You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII
Division of Lapu- Lapu City
BUYONG ELEMENTARY SCHOOL
Buyong, Maribago, Lapu- Lapu City, Cebu

1st SUMMATIVE TEST in MAPEH 5


4th QUARTER MODULE 1 & 2

I. Basahin nang maayos ang mga katanungan at piliing mabuti ang tamang sagot.
1. Ano ang elemento ng musika na nagsasabi ng bilis o daloy ng takbo
ng awit o tugtugin?
A. armonya B. dynamics C. melodiya D. tempo
2. Anong antas ng dynamics ay nagsasabi sa awitin na pampatulog ng bata?
A. f B. ff C.mp D. pp
3. Paano inaawit ang himig na masigla.
A. mahina C. mahinang-mahina
B. malakas D. katamtamang lakas
4. Ano ang tempo ng awit na “Pamulinawen”?
A. katamtaman ay bilis C. mabilis at mabagal
B. mabagal D. mabilis ng mabilis
5. Kung ang awitin ay may sagisag na vivace, paano ito aawitin?
A. mabagal C. malungkot
B. malumanay D. may buhay
6. Ito ay ang isang elemento ng musika na nagsasaad kung gaano karami ang
tunog o melody na naririnig sa isang awit.
A. melody B. texture C. harmony D. tempo
7. Textura ng musika na binubuo ng dalawa o higit pang melody nang sabaysabay.
A. homophonic B. monophonic C. polyphonic D. pentatonic
8. Ito ay tumutukoy sa textura ng musika na binubuo ng dalawang tunog.
A. monophonic B. homophonic C. heterophonic D. polyphonic
9. Ito ay mga awitin na may dalawa, tatlo ,o higit pang bahagi na inaawit ng
dalawa, tatlo, o higit pang mga pangkat.
A. partner song B. choral song C. round song D. duet
10. Ito ay ang akordeng binubuo ng tatlong tono.
A. triad B. duet C. pentatonic D. scale
11. Anong tunog ang nililikha sa pag-awit ng round, duet, at partner songs?
A. Payak B. Makapal C. Magaan
12. Ang kabuuang uri ng tunog na magaang o mabigat, payak o makapal.
A.Melody B. Form C. Texture D. Dynamics
13. Sa pag-awit ng round at partner song ay nagtataglay ng mga awit na may ____________.
A.single melodic line B. multiple melodic line
14. Ang unison ay isang paraan ng pangkatang pag-awit na nagtataglay lamang ng ________.
A. single melodic line B. multiple melodic line
15. Ang isang awitin na inaawit ng sabay.
A. Two part round B. Unison C. Partner song
16. Ang tempo ay maipapakita sa pamamagitan ng kilos ng katawan tulad ng paglipad, paglakad,
paglakad, pag-akyat, at paglukso.
A. Tama B. Mali
17. Kung tayo ay nakakarinig ng mabilis na tugtuging , tayo ay napapasayaw at kung mabagal naman ang
tugtugin tayo ay ___________.
A. napapabilis ng lakad B. napapatapik C. inaantok D. napapasayaw
18. Sa awiting “Mga Alaga Kong Hayop” paano aawitin at isasakilos ang “Gumapang, gumapang ang
pagong”?
A. Mabilis B. Katamtaman D. Mabagal
19. Anong hayop ang may mabilis na kilos?
A. rabbit B. pagong C. uod D.kuting
20. Ano ang bilis, bagal at katamtaman ng isang musika?
A. Melody B. Form C.Tempo D. Dynamics
21. Ano ang tawag sa uri ng kenetikong eskultura na kung saan ang mga bagay ay maaaring gumalaw?
A. Paper bead B. Mobile art C. Paghuhulma D. Paper mache
22.Ang _____ ay isang uri ng sining na malayang nakatayo, may taas, lapad, anyong pangharap,tagiliran
at likuran?
A. 2-Dimensional na sining C. 3-Dimensional na sining
B. 4- Dimensional na sining D. 5 -Dimensional na sining
23.Ano ang gawaing sining na kapaki-pakinabang na gawa sa papel na nagmula pa sa Inglatera?
A. paper mache B. barnis C. oasis D. paper beads
24..Alin sa sumusunod ang kagamitan sa paggawa ng paper beads na ginagamit para sa pag-aaplay ng
glue sa papel?
A. soft paint brush B. gunting C. oasis florist block D. barnis
25. Saang bansa nagmula ang gawaing sining na Mobile?
A. Europa B. Tsina C. Indonesia D. Pilipinas
26. Bakit ginagamit ang barnis ( glue o pandikit ) sa paggawa ng paper beads?
A. Para sa pagguhit sa korte ng papel C. para sa pagrorolyo ng papel
B. upang magkahugis lamang D. para sa seguridad ng beads
27. Ano ang gawang sining na ginawa mula sa palamuting bubog na may pinta na nakasabit sa pinto o
bintana na tumutunog kapag nahahanginan?
A. Mobile B. habing gagamba C. mosaic D. paper Etching

28. Sa paggawa ng sining na nasa larawan. Ano ang kailangan upang


maging magandang pagmasdan?
A. Kulay B. sining C. balance D. hangin
29. Ito ay gawaing sining na ang ibig sabihin ay nginuyang papel na gawa mula sa piraso ng mga papel
o durog na papel na binuo sa pamamagitan ng glue, starch o pandikit.
A. Paglilimbag B. iskultura C. Mobile D. Papier Mache
30. Kung ikaw ay binigyan ng pagkakataon ng iyong guro na lumikha ng alinman sa 3 dimensyon na
gawaing sining, ano ang gagawin mo?
A. Magbibingibingihan na lamang dahil magaling ka.
B. Susunod ngunit nagdadabog dahil hindi ka handa.
C. Paghahandaan at pakahuhusayan para magtiwala siya sa iyo.
D. Magmalaki dahil ikaw lamang ang napili sa lahat ng pangkat.

You might also like