You are on page 1of 4

Pangalan: ________________________________________________ Year&strand: ____________

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

Kwarter 3- Modyul 5: Tekstong Prosidyural

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t
sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, ibang teksto.
bansa at daigdig.
Kwarter 3 Time Allotment: 1 week

ALAMIN
Sa modyul na ito, dito matutunghayan ang kahalagahan ng pag-unawa at pagsulat ng tekstong
prosidyural. Hindi maikakaila na ang tekstong ito ay makikita sa mga pampubliko at pribadong lugar, sa mga
gamut, pagkain o iba pang bagay. Iyan ang dahilan kung bakit kinakailangang malinang ang kakayahang
umunawa at sumulat ng tekstong prosidyural.
Inaasahang sa katapusan ng modyul na ito ay matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:
1. Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa (F11PS-IIIf-92)
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, at bansa
(F11PB-IIId-99)
3. Nakasusulat ng halimbawa ng tekstong prosidyural (F11PU-IIIb-89)

SURIIN
Ang tekstong Prosidyural

Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori ang tekstong prosidyural. Inilalahad nito ang serye o mga
hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa
ang isang bagay. Layunin nitong maipabatid ang mga wastong hakbang na dapat isagawa. Sa panahon ngayong
maraming mga bagay ang sinasabi nilang do-it-yourself o 'yung mga bagay na sa halip na kumuha ng iba pang
gagawa ay ikaw na mismo ang gagawa, nararapat lamang na marunong tayong umunawa sa mga prosidyur na
nakalakip dito. Ang wastong pag-unawa sa mga prosidyur ang gagabay sa atin upang matagumpay na maisagawa
ang isang bagay.
Hindi sapat na marunong tayong umunawa sa mga tekstong prosidyural, dapat ding magkaroon tayo ng
kakayahang sumulat ng isang prosidyur na mauunawaan ng lahat. Sa pagsulat ng tekstong prosidyural,
kailangang malawak ang kaalaman sa paksang tatalakayin. Nararapat ding malinaw at tama ang pagkakasunod-
sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali ang gagawa nito. Ang isa pang dapat tandaan ay ang
paggamit ng mga payak ngunit angkop na salitang madaling maunawaan ng sinumang gagawa. Nakatutulong din
ang paglalakip ng larawan o ilustrasyon kasama ng mga paliwanag upang higit na maging malinaw ang
pagsasagawa sa mga hakbang. Dapat pakaisiping layunin ng tekstong prosidyural na maipaliwanag nang mabuti
ang isang gawain upang maisagawa ito nang maayos at tumpak, kaya nararapat lamang na maisulat ito sa
paraang mauunawaan
ng lahat.
1
Tingnan sa ibaba ang mga halimbawa ng tekstong prosidyural. Ating suriin kung madali bang unawain
ang mga ito.

Resipe ng Kare-kare
Mga sangkap:
1 buntot ng baka Atsuwete
2 pata ng baka Asin
1 taling sitaw Bawang
1 taling petsay Sibuyas
2 talong
⅕ tasang mani
⅕ tasang bigas

Paraan ng Pagluluto:
Ihanda ang sumusunod na mga sangkap:
 Dikdikin ang bawang.
 Hiwain ang sibuyas, panggisa.
 Putol-putulin ang sitaw.
 Hiwain ang petsay.
 Hiwain nang pahalang ang talong.
 Isangag ang mani at ang bigas. Dikdikin ito nang pinong-pino.
 Sa isang mangkok, lagyan ng isang kutsarang lihiya ang atsuwete.
 Hiwain ang buntot at pata ng baka sa tamang laki. Palambutin.

Igisa ang bawang at ang sibuyas. Pagkatapos ay ihalo ang pinalambot na buntot at pata ng baka. Isunod naman
ang sabaw na pinaglagaan ng buntot at pata ng baka. Timplahan ng asin. Pagkulo, ihalo ang pinong bigas at
mani. Isunod ang mga hiniwang gulay. Pagkatapos ay kulayan ng atsuwete upang pumula. Ngayong tapos na ang
kare-kare ay maaari na itong ihain. Gamiting sawsawan ang bagoong.

Paggawa ng Parol

2
Naunawaan mo ba ang mga tekstong iyong binasa? Kaya mo bang gawin ang mga bagay na ipinagagawa
sa tulong ng mga binasa mo? Ano-anong salita ang naging hudyat upang malaman natin ang susunod na mga
dapat gawin?

Ang tawag sa mga salitang ito ay mga panandang pandiskurso na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod.
Ang ilan pang halimbawa na naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ay pagkatapos, sa huli, ang susunod,
kasunod.

KARAGDAGANG GAWAIN
Bumuo ng isang tekstong prosidyural tungkol sa mga hakbang sa pagsasagawa ng gawaing nakaatas sa
STRAND mo.

 COOKERY- Mga Hakbang sa Pagluluto ng Adobong Manok

 ABM- Mga Hakbang sa Online Selling

 HUMSS- Panuto sa Pagkuha ng Birth Certificate

 STEM- Hakbang na dapat sundin kung may Earthquake

 ICT- Proseso sa Pag-Imprinta ng ID

SANGGUNIAN:

Pinagyamang Pluma
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Awtor-Koordineytor: Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario
Pahina 49-80
https://www.scribd.com/mark david sabella

Inihanda ni: Gng. Jeramae Villarosa Planas


SHS Teacher

Inaprobahan ni: G. Rex Agapito A. Geopano

3
SHS Principal

You might also like