You are on page 1of 7

CLARENDON COLLEGE INC.

Odiong, Roxas, Oriental Mindoro


Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

DETALYADONG BANGHAY ARALIN


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T- IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK 11 - GREGORIO
I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang kaalaman sa Tekstong
Prosidyural;

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapagbibigay suwestyon at kuro-kuro


patungkol sa Tekstong Prosidyural;

Kasanayang Pampagkatuto: Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang


sariling tekstong isinulat (F11EP-111-36)

II. NILALAMAN
Aralin 8: Tekstong Prosidyural: Mga Detalyeng Sunod-sunod at may kaisahan
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
Sanggunian: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t- Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pahina: Pahina 90-100

IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

 Isang Mag-aaral ang siyang Tayo po ay panandaliang tumayo at ipikit ang


mangunguna sa panalangin ating mga mata para sa panalangin

2. Pagbati

 Babatiin ang lahat ng mag-aaral


ng “Magandang Umaga sa
Magandang Umaga rin po Bb. Julian
lahat!”

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

 Maaari bang paki-ayos muna ng


mga upuan at pulutan ang kalat.

4. Pagtala ng Liban Aayusin ang mga upuan at magpupulot ng kalat

 Mayroon bang liban ngayong


araw?

5. Balik-aral
Wala po
 Bago tayo magsimula sa
panibagong paksa, sino ang
nakaka-alala ng inyong tinalakay
noong nakaraan?
Ito po ay patungkol sa Tekstong
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
B. Pagganyak Nangangatuwiran ito po ay ang mga pahayag na
nagtataglay ng paniniwala o paninindigang
 Magpapakita ang guro ng mga maaaring tama o mali.
larawan sa mga mag-aaral at
tatanungin ng guro kung ano
ang kanilang nahihinuha batay
sa mga larawan na kanilang
makikita.

Gabay na tanong:

1. Ano ang inyong napapansin sa mga


larawan na aking ipinakita?

2. Ano ang inyong nahihinuha na panibagong


paksa na ating tatalakayin para sa araw na
ito batay sa mga larawan?

Magaling!
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

C. Paglalahad ng Aralin

 Ang ating tatalakayin ngayong Ito po ay nagpapakita ng pagkasunod-sunod na


araw ay patungkol sa Tekstong mga gagawin.
Prosidyural.

Maaaring ang ating bago pong paksa ay


D. Paglalapat
patungkol sa prosedyural.

Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na


pagkakasunod-sunod ng paglalahad ng mga
pangyayari upang hindi makalikha ng anomang
kalituhan.

Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga


hakbang mula sa una hanggang sa huling
detalye ay makatutulong upang higit nating
maunawaan ang mga napakikinggan o
nababasa.

Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-


sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa.

• Halimbawa ng tekstong prosidyural ang


pagbuo ng isang proseso o laro, resipi sa
pagluluto, proseso sa pagkukumpuni ng
mga kagamitang elektrikal, ang mga
hakbang sa laboratoryo habang
nagsasagawa ng eksperimento upang
makakuha ng magandang resulta, ang
pagbibigay ng direksiyon o tuntunin, at
pagbibigay ng direksiyon o panuto.

Ginagamit ang tekstong prosidyural sa


pagpapaliwanag ng isang proseso na maingat na
ipinapakita ang bawat hakbang habang tinitiyak
na walang nakaligtaang hakbang sa kabuuan ng
proseso.

Layunin ng tekstong prosidyural na magbigay ng


mga impormasyon at direksiyon upang
matagumpay na matapos ng mga tao ang mga
gawain nang ligtas, epektibo, at sa angkop na
pamamaraan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tekstong


CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
Prosidyural

1. Layunin - Ano ang gusto mong matamo


sa iyong sulatin? Magbigay ng malinaw na
panuto upang buong tiwalang
maisasagawa ng mga mambabasa o mga
nakikinig ang isang gawain.

2. Tagatanggap - Para kanino ka


nagsusulat? Sa guro ba, mga kapuwa
mag-aaral, grupo ba?

3. Pagkakakilanlan - Sumusulat ka ba
bilang awtoridad o eksperto sa paksa?

Mga Katangian ng Mabisang Tekstong


Prosidyural

1. Layunin. Ano ang dapat gawin?


2. Mga kagamitan - Nakatala ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng gamit nito sa
proseso.

3. Metodo - Ito ang mga pamamaraan o


serye ng mga hakbang.

4. Ebalwasyon - Paano masusukat ang


tagumpay ng isang pamamaraan o
paraan?

Mga Gabay sa Pagsulat ng Tekstong


Prosidyural

1. Karaniwan nang isinusulat ang teksto sa


simple at pangkasulukuyang panahon.
2. Tumuon sa pangkalahatan sa halip na sa
sarili ("una, kunin mo" sa halip na "una,
kukunin ko").

3. Ang tinutukoy na pangkalahatan ay ang


mambabasa.

4. Gumamit ng mga salitang nagsasaad ng


kilos (putulin, hatiin, tupiin, hawakan,
kunin, at iba pa.)

5. Gumamit ng cohesive devices upang


mapagdugtong ang mga teksto.

6. Isulat ang pamamaraan sa detalyadong


CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com
pagkakaayos (maingat na gamitin ang
gunting); saan (mula sa itaas pababa);
kailan (matapos kumulo).

7. Magdagdag ng detalyadong paglalarawan


ng mga bagay (hugis, laki, kulay, dami).
Makatutulong din ang sumusunod na
Cohesive Devices sa pagsulat ng tekstong
prosidyural:

E. Paglalahat

 Ano nga muli ang Tekstong


Prosedyural?

Mahusay!

 Ano naman ang mga Dapat


Tandaan sa Pagsulat ng
Tekstong Prosidyural?

Magaling!

 Magbigay ng mga katangian ng


Mabisang Tekstong Prosidyural

Napakahusay!
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

Tumutukoy ang prosidyural sa pagsusunod-


sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa.

Ma’am ito po ay ang mga:

1. Layunin

2. Tagatanggap

3. Pagkakakilanlan

Ma’am ang mga katangian po ng mabisang


Tekstong Prosidyural ay dapat mayroong:

1. Layunin.
2. Mga kagamitan

3. Metodo

4. Ebalwasyon

V. PAGTATAYA
CLARENDON COLLEGE INC.
Odiong, Roxas, Oriental Mindoro
Tel: (043) 289-7056 / clarchsdept@gmail.com

Pangkatang Gawain: Papangkatin ang klase sa tatlo at bawat grupo ay magsasagawa ng isang
Tekstong Prosedyural.

Unang pangkat: Bumuo ng isang resipeng lutong nanay na inyong madalas lutuin sa intong
tahanan.

Pangalawang pangkat: Ipakita sa klase ang tamang pagkasunod-sunod na ginagawa bago


pumasok sa Paaralan.

Ikatlong pangkat: Ibigay ang direksyon mula sa inyong bahay patungo sa paaralan.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Pangkatang Gawain

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGAN PANG


(10-8 PUNTOS) (7-5 PUNTOS) HUSAYAN
(4-1 PUNTOS)
Tema at Tamang Pag-
gamit ng Teskto
Pag-ganap ng mga
Tauhan
Daloy ng eksena
Partisipasyon sa grupo
Pagka-malikhain

VI. TAKDANG-ARALIN

Pag- aralan ang mga paksang tinalakay para sa paparating na pangatlong markahang pagsusulit.

Inihanda ni: Iwinasto ni:

Julian Muros Elisa May Gusi

Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay

Hazel P. Palapus

Punong-guro

You might also like