You are on page 1of 8

PAOAY DISTRICT

NALASIN ELEMENTARY SCHOOL


THIRD QUARTERLY EXAMINATION in MAPEH-5
Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang. ITIMAN ang angkop na bilog ng titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.
MUSIC
1. Ito ay ang disenyo o istruktura ng anyong musikal na may isang berso na di inuulit ang pag-
awit. Anong anyong musikal ito?
A. Anyo B. Pattern C. Strophic D. Unitary

2. Alin sa mga sumusunod na mga kanta ang anyong unitary?


A. Bahay-Kubo C. Ako ay may Lobo
B. Himig ng Pasko D. Leron-Leron Sinta
3. Ano ang anyong musikal na inaawit mula sa unang berso hanggang sa matapos ang huling
berso na may pare-parehong tono?
A. Anyo B. Pattern C. Strophic D. Unitary
4. Ano ang tawag sa kalidad ng tunog na nagdudulot ng pagkakaiba ng tinig ng mga tao o tunog
ng mga hayop, at mga instrumento?
A. alto B. bass C soprano. D. timbre
5. Instrumentong mula sa salitang Espanyol na may kahulugan na harana o serenade. Ano ito?
A. cymbals B. gitara C. rondalla D. tambol
6. Kapag ang tinig ng babae ay mataas, matining at magaan. Saan mo ito ikakategorya?
A. alto B. bass C. soprano D. tenor
7. Sa paanong paraan na higit na nakilala ang drum and lyre sa Pilipinas?
A. Mas gusto nila ito. C. Mas madali itong buuin.
B. Mas madali itong ituro. D. Mas mura ang instrument.
8. Bakit mahalaga ang mga katutubong instrumento?
A. Nagpapakita ito ng kanilang pagkamasipag.
B. Sumasalamin ito sa buhay ng mga katutubo.
C. Gabay nila ito sa kanilang pang-araw-araw na gawain.
D. Gamit nila ito sa paghahanap-buhay at armas nila ang ito.
9. Suriin ang liriko ng awiting Bayan Ko, sa anong Anyo ng Musika ito kabilang kung ito ay may
isang verse lamang at ginamitan ng simbolong A lamang?

A. Anyong Unitary C. Anyong Rondo


B. Anyong Strophic D. Anyong Binary
10. Kung ikaw ay gagawa ng awiting nasa anyong strophic, sa anong paraan mo ito isasagawa?
A. isang linya lamang.
B. isang berso lamang.
C. isang linya at isang berso lamang.
D. maaring gawing apat na linya at dalawang berso.

11. Bakit mahalaga ang paggagaya ng mga tunog sa ating paligid?


A. Dahil dito nagkakaroon tayo ng iba’t ibang mga talent.
B. Dahil dito madaling makilala ang timbre ng boses ng tao.
C. Dahil dito marami tayong magagayang tunog sa ating paligid.
D. Dahil dito nagiging kakaiba an gang tunog na magagawa natin.

12. Binigyan ka ng pagkakataong kilalanin kung alin sa mga kanta ang may anyong unitary at
kantahin ito. Alin sa mga sumusunod na awitin ang pipiliin mo at aawitin?
A. Santa Clara C. Ako ay Nagtanim
B. Silent Night D. Leron-Leron Sinta

13. Si Juan ay isang manunulat ng awit, gumawa siya ng isang awiting naglalaman ng 4 na linya at
dalawang berso, anong anyo ng musika ang nabuo ni Juan?
A. Anyong Binary C. Anyong Unitary
B. Anyong Rondo D. Anyong Strophic

14. Makikita sa paligid ng bukirin nina Mang Roming ang mga mayayabong mga puno ng
kawayan. Naisipan mong gumawa ng instrumeno na gawa sa kawayan. Anong uri ng awitin
ang maari momg matugtog gamit ang mga instrumento mula sa kawayan?
A. Rap C. Ballad
B. KPop Music D. Katutubong Awitin

ARTS
15. Ano ang tawag sa likhang sining na tumutukoy sa pag-iiwan ng marka ng isang kinulayan
bagay o dibuho sa tela o papel?
A. pagguhit C. pagpipinta
B. pagdibuho D. paglilimbag

16. Alin sa mga sumusunod ang gamit ng sining na Cardboard Printing?


A. pagbabasa C. pagkanta
B. pagkukuwento D. pagsayaw

17. Ayon sa kwento ni Bernardo Carpio, ano ang pinigilan niyang magbanggaan?
A. bato C. dagat at langit
B. bundok D. lupa at langit

18. Ito ay ang imahinasyon, pantasya, o kathang isip bunga ng masining at malikhaing pag-iisip at
paglalarawan. Ano ang tawag dito?
A. Haraya C. Kahari
B. Himalaya D. Pantasya

19. Ayon sa kwentong Mariang Makiling, ito ay kwento ng isang diwata. Saan ito nakatira?
A. Kabundukan sa Mt. Province
B. Kabundukan ng Palina sa Tuba
C. Kabundukan ng Makiling sa Laguna
D. Kabundukan ng Arayat sa Pampanga
20. Ito ay ang imahinasyon, pantasya, o kathang isip bunga ng masining at malikhaing pag-iisip at
paglalarawan. Ano ang tawag dito?
A. Haraya C. Kahari
B. Himalaya D. Pantasya
21. Bakit mahalaga ang sining ng paglilimbag sa mga Tsino?
A. Ginamit nila ang sining ng paglilimbag bilang pagtatala ng kanilang utang.
B. Ginamit nila ang sining ng paglilimbag bilang pagtatala ng kanilang negosyo.
C. Ginamit nila ang sining ng paglilimbag bilang pagtatala ng kanilang kayamanan.
D. Ginamit nila ang sining ng paglilimbag bilang pagtatala ng kanilang kasaysayan.

22. Bakit mahalaga ang ritmo sa paglilimbag ng mga larawan?


A. Nagpapakita ito ng maayos na likhang – sining.
B. Nagpapakita ito ng makulay na likhang – sining.
C. Nagpapakita ito ng magangdang likhang – sining.
D. Nagpapakita ito ng paggalaw sa isang likhang – sining.

23. Ang kuwento ni Mariang Makiling ay isang kuwentong bayan.Maraming gumagawa ng


magagandang obra sa mga tagpo ng kuwento ni Mariang Makiling. Alin sa mga sumusunod
ang pagbakat sa larawan gamit ang cardboard?
A. eskultura C. pagguhit
B. painting D. cardboard painting
24. Sa pagsasagawa ng sining tungkol kay Bernardo Carpio, gamit ang imahinasyon upang
makabuo ng kakaibang paglalarawan, ito ay ginagamitan ng ng angkop na kulay. Ano ang
tawag sa pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya upang bigyan ng emphasis o
diin ang mga ito?
A. contrast B. print C. rhythm D. string

25. Sa kasalukuyan may mga bagong pamamaraan ng paglilimbag gamit ang mga iba’t ibang
bagay upang makalikha ng iba’t-ibang linya at tekstura. Alin sa mga sumusunod ang hindi
ginagamit sa paglilimbag?
A. linoleum C. softwood
B. rubber (soles of shoes) D. tubig

26. Ang mga tauhan sa mundo ng kuwentong bayan na nababasa ay nabibigyang kulay sa
pamamagitan ng paglikha ng mga sining tungkol dito. Alin sa mga sumusunod na paksa ang
higit na nagugustuhang iguhit para sa mga bata?
A. alamat C. engkantadia
B. bugtong D. pabula

Physical Education
27. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang pinaka-epektibong ehersisyo?
A. jumping jack B. lakad C. sayaw D. takbo

28. Alin sa mga sumusunod ang isa sa benepisyo ng pagsasayaw?


A. pagkinis ng kutis C. pagganda ng balance
B. pagpalinaw ng paningin D. cardiovascular endurance

29. Anong sayaw ang tumutukoy sa pagiging mapagmahal at malambing?


A. Cariñosa B. Itik-itik C. Polka sa Nayon D. Tinikling
30. Ang Cariñosa ay isang courtship dance. Saang lugar ng Pilipinas ito nagmula?
A. Cordillera B. Luzon C. Mindanao D. Visayas

31. Pista sa Bayan ng Paoay. Iba’t ibang pagtatanghal ang ipapakita dito. Alin sa mga ito ang
dapat na itanghal sa programa?
A. Acrobatic B. Hiphop C. Magic D. Katutubong Sayaw

32. Naatasan ang klase Ninyo na bumuo ng katutubong sayaw na itatanghal sa programa sa
paaralan. Ang gagamitin ninyo ay barong tagalog para sa kalalakihan, Maria Clara at saya
naman para sa mga kababihan. May gamit din kayong pamaypay at panyo. Anong sayaw ang
inyong itatanghal?
A. Cariñosa B. Itik-itik C. Tinikling D. Polka sa Nayon

33. Ang iyong pangkat ay napiling sasayaw ng Tinikling? Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin kong mahirap na sayaw ang Tinikling.
B. Ibibigay sa ibang pangkat ang sayaw na Tinikling.
C. Magtatago na lang kami para hindi na kami magsasayaw.
D. Magsasanay nang maigi upang maipamalas ang aming galing sa pagsayaw.

34. Bakit mahalaga ang pagsasayaw?


A. Nalilinang ang lakas, liksi at balanse ng katawan.
B. Nalilinang ang lakas at koordinasyon ng katawan.
C. Nalilinang ang stamina at koordinasyon ng katawan.
D. Nalilinang ang balance at koordinasyon ng katawan.

35. Bakit sinasabi na ang sayaw ay isang uri ng komunikasyon?


A. Epektibo ito sa pagpapahayag ng damdamin.
B. Epektibo ito sa paggawa ng proyekto sa paaralan.
C. Epektibo ito sa pagpapatulog sa mga batang malliit.
D. Epektibo ito sa pagpapapasaya ng mga manonood sa iyo.

36. Bakit ang musika, formation, at kasuotan ng mga sayaw ay nagkakaiba-iba?


A. Depende sa pinanggalingan, kultura at tradisyon.
B. Depende sa gusto ng gumawa at magtuturo ng sayaw.
C. Depende ito sa kung ano ang gusto ng mga mananayaw.
D. Depende ito sa kung ano ang merong isusuot at gustong sayawin.

37. Paano mo ilalarawan ang sayaw na Cariñosa?


A. Isa itong courtship dance na nagpapakita ng pagmamahalan at lambingan.
B. Isa itong sayaw ng pag-aani na nagpapakita ng kasanayan sa pag-aani sa bukid.
C. Isa itong sayaw ng pamamanhikan na kung saan ipinapakita ang mga tradisyon na
sayaw.
D. Isa itong sayaw sa pagtatanim na kung saan ipinapakita ditto ang tamang pagtatanim sa
bukid.

38. Sa tingin mo, bakit mahalagang matutuhan at magtanghal ng mga katutubong sayaw sa
Pilipinas?
A. Nagpapakita ito ng kultura, tradisyon, at paniniwala ng isang lugar.
B. Nagpapakita ito ng mga kagalingan, kakayahan, at katalinuhan ng mga Pilipino.
C. Nagpapakita ito na mas magaganda ang katutubong sayaw kesa sa sayaw ngayon.
D. Nagpapakita ito ng mga kasanayang kaiba sa mga nakasanayang mga uri ng sayaw
ngayon.
39. Tinawag ka at ng iyong kapareha upang ipakita ang wastong posisyon ng kanang pagkandirit
sa sayaw na Tinikling alin sa mga ito ang dapat ninyong ipakita?

A. C.

B. D.

40. Dahil naipakita ninyo nang wasto ang kanang pagkandirit, gusto naman ng inyong guro na
ipakita ninyo ang salisihang paghakbang. Alin sa mga sumusunod ang wastong hakbang na
inyong ipamamalas?

A. C.

B. D.

HEALTH
41. Ito ang tawag sa mga drogang nakahahalina at nakaaakit gamitin kung kaya paulit-ulit na
ginagamit at tinitikman. Ano ito?
A. Caffeine B. Drugs C. Gateway drugs D. Nikotina

42. Alin sa mga sumusunod na karamdaman ang pinakamalalang epekto o sanhi ng paggamit ng
caffeine, tabako at alcohol?
A. anemia B. high blood C. kanser D. pagkalimot

43. Ang kasanayang ito ay makakamit mo kung marunong kang tumanggi sa mga bagay na
nakasisira sa kalusugan. Aling kasanayan ito?
A. Resisting Temptation C. Sound decision-making
B. Communication D. Assertiveness

44. Higit na kilala sa taguring Tobacco Regulation Act of 2003. Anong batas ito?
A. Batas Republika 1192 C. Batas Republika 9311
B. Batas Republika 9211 D. Batas Republika 9911

45. Ang substansiyang ito ay isang alkaloid na matatagpuan sa halamang tabako. Ano ang tawag
dito?
A. Caffeine B. Drugs C. Gateway drugs D. Nikotina
46. Ang talas ng pag-iisip ay natural na nababawasan sa pagtanda ng bawat tao. Ngunit sa taong
madalas na umiinom ng alak, doble o triple ang bilis ng pagkasira ng mga cells. Alin sa mga
sumusunod na sitwasyon ang masamang epekto ng pagkalulong sa alak?
A. Pagkalimot
B. Pagtaas ng kalidad ng trabaho
C. Nakakaiwas sa mga aksidente
D. Magkakaroon ng masaya at mapayapang pamilya

47. Ang sumusunod ay mga kasiglahan at kasanayan sa buhay na maaaring makatulong upang
mapanatiling malusog ang katawan at isip sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng
gateway drugs MALIBAN sa isa. Alin sa mga ito ang HINDI?
A. paglalaan ng oras para sa sarili
B. pagsama sa mga lakad ng barkada
C. pagkakaroon ng masayang pamilya
D. pagkakaroon ng malusog na pangangatawan

48. Paano nagdudulot ng insomnia o hindi pagkatulog sa mga bata ang labis na pag-inom ng
softdrinks at pagkain ng tsokolate sa gabi?
A. Nagtataglay ang mga ito ng drugs na nagpapasigla sa puso at isip.
B. Nagtataglay ang mga ito ng alcohol na nagpapasigla sa puso at isip.
C. Nagtataglay ang mga ito ng nikotina na nagpapasigla sa puso at isip.
D. Nagtataglay ang mga ito ng caffeine na nagpapasigla sa puso at isip.

49. Sa paanong paraan makakatulong ang Batas Republika 9211 sa pag-iwas ng mga kabataan
sa paggamit ng sigarilyo?
A. Pinalaganap nito ang masamang epekto ng paninigarilyo.
B. Pinapahayag sa batas na ito ang magandang dulot ng paninigarilyo.
C. Sinasabi sa batas na ito na ang epekto ng paninigarilyo ay sa matatanda lamang.
D. Nakasaad sa batas na ito na puwede ang lahat na manigarilyo basta sa tamang lugar.

50. Bilang isang kabataan, anong paraan ang pwede mong magawa upang makaiwas sa iba’t
ibang gateway drugs?
A. Gumawa ng mga poster ukol sa masamang dulot ng mga ito.
B. Pababayaan ko na lang kasi may mga sarili namang isip ang mga tao.
C. Pagsabihan ang mga tao na huwag gumamit ng mga ito kasi nakakasama sa kalusugan.
D. Pagsabihan ang mga matatanda na sila ang gumawa ng paraan para umiwas sa mga ito.

Inihanda ni:

JOSIE G. CABUYADAO
Dalubguro I

Sinuri at ninotahan ni:

JACKSON M. ACOSTA
Punungguro I
PAOAY DISTRICT
NALASIN ELEMENTARY SCHOOL
THIRD QUARTERLY EXAMINATION in MAPEH 5
KEY ANSWERS
1 MUSIC D 27 P. E. C
2 C 28 D
3 C 29 A
4 D 30 D
5 B 31 D
6 C 32 A
7 C 33 D
8 B 34 D
9 A 35 A
10 D 36 A
11 B 37 A
12 C 38 A
13 D 39 C
14 D 40 D
15 ARTS D 41 HEALTH C
16 B 42 C
17 B 43 A
18 A 44 B
19 C 45 C
20 A 46 A
21 D 47 B
22 A 48 D
23 D 49 A
24 A 50 A
25 D
26 C

Inihanda ni:

JOSIE G. CABUYADAO
Dalubguro I

Sinuri at ninotahan ni:


JACKSON M. ACOSTA
Punungguro I

You might also like