You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

THIRD PERIODICAL TEST IN MAPEH V


S.Y. 2023-2024

MUSIC

A. Pag-aralan ang iskor ng awit na nasa ibaba at sagutan ang mga sumusunod na
tanong.

1. Sa anong anyo ng musika nabibilang ang awit na “Happy Birthday”?


A. Tertiary C. Strophic
B. Unitary D. Octave

2. Anong anyo ng musika nabibilang ang awit na “Silent Night”?


A. Strophic C. Octave
B. Unitary D. Tertiary

3. Ilang verse mayroon ang awit na “Silent Night”?


A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

4. Ilang verse mayroon ang awit na “The Farmer in the Dell”?


A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

5. Ilang verse mayroon ang awit na “Happy Birthday”?


A. 1 C. 3
B. 2 D. 4

B. Basahin ang mga sumusunod at piliin ang titik ng tamang sagot

6. Si Mrs. De Guzman ay naghahanap ng timbre ng lalaki na may katangiang


magaan, manipis at mataas. Anong uri ng timbre ang hinahanap niya?
A. Soprano B. Alto C. Tenor D. Bajo

7. Si Regine Velasquez ay tinaguriang ASIA’s Song Bird dahil sa husay nitong


umawit. Ano ang kanyang Timbre?
A. Alto B. Soprano C. Bajo D. Tenor

8. Si Anna ay may mababang boses at may pagka-boses lalaki, anong uri ng timbre
meron siya?
A. Alto B. Soprano C. Bajo D. Tenor

9. Nais sumali ni Tom na makasali sa isang choir, bagay kasi sa kanya ang
mababa at makapal na boses, anong uri ng boses meron siya?
A. Alto B. Soprano C. Bajo D. Tenor

10. Hilig ni Stephany na umawit, bagay sa kanya ang mga awitin ni Morisette
Amon. Anong uri ng timbre ang kaya niya?
A. Alto B. Soprano C. Baho D. Tenor

ARTS

11. Ito ay isang proseso ng paglilimbag kung saan ay gumagamit ng isang mesh
upang ilipat ang tinta o kulay sa isang bagay upang magawa ang isang disenyo o
imahe.
A. Engraving C. Silkscreen
B. Intaglio D. Monoprint

12. Paano mo pahahalagahan ang mga disenyo ng mga Pilipino?


A. Ipagmalaki C. Sirain
B. Walang pakialam D. Tumahimik lang

13. Ang ____________ ay isa sa mga gawaing pansining na magagawa sa


pamamagitan ng pag-iwan ng bakas ng isang kinulayang bagay.
A. Sketching C. Drawing
B. Paglilimbag D. Painting

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

14. Gumagawa kayo ng iyong mga kaklase ng isang likhang-sining ng bigla mong
natabig ng di sinasadya ang water color na ginagamit mo. Ano ang gagawin mo?

A. Pababayaan lang C. Magagalit


B. Isusumbong sa guro D. Pupunasan

15. Ito ay isang uri ng paglilimbag kung saan ang disenyo ay inuukit sa
pamamagitan ng paghiwa sa isang bagay na palimbag at ang nabuong disenyo
mula sa nahiwang bagay ang siyang paglalagyan ng tinta.
A. Monoprint C. Intaglio
B. Engraving D. Silkscreen

16. Isa sa magandang katangian ng mga Pilipino ay ang ________________ sa


kultura tulad ng mga nakagisnang sariling mito o alamat na nagmula pa sa ating
mga ninuno.

A. Matiisin C. Mapagmalaki
B. Mapagmahal D. Matipid

17. Ito ay isang paraan ng paglilimbag na isinasagawa sa pamamagitan ng


paglalagay o pagdaragdag ng tinta o pagtatanggal ng tinta sa malinis na plate na
karaniwang metal o salamin.
A. Intaglio C. Engraving
B. Monoprint D. Silkscreen

18. Ito ay isang kasanayan sa paglikha ng disenyo sa isang matigas na bagay,


karaniwan itong ginagawa sa patag na ibabaw sa pamamagitan ng pang-ukit gamit
ang burin.
A. Intaglio C. Monoprint
B. Engraving D. Silkscreen

19. Ang mga sumusunod ang mga gamit sa paglilimbag sa papel.


A. Papel o karton, limbagang plato, disenyo.
B. Papel,pinta,hulmahan,lapis.
C. Lapis,papel,rubber,kahoy,pinta,gunting,hulmahan.
D. Linoleum, rubber (sole of shoes) kahoy na inukit.

20. Ano ang gagawin mo pagkatapos mong gamitin ang iyong mga arts materials
pagkatapos ng inyong klase?
A. Magliligpit at itatago ang mga gamit.
B. Hayaan lang sa sahig.
C. Tawagin ang kaklase at ipaligpit ang mga gamit.
D. Itapon sa basurahan lahat ng gamit.

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

PHYSICAL EDUCATION

21. Ano ang naidudulot na tulong sa ating katawan ng pagiging physically fit?
A. Pagtaas ng timbang C. Pagpapalakas ng stamina
B. Paghina ng katawan D. Pagkakaroon ng sakit

22. Batay sa Health-related Fitness Components, ng isang tao , alin sa mga


sumusunod ang dapat mong piliin upang magkaroon ng abilidad ang muscle na
magawa ng paulit-ulit ang mga galaw ng hindi napapagod?
A. Cardiovascular endurance C. Muscular endurance
B. Muscular strength D. Flexibility

23. Ano ang panganib na maaring maidulot ng paglahok sa mga pisikal ng gawain
kung hindi susunod sa mga patakaran?
A. pagkakaroon ng teamwork C.pagkakaroon ng masayang gawain
B. pagkakaroon ng aksidente D. pagkakaroon ng mabuting
pakikisalamuha sa kasama

24. Si Carlo ay isang mahusay na mananayaw sa kanilang paaralan. Nagsasanay


siyang magsayaw tatlo hanggang limang beses sa isang lingo, ano ang maaaring
maidulot o maitulong nito sa kanyang kalusugan? ?
A. Nagiging hindi balanse ang kanyang katawan.
B. Nagiging masasakitin.
C. Nagiging madaling mapagod
D. Napapanatili nito ang tamang timbang ng kanyang katawan

25. Si Randy at ang kanyang mga kaibigan ay lumahok sa sayawang patimpalak


ng kanilang Barangay, ngunit madalas na hindi sila nanalo at hindi maganda ang
kinalalabasan ng kanilang sayaw sapagkat hindi sila nagkakasabay sabay sa
pagsasayaw. Alin sa palagay mo sa mga sumusunod ang kakailanganin niya at ng
kanyang mga kasama upang maging maayos ang kanilang pagsasayaw ?
A. Pagiging hindi marespeto C. Pagiging walang pakialam sa kasama
B. Pagkakaroon ng teamwork D. Pagiging mabagal

26. Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunang pakaligtasan sa pagsasayaw?


A. Upang maging magaling sa pagsasayaw
B. Upang magkaroon ng malawak na lugar na gagamitin sa pagsasayaw
C. Upang magtagal ang sayaw
D. Upang makaiwas sa aksidente

27. Paano nahuhubog ng pagsasayaw ang kagandahang pag-uugali ng isang


batang Pilipino?
A. Pinatitibay nito ang pagkakaibigan, pagsasamahan ng bawat mananayaw
B. Nagpapakita ng malalaswang galaw na hindi angkop sa mga bata.
C. Naipapakita ang pagkakawatak-watak ng bawat miyembro ng grupo.
D. Nagiging aktibo sa pagsasayaw at walang kapaguran sa pagsasayaw.

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

28. Bakit mahalaga na matutunan ng isang bata ang mga katutubong sayaw?
A. Upang maging sikat sa iba
B. Upang malaman ang ating kultura at ito ay mapalagu pa
C. Upang maging magaling na mananayaw
D. Upang magkaroon ng maraming kakilala

29. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng katutubong sayaw?


A. Cariñosa B. Don Romantiko C. Señorita D. Boom boom

30. Ano ang katangian na ipinapakita sa sayaw na Cariñosa?


A. Masipag at mabait C. Mapagmahal at malambing
B. Masaya at malungkot D. Matapat at matiyaga

31. Ang Polka sa Nayon ay isang halimbawa ng katutubong sayaw. Ito ay


kadalasang sinasayaw sa mga pagtitipon na isinasagawa ng dalawang tao na
pares, isang babae at isang lalaki. Paano mo mailalarawan ang sayaw na Polka sa
Nayon? Ang sayaw na Polka sa Nayon___________
A. Ay nagpapakita ng paglalambingan ng lalaki at babae sa isa’t isa
B. Ay nagpapakita ng tamang pakikitungo ng lalaki at babae sa isa’t isa

C. Ay nagpapakita ng pagtutulungan ng lalaki at babae sa isa’t isa


D. Ay nagpapakita ng katapatan ng lalaki at babae sa isa’t isa

32. Inaya ka ng iyong ka eskwela na babae na maging ka pares niya sa pagsasayaw


ng Polka sa Nayon sa darating na patimpalak ng sayaw sa inyong paaralan bilang
isang kapares na lalaki ng iyong kaeskwela,Ano ang angkop na kasuotan ang
maaari mong isuot?
A. Poloshirt B. Barong Tagalog C. Jacket D. Sando

HEALTH

33. Ano ang tawag sa isang halimbawa ng gateway drug na matatagpuan sa


sigarilyo at iba pang produktong tabako ?
A. Caffeine B. Nikotina C. Ethanol D. Substance

34. Mahilig bumarkada sa ibat ibang tao si Ronny may mga barkada siya na
mabuti ang naidudulot at may mga barkada din siya na hindi mabuti ang
naidudulot. Ano ang nararapat niyang gawin upang ang mga barkadang ito ay
hindi maging dahilan ng kanyang pagkalulong sa gateway drug?
A. Sumama at gawin ang gusto ng mga kabarkada
B. Gayahin ang kilos at gawi ng mga kabarkada

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

C. Sundin ang payo ng mga magulang patungkol sa kung ano ang mga
dapat na tamang gawin. At magpasya ng tama
D. Huwag na lang pansinin ang mga kabarkada

35. Alin sa mga sumusunod na produkto ang nagtataglay ng substansyang


ethanol?
A. Noodles B. Pancake C. Alak D. Sigarilyo

36. Alin sa mga sumusunod ang nakapgdudulot ng karagdagang enerhiya subalit


kung labis ang paggamit nito ay nakasasama sa kalusugan?
A. Caffeine B. Nikotina C. Substance D. Ethanol

37. Nakasanayan na ni Lenie na sa tuwing siya ay inaantok sa kanyang


panggabing trabaho ay madalas siyang umiinom ng kape. Kung ikaw si Linda
gagawin mo rin ba ang kanyang gawi, upang mawala ang antok na kanyang
nararamdaman? Bakit?
A. Oo, sapagkat ito ay payo ng mga nakakatanda
B. Oo, sapagkat hindi maganda ang aking pakiramdam
C. Hindi, sapagkat ang madalas na pag-inom ng kape na may su
abstansiyang caffeine ay nakakasama sa kalusugan
D. Hindi sapagkat nakasanayan ko na ang ganoong pakiramdam,

38. Si Marie ay palakaibigan at positibo ang mga pananaw sa buhay. Kung ang
pag-aaral ang paguusapan kahit hindi man siya kagalingan at katalinuhan sa loob
ng klase ay nagaaral parin siyang mabuti pag tinawag at tinanong siya ng guro sa
loob ng klase ay sinasagot niya ang mga tanong nito ng walang pagaalinlangan o
hindi nahihiya sa mga sagot niya. Paano mo mailalarawan ang pagkakaroon ng
mayos na pakikisalamuha sa ibang tao ni Marie ,batay sa sitwasyong nabanggit?
A. Maayos ang pakikisama niya sa ibang tao.
B. Hindi pinapahalagahan ang nararamdaman ng iba
C. Hindi na sinubukang gawin ang isang bagay na alam niyang hindi kaya.
D. Walang pakialam sa mga taong nakapaligid sa kanya

39. Ano ang maidudulot ng sobrang pag-inom ng inuming may alkohol?


A. Pagkalagas ng buhok B. Pagkasira ng Brain cells
C. Insomnia o hirap sa pagtulog D. Pagiging nerbyoso

40. Ano ang dapat mong gawin upang maiwasan ang suliranin sa nutrisyon?
A. Kumain sa hindi tamang oras at magpagutom
B. Kumain lamang ng mag-isa
C. Pag-inom ng tatlo hanggang apat na baso ng tubig araw-araw
D. Pagkain ng wasto at masusustansiyang pagkain araw-araw

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF GENERAL TRIAS CITY
BELVEDERE ELEMENTARY SCHOOL

Prepared by:

CARLOS S. ASPE
MAPEH-5 Teacher

Checked by:

ARMINDA D. ROMANO
Master Teacher 1

Recommending Approval:

JONATHAN E. FUENSALIDA
School Principal II

Approved:

JOCELYN L. FORTUNO
PSDS – Cluster 3

Address: Belvedere Towne III Pasong Kawayan II, General Trias City
E-Mail Address: 164008@deped.gov.ph
Cellphone No.: 0927-384 9210

You might also like