You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
PANGASINAN SCHOOLS DIVISION OFFICE II
ALCALA DISTRICT
SAN PEDRO APARTADO ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan 5
SY 2023-2024

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Criteria
No. of
Code Percentage No. of Item
Days 60 30 10
(%) Items Placement
Taught
Topic/ Objectives R U A A E C
1. Naipapaliwanag ang mga dahilan
ng kolonyalismong Espanyol AP5PLP-
7 14% 7 3 1 1 2 1-7
2a-1

2. Nasusuri ang mga paraan ng


pagsasailalim ng katutubong
populasyon sa kapangyarihan ng AP5PLP-
Espanya 7 14% 7 3 1 1 1 1 8-14
2b-c-2
a. Pwersang militar/ divide and rule

3.. Nasusuri ang mga paraan ng


pagsasailalim ng katutubong
populasyon sa kapangyarihan ng AP5PLP-
6 12% 6 3 1 1 1 15-20
Espanya 2C-3
a. Kristyanisasyon

4. Nasusuri ang epekto ng mga


patakarang kolonyal na ipinatupad
ng Espanya sa bansa AP5PLP-
6 12% 6 2 1 1 1 1 21-26
. 2d-4

5. Nasusuri ang epekto ng mga


patakarang kolonyal
( Pagbubuwis,Kalakalang Galyon) AP5PLP-
6 12% 6 2 1 1 1 1 27-32
2e-5

6. Nasusuri ang epekto ng mga


patakarang kolonyal
(Monopolyo sa Tabako, Royal AP5PLP-
6 12% 6 2 2 1 1 1 33-38
2f-6
Company, Sapilitang
Paggawa at iba pa)

AP5PLP-
7. Patakarang pampolitika 12 24% 12 4 4 1 1 1 39-50
2g-7
(Pamahalaang kolonyal)

Total 50 100% 50 19 11 7 8 3 2 50

Prepared by:

Arvin Kristopher T. Balagot


Teacher I

Reviewed by:

Arnold F. Esperanza
Head Teacher III
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION I
PANGASINAN SCHOOLS DIVISION OFFICE II
ALCALA DISTRICT
SAN PEDRO APARTADO ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Araling Panlipunan 5
SY 2023-2024

Pangalan:_________________________________________ Petsa:_______________
Seksyon:__________________________________________ Iskor:_______________

I. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga ito ng mahusay. Isulat sa
patlang ang titik ng tamang sgot.
______1. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol,bakit tinawag na kolonyalismo ang mga
bansang kanilang nasakop?
A. Hinangad ang kapangyarihan at kapayapaan.
B. Pinalaganap ang kristiyanismo sa ibang bansa.
C. Pagtuklas sa ibang lugar upang maging mayaman ang mga bansa sa Europa.
D. Pagtukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang
bansa.
______2..Aling mga bansa sa Europa ang nanguna sa pagtuklas ng ibang lugar o bansa sa mundo?
A. Portugal at Amerika C. Espanya at India
B. Portugal at Espanya D. China at Portugal
______3. Ano ang naging dahilan kung bakit gusto ng Espanya na masakop ang Pilipinas?
A. Mababait at matatalino ang mga katutubo.
B. Nagustuhan nila ang katangian ng mga Pilipino kaya sinakop nila ito.
C. Gusto nilang maging mayaman ang mga Pilipino kaya sinakop nila ito.
D. Mayaman sa likas na yaman ang Pilipinas kaya gusto nila dito kumaha ng mga raw materials.
______4. Sino ang nagbigay ng pahintulot sa bansang Portugal at Espanya na tumuklas ng ibang lugar o
bansa upang mapalaganap ang Kristianismo?
A. Papa Juan Pablo C. Papa Alexander the Great
B. Papa Alexander VI D. Haring Carlos III
______5. Anong kasunduan ang pinagtibay upang matukoy ang hangganan ng lugar na pwedeng tuklasin
ng Portugal at Espanya?
A. Kasunduan sa Paris C. Kasunduan ng Tordesillas
B. Kasunduan sa Europa D. Kasunduan sa Portugal
______6. Ano ang naging hindi magandang epekto ng kolonisasyon sa bansa?
A. Nalinang ng husto ang likas na yaman ng Pilipinas
B. Ang mga Pilipino ay natuto sa mga gawaing pang industriya.
C. Ang mga Espanyol ang higit na nakinabang sa likas na yaman ng kolonya.
D. Naging masipag at maunawain ang mga katutubo dahil sa mga Espanyol.
_____7. Sa teknolohiya at kalusugan, ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa bansa?
A. Naging mapanalanginin ang mga Pilipino.
B. Ang watak-watak na teritoryo ay naging isang estado.
C. Natuto ang mga Pilipino sa paggamit ng bagong makinarya.
D. Natuto ang mga Pilipino sa panggagamot at paraan ng pagpuksa sa mga sakit.
_____8. Isa sa mga dahilang dala ni Magellan sa kanyang ekspedisyon ay ang paghahanap ng Spice
Island. Ano ang makukuha nila dito?
A. Mga pampalasa ng pagkain.
B. Mga kagamitan pang-agrikultura.
C. Mga kagamitan sa paggawa ng bangka.
D. Mga kagamitan o materyales sa paggawa ng alak.
______9. Sino ang namuno sa paglalayag ng Espanya upang tumuklas ng ibang lupain?
A. Ferdinand Marcos C. Ferdinand Magellan
B. Ferdinand Vallejo D. Antonio Magellan
_____10. Bakit gumamit ng taktika na divide and rule ang mga Espanyol?
A. Magkaroon ng oras para sa pagtatrabaho
B. Para magkawatak-watak ang mga Pilipino
C. Maging kinatawan ng mga Espanyol sa Espanya
D. Maprotektahan ang mga kapakanan ng kapwa Pilipino

II. Pagtatapat-tapat. Hanapin ang kahulugan ng aytem sa kaliwang hanay mula sa mga pagpipilian sa hanay
na nasa kanan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang.
HANAY A HANAY B

______11. Setyembre 20,1519 a. Hari ng Espanya


______12. Marso 16, 1521 b. Hari ng Portugal
______13. Haring Carlos I c. Pag-umpisa ng paglalayag
______14. Haring Manuel I d. Barkong nakabalik sa Espanya
______15. Pulo ng Samar e. Tumalo kay Magellan sa labanan
______16. Marso 31, 1521 f. Araw ng unang misa sa Limasawa
______17. Lapu-Lapu g. Unang lugar na dinaungan ni Magellan
______18. Victoria h. Pinuno ng Cebu na tumanggap kay Magellan
______19. Padre Pedro Valderama i. Nanguna sa misa sa unang misa sa Limasawa
______20. Raja Humabon j. Narating ng grupo ni Magellan ang lupain ng Pilipinas
_____21. Bakit Katolisismo ang relihiyon ng karamihan sa mga Pilipino?
A. Magaling magsermon ang pari
B. Minana natin ito sa mga Espanyol
C. Ligtas sa kasalanan ang kabilang dito
D. Nangunguna ang relihiyong ito sa buong mundo
_____22. Ang mga paring misyonero na dumating sa Pilipinas ay nangolekta ng buwis at bandala,lumahok sa
kalakalang galyon at nagtatag ng mga paaralan. Ano ang ipinakikita nito?
A. Makapangyarihan ang simbahan
B. Makapangyarihan ang pamahalaan
C. Masunurin ang mga tao sa misyonero
D. may alitan ang amahalaan at ang simbahan
_____23. Bakit ipinalaganap ang kristiyanismo sa Pilipinas ng mga Espanyol?
A. Upang mas madaling mapamahalaan ang kolonya
B. Upang makapagpatayo sila ng mas maraming simbahan
C. Upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga Pilipino
D. Upang maipakitang sa mga Pilipino na makadiyos ang mga Espanyol

_____24. Ano ang ginawang paraan ng mga Espanyol upang mas madalli ang pagtuturo ng Kristiyanismo sa
mga Pilipino?
A. Inilipat sila sa mga bulubundukin.
B. Inilagay sila sa malapit sa dagat para sa ikabubuhay nila
C. Sapilitan nilang itinuro ang Kristiyanismo sa mga Pilipino at pinarusahan ang hindi susunod dito.
D. Hinikayat nilang lumipat sa sentro ang mga Pilipino na kung saan mas maraming simbahan at
madali silang maabot ng mga prayle
_____25. Ito ay isang mahalagang nagawa ng mga Espanyol upang turuang maging Kristiyano ang mga
Pilipino, ang katesismong Katoliko.Ano ito?
A. Reduccion C. Doctrina
B. Polo D. Dulpo
_____26. Ito ang unang hakbang ng mga Espanyol sa pagtatatag ng kolonya. Ito ay isang lugar na
nangangahulugang ipinagkatiwala. Ano ito?
A. Polo C. Encomienda
B. Reduccion D. Monopolyo
_____27. Ano ang tungkulin ng isang encomendero?
A. Mamuno sa kanyang nasasakupan
B. Mangolekta ng buwis ayon sa itinakdang halaga
C. Magparusa sa mga katutubong nagkasala sa batas
D. Panatalihin ang katahimikan at kaayusan ng kanyang lugar
_____28. Ang lahat ng lalaki na may gulang na 16 hanggang 60 ay kailangang magtrabaho ng walang bayad
sa ilalim ng patakaran ng Espanya. Ano ang tawag dito?
A. Tributo C. Falla
B. Sapilitang paggawa D. Bandala
_____29. Maaaring malibre ang mga lalaking sasailalim sa sapilitang paggawa kung sila ay makakabayad sa
tinatawag na _______
A. Tributo C. Falla
B. Sapilitang paggawa D. Sistemang kasama
______30. Ano ang kaugnayan ng reduccion sa Kristianisasyon ng mga Pilipino?
A. Inilipat sila sa sentro upang mamuhay ng masaya
B. Para maipon sila sa isang lugar at doon magtrabaho
C. Sapilitan silang inilipat sa sentro upang makita ang pueblo
D. Ang mga Pilipino ay sapilitang inilipat sa iisang lugar upang turuan sila ng Kristiyanismo.
______31. Anong mga lugar ang ipinatayo ng mga Espanyol upang lalong maging malapit ang mga Pilipino sa
Kristiyanismo?
A. Tulay at kalsada C. Palengke at paaralan
B. Convento at simbahan D. Mga parke at palaruan
______32. Ilang reales ang tributo o buwis noong una?
A. 18 reales C. 12 reales
B. 10 reales D. 20 reales
______33. Maliban sa salapi , ano pa ang maaaring ibigay bilang tributo?
A. ginto C. mga produkto
B. palay D. lahat ng nabaggit
______34. Ano ang naging reaksiyon ng mga Pilipino sa sapilitang paggawa?
A. Nagustuhan nila ito dahil natuto silang magtrabaho
B. Tinutulan nila ito dahil itoy sapilitan at walang bayad
C. Ang mga Pilipino ay kusang nagtrabaho ng walang bayad
D. Marami sa mga Pilipino ang tumulong sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa
______35. Ano ang naging masamang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino?
A. Nagkaroon ng pagkakakitaan ang mga Pilipino
B. Lumaki ang kita ng bawat pamilya dahil paggawa
C. Nahiwalay ang mga kalalakihan sa kanilang pamilya
D. Mas naging masipag ang mga Pilipino dahil sapilitan ang kanilang pagggawa

III. Tukuyin kung ang sinasabi o ideya ng bawat isa ay wasto o hindi. Isulat sa patlang ang TAMA kung ito
ay wasto at MALI kung hindi.
_____36. Dahil sa reduccion, maraming Pilipino ang naging Kristiyano.
_____37. Gobernador-heneral ang pinakamataas na pinuno ng kolonya.
_____38. Maraming pamilya ang nasira dahil sa pagtuturo ng Kristiyanismo.
_____39. Nagtatag ng dalawang pamahalaan ang mga Espanyol sa ating bansa.
_____40. Maraming Pilipino ang sapilitang lumikas sa kabundukan dahil sa Kristiyanismo.
_____41. Tinuruan ng mga prayle ang mga bata ng pagdadasal at awit para sa Diyos sa mga paaralan.
_____42. Natuto ang mga Pilipino na magdiwang ng pista para sa mga santo dahil sa kanilang pagsanib sa
Kristiyanismo.
_____43. Nagsumikap ang mga prayle na turuan ng utos ng Diyos upang mapalapit ang mga Pilipino sa
Kristiyanismo.

IV. Kilalanin ang tinutukoy ng bawat pangungusap .Isulat sa patlang ang tamang sagot.
______________________44. Kapangyarihan ng gobernador-heneral na tutulan ang pagpapatupad ng batas.
______________________45. Pamahalaan na nahahati sa panlalawigan,panlungsod,pambayan at
pambarangay.
______________________46. Pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal na pinamumunuan ng cabeza de
barangay.
______________________47. Ang kinatawan ng hari ng Espanya at at pinakamataas na pinuno ng
pamahalaang sentral.
______________________48. Pinakamataas na pamahalaan sa Pilipinas na pinamumunuan ng isang
Gobernador-heneral.

V. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ipaliwanag ang iyong sagot.


49. Bilang mag-aaral, bakit mahalagang malaman ang mga pamahalaan na itinatag ng mga Espanyol sa
ating bansa?

50. Ano ang katangiang dapat na taglay ng isang mabuting pamhalaan?

GOOD LUCK!

Susi sa Pagwawasto
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa AP 5
1. D 26. C
2. B 27. D
3. D 28. C
4. B 29. C
5. C 30. D
6. C 31. B
7. D 32. B
8. A 33. D
9. C 34. B
10. B 35. C.
11. C 36. TAMA
12. J 37. TAMA
13. A 38. MALI
14. B 39. TAMA
15. G 40. MALI
16. F 41. TAMA
17. E 42. TAMA
18. D 43. TAMA
19. I 44. CUMPLASE
20. H 45. PAMAHALAANG LOKAL
21. B 46. BARANGAY o PAMBARANGAY
22. B 47. GOBERNADOR-HENERAL
23. B 48. PAMAHALAANG SENTRAL
24. D 49. Kanya-kanyang sagot ang mga bata
25. C 50.

You might also like