You are on page 1of 6

CLARENDON COLLEGE INC.

Odiong, Roxas, Oriental Mindoro


Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

DETALYADONG BANGHAY ARALIN


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T- IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 11 – GREGORIO Y. ZARA
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t-ibang uri ng binasang teksto ayon sa
kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig;
Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
penomenang kultural at panlipunan sa bansa;
Kasanayang Pampagkatuto: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang
sariling tekstong isinulat (F11EP-111-36)

Layunin:
a) Naipapaliwanag ng mag-aaral kung ano nga ba ang tekstong prosidyural
b) Nalalaman ng mag-aaral ang kahalagahan at layunin ng paggawa ng tekstong
prosidyural
c) Nakabubuo ang mga mag-aaral ng resipe,panuto at direksyon gamit ang
tekstong prosidyural

II. NILALAMAN
Aralin 8: Tekstong Prosidyural: Mga Detalyeng Sunod-sunod at may kaisahan
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pahina: Pahina 90-100

IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
 Tatawag ang guro ng isang Tayo po ay panandaliang tumayo at ipikit ang
mag-aaral upang pangunahan ating mga mata para sa panalangin
ang panalangin.
2. Pagbati
Magandang Umaga rin po Bb. Julian
 “Magandang Umaga sa lahat!”
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
 Maaari bang paki-ayos muna ng Aayusin ang mga upuan at magpupulot ng kalat
mga upuan at pulutan ang kalat.
4. Pagtala ng Liban
 Mayroon bang liban ngayong Wala po
araw?
5. Balik-aral
 Bago tayo magsimula sa Ito po ay patungkol sa Tekstong
panibagong paksa, ano ang Nangangatuwiran ito po ay ang mga pahayag na
natatandaan ninyo sa tinalakay nagtataglay ng paniniwala o paninindigang
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
noong nakaraan? maaaring tama o mali.
B. Pagganyak
 Magpapakita ang guro ng mga
larawan sa mga mag-aaral at
tatanungin ng guro kung ano
ang kanilang nahihinuha batay
sa mga larawan na kanilang
makikita.

Gabay na tanong:

1. Ano ang inyong napapansin sa mga Ito po ay nagpapakita ng pagkasunod-sunod na


larawan na aking ipinakita? mga gagawin.

2. Ano ang inyong nahihinuha na panibagong Maaaring ang ating bago pong paksa ay
paksa na ating tatalakayin para sa araw na patungkol sa prosedyural.
ito batay sa mga larawan?

Magaling!

C. Paglalahad ng Aralin
 Ang ating tatalakayin ngayong
araw ay patungkol sa Tekstong
Prosidyural.

D. Pagtalakay
 Aralin 8: Tekstong Prosidyural
Bakit mahalaga na magkaroon ng maayos na Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
pagkakasunod-sunod sa paglalahad ng mga pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng mga
pangyayari? pangyayari upang hindi makalikha ng anomang
kalituhan.

Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga


hakbang mula sa una hanggang sa huling
detalye ay makatutulong upang higit nating
maunawaan ang mga napakikinggan o
nababasa.

Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-


sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa.

• Halimbawa ng tekstong prosidyural ang


pagbuo ng isang proseso o laro, resipi sa
pagluluto, proseso sa pagkukumpuni ng
mga kagamitang elektrikal, ang mga
hakbang sa laboratoryo habang
nagsasagawa ng eksperimento upang
makakuha ng magandang resulta, ang
pagbibigay ng direksiyon o tuntunin, at
pagbibigay ng direksiyon o panuto.

Ginagamit ang tekstong prosidyural sa


pagpapaliwanag ng isang proseso na maingat na
ipinapakita ang bawat hakbang habang tinitiyak
na walang nakaligtaang hakbang sa kabuuan ng
proseso.

Layunin ng tekstong prosidyural na magbigay ng


Ano ang kahalagahan ng layunin sa pagsulat mga impormasyon at direksiyon upang
tekstong prosidyural? matagumpay na matapos ng mga tao ang mga
gawain nang ligtas, epektibo, at sa angkop na
pamamaraan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong


Ano-ano ang mga dapat tandaan sa Pagsulat ng
Prosidyural
Tesktong Prosidyural?
1. Layunin - Ano ang gusto mong matamo
sa iyong sulatin? Magbigay ng malinaw na
panuto upang buong tiwalang
maisasagawa ng mga mambabasa o mga
nakikinig ang isang gawain.
2. Tagatanggap - Para kanino ka
nagsusulat? Sa guro ba, mga kapuwa
mag-aaral, grupo ba?
3. Pagkakakilanlan - Sumusulat ka ba
bilang awtoridad o eksperto sa paksa?

Mga Katangian ng Mabisang Tekstong


Ano- ano ang mga katangian na dapat meron Prosidyural
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
ang isang tekstong prosidyural upang ito ay
maging mabisa? 1. Layunin. Ano ang dapat gawin?
2. Mga kagamitan - Nakatala ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng gamit nito sa
proseso.
3. Metodo - Ito ang mga pamamaraan o
serye ng mga hakbang.
4. Ebalwasyon - Paano masusukat ang
tagumpay ng isang pamamaraan o
paraan?

Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong


Magbigay ng mga Gabay sa Pagsulat ng
Prosidyural
Tekstong Prosidyural?
1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa
simple at pangkasulukuyang panahon.
2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa
sarili ("una, kunin mo" sa halip na "una,
kukunin ko").
3. Ang tinutukoy na pangkalahatan ay ang
mambabasa.
4. Gumamit ng mga salitang nagsasaad ng
kilos (putulin, hatiin, tupiin, hawakan,
kunin, at iba pa.)
5. Gumamit ng cohesive devices upang
mapagdugtong ang mga teksto.
6. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong
pagkakaayos (maingat na gamitin ang
gunting); saan (mula sa itaas pababa);
kailan (matapos kumulo).
7. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan
ng mga bagay (hugis, laki, kulay, dami).
Makatutulong din ang sumusunod na
Cohesive Devices sa pagsulat ng tekstong
prosidyural:

E. Paglalahat
Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-
 Ano nga muli ang Tekstong sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa.
Prosedyural?

Mahusay!
Ma’am ito po ay ang mga:
 Ano naman ang mga Dapat 1. Layunin
Tandaan sa Pagsulat ng 2. Tagatanggap
Tekstong Prosidyural? 3. Pagkakakilanlan

Magaling! Ma’am ang mga katangian po ng mabisang


Tekstong Prosidyural ay dapat mayroong:
 Magbigay ng mga katangian ng
Mabisang Tekstong Prosidyural
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
1. Layunin.
Napakahusay! 2. Mga kagamitan
3. Metodo
4. Ebalwasyon

Layunin ng tekstong prosidyural na magbigay ng


 Ano ang Layunin ng Tekstong mga impormasyon at direksiyon upang
Prosidyural? matagumpay na matapos ng mga tao ang mga
gawain nang ligtas, epektibo, at sa angkop na
pamamaraan.

F. Paglalapat

Pangkatang Gawain: Papangkatin ang klase sa


tatlo at bawat grupo ay magsasagawa ng isang
Tekstong Prosedyural.

Unang pangkat: Bumuo ng isang resipeng


lutong nanay na inyong madalas lutuin sa intong
tahanan.

Pangalawang pangkat: Ipakita sa klase ang


tamang pagkasunod-sunod na ginagawa bago
pumasok sa Paaralan.

Ikatlong pangkat: Ibigay ang direksyon mula sa


inyong bahay patungo sa paaralan.

V. PAGTATAYA
Isulat ang T kung ang pangungusap ay Tama at M naman kung mali.

1. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng tekstong naglalahad na kadalasang nagbibigay ng


impormasyon o instruksyon.
2. May sinusunod na batas sa pagbuo ng tekstong prosidyural.
3. Maaaring hindi na gumamit ng heading, sub-heading sa pagbuo ng tekstong prosidyural.
4. Mahalagang maging tiyak ang gamit ng wika sa mga tekstong prosidyural.
5. May limang bahagi na bumubuo sa tekstong prosidyural.
6. Ang detalyado at tiyak na deskripsiyon sa pagbibigay ng impormasyon ay kailangang taglay
ng tekstong prosidyural.
7. Ang protocol ay naglalaman ng mga salita kung paano isasagawa ang mga bagay at
kailangang may pagkasunod-sunod.
8. Upang masundan ng mambabasa ang tekstong prosidyural ay kinakailangang gumamit ng
payak na mga salita.
9. Nasusulat ang tekstong prosidyural sa kasalukuyang panahunan.
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
10. Ang ebalwasyon ay naglalaman ng mga paraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGAN PANG


(10-8 PUNTOS) (7-5 PUNTOS) HUSAYAN
(4-1 PUNTOS)
Nilalaman Ipinapakita ang buong Mahusay ang Hindi gaanong
husay sa pagpapakita pagpapakita ng mga naipakita ang
ng mga prosidyural prosidyural tekstong prosidyural
Partisipasyon Lahat ng miyembro ay May kalituhan ang Marami sa kasapi ay
nakikilahok mga miyembro sa hindi nakikilahok
kanilang gagawin
Malikhain Naipakita ang Malikhain ang May kakulangan sa
pagkamalikhain ng pagsalaysay o pagsalaysay o
isip sa pagsalaysay o pagsasadula ng pagsasadula ng
pagsasadula ng prosidyural prosidyural
tekstong prosidyural

VI. TAKDANG-ARALIN

Pag- aralan ang mga paksang tinalakay para sa paparating na pangatlong markahang pagsusulit.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Julian Muros Elisa May F. Gusi, LPT

Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Hazel P. Palapus, MEng.

Punong-Guro

You might also like