You are on page 1of 3

RYZA JANE T.

ABULENCIA
G12 - SHAKESPEARE

KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT
Napakalaking kahalagahan ang naidudulot ng pagsusulat sapagkat sa
pamamagitan ng pagsusulat ay maisasariwa at mapapakinabangan pa ng mga
susunod na henerasyon ang kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari
sa ating bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay sumisimbolo at
nagpapatunay na naganap ang mga bagay- bagay. Sa pamamagitan ng mga
nasulat na tala ay natututuhan natin ang mga kasaysayan ng ating mga ninuno.
Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga bagay na nakakatulong sa
pagunlad, pagbabago at paglusong o pagusbong ng bago at modernong mundo.
Mahalaga ang pagsulat dahil maari nating maipahayag ang ating saloobin
at damdamin sa pamamagitan ng makrong pagsulat katulad ng pagsulat ng love
letter o liham pangkaibigan. At maituturing din natin na isang halimbawa ang
pagsusulat gamit ang isang uri ng telepono ang cellular phones “cellphone” na
ngbibigay communication gamit ang mga sulat sa ibat ibang bahagi ng ating
mundo at sa ibat ibang tao. Mahalaga ang pagsususlat sapagkat sa pamamagitan
nito, ang mga tao sa ibat ibang lugar at sa ibat ibang panahon ay nagkakalapit,
nagkakaunawaan at nagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay napapanatiling
buhay sa pamamagitan nito.
Bilang isang estudyante napakahalaga ang pagsusulat upang ang bawat
tala na aking naisulat ay sya ring magbibigay ng kaunlaran ng aking sarili at
pagkatuto sa bawat subject na aking pinag aaralan...ito rin ang magiging dahilan
sa pagtamo ko ng aking mga pangarap sa buhay lalong lalo na ang mkapagtapos
ng pagaaral.

PILOSOPIYA NG PAGSULAT
1. Isang Proseso
Nangangahulugang mayroong sinusunod na sistema. Ang
mga nasabing Sistema ay ang masinsinang pag-iisip, mga
katanungan sa isip ng mga manunulat, mga nais isulat, paggamit ng
balangkas, pagwawasto o pag-uulit.

2. Isang Proseso at Produkto


Ang mga nabuong proseso ay laging mayroong produkto at
ang naturang produkto ay madedebelop sa pamamagitan ng
pagsulat ng teksto hanggang sa mabuo o maisulat ang pinal na
teksto na handa nang malathala.
RYZA JANE T. ABULENCIA
G12 - SHAKESPEARE

3. Pagbuo ng Isang Pagpapasiya


Dapat pagpasyahan ng isang manunulat ang simula at
hangganan ng kanyang tekstong isinusulat upang higit na maayos
ang kanyang pagkakalahad ng mga pahayag.

4. Isang Pagtuklas
Ang isang manunulat ay patuloy na nananaliksik upang higit
na mapaunlad at maging makabuluhan ang mga impormasyong
ibinabahagi sa kanyang mambabasa.

5. Isang Kasagutan
Lumilikha ang mga manunulat upang bigyang katugunan ang mga
katanungan sa isipan ng mga mambabasa, upang makamtan nila ang
kanilang hangarin sa pagbabasa.

6. Sariling Pagkakaalam
Magkakaron ng kabatiran ang isang tao sa pagsulat kapag personal
niya itong ginawa o inaplay at pagyayamanin sa pamamagitan ng
paglinang nito.

7. Ang pagsulat ay pakikipag-ugnayan


Sa pamamagitan ng pagsulat naipapahayag ang lahat ng nais
sabihin ng manunulat sa kanyang mambabasa.

8. Isang paghulma ng katauhan


Kailangan taglayin ng isang manunulat ang mga sumusunod:
maparaan, maharaya o malikhain pagiisip, may lubos na kaalaman sa
paksa, may sistema at higit sa lahat marunong magpigil sa sarili.

9. Isang Pagsubok
Hinihamon ng pagsulat ang iyong pagiisip sa nilalaman ng paksang
iyong susulatin at ang lalim ng iyong kaalaman sa iyong teksto

10.Nangangailangan ng mahabang panahon


Kailangan may nakalaan na mahabang panahon sa pagsulat. Tiyaga
at disiplina ang kailangan upang mabuo ang iyong teksto, kalimitan may
mga bagay na isinasantabi muna para maisakatuparan ang pagsulat at
maipasa sa natakdang panahon.
RYZA JANE T. ABULENCIA
G12 - SHAKESPEARE

You might also like