You are on page 1of 10

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t-ibang Teksto sa
Pananaliksik
Ikatlong Markahan
Ikaanim at Ikapitong Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Marie Jade M. Sebuala

Rosemarie V. Durango

Evaluator: Carlos Tian Chow C. Correos

Learning Area Supervisor: Carlos Tian Chow C. Correos
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Kasanayang pampagkatuto:
Nakakakuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat.
(F11EP – IIId-36)

Layunin:
Pagkatapos ng isang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:i

A. Nakakikilala ang kahulugan, bahagi at mga maling

pangangatwiran sa tekstong argumentatibo.
B. Nakakalap ng mga datos mula sa tekstong argumentatibo bilang
basehan ng sariling komposisyon.
C. Nakabubuo ng isang sulat pagpapahalaga sariling pananaw
gamit ang mga bahagi ng Tekstong Argumentatibo.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Alamin…

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

KAHULUGAN

➢ Ang tekstong argumentatibo ang argumentativ o pagmamatuwid ang

mapapansing nasa dakong huli ng mga uri ng diskors.

➢ May konkretong dahilan ito sa pag - aaral sa kadahilanang hindi

magkakaroon ng sapat, malinaw at mabisang argumento (lalo pa at pasalat
) kung wala munang matibay na kaalaman at kakayahan sa mga
naunang paraan ng pagpapahayag , pagsasalaysay / narativ ,
paglalarawan / deskriptiv at maging paglalahad / ekspositori .

➢ Batay sa katotohanang ito, hindi maiiwasang may mga pagkakataong ang

iniisip ng isa ay salungat sa maaring isipin naman ng iba.

➢ Alam ninuman, hindi lamang ng mga abogado, na ang anumang

argumento ay nanatitiling halos opinyon lamang kung mananatiling pasalita.

➢ Makakabuting kung isulat muna (sa paraang wasto at mabisa) bago

bigkasin kung kailangan.

➢ Sa mga legal na usapin, hindi mapag-aaralan ang isang panig kung walang
nakasulat na dokumento.

Mga Bahagi ng Argumentativ na Komposisyon

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
ANG SIMULA
- Nakapaloob dito ang ang kahalagahan ng manunulat ang atensyon at
damdamin ng mga mababasa.

GITNA
- Nagsisilbi itong dahilan ng mga mambabasa upang manatiling tapat sila sa
iyo matapos ng mabisang simula ., at kung papalarin ay nakatutok pa rin sila sa
bawat mensaheng iyong ipinararating hanggang sa iyong mabisang
pagwawakas.
- Ang bawat katwiran ay kailangan ding masuportahan ng mga evidensya,
datos o istatistika , pahayag mga awtoridad o di kaya’y mga kolaborativ na
pahayag mula sa aklat , sa mga magasin , dyaryo at iba pang babasahin.

WAKAS
- Ang huling suntok, kumbaga sa boksing, na magpapabagsak sa kalaban.
Inilalahad sa bahaging ito ang mga opinyono pananawa ng mga manunulat
kaugnay sa paksang tinalakay at inihanay batay sa mga datos na ilalahad.
Mahalagang malawak ang mga kaalaman ng manunulat sa paksang tinalakay.

MGA URI NG MALING PANGANGATWIRAN

1.) Argumentum ad hominem. Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na

katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o
pinagtatalunan

Halimbawa:

Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong ni hindi siya
naging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y
under de saya pa yata!

2.) Argumentum ad baculum. Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan

ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento.

Halimbawa:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at wala kang karapatang
magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita at nang Makita mo ang
hinahanap mo!

3.) Argumentum ad misericordiam. Upang makamit ang awa at pagkampi ng

mga nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga
salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan

Halimbawa:

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa lansangan. Hindi
banatin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na pangangatawan at
nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang
sentimos ilang pantawid-gutom?

4.) Non sequitur. Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay “It doesn’t follow”. Pagbibigay
ito ng konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan.

Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng manga. Masamang pamilya ang
pinagmulan niya. Magulong paligid ang kaniyang nilakhan. Ano pa ang
inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan!

5.) Ignoratio elenchi. Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang
barberya, wika nga. Ito ang kilala sa Ingles na circular reasoning o paliguy
ligoy.

Halimbawa:
Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay
maipapaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang
paniniwalaan ninyo siya pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga
anak, kahit tanungin pa ninyo sila ngayon.

6.) Maling Paglalahat. Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na

agad ng isang konklusyong na siyang sumasaklaw sa pangkalahatan.

Halimbawa:

Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista

namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito
na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!

7.) Maling Paghahambing. Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang

ganitong uri pagkat mayroon ngang hambingin ngunit sumasala naman sa
matinong konklusyon.

Halimbawa:
(Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad?Kung kayo nga ay
gising pa!

8.) Maling Saligan. Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging
batayan. Ipinapatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong na
wala sa katwiran.

Halimbawa:
Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag- aasawa, kailangan
ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat
lamang na maging tapat at masipag ang mga kabataan

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
9.) Maling awtoridad. Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa
iyung kasangkot.

Halimbawa:
Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina.Iyan ang
ipinahayag ni Karl Marx

10.) Dilemma. Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para

bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo.

Halimbawa:
Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito na lamang ang
gawinmo: huwag ka nang pumuta o kaya ay magsabmit ka ng papel na
nagsasaad ng iyong pag-urong.

Gawain 1
Panuto: Tukuyin sa kahon ang uri ng maling pangangatwiran na isinasaad ng
bawat pangungusap.

DILEMMA MALING MALING

AWTORIDAD SALIGAN

MALING
PAGHAHAMBING
MALING IGNORATION
PAGLALAHAT ELENCHI

ARGUMENTUM AD ARGUMENTUM
MISERECORDIAM AD BACULUM

1. “Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa katunaya’y isa siyang ambuting

anak at mapapatunayan yan ng kanyang mga magulang, kapatid , kamag-
anak at kaibigan.”

2. “Hindi na dapat pinagbabayad ng matrikula ang mga mahihirap upang

hindi sila mas lalong maghirap pa.”

3. “Ang vaccine o gamut sa COVID-19 Virus na ibinigay ng gobyerno ay libre sa

kadahilanang maari kang mamatay dito.

4. Anak: Ma, Pinapatawag kayo ng guro ko sa paaralan.

Ina: bakit may ginawa ka bang masama?
Anak: Eh is papa nga maraming ginawang masama, ako pa kaya?

5. “Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kiung gayon si Pedro madling bayan

ay isang Amerikano sapagkay siya ngayon ay nasa Amerika.”

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
6. “Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan ang Wikang Ingles kaysa
sa Wikang Filipino.”

7. “Hindi siya dapat ibotong pangulo dahil magnanakawa ang kanyang ama.”

8. “Natagpuan sa bahay niya ang nawalang alahas. Sapat na ang

ebedensiyang iyon, kaya siya ay criminal.”

9. “Aling sa dalawa ang mangyayari, ang pumatay o kaya ay mamatay”.

10. Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki; kung
gayon, sila ay may ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho. “

Gawain 2
Panuto: Basahin ang kasunod na teksto at gawin sa sagutang papel ang mga
kasunod na gawain.

Paggamit ng mga Hayop sa Pananaliksik

Ang paggamit ng hayop upang subukan ang mga bagong gamot ay

lubos na nakatulong sa modernisasyon ng gamot. Mangilan-ngilan na lamang
ang nagkakaroon ng polio ngayon dahil sa bakunang sinubukan sa mga
hayop. Ang pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba pang gamot ay
naisakatuparan sa tulong ng mga pananaliksik gamit ang mga hayop. Sa kabila
ng maraming kabutihang naidulot ng paggamit ng hayop sa mga ganitong
klaseng pananaliksik, marami pa ring naniniwalang hindi tama ang paggamit sa
mga ito.

Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang paggamit sa mga hayop
sa mga eksperimento upang makatuklas ng mga tamang gamot sa mga sakit.
Maraming laboratoryo ang gumagamit ng daga upang sa kanila subukan ang
mga tinutuklas na gamot. Hindi rin ganoon kamahal ang magparami ng daga
upang magamit sa kanilang pananaliksik. Ngunit marami ang pumipigil sa
ganitong gawain dahil hindi raw ito makatarungan para sa mga hayop. Sila raw
ay mga nilalang na may buhay na dapat igalang, isa raw itong pagmamalupit
sa mga hayop. Subalit hindi ba hamak | na mas malupit kung ang gagamitin sa
pananaliksik ay mga bata? At hindi ba’t isang kalupitan din kung hahayaan
nating mamatay na lamang ang maraming tao dahil hindi nalunasan ang
kanilang sakit?

Sinasabi ring mayroon na tayong sapat na mga gamot na maaaring

gamitin para mabigyang-lunas ang – maysakit, subalit taon-taon ay
naglalabasan ang iba’t ibang uri ng mga nakamamatay na sakit. Kailangang
ipagpatuloy ang pagtuklas ng mga gamot.

Hindi malubos maisip ng mga doktor kung ilang tao ang magbubuwis ng
buhay upang malaman kung epektibo ba ang isang gamot. Tunay nga
namang nakadudurog ng puso kung mamamatay ang maraming tao.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
1. Itala ang mga argumentong pabor at tutol sa paggamit ng mga hayop sa
pananaliksik.

Pabor Tutol

1.

2.

3.

2. Ilahad ang iyong sariling opinyon hinggil sa paksang ito.

______________________________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Bumuo ng isang maikling komposisyon na sinusunod ang mga
bahagi ng tekstong argumentatibo na may simula, gitna at wakas sa inyong
nabuong sagot. (Bilang pagbibigay halaga sa mga bahagi ng tekstong
argumentatibo)

Tanong: Sa inyong sariling pananaw, Bakit mahalaga ang pagkuha o

paggamit ng tamang datos sa pagsulat ng tekstong
argumentatibo?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Pagsusulit
Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at pagmasdan ang mga datos nito. Sumulat
ng isang tekstong argumentatibo gamit ang mga datos na isinasaad sa teksto.

Matindi pang giyera vs illegal na droga

Kung ang unang drug war ng Duterte admi-nis-tration ay matindi, mas

patitindihin pa ito ngayon. Hindi magbabago ang kampanya ng pa-mahalaan
laban sa droga sa kabila na maraming bumabatikos. “Your concern is human
rights, mine is human lives,” sabi ni President Duterte sa kanyang ikatlong State of
the Nation Address (SONA) noong Lunes. Mas magiging maigting at diniin pa ng
Presidente, “Illegal drugs war will not be sidelined. Instead, it will be as relentless
and chilling, if you will, as on the day it began.’’

Mula July 2016 na sinimulan ang giyera laban sa illegal na droga,

hanggang sa kasalukuyan, umaabot na sa 4,354 ang mga namatay sa
kampanya. Ayon sa Philippine National Police (PNP) karamihan sa mga drug
suspect ay napatay sa operasyon nang lumaban ang mga ito habang
ina-aresto. Bukod sa mga napatay, marami ring nahuli, tinatayang 102,630 mula
Hulyo 1, 2016 hanggang Hunyo 30, 2018.

Binatikos ang unang giyera laban sa droga sapagkat marami umano sa

mga napatay ay napagkamalan lamang. Mayroong sumusuko na pero
pinagbabaril pa rin. Mayroong tinaniman lamang umano ng shabu at saka
inaresto na.

Mayroong menor-de-edad na inaresto ng mga pulis sa Caloocan City

dahil sa pagiging runner daw pero makaraan ang ilang minuto, natagpuang
patay ang bata. May mag-ama na sumuko sa mga pulis dahil inakusahang
nagtutulak ng shabu sa Pasay pero makaraan ang ilang sandali, pinagbabaril
na ang mga ito dahil nanlaban daw. Patay ang mag-ama.

Ang unang giyera laban sa droga ay pinagkaki-taan ng mga corrupt na

pulis na naka-assign sa drug enforcement unit. Tinataniman ng shabu ang mga
suspect at saka peperahan. Mayroong mga pulis na na-videohan habang
sinasalakay ang isang establishment at tinataniman ng shabu ang mga bag na
gamit ng empleado at saka nila kokotongan.
(Pilipino Star Ngayon) - July 25, 2018 - 12:00am

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Pamantayan sa pagsulat ng Tekstong Argumentatibo

Pamantayan Porsiyento
NILALAMAN
Kaugnay sa Paksa…20% 50
Kalinawan sa Paglalahad…20%
Orihinalidad…10%
ORGANISASYON
Kaisahan…10% 30
Pagkakaugnay… 10%
Diin…10%
MEKANIKS
Wastong Gamit ng Salita… 5% 20
Bantas…5%
Baybay…5%
Pagpili ng mga wastong salita…5%$
KABUUAN 100

Susi ng Pagwawasto

Gawain 1

1. Ignoratio elenchi
2. Argumentum ad misericordiam
3. Maling Paglalahat
4. Maling Paghahambing
5. Maling Saligan
6. Maling Awtoridad
7. Argumentum ad hominem
8. Arugumentum ad baculum
9. Dilemna
10. Non sequitur

Gawain 2 at 3

Maaring magkakaiba ang sagot.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Mga Sanggunian

Atanacio, Heide C., Yolanda S. Lingat, and Rita D. Morales. 2016. Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E
Publishing Inc..

Bandril, Lolita T., Voltaire M. Villanueva, Alma T. Bautista, and Diana F. Palmes. 2016.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon
City: Vibal Group Inc.

Alma M. Dayag, Mary Grace G. Del Rosario , Pinagyamang Pluma ,Pagbasa at

Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Quezon City, Phoenix
Publishing House,Inc.2016, pages 49-68

Santos, Angelina et al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik.105 Engineering Road, Aranita University Village, Potrero,
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.2016

Dayag,Alma M.at Mary Grace G. del Rosario Pinagyamang Pluma11.Quezon City:

Phoenix Publishing House, 2016

MGA WEBSITE

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinterest.com%2
Fpin%2F216806169534475762%2F&psig=AOvVaw1gKP2AYkCe0fQ_O0Z5JUop&
us
t=1590571124801000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCLCtpam
Z0ek CFQAAAAAdAAAAABAO

http://wikangtagalog.blogspot.com/2018/05/ALAMAT-NG-LITSON.html#
"TEKSTONG ARGUMENTATIB.Pptx - TEKSTONG ARGUMENTATIB Ang Tekstong
Argumentativ Ay Isang Uri Ng Teksto Na Naglalahad Ng Mga Kaisipan,Ng
Pangangatwiran O". Coursehero.Com, 2020. Nakuha noong Hunyo 1, 2020.
Mula sa:https://bit.ly/2XQeLcx "Tekstong Argumentatibo". Scribd,nakuha
noong Hunyo 1,2020, mula sa

https://www.scribd.com/document/331398709/Tekstong-Argumentatibo.
"EDITORYAL - Martial Law". Philstar.Com, 2020.

https://bit.ly/2XNwgud Kapitolyohs.Files.Wordpress.Com, 2020.

https://bit.ly/36WJMQs Filipino, Guro, Guro Filipino, and View profile. "ARALIN 4:

Gamit Ng Panandang Diskurso". Gurosafilipino.Blogspot.Com, 2020.

https://bit.ly/2TYaz9v "TEKSTONG ARGUMENTATIBO". Prezi.Com,

2020.https://bit.ly/2XOOzPx

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.

You might also like