You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

PRE-TEST IN MAPEH V
S.Y. 2021 – 2022

Pangalan: ________________________________________________ Iskor:_____________

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

MUSIC
1. Sa mga pagkakataong may saglit na katahimikan sa awitin o tugtugin ay may mga simbolo na tinatawag na
rest ang ginagamit. Alin sa mga sumusunod ang half rest?
A. C.

B. D.

2. Ang isang rhythmic pattern ay binubuo ng mga notes at rests na pinagsama- sama ayon sa bilang ng beat sa
isang measure. Ano ang sukat ng rhythmic pattern sa ibaba?

A. 2 C. 3
4 4

B. 4 D. 6
4 8

3. Piliin ang angkop na nota o pahinga upang mabuo ang sumusunod na rhythmic pattern sa 4-time signature.
4

______, _______

A. at C. at

B. at D. at

4. Ito ay kilala sa tawag na Bass Clef na karaniwang ginagamit para sa range ng boses ng mga lalaki.
A. A Clef
B. D Clef
C. F Clef
D. G Clef
5. Isa itong simbolo na ginagamit upang maibaba ng kalahating tono ang isang natural na nota.

A. C.

B. D.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

6. Ang C Major scale ay may una at huling note na may parehong pitch name na C. Tukuyin ang pitch name na
nawawala sa staff ng C Major scale. Alin-alin ang mga ito?

C ___ ___ F ___ ___ B C

A. A, B, C, D
B. D, F, G, A
C. D, E, G, A
D. E, F, G, B
7. Alin ang limang nota na bumubuo sa Pentatonic Scale?
A. do, re, mi, so, la
B. do, re, mi, fa, so
C. fa, la, do, mi, re
D. so, ti, re, fa, la
8. Isa itong simpleng anyo ng musika na mayroong iisang melody na naririnig nang paulit- ulit sa bawat taludtod
ng buong kanta. Alin ito?
A. Binary
B. Strophic
C. Tertiary
D. Unitary
9. Ang iba’t ibang uri ng timbre ng tinig ay nahahati sa apat. Ano ang tawag sa tinig ng lalaki na makapal at kung
minsan ay magaralgal?
A. Alto
B. Baho
C. Soprano
D. Tenor
10. Ang rondalla sa Pilipinas ay mga instrumentong may kwerdas na pinatutugtog sa pamamagitan ng pick
maliban sa bajo de unas. Alin sa mga sumusunod ang bajo de unas?
A. C.

B. D.

11. Ang paghina o paglakas ng mga antas ng dynamics ay maaaring biglaan o dahan- dahan. Aling simbolo ng
dynamics ang ginagamit sa dahan- dahang paglakas ng tunog?
A. Crescendo
B. Decrescendo
C. Forte
D. Mezzo piano
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

12. Ang bagal o bilis ng musika ay nakakaapekto sa ating damdamin. Aling uri ng tempo ang maiaangkop sa
damdaming masaya?
A. Andante
B. Largo
C. Moderato
D. Vivace

13. Ito ay isang uri ng texture sa music na ginagamit sa mga awiting bayan na may dalawang tunog, ang isa ay
mula sa boses at ang isa ay mula sa isang instrumentong nagsasaliw bilang isang melody.
A. Homophonic
B. Monophonic
C. Polyphonic
D. Melodic

ART

14. Ang ating mga ninuno pati na rin ang mga dayuhang nakipagkalakalan sa ating bansa ay maraming mga
produkto gawa sa seramika. Alin sa mga sumusunod na larawan ang produktong yari sa seramika?
A. C.

B. D.

15. Makikita sa Pilipinas ang maraming antigong gusali gaya ng mga simbahan na sa kabila ng mahabang
panahon ay kakakitaan pa rin ng katatagan. Halimbawa ng mga ito ay ang simbahan o panalanginan ng mga
kapatid nating Muslim na tinatawag na_______________.
A. Cathedral
B. Kapilya
C. Mosque
D.Parokya
16. Alin ang tinatayang pinakamatandang uri ng sasakyang pantubig na matatagpuan sa Katimugang bahagi
ng Pilipinas na sinasabing ginamit pa ng ating mga ninuno?
A. Balangay
B. Balsa
C. Bangka
D. Bapor
17. Isa itong sinaunang bahay na makikita sa Kawit, Cavite na kung saan unang iwinagayway ang bandila ng
Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
A. Bahay na Bato
B. Bahay ni Emilio Aguinaldo
C. Bahay ni Rizal
D. Palasyo ng Malacanang
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

18. Ang ating bansa ay tunay na pinagpala sa pagkakaroon nito ng maraming magagandang tanawin. Aling
magandang tanawin ang makikita sa Cagayan Valley na dinarayo ng mga turista?
A. Banawe Rice Terraces
B. Callao Caves
C. Pagsanjan Falls
D. Underground River
19. Ang mga kilalang Pilipino artists ay nagpipinta ng mga likhang sining na nagpapakita ng likas na tanawin.
Ano ang tawag sa likhang- sining na ito?
A. Abstract Painting
B. Free- style Painting
C. Landscape Painting
D. Traditional Painting

20. Ano ang kailangan ng isang pintor upang magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang kanyang obra?
A. Kakaibang istilo
B. Masusing pag- iisip
C. Sariling kakayahan
D. Tunay na damdamin
21. Ang paglilimbag ay isang uri ng gawaing pansining na magagawa sa pamamagitan ng pag- iwan ng ____
ng isang kinulayang bagay.
A. Bakas
B. Kulay
C. Lamat
D. Tinta
22. Sa paggawa ng lantaga o mobile structure kung saan isasabit ang mga palamuti ay maaaring magsimula
sa isang_____.
A. Lubid na makulay
B. Makinang na tali
C. Mahabang tela
D. Simpleng hanger
23. Paano ang paglikha ng paper beads?
A. Pagbibilot o pagrorolyo ng malilit na papel
B. Paggupit at pagtiklop ng papel
C. Paggupit at pagdidikit ng papel
D. Pagpupunit at pagdidikit ng papel
24. May dalawang paraan ng paggawa ng papier mache. Ang isa ay ang paggamit ng pinilas na papel na idinikit
sa modelong hulmahan. Ang ikalawa ay ______________________________.
A. Dinurog na papel sa pamamagitan ng pagbabad sa tubig
B. Ginupit na papel na may kulay
C. Pinagpira- pirasong papel
D. Tiniklop na papel na pinagdikit- dikit
25. Ang paper beads ay isang gawaing sining na ginagawang libangan ng mga kababaihan upang gawing
A. Palamuti o kurtina
B. Pantali ng buhok
C. Dekorasyon sa bubong ng bahay
D. Pantali sa mga alagang hayop
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

Physical Education

26. Ang Physical Activity Pyramid Guide ay nahahati sa apat na antas. Ano ang ipinahihiwatig ng
pinakamababang antas sa Physical Activity Pyramid Guide?
A. gawaing nararapat lamang gawin ng 1 beses sa isang Linggo
B. gawaing nararapat gawin ng 2-3 beses na rekumendadong gawin
C. gawaing nakapagpapabilis ng tibok ng puso gaya ng pagbibisikleta, pagbabasketbol, pagtakbo at
iba pa
D. gawaing nirerekumenda na mas madalas gawin o araw araw na gawain sapagkat itoy makatutulong sa
iyong katawan

27. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang alang sa paglalaro maliban sa isa. Alin ito?
A. Gamitin ang tamang kasuotan sa paglalaro.
B. Sundin ang mga patakaran at regulasyon sa laro.
C. Maglaro sa daan kung saan maraming dumaraan na sasakyan.
D. Alisin ang mga bagay na magiging sagabal sa paglalarong isasagawa.
28. Si Benny ay mahilig maglaro ng badminton, anong sangkap ng physical fitness ang sinusubok nito?
A. Agility
B. Coordination
C. Power
D. Reaction Time

29. Kung ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat na bagay,
ang tatag naman ng kalamnan ay ang pagtataglay ng ______________________.
A. Kakayahang makahila ng malalaking bato
B. Kakayahang makapagbuhat ng malaking bag
C. Kakayahang makapagbuhat ng maraming bagay
D. Kakayahang makahila o makatulak ng mabibigat ng paulit-ulit
30. Bakit kinakailangang sundin ang mga alituntunin sa paglalaro?
A. Upang manalo sa laro
B. Upang magiliw sa paglalaro
C. Upang maging masaya sa paglalaro
D. Upang maka-iwas sa aksidente o sakuna

31. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng magandang asal sa paglalaro?
A. Si Ana ay tapat sa kanyang pangkat at sa layunin nito.
B. Si Ana ay nakikipagtulungan sa kanyang mga kakampi.
C. Si Ana ay tinutupad ang nakaatas na gawain at tungkulin sa kanya.
D. Lahat ng nabanggit

32. Isa sa paboritong laruin ng mga mag-aaral sa Baitang V Pangkat 1 ang Group Rope Jumps dahil sa
mabuting dulot nito sa kanilang kalusugan. Kung susundin ang gawaing kaangkupang pisikal ,
anong kasanayan ang kanilang tinataya?
A. Cardio-Vascular Endurance
B. Flexibility
C. Muscular Endurance
D. Muscular Strength

33. Paano mo maipapakita ang pag-iingat sa pagsasagawa ng sayaw sa Polka sa Nayon?


A. Makikipaghabulan sa oras ng ensayo
B. Gumamit ng matataas na sapatos habang nag-eensayo
C. Ihahakbang nang tama ang paa sa pagsasagawa ng polka step.
D. Wala sa nabanggit
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

34. Kung ikaw ay sasayaw ng Polka sa Nayon, kinakailangan mong pagsunod-sunurin ang mga sumusunod
na posisyon sa panimulang musika. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga ito?

A. C, D, A, B
B. D, C, B, A
C. A, B, C, D
D. B, C, D, A

35. Alin sa mga sumusunod ang epekto ng pagsasayaw na lumilinang sa ating cardiovascular endurance?
A. Laging masaya
B. Hindi madaling hingalin
C. Nalilibang sa araw- araw
D. Malakas ang pag- inom ng tubig

36. Kung isasagawa mo ang saludo sa pagsasayaw ng katutubong sayaw ng bansa, paano mo ito gagawin?
A. Humarap sa kapareha.
B. Ikaway ang kanang kamay.
C. Masdan ang bawat kilos ng kapareha.
D. Yumuko sa iyong kapareha at sa mga manonood.

37. Aling pangungusap ang naglalarawan ng isang saloobin habang isinasagawa ang pagsasayaw?
A. Nakikipaglaro habang sumasayaw.
B. Nakikinig ng mabuti sa panuto ng guro.
C. Nakikipag- usap sa kaklase habang sumasayaw.
D. Nakikipagtalo sa kaklase sa mga galaw ng sayaw.

Health

38. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang indibidwal na may kalusugang mental,emosyonal at
sosyal maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?
A. may tiwala sa sarili
B. may pananalig sa Diyos
C. may kakayahang harapin ang mga problema
D. may kakayahang unawain ang saloobin ng kapwa

39. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng may malusog na relasyon sa ibang tao?
A. Si Ella ay may kinikilingan sa kanyang mga kaibigan.
B. Si Anna bilang lider sa kanilang pangkat, lagi niyang isinasantabi ang ideya ng kanyang mga kasama
C. Si Jenny bilang lider sa kanilang pangkat, lagi niyang ginagalang ang opinyon ng kanyang mga
kasama.
D. Si Bella ay laging abala sa kanyang trabaho, wala na siyang oras na makipag-usap sa kanyang mga
kaibigan.

40. Paano magkakaroon ng malusog na relasyon sa pamilya, kaibigan, kamag-aral o mga kaibigan?
A. Kung laging nakasimangot
B. Kung kulang sa pagmamahal
C. Kung may inggitan sa isa’t- isa
D. Kung may katapatan sa isa’t – isa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

41. Ano ang maaaring gawin kapag nakakaranas ng pagkabalisa sa pakikisalamuha?


A. Mag –ehersisyo kasama ang ibang tao.
B. Mag- aral ng isport o instrumentong pangmusika.
C. Magkaroon ng hobby o bagay na gagawin na nakagigiliw.
D. Lahat nang nabanggit
42. Ang mga sumusunod ay pagbabago sa katawan ng lalaki sa panahon ng pagbibinata MALIBAN sa isa. Alin ito?
A. paglaki ng boses
B. paglaki ng balikat
C. paglapad ng balakang
D. pagkakaroon ng bigote at balbas

43. Bakit kailangang humingi ng tulong o payo ang isang kabataan kung siya ay may matinding suliranin?
A. upang magkamali ulit
B. upang magkaroon ng crush
C. upang hindi maging malungkutin
D. upang mabigyang linaw ang kaniyang nararanasan

44. Ano ang nararapat gawin upang mapigilan ang pagdami ng tigyawat?
A. Maglagay ng heavy make up araw at gabi
B. Laging kumain ng mga pagkaing mamantika
C. Laging maghugas ng kamay bago hawakan ang mukha
D. Gumamit ng astringent ng walang konsultasyon sa doctor

45. Si Aliyah ay mahilig uminom ng coke. Katwiran niya, hindi siya nabubusog kapag hindi siya nakakainom nito.
“Coke adds life”, iyan ang madalas niyang sambitin. Walang pinipiling oras ang pag-inom niya nito. Kalaunan,
nakaranas siya ng mga matitinding pananakit ng sikmura. Batay sa pagsusuri ng doctor, nagkaroon siya
ng ulcer na nauwi pa sa pagiging diabetic. Ano ang masasabi mo hinggil dito?
A. Kapag mahilig sa softdrinks humahaba ang buhay.
B. Nakatutulong ang coke upang madaling mabusog sa pagkain.
C. May hindi mabuting epekto ang softdrinks sa kalusugan ng tao.
D. Hindi masamang uminom ng maraming softdrinks sa araw-araw.

46. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang makaiwas tayo sa pag-aabuso ng paggamit ng gateway drugs?
A. Pag-inom ng kape tatlong beses isang araw.
B. Kumain lagi ng tsokolate bilang panghimagas.
C. Laging tumambay sa kanto, kung saan maraming kalalakihang nag-iinuman at naninigarilyo.
D. Pagkagising sa umaga, mag-eehersisyo at pagkatapos ay uminom ng tubig sa halip na kape.

47. Si Aling Rosa ay may tindahan malapit sa paaralan. Mahigpit niyang ipinagbabawal sa mga bumibili
ang paninigarilyo sa kanyang tindahan. Anong batas ang kanyang sinusunod?
A. Clean Air Act
B. Batas ng Pilipinas 1902
C. Batas Republika ng 9003
D. Batas Republika ng 9211

48. Ano ang tawag sa pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at pangangalaga sa mga
taong nasaktan ng sakuna o karamdaman?
A. Paunang tulong- panlunas
B. Paunang tulong- pangkaibigan
C. Paunang tulong- pangkomunidad
D. Paunang tulong- pangkasambahay
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA

49. Bakit dapat suriin ang bibig at ilong ng taong biktima ng sakuna bago o tuwing magbibigay ng pangunang
lunas?
A. Upang maiayos ang pagpapagamot
B. Upang maging maayos ang katawan ng biktima
C. Upang mapahinto ang pagpasok ng oxygen sa bahagi ng utak
D. Upang makasiguro na may dumadaloy na hangin sa katawan ng biktima

50. Naglalaro kayong magkakapatid sa hardin ng iyong bahay nang makagat ng isang alakdan ang isa sa mga
kapatid mo. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan siyang matulog at gisingin na lang pagdating ng nanay.
B. Paupuin ang biktima sa patag na higaan at bigyan ng tubig na maiinom.
C. Bigyan siya ng paracetamol para maibsan ang kirot ng bahaging nakagat.
D. Ihiga ang biktima at siguraduhin na ang bahaging nakagat ay mas mababa kaysa posisyon ng puso.

You might also like