You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 7

Markahan 3- Linggo 1 LAS 3

Pangalan: _______________________________________Baitang at Pangkat: _________________


Asignatura: EsP 7 Teacher: ___________________________ Iskor: _______________

Pamagat ng Gawain: Ang Aking mga Birtud


Panimula (Susing Konsepto):
Dalawang (2) Uri Ng Birtud:
1. Intelektuwal na Birtud- may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman
(habit of knowledge).
2. Moral na Birtud- may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na
nagpapabuti sa tao. Ito rin ay ang mga gawi na nagtuturo sa atin na iayon ang ating ugali sa
tamang katuwiran.
Limang (5) Uri ng Intelektuwal na Birtud:
1. Pag-unawa (Understanding)- ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na
nakapagpapaunlad ng isip. Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng ating pag-iisip.
2. Agham (Science)- ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng
pagsasaliksik at pagpapatunay.
3. Karunungan (Wisdom)- ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. Ang karunungan ang nagtuturo
sa tao upang humusga ng tama at gawin ang mga bagay na mabuti ayon sa kaniyang kaalaman at
pag-unawa.
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence)- ito ay may layuning sabihin sa ating sarili kung paano
kumilos nang tama o wasto. Ito ang nagbibigay-liwanag at gumagabay sa lahat ng ating mabuting
asal o ugali.
5. Sining (Art)- ang sining ay tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin. Kung ang
maingat na paghuhusga ay nagtuturo sa atin ng tamang asal, ang sining ang nagtuturo sa atin upang
lumikha sa tamang pamamaraan.
Apat (4) Uri ng Moral na Birtud:
1. Katarungan (Justice)- ay isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang
nararapat lamang para sa kanya, sinuman o anuman ang kaniyang katayuan sa lipunan.
2. Pagtitimpi (Temperance or Moderation)- pagkakaroon ng kontrol sa sarili.
3. Katatagan (Fortitude)- ito ay ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na harapin ang
anumang pagsubok o panganib.
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence)- Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang
pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga.

Layunin: Natutukoy ang mga birtud na isasabuhay at ang mga tiyak na kilos na ilalapat
sa pagsasabuhay ng mga ito, MELCS EsP7PB-IIIa-9.2

Panuto: Batay sa ibinigay na mga uri ng birtud, pumili ng dalawang (2) moral na birtud at dalawang
(2) intelektuwal na birtud na iyong isasabuhay sa pang-araw-araw mo na pamumuhay. Isulat ang
mga tiyak na kilos upang malinang ang mga ito. Gamitin mong gabay ang halimbawa sa ibaba.
Mga Birtud Tiyak na kilos sa pagsasabuhay ng birtud
Halimbawa: Hindi ako susuko sa anumang problema na
1. Katatagan darating sa aking buhay.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY KAILANGANG


(10) (7) MAGSANAY
(5)
NILALAMAN
BAYBAY NG MGA
SALITA AT
GRAMMAR,
CAPITALIZATION AT
PAGBABANTAS AT
GAWI NG
PAGKASULAT

Pangwakas: Kumpletuhin ang pahayag sa ibaba.


Ang mga natutunan ko sa aralin ay ______________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Sanggunian : Learners’ Modules, Quarter 3, Modyul 9

INIHANDA NI: INIWASTO NI:

KAREN BLYTH C. BARNIZO, TI EMELIE Q. VILLASOR, MTI


Subject Teacher Subject Coordinator

BINIGYANG PANSIN NI:

EDWIN C. VALENCIA, PII


School Head

You might also like