You are on page 1of 11

ARALIN 2: TEKSTONG

DESKRIPTIBO
TEKSTONG DESKRIPTIBO

• Ito ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuguhit kung saan

kapag Nakita io ng iba ay parang Nakita na rin nila ang orihinal na

pinagmulan ng larawan.
5 PANGUNAHING COHESIVE DEVICE O
KOHESYONG GRAMATIKAL

1. Reperensiya (Reference)- ito ang paggamit ng mga salitang maaaring


tumutukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.

Halimbawa

➢Anapora- Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting
kaibigan.

➢Katapora- siya ay nagbibigay sa akin ng inspirasyong bumangon sa umaga at


masiglang umuwi sa gabi.
2. Substitusyon ( Substitution)- Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na
muling ulitin ang salita.

Halimbawa

➢Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng bago.

3. Ellipsis- May binabawas na bahagi ng pangungusap suballit inaasahang


maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil maktutulong ang naunang pahayagan para matukoy ang nais
ipahiwatig ng walang salita.

Halimbawa

➢Bumili si Gina ng apat na aklat at si Ryan nama’y tatlo.


4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-uugnay tulad ng at sa pag-uugnay
ng sugnay sa sugnay, parirala sa parirala at pangungusap sa pangungusap.

Halimabawa

➢Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga


anak naman ay dapat magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

5. Kohesiyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang


magkaroon ito ng kohesiyon. Maari itong mauri sa dalawa:

▪ Reiterayon

▪ kolokasyon
ILANG TEKSTONG DESKRIPTIBONG BAHAGI NG IBA
PANG TEKSTO

1. Paglalarawan sa Tauhan- hindi lang sapat na mailarawan ang itsura at mga


detalye patungkol sa tauhan kundi kailangang maging makatotohanan din
ang pagkakalarawan dito. Hindi sapat na sabihing “Ang aking kaibigan ay
maliit, maikli at unlat ang buhok, at mahilig magsuot ng pantalong maong at
putting kamiseta.”

2. Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon- ito ay bahagi pa rin ng


paglalarawan sa tauhan subalit sa halip sa kanyang panlabas na anyo o
katangian ito nakapokus, ang binibigyang diin dito’y ang kanyang
damdamin o emosyong taglay.
PARAAN NG PAGLALARAWAN SA DAMDAMIN
ATY EMOSYON

1. Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan

Halimbawa: Matindi ang pagkirot ng tiyan ni Mang tonyo.

2. Paggamit ng diyalogo o iniisip

Halimbawa: sa halip na sabihing maiinis siya sa ginawa ng pagsingit sa pila ng


babae ay maari itong gamitin ng sumusunod na diyalogo. “ate, sa likod po ang
pila. Isang oras na kaming nakapila rito kaya dapat lang na sa hulihan kayo
pumila.”
3. Pagsasaad sa ginawa ng tauhan

Halimbawa: “Umalis ka na!” ang mariing sabi ni Aling lena sa asawa habangh
tiim bagaang na nakatingin sa malayo upang mapigil ang luhang kanina pa
nagpupumulit bumalong mula sa kanyang mga mata.

4. Paggamit ng tayutay o matatlinghagang pananalitan

Halimbawa: Ito na marahil ang pinakamadilim na sandi sa kanilang buhay.


Maging ang langit ay lumuha sa kalungkutang dulot ng pagyao ng
pinakamamahal niyang si Berta.
PAGLALARAWAN SA TAGPUAN
• Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang mailarawan nang tama ang lugar
o panahon kung kalian at saan naganap ang akda sa paraang makgaganyak
sa mga mambabasa.

• Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran nito?

• Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid?

• Anong amoy ang namamayani?

• Ano ang pakiramdam sa lugar na ito?

• Ano ang lasa ng mga pagkain dito?


PAGLALARAWAN SA ISANG MAHALAGANG
BAGAY

• Dapat mailahad kung saan nagmula ang bagay na ito. Kailangan ding

mailarawan itong Mabuti upang halos madama na ng mambabasa ang itsura,

amoy, bigat, lasa, tunog at iba pang katangian nito.


THANK YOU FOR
LISTENING!

You might also like