You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3

IKATLONG MARKAHAN

MELC’s
- Napapalitan at nadadagdagan ang mga letra upang makabuo ng bagong salita.
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
- Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng letra upang makabuo ng bagong salita.
B. Pamantayan sa Pagganap
- Natutukoy ang mga salitang pinalitan at dinagdagan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
- Nakasusulat at nakabubuo ng mga bagong salita.
II. MGA NILALAMAN
A. PAKSANG ARALIN: Pagbuo ng Bagong Salita (F3KP-IIIe-g-6)
B. Sanggunian: Ikatlong Markahan: Modyul 6 at internet
C. Iba pang Kagamitang Panturo: modyul, video clip, mga larawan, Powerpoint Presentation
D. Pagpapahalaga: Wastong pagpapahalaga sa pag-aaral sa pagbuo ng salita

III. PAMAMARAAN
A. Pagbati
B. Pagdarasal
C. Balik-Aral
Tukuyin kung anong kilos ang pinapakita sa larawan.

1. 4.

2. 5.

3.
D. Pagganyak
Pakinggan ang kwentong “Ang mga Alagang Hayop nina Lolo at Lola”.

E. Paghahabi sa layunin ng aralin


1. Sagutin nag mga tanong tungkol sa binasang tula.
a. Sino-sino ang may alaga?
b. Ano-ano ang mga alaga nila?
c. Ano ang napansin niyo sa mga salitang nakasalungguhit?
2. Talakayin ang halimbawang salita sa tula.

lolo - lola
pusa - puso
pato - pito
aso - laso

F. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Makabubuo ng Bagong Salita sa pamamagitan ng Pagdaragdag at Pagpapalit ng
isang letra o sa unahan, gitna o hulihan ng salita.
Pagdaragdag ng tunog/letra

aso - baso pito - pinto pala - palay

Pagpapalit ng tunog/letra

dahon - kahon bata - baka ulan - ulap

G. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Bumuo ng Bagong Salita gamiting gabay ang mga larawan.

1. bata- _ata 4. alon- _alon


2. isa- _sa 5. ubo- _ubo

3. bula- b_la

H. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Tukuyin kung ang bawat pares ng salita sa gawain sa itaas ay Pagpapalit o Pagdaragdag.

I. Paglalahat ng Arallin

Paano makabubuo ng Bagong Salita?

Makabubuo ng mga Bagong Salita sa pamamagitan ng Pagdaragdag o Pagpapalit ng isang letra sa unahan,
gitna o hulihan ng salita.

J. Pagpapahalaga
Bakit mahalaga ang pag-aaral sa pagbuo ng salita?

IV. PAGTATAYA
Bumuo ng bagong salita gamiting gabay ang mga larawan.

1. pagong - _______ 4. usa - _______

2. baha - _______ 5. pana - _______

3. bota - _______

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Gamit ang inyong Modyul 6 sagutang ang Karagdagan Gawain sa pahina 11. Isulat ang
sagot sa inyong kwaderno.

You might also like