Professional Documents
Culture Documents
QUARTER 3
SY 2023-2024
MUSIC
A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Anyo ng musika na may kaugnayan sa hugis, estruktura ng organisasyon, at pagkakaugnay-ugnay ng
mga elemento ng sining. Ano ito?
A. form B. unitary C. binary D. strophic
Ano ang tawag sa kalidad ng tunog na nagdudulot ng pagkakaiba ng tinig ng mga tao o tunog ng mga
hayop, at mga instrumento?
A. soprano B. timbre C. alto D. bass
Instrumentong mula sa salitang Espanyol na may kahulugan na harana o serenade. Ano ito?
A. gitara B. tambol C. rondalla D. cymbals
Bakit kailangan nating pag-aralan ang konsepto ng anyo ng musika kahit na sa pinakamaliit na bahagi o
ideya ng musika?
A. Magiging batayan ito komposisyon
B. Mas magiging mahaba ang awitin
C. Mas sisikat ang awit na gagawin
D. Mas magiging kaakit- akit ang awitin
Kapag ang tinig ng babae ay mataas, matining at magaan. Saan mo ito ikakategorya?
A. soprano B. alto C. tenor D. bass
Kung ikaw ang tatanungin, anong musical choral ensembles ang sasalihan mo?
A. Rondalla, kasi sikat na ito noong unang panahon pa
B. Rondalla, para kakaiba naman
C. Rondalla, kasi katulad siya ng gitara
D. Rondalla, para mas makilala at mabuhay ang mga awiting –bayan
ARTS
Alin sa mga sumusunod ang gamit ng sining ng paglilimbag?
A. pagbabasa B. pagkukuwento C. pagkanta D. pagsayaw
Ayon sa kwentong Mariang Makiling, ito ay kwento ng isang diwata. Saan ito nakatira?
A. Kabundukan ng Makiling sa Laguna C. Kabundukan ng Arayat sa Pampanga
B. Kabundukan ng Palina sa Tuba D. Kabundukan sa Mt. Province
Ito ay pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya upang bigyan ng emphasis o diin ang mga
ito. Ano ang tawag dito?
A. contrast B. rhythm C. string D. print
Ito ay ang imahinasyon, pantasya, o kathang isip bunga ng masining at malikhaing pag-iisip at
paglalarawan. Ano ang tawag dito?
A. Himalaya B. Haraya C. Pantasya D. Kaharian
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga hakbang sa pamamaraang rubber cut?
A. Ihanda ang mga gagamitin
B. Isipin ang disenyong iguguhit sa ibabaw ng rubber cut
C. Iukit ang disenyong iginuhit gamit ang carving tools
D. Buhusan ito ng maraming tinta upang maging makulay ang gawain
Kung ikaw ay papapiliin ng paksa sa paggawa ng cardboard painting para sa “school exhibit”, ano ito?
A. Mga kwentong bayan para hindi ito makalimutan
B. Mga kantang uso para maging “in” sa grupo ng mga kaibigan
C. Mga tula para maging sikat sa mga taong mahilig sa tula
D. Mga teleserye upang magustuhan ng mga millennials na gaya namin
Physical Education
Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang pinakaepektibong ehersisyo?
A. sayaw B. lakad C. jumping jack D. takbo
Pista ng Barangay Artacho. Iba’t ibang pagtatanghal ang ipapakita dito. Alin sa mga ito ang dapat na
itanghal sa programa?
A. Katutubong Sayaw B. Magic C. Hiphop D. Acrobatic
Naatasan kang bumuo ng katutubong sayaw na itatanghal sa programa sa paaralan. Ang mga gamit na
pwede nang magamit ay Maria Clara costume, anong sayaw ang pwede mong ituro at buuin?
A. Polka sa Nayon B. Tinikling C. Cariñosa D. Itik-itik
Ikaw ay taga-Batangas. Alin sa mga sayaw na ito ang pipiliin mo upang maituro sa mga kaklase mo?
A. Polka sa Nayon B. Tinikling C. Cariñosa D. Itik-itik
Lahat ng mga sumusunod ay kasuotang panlalaki sa sayaw na Polka sa Nayon, MALIBAN sa isa. Alin
dito?
A. Barong Tagalog B. Camisa de Chino C. pantalon D. patadyong
Ang substansiyang ito ay isang alkaloid na matatagpuan sa halamang tabako. Ano ang tawag dito?
A. Drugs B. Caffiene C. Nikotina D. Drugs
Higit na kilala sa taguring Tobacco Regulation Act of 2003. Anong batas ito?
A. Batas Republika 9211 C. Batas Republika 9311
B. Batas Republika 9911 D. Batas Republika 1192
Bakit ang epektibong komunikasyon ay solusyon upang mabawasan ang mga taong gumagamit ng
gateaway drugs?
A. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng masamang dulot sa kanila ng gateaway drugs
B. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng magandang dulot sa kanila ng gateaway drugs
C. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng masayang dulot sa kanila ng gateaway drugs
D. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng makabuluhang dulot sa kanila ng gateaway drugs
Driver ang tatay mo at madalas bumibyahe siya sa gabi. Nakita mong nagbabaon siya ng energy drinks.
Ano pwede mong sabihin sa kanya?
A. Hinay –hinay lang po ang pag-inom ng mga energy drinks kasi nakakasama ito sa katawan
B. Maganda po ang dulot na epekto niyan sa inyo kasi magigising kayo sa pag-inom ng energy drinks
C. Kailangan ninyong uminom ng mga energy drinks para di kayo antukin sa daan
D. Huwag po kayong uminom ng mga energy drinks kasi po nakakamatay ang mga ito
Nakita mong naninigarilyo ang isang kaibigan mo. Niyaya ka niyang manigarilyo din ngunit
tinanggihan mo. Anong kasanayan ang ginamit mo?
A. Resisting temptation C. Sound decision-making
B. Communication D. Assertiveness
May nakita kang naninigarilyo sa isang pampublikong lugar. Alam mong bawal ito. Ano ang gagawin
mo?
A. Pababayaan ko na lang.
B. Sesenyasan ko siya na bawal ang manigarilyo doon
C. Sasabihin ko sa guard para siya na lang ang magsabi
D. Kakausapin ko siya at ipapaliwanag na bawal ang ginagawa niya
Paano nagdudulot ng insomnia sa mga bata ang pag-inom ng softdrinks at tsokolate sa gabi?
A. Nagtataglay ang mga ito ng drugs na nagpapasigla sa puso at isip
B. Nagtataglay ang mga ito ng alcohol na nagpapasigla sa puso at isip
C. Nagtataglay ang mga ito ng nikotina na nagpapasigla sa puso at isip
D. Nagtataglay ang mga ito ng caffeine na nagpapasigla sa puso at isip
Sa paanong paraan makakatulong ang Batas Republika 9211 sa pag-iwas ng mga kabataan sa paggamit
ng sigarilyo?
A. Pinalaganap nito ang masamang epekto ng paninigarilyo
B. Pinapahayag sa batas na ito ang magandang dulot ng paninigarilyo
C. Sinasabi sa batas na ito na ang epekto ng paninigarilyo ay sa matatanda lamang
D. Nakasaad sa batas na ito na puwede ang lahat na manigarilyo basta sa tamang lugar
Ang mga sumusunod ay pangmatagalang epekto ng paggamit ng alcohol. Alin ang HINDI kasama?
A. pagkakaroon ng sakit sa atay C. pagkasira ng brain cells
B. nahihirapang magsalita D. nagdudulot ng sakit sa puso
Bilang isang kabataan, anong paraan ang pwede mong magawa upang makaiwas sa iba’t ibang
gateaway drugs?
A. Gumawa ng mga poster ukol sa masamang dulot ng mga ito
B. Pababayaan ko na lang kasi may mga sarili naming isip ang mga tao
C. Pagsabihan ang mga tao na huwag gumamit ng mga ito kasi nakakasama sa kalusugan
D. Pagsabihan ang mga matatanda na sila ang gumawa ng paraan para umiwas sa mga ito