatin.

F. Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat

1. Pag-iwas sa “wordiness”.

“Wordiness” kung gumagamit ng salita o parirala na inuulit lamang ang ideya.


 Una sa lahat, ang inisyal na bayad ay P500.
 Dapat ay ganito: Ang inisyal na bayad ay P500.

2. Paggamit ng wastong salita.

Tiyaking eksakto ang salitang ginamit kapag may naisip pang mas tiyak at tamang salita
para sa pangungusap.
 Paano ba nagkakaiba ang kahulugan ng dahas, lupit, bangis, tapang?

3. Paggamit ng “forceful” o may pwersang pangungusap.

Ang paksa at panag-uri ay nakaaapekto sa mambabasa.


 Si Mary, ang mag-aaral ay nakakuha ng pinakamataas na marka at perpektong
atendans, ang tinanghal na valedictorian.

4. Ang pagiging orihinal ng pangungusap.

5. Paggamit ng kongkretong salita (specific).

6. Paggamit ng mga seryeng pangngalan.


 Bonfire, parade, pagpili ng reyna, pagdalo ng gradweyts, mga palaro

7. Paggamit ng maikling pangungusap.

8. Paggamit ng mga datos, testimonya, istatistiks, pangyayari o events bilang pruweba sa


pagsasabi ng katotohanan.

9. Pagtinging mababa sa binasa.


 Gago lang ang maniwala sa balita…..
 Sa halip ay . . . .”Mukhang di . . . “o kaya’y , “Dahil ditto, ako’y naniniwalang…”
10. Magsulat ng di-totoo, o i-twist ang katotohanan, sumulat ng walang facts partikular sa mga
balita at editoryal.

11. Eksaherasyon o pagpapalabis ng balita (radio o pahayagan)

12. Iwasan ang maligoy na pangungusap.

13. “Redunduncy” o paulit-ulit na salita.

14. Hasty Generalization – agarang paglalahat.

15. Tiyaking tama ang ispeling, bantas at gamit ng mga salita.

G. Bahagi ng Sulatin

1. Panimula – ang anumang sulatin ay kailangang may mapang-akit na simula upang


magpatuloy-tuloy ang pagbasa. Dapat ito’y nakakapukaw ng pansin na parang nagsasabi
mas ma-eexcite ka pang basahin ang mga susunod.

Dahilan kung bakit kailangang maging maganda at kaaki-akit ang panimula:

 Makuha ang atensyon ng mambabasa.


 Ipakilala ang paksa.
 Ipakita ang kahalagahan ng paksa.
 Ipresenta ang kabuuan o buod.
 Ipaliwanag ang pangunahing ideya.

Paano isusulat ang panimula?

a. Maaaring gumamit ng katanungan.


Halimbawa: Ihahambing ba kita sa isang tag-araw? Kung ang tag-araw mo’y ngayon,
sana’y wala nang taglamig.

b. Gumamit ng isang makatas na pangungusap.


Halimbawa: may hangganan din ang pagkaalipin. May katapusan din ang katampalasan.
Bukas babangon ang api upang durugin ang hari.

c. Gumamit ng isang makatawag-pansing pangungusap.


Halimbawa: Bawat puso ng minorya ay pintig ng kanyang tribo.

d. Gumamit ng paglalarawan.
Halimbawa: Magulo. Mabaho. Sari-saring amoy. Nakapagbabaliktad ng sikmura ang
esterong may malalim na kasaysayan.

e. Gumamit ng tuwirang sabi o sipi.


Halimbawa: “Ikaw ay isang Pilipino. Hindi pili-pilipinuhan lang. Samakatwid, ganap kang
Pilipino. Susulat ng tungkol sa Pilipino, para sa Pilipino, para sa Pilipinas.”

f. Gumamit ng dayalogo o usapan.


Halimbawa: “Amnestiya sa pagbabalik-loob? Pag-aralan natin.” “Kaibigan, marami nang
nagsisuko.

g. Gumamit ng analohiya.
Halimbawa: Di ka laging bata. Ang bata ma’y tumatanda. At kapag ang bata’y tumanda,
dapat siyang may pinagkatandaan. Mahirap maging bata kung matanda na. ito’y isang
pagkukunwari.
h. Gumamit ng isang pagsasalaysay.
Halimbawa: Biktima ako at ang aking pamilya ng giyera. Patuloy na nagtutugisan ang
magkabilang panig. Saan kami tatakbo? Paano kaming mamumuhay nang matiwasay?
Ang tagal naman ng kapayapaan.

i. Gumamit ng personal, historikal, at awdyens referens.


Ang personal referens ng awtor ay nagpapakilala sa kanyang sarili at ang
koneksyon nya sa sitwasyon o pangyayari; awdyens referens kapag gusto niyang
palitawin ang involvement ng mambabasa sa kanilang binabasa; at historikal referens
upang malinaw sa mambabasa ang mga pangyayaring ipinahahayag sa sinulat.
Halimbawa: KIlala ninyo si Ninoy? KIlalang-kilala. Isang batang paslit na iniwan ng
kanyang ina sa kalye. Waring walang maglimos sa kaawa-awang kamay na nakalahad.
Maya-maya’y humahawak at pinipisil ang kumakalam na sikmura. Kapitbahay lang natin
siya. Higit sa lahat, siya’y kabataang Pilipino.

j. Gumamit ng “humor” o nakatatawang pangyayari.


Halimbawa: “Manong bayad.” “Mama bayad” . . . .maraming beses na iniabot ko sa ako
drayber ang pamasahe ng mga nakasakay sa dyip. Malapit kasi ako sa drayber. Ngunit
namangha ako nang bilangin ko ang aking pera. Di ito nabawasan. Nakalimutan kong
magbayad. “Sori Manong,” bulong ko sa aking sarili, “di ko sinasadya”.

2. Panggitna o Katawan ng Sulatin – ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto. Dito


ipinaliliwanag ang lahat tungkol sa paksa.ang lahat ng datos na nakalap ay kailangang
mailahad ditto. Binubuo ito ng mga talatang kinapaplaooban ng mga pangunahing kaipipan
at pantulong na mga detalyeng maayos ang pagkakauri-uri at pagkakasama-sama.

Pamamaraan sa pagsasaayos ng Katawan ng Sulatin

 Pakronolohikal – pagsasaayos ito ng paraan ng pagpapaunlad na naayon sa


tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa pinakamatagal na
hanggang sa pinakasalukuyan.

 Paanggulo – ibinabatay sa personal na reaksyon ng bawat tao tungkol sa mga


bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom.

 Paagwat – pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga


bagay dito’y alam na alam na.
 Paghahambing – isinaayos nang paseksyon. Sa unang seksyon sinisimulan
muna ang pagkakaiba tungo sa ikalawang seksyon na ang pagkakapareho
naman.

 Palamang – ang bagay munang lalong mahalaga ang binabanggit bago ang di-
gaanong mahalaga.

 Patiyak – sinasabi muna ang mga particular o ispesifik na detalye bago ang
pangkalahatang mga pahayag.

 Pasalimuot – sinisimulan ito sa mga bagay na komplikado kasunod ang mga


bagay na simple.

3. Wakas – kung papaanong isinulat ang panimula ay maaari ring gawin sa pangwakas. Ang
tuwirang sinabi o sipi ay isang di-malilimutang isteytment. Ang pagtatanong ay maaaring
transaksyon mula sa katawan ng sulatin, patungo sa kongklusyon. Ang wakas ang
nagbubuod sa nilalaman at nag-iiwan ng impresyon sa mambabasa.
Paraan ng Mabisang Pangwakas

a. Tuwirang Sinabi
Halimbawa: Mula ngayon at di na magtatagal ang bukambibig na sabi ni Jose Rizal na,
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ay mapatutunayan na.

b. Panlahat na pahayag
Halimbawa: Makabuluhan, samakatwid, ang palasak nating kawikaang, “Ang hindi
lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan”.

c. Pagbubuod
Halimbawa: Marahil sa atin, napakaliit ng P50, kulang pa ngang pambili ng Quarter
Pounder sa McDo. Pero sa mga kasama nating manininda, isang puhunan n aiyon
para may makain bukas.

d. Pagpapahiwatig ng aksyon
Halimbawa: Ang dapat sisihin ay hindi ang bayang naging biktima ng panggagastos,
kundi ang pinunong kumakasangkapan sa hukbong sandatahan upang gahisin ang
bayan.

e. Mahalagang insidente
Halimbawa: Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikang naging mailap
noong sila’y nagsasama pa, nang magtagpo silang muli…sa morge.

f. Pagtatanong
Halimbawa: Ano pa ang ating hinihintay? Magtatamad-tamaran na lamang ba tayo
habang buhay? Kalian natin bubuksan ang pinto ng maunlad na kinabukasan?

You might also like