You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 2
Schools Division of Isabela
ANAO-KILING ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATION
PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4
QUARTER 4

TOTAL NO. OF
SUBJECT ARALING PANLIPUNAN INSTRUCTION 40
DAYS
TOTAL NO. OF
GRADE LEVEL 4 40
ITEMS

TEST ITEM PLACEMENT

REMEMBERING

G
UNDERSTANDIN

APPLYING

ANALYZING

EVALUATING

CREATING
Actual Total
LEARNING COMPETENCIES Weight
Instructi No. of
(Include Codes if Available) (%)
on (Days) Items

MELC 60% 30% 10%


*Natatalakay ang konsepto at
prinsipyo ng pagkamamamayan 7
1 8 20% 8 1,2,5 3 8 4 6
AP4KPB - IVa - b -1
2 Natatalakay ang konsepto ng
10,11 15,1
- karapatan at tungkulin 8 20% 8 9,12, 14 13
6
3
*Naipaliliwanag ang mga
4 gawaing lumilinang sa kagalingan 19,20, 17,18,2 ,23
- pansibiko 8 20% 8 21 2 ,24
5
AP4KPB - IVd - e -4
27,
30,
*Napahahalagahan ang 31
kagalinang pansibiko 29 25,26
6 8 20% 8 32 28
AP4KPB - IVd - e -4

*Nasusuri ang bahaging 8 20% 8 33,34,3 39


ginagampanan ng mga 5,36,37,
mamamayan sa pagtataguyod ng 38,40
kaunlaran ng bansa
  TOTAL 40 100% 40 10 15 7 5 3 1

Republic of the Philippines


Department of Education
Region 2
Schools Division of Isabela
ANAO-KILING ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4


QUARTER 4

Pangalan: ___________________________________ Petsa: __________________


Baitang at seksyon: __________________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na kaisipan. Bilugan ang titik ng wastong
sagot.

1. Ito ang pagkamamamayan batay sa lugar ng kapanganakan.

A. Jus chico C. Jus sanguinis


B. Jus hombre D. Jus soli
2. Ang pagkamamamayan ayon sa pagkamamamayan o dugo ng magulang ay
.
A. Jus chico C. Jus sanguinis
B.Jus hombre D. Jus soli
3. Nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas ay ang ____________.

A.pagkabanyaga C. pagkamamamayan
B. pagkamag-aaral D. pagkaturista
4. Ang isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay
mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang sundin ang
pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa ayon sa .
A.Seksiyon 2 ng ng Saligang Batas ng 1985
B. Seksiyon 3 ng ng Saligang Batas ng 1986
C.Seksiyon 4 ng ng Saligang Batas ng 1987
D. Seksiyon 5 ng ng Saligang Batas ng 1988
5. Ito ang proseso ng pagiging mamamayan ng isang dayuhan ayon sa batas.

A.aplikasyon C. kwalipikasyon
B. dedikasyon D. naturalisasyon

6. Batay sa Republic Act 9225, ano ang mangyari sa mga dating mamamayang
Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa ?
A. Hindi na sila maaaring muling maging mamamayang Pilipino.
B. Maaring muling maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng
Naturalisasyon.

C. Ang manirahang muli sa Pilipinas ay maaaring muling


D. Sa pamamagitan ng aplikasyon ay maaaring muling maging mamamayang
Pilipino.
7. Ayon sa Artikulo IV , Seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987 , maituturing na
mamamayang Pilipino ang mga sumusunod maliban sa isa.
A. Mga ama lamang ang mamamayang Pilipino
B. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas
ng naturalisasyon
C. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng
1987 Noong Pebrero 2, 1987
D.Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang
Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang
8. Ito ang mga katangian ng isang dayuhan na nais maging Naturalisadong
Pilipino maliban sa isa.
A. Siya ay dalawampu’t isang taong gulang na.
B. Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas.
C. Wala siyang hanapbuhay pero may ari-arian sa Pilipinas.
D. Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura
at kasaysayan ng Pilipinas.
9. Anong karapatan na nauukol sa ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan?

A. nasasakdal C. politikal
B. panlipunan D. sibil
10. Isa sa mga karapatang panlipunan ay .
A. Karapatang maglakbay
B. Karapatang magpetisyon
C. Karapatang pumili ng magaling na abogado
D. Kalayaang magsalita, maglimbag, at magtipon-tipon
11. Ang mga sumusunod ay karapatan ng bata maliban sa isa.
A. magpahinga at maglaro
B. ampunin ng kung sino lamang
C. alagaan at mahalin ng magulang
D. maprotektahan laban sa diskriminasyon

12. Alin sa mga nabanggit na karapatan kapag ang isang tao ay nasasakdal?
Karapatang .

A. bumoto
B. magkaroon ng tirahan at ari-arian
C. malaman ang kaso na laban sa kaniya
D. bayaran nang wasto sa pribadong ari-arian na ginamit ng pamahalaan
13. Ang mga sumusunod ay karapatang pangkabuhayan maliban sa isa.

A. Karapatan sa pagmamay-ari
B. Karapatang makinabang sa mga likas na yaman
C. Karapatang pumili ng propesyon at iligal na hanapbuhay
D. Karapatang maging ligtas sa maruming kapaligiran at pagawaan
14. Ang mga nabanggit ay mga karapatang politikal maliban sa isa.
A. Karapatang bumoto
B. Karapatang magpetisyon

C. Karapatan sa mabilis na paglilitis


D. Karapatang gumanap ng tungkuling pampubliko
15. Ayon sa Konstitusyon, ang mga karapatan ng bawat mamamayan ay .

A. nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas.


B. nauuri sa sibil, politikal at karapatan kapag nasasakdal lamang
C. hindi maaaring baguhin, dagdagan, o tanggalin sa pamamagitan ng
susog sa Konstitusyon
D. nasasaad ang mga ito sa Kalipunan ng mga Karapatan sa Artikulo III,
Seksyon 1–22 ng Saligang Batas ng 1997.
16. Paano matatamasa ng isang mamamayan ang karapatang panlipunan? Sa
pamamagitan ng .

A. pagkakaroon ng agarang kalayaan


B. pagtatamasa ng kapayapaan at kaligayahan sa buhay
C. pagpoprotekta sa mga kabataan laban sa diskriminasyon
D. pangangalaga ng karapatan sa lihim na korespondensiya at komunikasyon
17. Alin ang sakop ng Kagalingang Pansibiko?
A. edukasyon, kalusugan, pananakop, giyera
B. edukasyon, kalikasan, kabuhayan, kalusugan
C. edukasyon, negosyo, pagbisita ng papa, isports
D. edukasyon, kalikasan, kabuhayan, kababaihan
18. Anong mga salita ang maaaring kabahagi ng Kagalingang Pansibiko?
A. bayanihan at katapatan
B. bayanihan at pagkukusang-loob
C. pagkukusang-loob at kalakasan
D. pagkukusang-loob at kasipagan
19. Anong termino ang tumutukoy sa pinakamataas na kabutihang makakamit at
mararanasan ng mga mamamayan?
A. gawaing pansibiko
B. kagalingang pansibiko
C. kamalayang pansibiko
D. produktibong mamamayan
20. Ano ang salitang pinagmulan ng Kagalingang Pansibiko na ang ibig sabihin ay
pagbuwis ng buhay para sa kababayan?
A. citizen C. civilian
B. civil D. civique
21. Buuin ang kasabihang, “Nilikha ng Diyos ang kapwa upang ating maging
___________.”

A. alila B. kaaway C. kalaban D. kasama


22. May mga dumalo na nagkukuwentuhan sa loob ng isang bulwagan. Magsisimula
na ang pambansang awit bilang panimula ng programa. Ano ang dapat mong gawin?

A. Huwag kumibo.
B. Sumali sa nagkukuwentuhan.
C. Sawayin ang mga nagkukuwentuhan.
D. Sabihan ang mga nagkukuwentuhan na tumahimik muna at
lumahok sa pag-awit.
23. Nakita mong tumatawid si Lola Tinay sa kalye Aurora. Ano ang gagawin mo?
A. Alalayan ang matanda.
B. Pabayaan siya at huwag pansinin.
C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.
24. Tila nakalimutan ni Lolo Mino ang daan pauwi. Paikot-ikot siya sa
magkakapitbahayan. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag pansinin ang matanda.
B. Tanungin si Lolo Mino at tulungan siya.
C. Ipagbigay-alam ito sa mga barangay tanod.
D. Hanapin ang pamilya ni Lolo Mino upang maiuwi siya.
25. Ito ay tumutukoy sa kahandaan at pagnanais na magsagawa ng tungkulin at
pananagutan para sa ikabubuti ng pamayanan.

A. Pagkilos na Sibiko
B. Kagalingang Pansibiko
C. Kamalayang Pansibiko
D. Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko

26. Ang tawag sa mga gawain ng mabubuting mamamayan sa isang demokratikong


pamahalaan.

A. Pagkilos na Sibiko
B. Kagalingang Pansibiko
C. Kamalayang Pansibiko
D. Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko
27. Nakita mong tumatawid si Lola Lorna. Ano ang gagawin mo?
A. Kawayan ang matanda.
B. Pabayaan siya at huwag pansinin.
C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
D. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda.
28.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nakatulong sa pag unlad ng sarili?

A. Bata pa lamang si Inso ay sakitin na.


B. Laging huli sa pulong si Cristina
C. Kahit kailan di nabisita ni Jing ang kanilang silid-aralan
D. Nagsasanay nang mabuti si Matet sa paglangoy upang makasali sa
Pambansang Koponan.
29. Anong gawaing pansibiko ang ipinakita sa pagsasagawa ng paligsahan sa isports?

A. edukasyon
B. kalikasan
C. kalusugan
D. pampalakasan
30. Si Pepito ay dating pulis ngunit siya ay nagretiro na. Isang araw, nagkaroon ng
kaguluhan sa kanilang barangay. Ano ang

dapat niyang gawin?


A. Papaluin ang mga nanggugulo
B. Hahabulin ang lahat ng mga nanggugulo sa lugar
C. Huwag ng makialam dahil wala na siya sa katungkulan
D. Aawatin ang mga nanggugulo at tumawag ng ibang pulis
31. Si Ian ay papasok na sana sa gate ng paaralan ngunit nakita niyang itinaas ang
watawat habang inaawit ang Lupang Hinirang. Ano ang nararapat niyang gawin?

A. tatakbo papunta sa linya


B. makipagkwentuhan sa mga kaibigan
C. tatayo ng tuwid at sasabay sa pag-awit
D. lalabas siya sa gate upang hindi makita na nahuhuli sa pagpasok
32. Sa iyong kapasidad bilang isang bata, paano mo matutulungan ang inyong barangay
sa isang proyekto ukol sa pagre-recycle ng mga basura?
A. Magkalat ng mga basura sa daan.
B. Paglaruan ang mga natipong basura.
C. Magdadala ng mga di-nabubulok na basura.
D. Panonoorin lang ang mga taong nakibahagi sa proyekto.
33. Sino sa mga sumusunod ang makatutulong sa pag-unlad?

A. Laging huli kung pumasok sa trabaho si Juan.


B. Palaging kinukwenta ni Pepe ang bilang ng oras ng kaniyang
ipinagtatrabaho.
C. Pinagbubuti ni Helen ang kaniyang trabaho sa opisina kahit walang
nakakakita.
D. Kapag binibigyan ng manedyer si Ruben ng dagdag na gawain, hindi niya
ito ginagawa agad.
34. Alin dito ang tamang saloobin sa paggawa?

A. madalas na hindi tinatapos ang gawain


B. maagang pumapasok ngunit maaga ring umuwi
C. gumagawa lamang kapag nariyan ang manedyer
D. pinag-aaralang mabuti ang gawain upang mapabuti ito
35. Ano ang mangyayari kung hindi tatangkilikin ng mga Pilipino ang mga produktong
yari sa Pilipinas?
A. Madaling uunlad ang bansa.
B. Babagsak ang ekonomiya ng bansa.
C. Bibilhin ng mga dayuhan ang produktong Pilipino.
D. Hindi kikita ang industriyang Pilipino kaya’t bababa ang
kita ng bansa.
36. Mamimili ka sa isang malaking pamilihan sa inyong lugar dahil may sale. Ano ang
mga bibilhin mo?

A. Bibilhin lamang ang mga gamit na kailangan.


B. Bibili ng marami dahil minsan lamang itong mangyari.
C. Uutang sa kapitbahay upang makapamili ng mas marami.
D. Maglalabas ng pera sa bangko upang makabili ng maraming murang
gamit.
37. Inutusan ka ng iyong kapatid na bumili ng pagkain sa tindahan na nasa kantong
malapit sa inyo. Ano ang iyong gagawin?

A. Iuutos uli ito sa isang kapatid.


B. Sundin ang iniutos ng kapatid.
C. Magbingibingihan sa utos ng kapatid
D. Sumakay ng dyip dahil mainit maglakad.

38. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matalinong


mamimili?
A. Sina Szian at Jay-ar na bumibili ng anumang maibigan niya kahit di niya ito
kailangan.
B. Sina Jaylord at Hanz na binabasa muna ang mga label sa etiketa ng mga
paninda.
C. Sina Ely at Reden na bumibili ng gamit o bagay batay sa mga anunsiyo
sa telebisyon.
D. Sina Michael at Steven Jhay na pinipili ang mas marami o malaki kaysa
kalidad ng mga paninda.
39. Binigyan kayo ng proyekto ng inyong guro. Hindi mo naintindihan ang paliwanag
kung paano ito gagawin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipagagawa ang proyekto sa kapatid.
B. Hindi na lang gagawin ang proyekto.
C. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang.
D. Ipapaulit sa guro ang paliwanag upang maintindihan ito.
40. Bakit mahalaga ang muling paggamit ng mga bagay na patapon na?

A. Mas mahusay ang mga bagay na ni-recycle.


B. Higit na matibay ang mga ni-recycle na kagamitan.
C. Nangangahulugan ito ng karagdagang kita at tipid sa pamilya.
D. Nakababawas ito sa basura at napapakinabangan muli ang ibang gamit.

Inihanda ni: Iwinasto ni: Pinagtibay ni:

JOEY L. DELA CRUZ IVY L. LUZANO FERDINAND D. AQUINO, PhD


Tagapayo Dalubguro Punong-guro
SUSI SA PAGWAWASTO (ARALING PANLIPUNAN) :
1. D
2. C
3. C
4. C
5. D
6. B
7. A
8. C
9. C
10. A
11. B
12. C
13. C
14. C
15. A
16. D
17. B
18. B
19. B
20. D
21. D
22. D
23. A
24. B
25. B
26. D
27. D
28. D
29. D
30. D
31. C
32. C
33. C
34. D
35. D
36. A
37. B
38. B
39. D
40. D

You might also like