You are on page 1of 17

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGTATAYA SA FILIPINO 5
PT 2022-2023

Pangalan: ___________________________ Petsa: ________________


Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing teksto ng iyong guro.

Sa napakinggang teksto, tingnang mabuti ang dayagram na nasa ibaba. Ilagay ang mas
makatotohanang sanhi at bunga ng sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot.

Sanhi Bunga

1. Madalas mag-ensayo sa paglalaro ng lato-


__________________________________
lato si Angelito pagkatapos ng klase.

2. _________________________________ Nagkaroon siya ng maraming pasa sa kamay.

A. Dinala siya sa barangay.


B. Ipinatawag siya ng punong-guro
C. Parati siyang nanalo sa paligsahan.
D. Natatamaan ang kanyang kamay sa dalawang bola.

•3. Sabay-sabay na naglalaro ang mga batang lalaki ng

Sanhi lato-lato.
•4.____________________________________________

• 3. _______________________________________
Bunga • 4. Bumaba ang grado ni Angelito.

A. Hindi siya nag-aaral ng leksiyon dahil sa kakalaro ng lato-lato.


B. Nakipag-away siya sa kapitbahay.
C. Binawalan sila ni Gng. Bagtas
D. Nanalo siya sa laro.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
Panuto: Pakinggang muli ang iyong guro sa babasahing balita para sa aytem 5-7.

5. Inihain ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang
House Bill No. 7893 na naglalayong palitan ang K to 12 Education Program na tinawag
niyang “K + 10 + 2”. Anong uri ng pangungusap ito?
A. Padamdam C. Patanong
B. Pasalaysay D. Pautos o Pakiusap

6. Ayon kay Arroyo, nabigo ang K to 12 Curriculum na makamit ang layunin nitong makabuo
ng mga mag-aaral na handa sa trabaho. Paano mo gagamitin sa patanong na pangungusap
kung ang kasagutan ay nagpapaliwanag tungkol sa pagkabigo ng K to 12 Curriculum?
A. Ano ang K to 12 Curriculum?
B. Sino ang nagsabi na hindi handa ang mga mag-aaral sa pagkokolehiyo?
C. Paano makakapagtrabaho ang mga mag-aaral pagkatapos nilang mag-aral ng Grade 12?
D. Bakit nabigo ang K to 12 Curriculum na makamit ang layunin nitong makabuo ng mga mag-
aaral na handa nang magtrabaho?

7. Magsasagawa ang Kagawaran ng Edukasyon ng National Learning Camps sa mga


pampublikong paaralan ngayong Hulyo hanggang Agosto. Layunin nitong matugunan ang
learning gaps o kakulangan sa mga dapat na natutuhan ng mga estudyante ngayong patapos
na ang panuruang taon. Halimbawang isa ka sa mga mag-aaral na dadalo sa gawaing ito,
ano ang mararamdaman mo? Pumili ng padamdam na pangungusap na nasa ibaba na
nagpapahiwatig na ikaw ay interasado.
A. Bakit naman po ako nasali?
B. Yehey! Hindi ako kasama sa mga nalista.
C. Dadalo ako sa mga gawaing pampaaralan.
D. Ngayon pa lamang ay nasasabik na akong matuto!

Panuto: Basahin ang ilang bahagi ng debate na itinampok sa klase para sa bilang 8-11. Piliin
ang tamang sagot na hinihingi ng pangungusap.

Carylle (Moderator): Magandang araw sa inyong lahat! Ngayong araw na ito ay inyong
matutunghayan ang isang debate na may temang “Dapat bang ibalik sa Hunyo ang
pagbubukas ng klase at hindi sa katapusan ng Agosto?”

8. Ang salitang nakalimbag ay nakasulat sa patanong na pangungusap. Alin sa sumusunod


ang katumbas nito sa pautos o pakiusap na pangungusap?
A. Dapat bang ibalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase at hindi sa katapusan ng Agosto?
B. Ibalik na ninyo sa Hunyo ang pagbubukas ng klase at hindi sa katapusan ng Agosto.
C. Sa Hunyo ang pagbubukas ng klase at hindi sa katapusan ng Agosto!
D. Kailan kaya ibabalik sa Hunyo ang pagbubukas ng klase?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
Carylle: Narito ang dalawang panig na maglalahad ng kani-kanilang pahayag at paniniwala
tungkol sa paksa.

Kian: Dahil sa tindi ng init ng panahon noong buwan ng Abril at unang linggo ng Mayo, ang
mga silid-aralan ay nagmistulang pugon. Sa kabila ng mga bukas na bintana, hindi sapat ang
mga electric fan na makapagpapaaliwalas ng kuwarto. Pinapangalawahan ko ang
panawagan ng mga estudyante, magulang at guro para ibalik na sa dati ang pagbubukas ng
taon sa unang Lunes ng Hunyo batay sa Seksiyon 3 ng RA 7797.

9. Dahil sa tindi ng init ng panahon noong buwan ng Abril at unang linggo ng Mayo,
ang ibang silid-aralan ay nagmistulang pugon. Kung gagawing patanong na
pangungusap ang mga nakalimbag na salita, alin dito ang tama?

A. Ano ang pinakamainit na buwan?


B. Dahil sa tindi ng init ng panahon noong buwan ng Abril at unang linggo ng Mayo.
C. Nagmistulang pugon ang mga silid-aralan noong buwan ng Abril at unang linggo ng
Mayo.
D. Bakit nagmistulang pugon ang mga silid-aralan noong buwan ng Abril at unang linggo ng
Mayo?

Lawrence: Ang dahilan sa paglipat ng buwan sa pagbubukas ng klase ay dahil sa


pandemya dulot ng COVID-19. Inilabas ang RA 11480 na nagbigay ng kapangyarihan sa
Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na baguhin ang petsa ng panuruang taon. Dahil
dito, ang pagbubukas ng taon sa mga paaralan ay ginawang Setyembre noong 2020 na
nagtapos sa buwan ng Mayo ng sumunod na taon. Kailangang sundin ang panuruang
taon ng buong bansa alinsunod sa kanluran na sa Setyembre nag-uumpisa ang klase
upang ang mga Pilipinong gustong mag-aral sa ibang bansa ay hindi mabakante ng halos
apat na buwan bago makapag-aral sa eskuwela gaya ng Amerika.

10. Kailangang sundin ang panuruang taon ng buong bansa alinsunod sa kanluran
na sa Setyembre nag-uumpisa ang klase upang ang mga Pilipinong gustong mag-aral
sa ibang bansa ay hindi mabakante ng halos apat na buwan bago makapag-aral sa
eskuwela gaya ng Amerika. Anong uri ng pangungusap ang nakalimbag na salita?
A. Padamdam C. Patanong
B. Pasalaysay D. Pautos o Pakiusap

Kian: Dapat nating intindihin na kaya nga Setyembre ang umpisa ng klase sa kanluran
dahil iniiwasan nila ang panahon ng tag-init o summer sa kanilang bansa na may apat na
panahon: Spring, Summer, Autumn at Winter. Bukod pa sa tindi ng init sa loob ng silid-
aralan, ang summer ay mahalaga upang makapamasyal ang pamilya, makapunta sa mga
beach, bumisita at magbakasyon sa mga lolo at lola, at makapaglaro ng baseball, football,
tennis, golf, atbp. Mahirap maglaro ng mga ito sa panahon ng taglamig.

11. Mahirap maglaro ng mga ito sa panahon ng taglamig. Anong uri ng pangungusap
ang nakalimbag na salita?
A. Padamdam C. Patanong
B. Pasalaysay D. Pautos o Pakiusap
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
Panuto: Basahin ang teksto tungkol sa paniniwala ng may akda. Pagkatapos ay sagutin ang
mga kasunod na tanong.

Animismo

Noong panahon na hindi pa sinasakop ang Pilipinas ng Espanya ay mayroon ng


mga paniniwala ang ating mga ninuno. Isa rito ang Animismo na kung saan sinasamba ng
mga tao ang bagay na walang buhay tulad ng puno, batis, bato at iba pa. Nag-aalay sila ng
munting pagkain galing sa kanilang mga naimbak at inilalagay ito sa tabi ng puno o bato.
Humihiling din sila na sana ay maging masagana ang ani at mabiyayaan sila ng tamang
ulan.

Ang isa sa mga katangian ng animismo ay ang paniniwalang may mga mabuti at
masasamang espiritu at nilalang na nanatili sa mundo na dapat igalang o kaya naman ay
sambahin. Ang tawag nila sa pinakamakapangyarihan diyos ay Bathala habang ang iba
namang mga espiritu ay mga diwata at anito.

Ngayon, tinatayang may dalawang porsiyento pa rin ng mga Pilipino ang animista.
Karamihan sa mga animista sa Pilipinas ay mga pangkat na katutubo. Pati ang
paniniwalang Katoliko ng mga Pilipino ay nahahaluan din ng animismo kagaya ng pag-
aalay ng itlog sa estatwa ni Sta. Clara upang makasigurong hindi uulan.

12. Ano ang tawag ng ating mga ninuno sa kanilang pinakamakapangyarihang diyos?
A. Anito C. Diwata
B. Bathala D. Panginoon

13. Sa binasang teksto, ilang porsiyento ang bilang ng mga Pilipinong animista?
A. 2% C. 4%
B. 3% D. 5%

14. Ano ang pinaniniwalaang dapat ialay sa estatwa ni Sta. Clara upang hindi umulan?
A. dasal C. pagkain
B. itlog D. sayaw

15. Ano ang magagawa mong solusyon kung biglang bumuhos ang ulan at umapaw ang
baradong kanal sa inyong kusina?
A. Umiyak at magmukmok sa loob ng bahay.
B. Ipagwalang bahala ang pangyayari sa paligid.
C. Kuhanan ng larawan at i-post sa social media.
D. Hintaying humupa ang ulan at magpatulong sa nakatatanda na alisin ang mga basurang
naipon sa kanal.

16. Maraming kabataan sa inyong lugar ang natututong mag-vape. Ano ang maaari mong
gawin?
A. Hayaan lamang sila.
B. Gayahin ang kabataang naninigarilyo.
C. Iwasan ang mga batang naninigarilyo at huwag pansinin.
D. Pagsabihan ang kabataang itigil ang paninigarilyo dahil nakasasama ito sa kalusugan.

17. Maraming kuto at lisa ang iyong kapatid. Anong solusyon ang maiisip mo para dito?
A. Lalagyan ng gas ang buhok.
B. Sasabihin kay nanay na kalbuhin siya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
C. Sasabihan ang kapatid na ililipad na siya ng mga kuto sa itaas ng kawayan.
D. Pumunta sa pinakamaliapit na botika upang bumili ng Well Shampoo Kontra Kuto.

18. Nakatanggap ka ng parcel mula sa Shap-Shap na hindi mo naman inorder. Ano ang
una mong gagawin?
A. Kakausapin ang nag-deliver at sasabihing hindi ka naman nag-order.
B. Kukuhanan ng larawan ang nag-deliver at ipo-post sa social media.
C. Isusumbong sa Department of Trade and Industry (DTI).
D. Hindi mo ito kukunin.

Panuto: Basahin ang dokumentaryo ni Kara David.

Saan nakaangkla ang iyong pangarap?

Sa kanyang edad na 35, pito na ang anak ni Joseph Liwanag. Hindi siya nakapag-aral
kaya maaga pa lang ay mulat na siya sa mundo ng trabaho. Gaya ng karamihang Pilipino,
pangarap niyang mapaganda ang buhay ng mga anak, malayo sa kalagayan nila ngayon
na isang kahig, isang tuka. Sabi nila, libre naman ang mangarap. Ngunit sa bawat umaga,
sa kanilang paggising, hindi maikakaila ang katotohanang hindi sapat ang kita ni Joseph.
Kailangan niya ang tulong ng kanyang mga anak na sina Karen, Gelyn at Mauwee para
magbenta ng kawayan. Kailangan ng mga batang magbuhat ng kawayan pababa sa
matarik na bundok. Sa hitsura ng halaman, parang madali itong pasanin sa balikat, ngunit
ang tinabas na kawayan ay sadyang mabigat.

Ngayong Sabado sa I-Witness, kilalanin ang pamilya Liwanag, isang pamilya


ng katutubong Aeta na nakaangkla ang pangarap sa kawayan. Kahit masakit para sa ama
ang makitang nagtatrabaho ang mga anak, maaaring ito lamang ang paraan upang sila’y
mabuhay. May puwang pa ba para sa kanilang pangarap?

Mapapanood ang “Kawayang Pangarap”, ang dokumentaryo ni Kara David na nanalo


ng Silver Screen Award sa Channel 11.

19. Anong uri ng dokumentaryo ang iyong nabasa?


A. Dokumentaryong Pampaaralan C. Dokumentaryong Pangradyo
B. Dokumentaryong Pampelikula D. Dokumentaryong Pantelebisyon

20. Ano ang pagkakaiba ng dokumentaryong pampelikula sa dokumentaryong


pantelebisyon?

A. Mas malaki ang nagagastos sa paggawa ng dokumentaryong pantelebisyon kaysa sa


dokumentaryong pampelikula.
B. Ang dokumentaryong pampelikula ay serye ng palabas habang ang dokumentaryong
pantelebisyon ay komprehensibo.
C. Mas mahaba at pinaghandaan ang dokumentaryong pampelikula samantalang ang
dokumentaryong pantelebisyon ay mas maikli.
D. Sa dokumentaryong pampelikula, ipinapakita ang aktuwal na tao at lugar kasabay ng
pakikipanayam ay pag-iinterbyu. Sa dokumentaryong pantelebisyon ay hindi ito ginagawa.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
21. Ano ang pagkakatulad ng dokumentaryong pampelikula sa dokumentaryong
pantelebisyon?
A. Ang dokumentaryong pampelikula ay mas maiksi at hindi masyadong pinaghahandaan
kompara sa dokumentaryong pantelebisyon.
B. Ang dokumentaryong pampelikula at dokumentaryong pantelebisyon ay maaaring
ipalabas sa isang sinehan.
C. Parehong naglalayon na imulat ang kaisipan ng tao sa totoong sitwasyon o mga
pangyayari sa lipunan.
D. Kumukuha sila ng artista para magampanan nang husto ang papel ng pangunahing
tauhan.

Panuto: Basahin at piliin ang pinakaangkop na buod ng maikling teksto.

“Magbago ka na Ric,” mga salitang paulit-ulit na sinasabi ng kanyang ina


na si Aling Vicky. Sadyang matigas ang kanyang ulo. Maraming beses na siyang
napaaway.
“Magbabago na po ako!” ang parati naman niyang sinasabi. Magsisisi
tapos balik ulit sa dati. Nariyang nagkamali na siya sa pagpili ng kanyang mga
kaibigan. Napasama sa mga madadaldal at salbaheng mga kamag-aral. Ilang ulit
na rin siyang napalo ng kanyang nanay. Ilang beses na rin siyang ipinatawag ng
prinsipal. Sadya bang may katigasan ang kanyang ulo?

Dumating ang araw na napirmi sa bahay si Ric. Nabalian siya ng kamay


dahil sa motorsiklo. Pinakialaman niya kasi ang traysikel ng kanyang nanay. Hindi
siya nakapasok sa paaralan. Inalagaan siya ni Aling Vicky. Pinaghanda ng
pagkain at mga personal na gamit. Doon niya nakita na napakaraming gawain
pala ng kanyang ina. Kahit wala na siyang nakagisnang ama, binusog naman siya
sa pangaral at pagmamahal. Nairaraos nila ang kanilang pang-araw-araw na
gastusin sa pamamagitan ng pagde-deliver nito ng mga tindang gulay at prutas sa
palengke. Ipinangako ni Ric, kapag mabuti na ang kanyang kalagayan, babawi
siya sa kanyang nanay. Susuklian niya ng kabutihan ang ginagawa ni Nanay
Vicky para sa kanya.

22. Ano ang pinakaangkop na buod ng teksto?


A. Ipinatawag si Aling Vicky sa barangay dahil nadisgrasya ang kanyang anak.
Nabalian siya ng buto. Hindi na siya makakalakad at makakapag-aral. Kawawa
naman si Ric.
B. Nagbago si Ric pagkatapos niyang maaksidente sa motorsiklo. Tinutungan na rin
niya ang kanyang ina sa pagtitinda ng mga gulay at prutas. Nakapagtapos siya sa
elementarya ng may mataas na karangalan.
C. Matigas ang ulo ni Ric kaya parati siyang pinagsasabihan ng kanyang ina. Minsan ay
nabalian siya ng kamay dahil pinakialaman niya ang motosiklo ng kanyang ina. Hindi
siya nakapasok sa paaralan. Doon niya nakita ang sakripisyo ng kanyang ina.
Inalagaan at pinagsilbihan niya ito habang abala rin sa pag-aasikaso ng mga
paninda. Kaya ipinangako naman ni Ric na kapag magaling na siya, babawi siya sa
kanyang ina.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
D. Dumating ang araw na napirmi sa bahay si Ric. Nabalian siya ng kamay dahil sa
motorsiklo. Pinakialaman niya kasi ang traysikel ng kanyang nanay. Hindi siya
nakapasok ng dalawang linggo. Inalagaan siya ni Aling Vicky. Pinaghanda ng
pagkain at mga personal na gamit. Doon niya nakita na napakaraming gawain pala
ng kanyang ina. Kahit wala na siyang nakagisnang ama, binusog naman siya sa
pangaral at pagmamahal.

Basahin ang bawat bilang.

1. Hindi siya nakapag-aral ngunit siya ay may pangarap. Gaya ng karamihang


magulang, pangarap niyang mapaganda ang buhay ng kanyang mga anak.
Ngunit paano mangyayari iyon?

2. Kinausap niya ang kanyang mga anak. Kailangan nilang magtulungan upang
kumita para makapag-aral at mairaos ang kanilang kabuhayan. Sumang-ayon
naman silang lahat. Kaya bukas, magtitinda na sila ng okoy, turon at pritong
lumpiya. Isang naputol na pangarap na malapit nang matupad.

3. May naputol na pangarap si Tatay Angel. Ito ay ang makapagtapos siya sa


kanyang pag-aaral. Bata pa lamang ay mulat na siya sa kahirapan. Sa edad na
33, lima na ang kanyang anak.

4. Nawalan siya ng hanapbuhay dahil nagbawas ng trabahador ang pinapasukan


niyang pabrika. Napatingala na lang siya sa langit at biglang tumulo ang kanyang
luha. Kung sanang nabubuhay pa ang kanyang kabiyak, may katuwang siya sa
buhay. Sabi nila, libre naman ang mangarap.

23. Ano ang tamang bilang ng mga talata upang mabuo ang buod ng kuwento?
A. 1-2-3-4 C. 4-3-2-1
B. 3-1-4-2 D. 3-2-1-4
Tagpuan: Sa isang press briefing sa Malacañang noong nakaraang buwan, sinabi ni Health
Secretary Ted Herbosa na ayaw ng pangulo ang magkakaparehong feeding program at
inutos nito na magkaroon ng mas epektibong hakbang upang malunasan ang problema ng
bansa sa kagutuman at kahirapan. Tunghayan natin ang naganap na panayam.

Arnold (Reporter): Ngayong buwan ng nutrisyon, ano-ano po ang nakalatag na


programa para sa taong ito?

Pangulong Ferdinand Marcos: Kung may sapat at magandang programang


pangkalusugan, hindi mapupuno ang ospital kasi malulusog ang mga bata, makakapasok
sila sa eskuwela, ga-graduate sila ng K to 12, puwede silang magtrabaho at hindi sila
sakitin.

24. Anong uri ng pangungusap ang inihayag ng reporter?


A. Padamdam C. Patanong
B. Pasalaysay D. Pautos o Pakiusap
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
Arnold: Ano po ang reaksiyon ninyo na tumataas ang bilang ng may tuberculosis?

Pangulong Marcos: Iniutos ko na sa ating kalihim ng Department of Health na tutukan


ang nakakahawang sakit na tuberculosis.

25. Gawing pasalaysay na pangungusap ang Ano po ang reaksiyon ninyo na tumataas
ang bilang ng may tuberculosis?

A. Nakababahala talaga!
B. Ano po ang reaksiyon ninyo?
C. Inihayag ng pangulo ang kanyang reaksiyon tungkol sa pagtaas ng bilang ng may
tuberculosis.
D. Iniutos ko na sa ating kalihim ng Department of Health na tutukan ang nakakahawang
sakit na tuberculosis.

Arnold : Tumataas din po ang HIV cases sa ating mga kabataan at ito ay alam ng WHO,
bakit po kaya ito nangyayari?

Pangulong Marcos: Hindi ako doktor kaya tanungin natin si Sec. Herbosa.

Health Secretary Ted Herbosa: Dapat nating sugpuin ang pagdami ng HIV cases at isa
pa sa inaalala namin ay ang kabataang maagang nabubuntis at nagiging ina kaya dapat
gumawa ng mga hakbang at information campaign upang mabigyan ng tamang
kalaaman ang kabataan sa peligro sa kanilang kalusugan at maagang responsibilidad.

26. Nakarating sa iyo ang balitang tumataas ang HIV cases, kabataang maagang
nabubuntis at nagiging ina, ano ang mararamdaman mo sa isyung ito? Piliin ang tamang
pahayag na nakasulat sa padamdam na pangungusap.

A. Bakit po kaya ito nangyayari?


B. Nakababahala naman ang balitang iyan!
C. Dapat ba nating sugpuin ang pagdami ng HIV cases?
D. Gumawa ng mga hakbang at information campaign.

Arnold : Huling tanong na lamang po secretary. Ano po ang mensahe ninyo sa ating
manonood tungkol sa bagong bakuna kontra COVID-19 bivalent vaccines?

Sec. Ted Herbosa: Nakikiusap ako na pabilisan ang pamamahagi ng mga nakaimbak na
COVID-19 bivalent vaccines dahil sa maigsing shelf life nito.

27. Anong uri ng pangungusap ang inihayag ni Sec. Ted Herbosa ?


A. Padamdam C. Patanong
B. Pasalaysay D. Pautos o Pakiusap

28. Nakapunta ka na ba sa loob ng palengke? Alin sa sumusunod na pahayag ang wasto sa


pagkakasulat upang mabuo ang diwa nito?
A. Paano mo malalaman na sariwa ang karneng baboy at baka na bibilhin sa palengke
B. Paano mo malalaman na sariwa ang karneng baboy at baka na bibilhin sa palengke.
C. Paano mo malalaman na sariwa ang karneng baboy at baka na bibilhin sa palengke!
D. Paano mo malalaman na sariwa ang karneng baboy at baka na bibilhin sa palengke?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
29. Lahat ay tama maliban sa isa. Alin sa sumusunod na pangungusap na mali ang
pagkakasulat?
A. Wala bo bang dagdag. C. May panukli ba kayo sa isang libo?
B. Ang mahal naman ng tinda ninyo! D. Magkano po ang isang kilong kamatis?

30. Ang mahal naman ng sibuyas ngayon! Gawing patanong ang pangungusap na ito?
A. Mahal ang sibuyas ngayon. C. Bakit mahal ang sibuyas ngayon?
B. Hindi na ako bibili ng sibuyas. D. Bigyan n’yo ako ng tatlong sibuyas.

Basahing mabuti ang talaarawan ni Paolo.

Martes, Hunyo 27, 2023


Kahit masungit si Bb. Santos, palagi niya akong binibigyan ng baon. Kanina,
binigyan niya ako ng tinapay at malamig na gulaman. Tinuruan niya rin akong
magbasa kaninang tanghali. Pinagwalis ko naman siya at pinaglinis ng silid-
aralan. Siguro natuwa naman siya sa akin.

Huwebes, Hunyo 29, 2023


Pinagdala ko ng isang supot ng mangga si Bb. Santos. Nanghingi ako sa
kapitbahay namin kahapon. Sayang kasi dahil nahuhulog lamang sa bakuran.
Tuwang-tuwa si Bb. Santos. Binigyan niya ulit ako ng tinapay at malamig na
juice.

Biyernes, Hunyo 30, 2023


Huling araw na namin ito sa klase. Tuwang-tuwa kami dahil naghanda siya ng
masarap na meryenda para sa aming lahat. Mami-miss ko ang aking mga
kaibigan at kamag-aral lalong-lalo na ang aming guro. Siguro magiging masaya
si Bb. Santos dahil hindi na siya magagalit sa tuwing kami’y may klase. Ayaw
niya kasi ng magulo at maingay. Gusto niya, parati kaming nakikinig sa kanya.
Bigla tuloy akong nalungkot.

31. Ayon sa entri ni Paolo, ano kaya ang nararamdaman ni Bb. Santos kapag hindi
marunong magbasa ang kanyang mga estudyante?
A. malungkot C. nagagalit
B. masaya D. naiiyak

32 . Ano ang maaaring ginawa ni Paolo noong Miyerkules, Hulyo 28, 2023 para may
maibigay siyang prutas kay Bb. Santos?
A. Nakahingi siya ng mangga sa kapitbahay dahil winalis niya ang kanilang bakuran.
B. Nagnakaw siya ng mangga sa kapitbahay.
C. Nanungkit siya sa bubong.
D. Bumili siya ng mangga.

33.Malapit nang magtapos ang klase. Hindi ka pa gaanong marunong magbasa. Ano ang
gagawin mo upang mapahusay ang iyong pagbabasa nang may pang-unawa?
A. Mag-uuwi ako ng mga modyul at magpapaturo sa aking lola.
B. Magbasa parati ng mga babasahin na mayroon sa bahay.
C. Magpapaturo ako sa aking guro tuwing umaga.
D. Mag-eensayo gamit ang cellphone.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin ang anekdota ni Jose Rizal.

Ang Tsinelas
Ni: Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Ang mga bangkang
may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan. Karaniwang ginagamit ito sa
pangingisda ngunit sa aming lalawigan, ang bangka ay ginagamit din namin sa paglalakbay
lalo na sa pagtawid sa ibayong dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng
karitela.
Naalala ko pa noon, kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos
ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga
lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong inanod
sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil inisip ko ang aking ina na
magagalit siya sa pagkawala ng aking tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang
kinuha ko ang isa ko pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat kasama ang dasal na
mahabol nito ang kapares na tsinelas.
"Bakit mo itinapon ang isa mo pang tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa
bangka.
"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa makakakita. Ang isang tsinelas
na nasa akin ay wala ring silbi. Kung sinuman ang makakuha ng pares ng tsinelas ay
magagamit niya ito sa kanyang paglakad. Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil
naunawaan niya ang isang batang katulad ko.

34. Sino ang sumulat ng anekdota?


A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal
B. Angelito Liwanag D. Robin Padilla

35. Sa iyong nabasang teksto, ano ang karaniwang ginagamit sa paglalakbay noon sa
pagtawid sa ibayong dagat?
A. bangka C. kalesa
B. barko D. karitela

Panuto: Piliin ang angkop na bagong natutuhang salita sa ibaba upang mabuo ang
komposisyon.

Wikang Kapampangan ang ginagamit sa Pampanga at ito ay isa sa mga


pangunahing (36.) ____________na ginagamit sa Pilipinas. Mayaman sa kultura ang
Pampanga mula sa awiting bayan, pagkain at sa magagarbong selebrasyon.
Sa Pampanga, kilala ang Atin Cu Pung Singsing, isang awiting bayan. Sinisimbolo
ng singsing ang wikang Kapampangan. Ipinakita rito na ang nanay ay binigyan ng singsing
ang kanyang anak. Gamit ang wikang katutubo, naiparating ng manunulat na ang wikang
Kapampangan ay namana pa sa mga ninuno at ito ay dapat lamang na (37.)____________.
Ngunit sa kalaunan, hindi namalayan ng anak na nawala ang singsing pagkatapos itong
itago sa kanyang lalagyan. Inihambing ito sa hindi paggamit sa wikang Kapampangan. Ito
ay nawala nang hindi namamalayan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
Ipinakita rin dito kung gaano karelihiyoso ang mga Kapampangan at sa kababaang
loob na mayroon sila nang mawala ang singsing. Sa huling (38.) ____________ ng awit,
sinabi ng manunulat na kung sinuman ang makakita sa nawawalang singsing nawa ito ay
maibalik. Gusto nitong ipabatid na ingatan ang wikang Kapampangan at huwag itong
hayaang mamatay.
Sa kasalukuyan, ang mga wikang nakagisnan ng ating mga ninuno ay nanganganib
na maglaho. Mas nagiging (39.)____________na ang paggamit ng wikang banyaga dahil
ito na ang kanilang nakasanayang wika na itinuro ng kanilang mga magulang. Ito ay dapat
isaalang-alang dahil kapag tuluyan nang mawala ang wikang Kapampangan ay para na
ring nawala ang kaluluwa ng probinsiya at pagkakakilanlan ng mga mamamayan.

A. taludtod (tumutukoy sa mga linya sa loob ng tula o awit)


B. dominante (nangingibabaw)
C. ipagbunyi (ipagdiwang)
D. lengguwahe (wika)

Isa sa sistema na ginagamit sa pag-aayos ng mga aklat sa aklatan ay ang Dewey


Decimal System. Ito ay sinimulan ni Melvin Dewey, isang Amerikano. Inaayos ang mga
aklat ayon sa paksang pinangkat sa sampung kategorya.

Basahin at pag-aralan ang tsart.

KLASIPIKASYONG DEWEY DECIMAL

000-099 General Works Encyclopedia


100-199 Pilosopiya Mga iniisip ng tao
200-299 Relihiyon Relihiyon, Metolohiya
300-399 Agham/Araling Panlipunan Pulitika, Batas, Edukasyon
400-499 Language Diksiyonaryo, Wika at iba pa
500-599 Pure Science Mathematics, Astronomy, Nature
600-699 Applied Science Airplanes, Cars, Homemaking, Teknolohiya
700-799 Fine Arts and Recreation Art, Photography, Music, Sports
800-899 Literatura Tula, dula, iba pang anyo ng literatura
900-999 History Paglalakbay, Kasaysayan

40. Ano ang bilang ng mga aklat na nauukol sa mga bansang unang nakipagkalakalan sa
Pilipinas?
A. 000-099 C. 700-799
B. 300-399 D. 900-999

41. Nais mong malaman ang gamit ng ng at nang sa pangungusap, anong pangkat ang
hahanapin mo?
A. 300-399 C. 800-899
B. 400-499 D. 900-999

42. Gusto mong malaman ang iba’t ibang relihiyon sa Asya, saan ka maghahanap?
A. 200-299 C. 400-499
B. 300-399 D. 500-599
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
43. May takdang-aralin ka tungkol sa batas trapiko, saan mo hahanapin ang mga aklat na
maaari mong basahin?
A. 100-199 C. 300-399
B. 200-299 D. 400-499

44. Paano mo isusulat ang wastong pagkasunod-sunod ng mga pangungusap upang mabuo
ang balitang isports tungkol kay Carlos Yulo ?

I. Nagwagi si Filipino gymnast Carlos Yulo ng tatlong ginto sa 2023 Asian Artistic
Gymnastics Championships kahapon sa Singapore.

II. Unang nasungkit ni Yulo ang gold sa vault finals. Binigyan siya ng mga judge ng
iskor na 5.600 sa kanyang unang vault pagdating sa difficulty at 8.366 sa execution
para sa kabuuang 13.966 points.

III. Ang kanyang ikalawang attempt ay nakakuha ng 5.600 para sa difficulty at 9.033
para sa execution para sa kabuuang 14.633.

IV. Ang average score ni Yulo ay 14.299, sapat para makasungkit niya ang unang
puwesto.

V. Sa kabuoan, si Yulo ay nagbulsa ng limang medalya sa Asian championships


ngayong taon.

A. I-II-III-IV-V C. V-IV-III-II-I
B. II-V-I-III-IV D. IV-III-I-V-II

45. Tingnang mabuti ang iginuhit na kartun sa Pilipino Star Ngayon. Kung isusulat mo ang
panimula ng editoryal, alin sa sumusunod ang may batayang balita?

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2023/06/04/2271328/editoryal-mag-
ingat-sa-dengue-leptospirosis
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
A. Sa pagpasok ng tag-ulan, maraming dapat paghandaan ang mamamayan. Unang-una
na rito ay ang mga sakit na may kaugnayan sa baha. Sa panahong ito lumulutang ang
mga sakit na dengue at leptospirosis.
B. Ang Bagyong Betty ang ikalawang bagyo sa 2023 na pumasok sa bansa. Ayon sa
PAGASA mayroon umano silang mino-monitor na low pressure area pero malayo pa ito
sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
C. Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services
Administration (PAGASA) noong Biyernes na pumasok na sa bansa ang panahon ng
tag-ulan. Isa sa mga naging batayan ng PAGASA na dumating na ang rainy season ay
ang nararanasang thunderstorms, pag-iral ng southwest monsoon o Habagat at ang
pagpasok ng mga bagyo.
D. Ang dengue ay sakit na dinadala ng lamok na Aedes Aegypti. Madaling makilala ang
lamok na ito sapagkat mayroong guhit na puti sa katawan. Mabilis dumami ang lamok na
ito. Madaling mabuhay kahit sa kaunting tubig na nasa basyong bote. Sa isang iglap,
dumarami ang mga lamok at naghahatid ng lagim.
46. Batay pa rin sa iginuhit na kartun, ano ang magandang kongklusyon nito?
A. Madaling mabuhay kahit sa kaunting tubig na nasa basyong bote ang mga lamok. Sa
isang iglap, dumarami ang mga lamok at naghahatid ng lagim. Ipinapayo ng health experts
ang paglilinis sa kapaligiran.
B. Ang mga sintomas ay mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi,
pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng ulo at katawan. Ipinapayo ng mga
doktor na kapag nakaranas ng ganitong sintomas, komunsulta agad sa doktor para
maagapan ang dengue.
C. Mahalaga ang regular na paglilinis sa bahay at sa kapaligiran panahon man ng tag-ulan o
hindi. Kung walang dumi o mga basura sa paligid, hindi magkakaroon ng mga lamok o
daga. Panatilihin ang paglilinis sa lahat nang pagkakataon. Imulat din ang mga kabataan
o estudyante sa paglilinis para maiwasan ang mga sakit na nananalasa sa panahon ng
tag-ulan.
D. Katulad ng dengue, mapanganib din ang leptospirosis. Nakukuha ang virus sa sandaling
lumusong sa baha ang taong may sugat sa paa o binti. Ang virus na tinatawag na
leptospira ay galing sa ihi ng daga, pusa, kabayo at iba pang hayop. Kapag bumaha,
makokontamina ito ng ihi ng daga at iba pa.

47. Kung isusulat mo nang wasto ang editoryal na may paksang Banta ng Dengue at
Leptospirosis, alin sa sumusunod na letra ang tama?

A.
Sa pagpasok ng tag-ulan, maraming dapat paghandaan ang mamamayan. Unang-
una na rito ay ang mga sakit na may kaugnayan sa baha. Sa panahong ito lumulutang
ang mga sakit na dengue at leptospirosis.
Ang dengue ay sakit na dinadala ng lamok na Aedes Aegypti. Mabilis dumami ang
lamok na ito. Ipinapayo ng health experts ang paglilinis sa kapaligiran. Alisin ang mga
posibleng pagbahayan ng lamok gaya ng mga nakatiwangwang na paso ng halaman at
mga gulong ng sasakyan. Ang mga sintomas ay mataas na lagnat na tumatagal ng isang
linggo, kulay kapeng ihi, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng ulo at
katawan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
Katulad ng dengue, mapanganib din ang leptospirosis. Nakukuha ang virus sa
sandaling lumusong sa baha ang taong may sugat sa paa o binti. Ang virus na tinatawag
na leptospira ay galing sa ihi ng daga, pusa, kabayo at iba pang hayop. Kapag bumaha,
makokontamina ito ng ihi ng daga at iba pa. Sintomas ng leptospirosis ang lagnat,
panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga
mata, paninilaw ng balat, kulay tsa na ihi, kaunti ang iniihi at sobrang pananakit ng ulo.
Mahalaga ang regular na paglilinis sa bahay at sa kapaligiran panahon man ng tag-
ulan o hindi. Kung walang dumi o mga basura sa paligid, hindi magkakaroon ng mga lamok
o daga. Panatilihin ang paglilinis sa lahat nang pagkakataon. Imulat din ang mga kabataan
o estudyante sa paglilinis para maiwasan ang mga sakit na nananalasa sa panahon ng tag-
ulan.

B.
Sa pagpasok ng tag-ulan, maraming dapat paghandaan ang mamamayan at
unang-una na ay ang mga sakit na may kaugnayan sa baha. Sa panahong ito lumulutang
ang mga sakit na dengue at leptospirosis.
Ang dengue ay sakit na dinadala ng lamok na Aedes Aegypti. Madaling makilala
ang lamok na ito sapagkat mayrong guhit na puti sa katawan. Mabilis dumami ang lamok
na ito. Madaling mabuhay kahit sa kaunting tubig na nasa basyong bote. Sa isang iglap,
dumarami ang mga lamok at maghahatid ng lagim. Ipinapayo ng health experts ang
paglilinis sa kapaligiran. Alisin ang mga posibleng pagbahayan ng lamok gaya ng mga
nakatiwangwang na paso ng halaman at mga gulong ng sasakyan.

C.

Sa pagpasok ng tag-ulan, maraming dapat paghandaan ang mamamayan at


unang-una na ay ang mga sakit na may kaugnayan sa baha. Sa panahong ito lumulutang
ang mga sakit na dengue at leptospirosis.
Katulad ng dengue, mapanganib din ang leptospirosis. Nakukuha ang virus sa
sandaling lumusong sa baha ang taong may sugat sa paa o binti. Ang virus na tinatawag
na leptospira ay galing sa ihi ng daga, pusa, kabayo at iba pang hayop. Kapag bumaha,
makokontamina ito ng ihi ng daga at iba pa. Sintomas ng leptospirosis ang lagnat,
panginginig ng katawan, pananakit ng binti, kalamnan, at kasu-kasuan, pamumula ng mga
mata, paninilaw ng balat, kulay tsa na ihi, kaunti ang iniihi at sobrang pananakit ng ulo.

D.

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services


Administration (PAGASA) noong Biyernes na pumasok na sa bansa ang panahon ng tag-
ulan. Isa sa mga naging batayan ng PAGASA na dumating na ang rainy season ay ang
nararanasang thunderstorms, pag-iral ng southwest monsoon o Habagat at ang pagpasok
ng Bagyong Betty noong nakaraang linggo na nanalasa sa Hilagang Luzon. Ang Bagyong
Betty ang ikalawang bagyo sa 2023 na pumasok sa bansa. Ayon sa PAGASA mayroon
umano silang mino-monitor na low pressure area pero malayo pa ito sa Philippine area of
responsibility (PAR).

48. Punan ng angkop at tamang detalye ang iskrip ng radio broadcasting. Tingnan ang
bilang 3 sa ibaba upang mabuo ang hinihinging bahagi. Pumili ng tamang sagot na nasa loob
ng kahon.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
A. D-Z-S-T Siyete-Kuwatro-Singko…Sentro Express Balita
B. Department of Health Secretary Ted Herbosa.
C. Labor Secretary Bienvenido Laguesma
D. Professional Regulation Commission (PRC)

1. SFX STINGER

2. Station ID: Msc FM 95.1 Song

3. Program ID: __________________________________________________

4. Host 1: Narito ang mga maiinit na balita mula sa himpilang ito ang D-Z-S-T Siyete-

5. Kuwatro-Singko…Sentro Express Balita

6. Host 2: Maaari pa ring magtrabaho sa mga pampublikong pagamutan ang mga

7. nursing graduates kahit na mas mababa sa 75% ang kanilang iskor sa board exams,

8. ayon kay Department of Health Secretary Ted Herbosa.

9. Ginawa ni Herbosa ang paglilinaw kaugnay ng plano niyang kumuha ng mga hindi

10. lisensyadong nursing graduates para magtrabaho sa gobyerno. Bibigyan naman sila

11. ng sapat na panahon para kumuha muli ng pagsusulit at maipasa na ito.

12. Sumang-ayon na umano si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mungkahi at

13. nangako na makipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) upang

14. mabigyan ng pansamantalang lisensya ang mga eligible nursing graduates.

49. Balikan ang bilang 1 sa iskrip na nasa itaas, bakit isinusulat sa malalaking titik ang SFX
STINGER?
A. Ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog nito.
B. Inilalagay ito sa kaliwang bahagi para maging madali ang pagwawasto kapag
nagrerekording.
C. Sa pamamagitan ng musika ay magiging madali para sa mga tauhan ang pagbasa ng
iskrip upang maiwasan ang paulit-ulit.
D. Isulat sa malalaking titik ang musika at epektong pantunog upang mas madaling makita
ng mga tagapagsalita kung anong uri ng musika o pantunog ang gagamitin kapag ito ay
ginagawa na.

50. Kung ang balita ay tungkol sa mga nursing graduate na bagsak sa board exam pero
maaaring makapasok sa tanggapan ng gobyerno, paano isusulat ang detalye ng balita sa
paraang panradyo?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________
A.

5. Maaari pa ring magtrabaho sa mga pampublikong pagamutan ang mga


6. nursing graduates kahit na mas mababa sa 75% ang kanilang iskor sa board exams,
7. ayon kay Department of Health Secretary Ted Herbosa.
8. Ginawa ni Herbosa ang paglilinaw kaugnay ng plano niyang kumuha ng mga hindi
9. lisensyadong nursing graduates para magtrabaho sa gobyerno. Bibigyan naman sila
10. ng sapat na panahon para kumuha muli ng pagsusulit at maipasa na ito.
11. Sumang-ayon na umano si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mungkahi at
12. nangako na makipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) upang
13. mabigyan ng pansamantalang lisensya ang mga eligible nursing graduates.
B.

Maaari pa ring magtrabaho sa mga pampublikong pagamutan ang mga nursing


graduates kahit na mas mababa sa 75% ang kanilang iskor sa board exams, ayon kay
Department of Health Secretary Ted Herbosa.
Ginawa ni Herbosa ang paglilinaw kaugnay ng plano niyang kumuha ng mga hindi
lisensyadong nursing graduates para magtrabaho sa gobyerno. Bibigyan naman sila ng
sapat na panahon para kumuha muli ng pagsusulit at maipasa na ito.
Sumang-ayon na umano si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mungkahi at
nangako na makipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) upang
mabigyan ng pansamantalang lisensya ang mga eligible nursing graduates.

C.

Maaari pa ring magtrabaho sa mga pampublikong pagamutan ang mga nursing graduates
kahit na mas mababa sa 75% ang kanilang iskor sa board exams, ayon kay Department
of Health Secretary Ted Herbosa.
Ginawa ni Herbosa ang paglilinaw kaugnay ng plano niyang kumuha ng mga hindi
lisensyadong nursing graduates para magtrabaho sa gobyerno. Bibigyan naman sila ng
sapat na panahon para kumuha muli ng pagsusulit at maipasa na ito.
Sumang-ayon na umano si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mungkahi at
nangako na makipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) upang
mabigyan ng pansamantalang lisensya ang mga eligible nursing graduates.

D.

Maaari pa ring magtrabaho sa mga pampublikong pagamutan ang mga nursing graduates
kahit na mas mababa sa 75% ang kanilang iskor sa board exams, ayon kay Department
of Health Secretary Ted Herbosa.
Ginawa ni Herbosa ang paglilinaw kaugnay ng plano niyang kumuha ng mga hindi
lisensyadong nursing graduates para magtrabaho sa gobyerno. Bibigyan naman sila ng
sapat na panahon para kumuha muli ng pagsusulit at maipasa na ito.
Sumang-ayon na umano si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa mungkahi at
nangako na makipag-ugnayan sa Professional Regulation Commission (PRC) upang
mabigyan ng pansamantalang lisensya ang mga eligible nursing graduates.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III- CENTRAL LUZON
______________________________________________________________________________________________________________________________

PAKIKINIG

(Para sa bilang 1-4)

Nakakita ka na ba ng laruang lato-lato na may dalawang matigas na bola na nasa


magkabilang dulo ng tali? Patok ngayon sa social media ang larong ito na kinagigiliwan ng
mga kabataan, lalong-lalo na si Angelito. Maaga pa lamang ay niyayapis na niya ang
dalawang bola at hanggang sa pagtulog ay katabi niya ang mga ito.
“Paano mo ba ito nilalaro Angelito?” tanong ni Kardo.
“Dapat ay pagtamain ang dalawang bola upang makalikha ng clacking sound.
Kailangang paulit-ulit mo itong gawin para makagawa ng ingay,” pagmamayabang ni Angelito.
Marami na ang nahuhumaling sa larong ito. Maririnig ang ingay na dulot ng paglalaro
ng lato-lato sa mga kalsada, sa loob ng bakuran, tahanan at maging sa loob ng paaralan. May
mga pagkakataon na nagkakaroon ng paligsahan ang mga manlalaro para sa pinakamatagal
na makapagpapatama ng dalawang bola.
Kadalasan ay binabawalan sila ni Gng. Bagtas sa paglalaro nito dahil nakakaistorbo
sa klase at maaaring makapanakit ng kamag-aral o ng sariling kamay. Samantala, pabor
naman si Aling Carmen sa paglalaro ng lato-lato dahil nakaiiwas sa gadgets ang kanyang
anak na si Angelito. Sa katunayan, nag-aaral muna ng leksiyon ang kanyang anak bago mag-
ensayo ng lato-lato.

“Narinig mo ba ang sinabi ng mga espesyalista sa e-KMJS, Angelito? Mayroong


kaakibat na disgrasya ang paglalaro ng lato-lato. Maaaring masaktan ang gumagamit nito at
magdulot ng bukol o pasa sa kamay. Kaya mag-ingat ka sa paglalaro niyan at baka
mapahamak ka at makapanakit ng kalaro,” ang bilin ni Nanay Carmen sa kanyang anak.
“Opo nanay!” masiglang sagot ni Angelito habang paikot-ikot pa niyang nilalaro ang
lato-lato.

You might also like