You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III

SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC


Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________
Paaralan: ______________________________________ Petsa: ___________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikaapat na Markahan – Ikalawang Linggo
Ang Proseso ng Mabuting Pagpapasiya

I. Panimula
Marahil ay narinig mo na ang kasabihang “Sometimes, it’s the smallest decisions that can change
your life forever.” Kaya naman napakahalaga na ang bawat desisyon natin sa buhay ay matamang
pinag-iisipan. Sinasabi na ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya katulad ng:
kung anong damit ang isusuot, kung kakain ba ng hapunan, hanggang sa mga komplikadong
pagpapasiya katulad ng: kung papasok ba o hindi sa paaralan. Alinman sa mga ito ay
nangangailangan ng kasanayan upang makagawa ng matalino at mabuting pagpapasiya.
Ngunit paano ka nga ba magkakaroon ng isang mabuting pagpapasiya? Gagabayan ka ng araling ito
upang makagawa ka ng makabuluhang desisyon sa iyong buhay. Halina’t simulan mo nang alamin
ang mga proseso ng mabuting pagpapasiya.
II. Kasanayang Pampagkatuto
Naiisa-isa ang proseso sa paggawa ng mabuting pasiya.
Koda: EsP7PB-IVc-14.1
III. Mga Layunin
Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. matutukoy ang mga hakbang sa paggawa ng wastong pasiya; at
2. makagagawa ng photo essay na nagpapakita ng mga hakbang sa paggawa ng wastong pasiya

IV. Pagtalakay
Sa ating nakaraang aralin ay nalaman mo na ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan
malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Mahalaga
ang prosesong ito sa ating pagpili. Ang pagpili ay nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o
diskriminasyon. Kung mahusay ang pagpapasiya, mas malinaw ang mga pagpiling gagawin.
Ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasiya ay panahon. Kadalasan,
ito ang unang hinihingi upang makagawa ng pagpapasiya kaya naman karaniwan na ang mga
linyang, “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip.”
Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasiya ay ang isip at damdamin. Una, ginagamit
natin ang ating isip. Pinagninilayan natin ang sitwasyon. Naghahanap tayo ng mga impormasyon at
tinitimbang natin ang mga kabutihan at kakulangan sa mga pamimilian. Ngunit hindi lamang ang isip
ang umiiral sa ginagawa nating pagpili. Kinukunsulta rin natin ang ating damdamin upang tiyaking
kagustuhan nga natin ang ginawang pagpili.
Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasiya. Kung hinihingi ng
pagkakataon na tayo ay mamili, madalas na tinitimbang natin ang mga pamimilian batay sa kung
anong mahalaga sa atin.
Ang proseso ng mabuting pagpapasiya sa maikling salita ay – batay sa ating pagpapahalaga,
ginagamit natin ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng sapat na panahon ang ating
pasiya.
Mga Hakbang sa Paggawa ng Wastong Pasiya
1. Magkalap ng kaalaman. Ang pagiging tama o mali ng isang pagpapasiya ay nakasalalay sa mga
katotohanan. Sa iyong edad ngayon, maaaring hindi pa sapat ang iyong kaalaman ukol sa mga
katotohanang ito; kung kaya mahalaga na ikaw ay sumangguni at humingi ng opinyon sa mga taong
nakakaalam at mayroong sapat na karanasan tungkol sa mga bagay na iyong pinagninilayan. Tandaan
lamang na magkakaroon lamang ng kabuluhan ang lahat ng ito kung bukas ang iyong isip sa
pagtanggap ng mga mungkahi at payo mula sa ibang tao.
2. Magnilay sa mismong aksiyon. Sa anomang pagpapasiya, mahalaga ang pagninilay sa mismong
aksiyon. Gawing gabay ang mga sumusunod:
a. Kailangan mong suriin ang uri ng aksiyon. Tanungin mo ang iyong sarili, Ano ba ang binabalak
kong gawin? Ito ba ay tama?
b. Tanungin din ang sarili kung ano ba talaga ang iyong personal na hangarin sa isasagawang
aksiyon. Ikaw ba ay nagbabahagi sa mga kapus-palad dahil gusto mo lamang magpasikat sa iba?
Mahalagang pagnilayan mong mabuti ang isasagawang kilos dahil tiyak na makaaapekto ang iyong
mga hangarin sa pagiging moral ng iyong kilos.
c. Mahalagang tingnan din ang mga pangyayaring may kaugnayan sa aksiyon. Dahil ang tao ay
nabubuhay sa mundo na kasama ang kanyang kapwa, may epekto sa iyong kapwa ang mga pagkilos.
Kailangang isaalang-alang ang lahat ng bagay na may kaugnayan sa aksiyon upang hindi magkamali
sa isasagawang pasiya at kilos.
3. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya. Ang panalangin ang pinakamabisang
paraan na maaaring gawin upang ganap na maging malinaw kung ano talaga ang plano ng Diyos para
sa atin. Mahalagang gawin ito upang magkaroon ng lakas na maisakatuparan ang anomang dapat
gawin ayon sa paghuhusga ng sariling konsensiya.
Paano kung pagkatapos gawin ang tatlong hakbang ay nananatili pa rin sa iyo ang pag-aalinlangan sa
iyong pagpili? Makatutulong sa iyo ang susunod na hakbang.

4. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasiya. Mahalaga na isaalang-alang ang ating
magiging kasiyahan bunga ng ating ginawang pagpili.
5. Pag-aralang muli ang pasiya. Kung ikaw ay may pag-aalinlangan pa rin sa iyong pasiya,
kailangan mong pag-aralan muli ang pasiya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri.
Maging bukas sa posibilidad na magbago ang pasiya pagkatapos ng prosesong pinagdaanan mo.
Marami pang pagpapasiya ang iyong gagawin sa mga darating na panahon kung kaya mahalagang
may sapat na kaalaman tungkol dito. Mahalagang tandaan na sa bawat isasagawang pagpili, laging
isaalang-alang ang mas mataas na kabutihan (higher good). Ang tao ay may isip at kilos-loob upang
makaalam at maglayong gawin ang mas mataas na kabutihan para sa kaniyang kapwa at upang
ipakita ang pagmamahal sa Diyos.

V. Mga Gawain
Gawain 1: Pasulat na Gawain
A.1 Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Ang mga instrumento o gamit sa mabuting pagpapasiya ay ang;
A. Isip at puso
B. Isip at panahon
C. Puso at damdamin
D. Panahon at damdamin

2. Ang proseso ng isang mabuting pagpapasiya ay batay sa ating mga:


A. Pagpapahalaga
B. Kasanayan
C. Pagkilos
D. Isip

3. Ito ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso ng pagpapasiya.


A. Isip
B. Puso
C. Panahon
D. Damdamin
4. Sa iyong kasalukuyang edad, hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa mga katotohanan kaya’t
mahalaga na ikaw ay:
A. Magkalap ng kaalaman
B. Hingin ang gabay ng Diyos
C. Pag-aralang muli ang pasiya
D. Magnilay sa mismong aksiyon

5. Hindi lamang ang isip ang umiiral sa ginagawa nating pagpili, kinukunsulta rin natin ang ating
________ upang tiyaking kagustuhan natin ang ginawang pagpili.
A. Isip
B. Kamay
C. Panahon
D. Damdamin

A.2 Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung ang pahayag ay
hindi wasto.
__________1. Hindi mahalaga na suriin muna kung ano ang magiging kahihinatnan ng iyong kilos.
__________2. Kadalasan, ang panahon ang una nating hinihingi upang makagawa ng mabuting
pasiya.
__________3. Tandaan lamang na sa bawat isasagawang pagpili, laging isaalang-alang ang mas
mataas na kabutihan (higher good).
__________4. Ang panalangin ang pinakamabisang paraan na maaaring gawin upang ganap na
maging malinaw ang plano ng Diyos para sa iyo.
__________5. Maraming mga isyu sa lipunan na tunay na susukat sa iyong moral na paninindigan
kaya naman kailangang sapat ang iyong kaalaman sa pagsasagawa ng moral na pagpapasiya.
Gawain 2: Gawaing Pagganap
B.1 Panuto: Paano mo mailalarawan ang proseso ng mabuting pagpapasiya gamit ang sumusunod na
graphic organizer?
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
PAMANTAYAN ISKOR PUNTOS
Orihinalidad 15
Nilalaman 15
Kabuuang puntos 30
Gawain B.2
Panuto: Gumawa ng photo essay na nagpapakita ng mga hakbang sa paggawa ng wastong pasiya.
7
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
Pamantayan 10 puntos 7 puntos 5 puntos 2 puntos
Pagkamalikhain Katangi-tangi Maganda ang Di gaanong Walang larawan
ang mga pagkakakuha ng mahusay ang na naipakita
larawan at mga larawan at pagkakakuha ng
akmang akma sa may kaugnayan mga larawan at
paksa sa paksa medyo may
kaugnayan sa
paksa
Pagkakaayos at Katangi-tangi Maganda ang Di-gaanong Walang pamagat
disenyo ng ang pamagat at pamagat at maganda ang at captions
larawan captions captions pamagat at
captions
Pagkukuwento Katangi-tangi ang Mahusay ang Di-gaanong Walang
paraan ng paraan ng mahusay ang pagkukuwento
pagkukuwento pagkukuwento paraan ng
pagkukuwento
Photography Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng Walang ginamit
tatlong larawan dalawang isang larawan na larawan
larawan

VI. Pagsusulit
Panuto: Pillin sa ibaba kung anong hakbang sa paggawa ng pasiya ang inilalarawan ng bawat
pangungusap. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
A. Magkalap ng kaalaman.
B. Magnilay sa mismong aksiyon.
C. Hingin ang gabay ng Diyos sa isasagawang pagpapasiya.
D. Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasiya.
E. Pag-aralang muli ang pasiya.
__________1. Mahalagang isaalang-alang ang kalooban sa ating gagawing pagpapasiya.
__________2. Dahil sa panalangin, mabibigyang linaw sa iyo kung ano talaga ang plano ng Diyos
para sa iyo.
__________3. Maaari kang sumangguni sa mga taong mayroong sapat na karanasan sa iyong
gagawing pagpapasiya.
__________4. Sa anumang pagpapasiya ng tao, mahalaga ang pagninilay o pag-iisip nang mabuti
patungkol sa aksiyong gagawin.
__________5. Kailangang maging bukas ka sa posibilidad na magbago ang pasiya pagkatapos ng
lahat ng prosesong pinagdaanan mo.
VII. Pangwakas
Panuto: Sumulat ng kawikaan o kasabihan na nagpapakita ng kahalagahan ng paggawa ng mabuting
pagpapasiya sa ating buhay.
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
PAMANTAYAN ISKOR
Nilalaman 10
Pagkamalikhain sa paggawa 10
Kalinisan at kaayusan ng gawa 5
Orihinalidad 5
Kabuuang Puntos 30

You might also like