You are on page 1of 17

TEKSTONG

DESKRIPTIBO

INSERT LOGO
Ang Tekstong Deskriptibo ay
maihahalintulad sa isang larawang
ipininta o ginuhit kung saan kapag
nakita ito ng iba ay parang nakita na rin
nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.

Subalit,sa halip na pintura o pangkulay,


mga salita ang ginagamit ng manunulat
upang mabuo sa isipan ng mambabasa
ang paglalarawan sa tekstong
deskriptibo.
 Sa paglalarawan ng mga
tekstong deskriptibo ay
karaniwang ginagamit ng manunulat ang mga

BAHAGI NG PANANALITA

• Pang-uri
• Pandiwa
• Pang-abay
• Pangngalan
TAYUTAY

• Pagtutulad
• pagwawangis
• Pagbibigay-katauhan
GAMIT NG COHESIVE
DEVICE O KOHESYONG
GRAMATIKAL
SA PAGSULAT NG
TEKSTONG
• DESKRIPTIBO
mga salitang nagsisilbing pananda upang hindi
paulit-ulit ang mga salita sa paglalarawan

• upang mas maging mahusay at malinaw ang


tekstong susulatin
INSERT LOGO
REFERENSIYA ( Reference)
 Ito ang paggamit ng mga salitang maaring
tumukoy o maging reperensiya ng paksang
pinag-uusapan sa pangungusap.

 Maari itong maging ANAPORA ( kung kailangang bumalik


sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy)
hal:
Aso ang gusto kong alagaan.Ito kasi ay maaring
maging mabuting kaibigan

 KATAPORA ( kung nauna ang panghalip at malalaman lang


kung sino o ano ang tinutukoy kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa sa
teksto).
Hal:
Siya ang nagbigay sa akin ng inspirasyong
bumangon sa umaga at masiglang umuwi sa gabi.
Ang matatamis niyang mga ngiti at
mainit na yakap sa aking pagdating ay sapat para
makapawi sa kapaguran hindi lang
ang aking katawan kundi ng aking puso at
damdamin. Siya si Bella, ang bunso kong
kapatid na mag-iisang taon pa lamang.
SUBSTITUSYON
Paggamit ng ibang salitang
ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita
Hal:

Nawala ko ang aklat mo. Ibibili na lang kita ng


bago.
ELLIPSIS
 May binabawas na bahagi ng pangungusap
subalit inaasahang maiintindihan o magiging
malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap
dahil makatutulong ang naunang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang
salita.
Hal:
Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina
nama'y tatlo.
PANG-UGNAY
 Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at
sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,parirala sa parirala,at
pangungusap sa pangungusap.

 Sa pamamagitan nito ay higit na mauunawaan


ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga
pinag-ugnay.
Hal:
Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga
anak at ang mga anak naman ay dapat magbalik ng
pagmamahal sa kanilang mga magulang.
KOHESYONG LEKSIKAL
Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang
magkaroon ito ng kohesyon.

Nahahati ito sa dalawa:


• Reiterasyon
• Kolokasyon
REITERASYON
Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit
nang ilang beses.

3 URI ng REITERASYON

Maraming bata
1. Pag-uulit o repetisyon-
ang hindi nakapapasok sa paaralan. Ang
mga batang ito ay nagtatrabaho na sa
murang gulang pa
2.PAG-IISA-ISA
Nagtatanim sila ng mga
gulay sa bakuran. Ang mga
gulay na ito ay
talong,sitaw,kalabasa,at
ampalaya.
PAGBIBIGAY-KAHULUGAN

Hal:
Marami sa mga batang
manggagawa ay nagmula sa mga
pamilyang dukha. Mahirap sila
kaya ang pag-aaral ay naiisantabi
kapalit ng ilang baryang naiaakyat
nila para sa hapag-kainan.
KOLOKASYON
Mga salitang karaniwang
nagagamit nang magkapareha o
may kaugnay sa isa't-isa kaya't
kapag nabanggit ang isa ay naiisip
din ang isa. Maaring magkapareha
o maari ding magkasalungat.
Halimbawa:
• nanay-tatay
• guro-mag-aaral
• hilaga-timog
• doktor-pasyente
• puti-itim
• maliit-malaki
• mahirap-mayaman
Maraming
Salamat
sa inyong
pakikinig :)

You might also like