You are on page 1of 3

Ikatlong Markahan

Modyul 9: Mga Birtud


Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-
unawa:
1. Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga (EsP7PB-IIIa-9.1)
2. Natutukoy: (a.) ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay at (b.) ang mga tiyak na kilos na ilalapat
sa pagsasabuhay ng mga ito (EsP7PB-IIIa-9.2)

Balikan/ Pagbabalik-aral: (8 points)


Natutunan mo sa ikalawang markahan ang katangian mo bilang tao. Ikaw aynatatanging nilalang na nilikha ng Diyos ayon
sa kanyang wangis. Panuto: Isaayos ang mga titik upang
mabuo ang mga salitang maglalarawan sa katangian ng tao
na nagpaiba sa kanya sa ibang nilalang na may buhay.

Sa loob ng bilog sa gitna, gumuhit ng larawan ng tao


at kulayan.
Ayusin ang mga letrang nasa parihaba upang
makabuo ng salita:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
Gawain1: (12 points)
Naranasan mo na bang magdalawang isip bago magpasya? Ano ang dahilan ng iyong pagdadalawang isip? Anong pasya
ang iyong nabuo at paano ka nakarating sa pasyang ito? Basahin ang sitwasyon sa ibaba na maaaring iyong naranasan.
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga katanungan batay sa iyong pagkaunawa.

Si Raven at Ang Kanyang Modyul


Katulad ng lahat ng mag-aaral sa panahon ng pandemya, si Raven ay sa nag aaral sa paraang
modyular. Bilang isang mag aaral sa baitang 7, totoong nagkaroon ng maraming adjustments sa kanyang
pag-aaral. Ang schedule ng bawat asignatura ay kanyang sinunod noong unang markahan. Masugid pa syang
magtanong sa kanyang mga magulang kung may hindi nauunawaan. Subalit dumating ang ikalawang
markahan at tila baga napagod na siya sa pagsasagot. Sa itinakdang panahon para sa pagsasauli ng modyul
ay hindi nya nagawang ibalik ito sapagkat nawili siya sa paglalaro sa cellphone. Alam nyang magagalit ang
kanyang ina sa oras na malaman nito na hindi nya natapos ang modyul. Inisip niya kung haharapin na lang ba
niya ang kanyang ina at tanggapin ang galit nito o tumakas. Ang huli ang kanyang pinili. Upang makaiwas,
sinakyan niya ang kanyang bisikleta at binagtas niya ang pa-zigzag na daan sa bahagi ng Bataan. Mula sa
Morong ay nakarating siya ng Binukawan at dahil sa pagod at gutom, papadilim na rin noon, napaupo siya at
napatanong sa sarili. Bakit ko nagawa ito. Paano pa ako makakabalik sa amin? Napakalayo na ng aking
narating. Siguradong nag-aalala na ang aking nanay. Saan ako kakain, saan ako matutulog? Mga
katanungang sumagi sa kanyang isipan na nagpatulo ng kaniyang luha. Ibig man niyang baguhin ang kanyang
pasya ay huli na. Nagawa na niya ang kanyang nabuong pasya.

Mga Katanungan:
1. Ano ang mga pasyang pinamilian ni Raven? Bakit siya nagkaroon ng ganitong suliranin? (5 points)
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
2. Ano ang nagtulak sa kanya upang isagawa ang nabuong pasya? (2 points)
___________________________________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Raven, gagawin mo rin ba ang pasyang kanyang ginawa? Ano ang mga aternatibong pasya ang maaari
mong gawin upang maiwasan ang ganitong suliranin. (5 points)
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Suriin:
Ang pagpapasya ay ang pagpili ng kilos o aksyon na gagawin ng tao o tugon ayon sa kinakaharap na
sitwasyon. Ngunit maaaring tama o mali ang maging pasya. Paano naugnay ang birtud at pagpapahalaga dito.
Bigyan muna natin ng kahulugan ang birtud at pagpapahalaga. Kahulugan at Uri ng Birtud Nagmula ang birtud
o virtue mula sa salitang latin na Virtus (vir). Ang kahulugan nito ay pagiging tao, pagiging matatag at pagiging
malakas. Ito ay nararapat lamang para sa tao. Mahalagang maunawaan na ang virtue ay laging nakaugnay sa
pag-iisip at pagkilos ng tao. Ang mga birtud ay hindi taglay ng tao mula sa kanyang kapanganakan. Maaari
niya itong taglayin sa paglipas ng panahon depende sa mga habit o gawi na kanyang malilinang. Ang habit o
gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos. Hindi lamang kinagawiang kilos ang birtud kundi
kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katwiran.

Dalawang Uri ng Birtud


1. Intelektwal na birtud- may kinalaman sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman
Mga Uri ng Intelektwal na Birtud
a. Pag-unawa (understanding)
b. Agham (Science)
c. Karunungan (wisdom)
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
e. Sining (art)
2. Moral na Birtud-may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao.
a. Katarungan (justice)- ang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat lamang
para sa kanya.
b. Pagtitimpi (temperance o moderation)- pagpipigil o pagkontrol sa sarili na maiwasan ang tukso o
masamang gawain.
c. Katatagan (fortitude)- ang birtud na ito ang nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang
anumang pagsubok.
d. Maingat na Paghuhusga (prudence)- itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng
ibang birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga.

Kahulugan at Uri ng Pagpapahalaga


Ang value o pagpapahalaga ay mula sa salitang latin na valore na nangangahulugan ng pagiging
matatag o malakas at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Ayon kay Max Scheler,
(Dy M.,1994) ang pagpapahalaga ay obheto ng ating intensyonal na damdamin. Sinasabi ni Scheler na ang
pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Narito ang mga katangian ng
pagpapahalaga:
a. Immutable at objective- hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga.
b. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibidwal
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
d. Lumilikha ng kung ano ang nararapat (ought -to-be) at kung ano ang dapat gawin (ought-to-do)

Mga uri ng Pagpapahalaga


1. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)- Ito ang pangkalahatang katotohanan
(universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (cultural behaviors)- Maaari itong pansariling pananaw ng tao
o paniniwala ng isang pangkat kultural.

Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud


Ang mga pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay halaga sa ating tunay na pagkatao. Bagamat
magkaiba subalit magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud. Dahil ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng
kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao, kaya’t ito ang pinagsusumikapan ng tao na makamit ayon kay Ayn Rand.
Ang birtud, ayon pa rin kay Rand ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang
pinahahalagahan. Ito ang moral na gawi na nagreresulta ng pagkakamit at pagpapanatili ng pagpapahalaga.
Samakatuwid, kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin ng tao...ang birtud ang daan upang makamit
ito. Ang ating mga pinagpapasyahang mabuting kilos kung paulit-ulit nating isasagawa ay magiging gawi na
kalauna’y magiging birtud. Mga birtud na magagamit naman natin sa pagsasakatuparan ng ating
pagpapahalaga. Nagsisimula ang lahat sa tamang pagpili ng isasagawa o pagpapasya.

Gawain 2: (10 points)


Panuto: Matapos mong mabasa ang texto sa Suriin, hanapin mo at pag-ugnayin ang mga kaisipan sa kolum A at B, batay
sa iyong natutunan. Isulat ang titik sa sagutang papel.
A B
1. Ito ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng a. Birtud
isang kilos
2. May kinalaman ito sa pag-uugali ng tao, mga gawi b. Pagpapahalaga
na nagpapabuti sa tao.
3. may kinalaman sa sa isip ng tao na tinatawag c. Katangian ng pagpapahalaga
ding gawi ng kaalaman
4. Nangangahulugan ng pagiging tao, pagiging d. Habit o Gawi
matatag at pagiging malakas
5. Ito ang obheto ng ating intensyonal na e. Intelektwalna birtud
damdamin
6. Nagbibigay ito ng kabuluhan o kalidad sa buhay f. Moral na birtud
ng tao
7.Ito ang pangkalahatang katotohanan (universal g. Ganap na Pagpapahalagang
truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga. Moral (Absolute Moral Values)
8. Ito ay maaring pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural. h. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (cultural
9. immutable o objective behaviors)
10. nagbibigay direksyon sa buhay ng tao
i. pagpapasya

Gawain 3: (5 points)
Panuto: Lapatan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang kaisipan na nais ipahayag ng textong binasa.
Piliin sa kahon ang angkop na salita.

Nagkakaugnay ang birtud at pagpapahalaga dahil: ang ________________________ay ang


mabuting _____________________ na ginagawa ng tao upang __________________ ang
pinahahalagahan. Ito ang _______________ na gawi na nagbubunga sa pagkamit at pagpapanatili ng
_____________________.

You might also like