You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of San Pablo City
Dapdapan District
DAPDAPAN ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA MAPEH 3


2022-2023
Panuto: Isulat ang titik ng iyong sagot.

Nauuri ang pagkakaiba-iba ng tunog batay sa uri, galing sa iba’t- ibang pinanggagalingan ng tunog.
Music
1. Umiiyak ang kapatid ni Aira na isang taong gulang. Saan nagmumula ang tunog na likha ng pag iyak?
A. Tao B. Hayop C. Sasakyan D. Instrumentong pang musika

2. Ano ang pinagmumulan ng tunog ng huni ng ibon?


A. Tao B. Hayop C. Kalikasan D. Sasakyan

Nakikilala ang tunog ng mga instrumentong pangmusika.


3. Alin sa mga instrumentong pang musika ang may tunog na Tring, tring, tring ?
A. Gitara B. Tambol C. Torotot D. Trumpeta

4. Kung ang gitara ay tring, tring, tring. Ano naman ang tunog ng tambol?
A. Boom, boom, boom C. Tot,tot,tot
B. Ing-ing-ing D. Tsing, tsing

Nakikilala ang malakas, katamtaman at mahina sa musika.


5. Sa mga hayop na aso, pusa, kambing at kalabaw, alin ang may pinakamalaking kilos?
A. aso B. pusa C. kambing D. kalabaw

Nabibigyan ng tamang kahulugan ang dynamics gamit ang kilos ng katawan.


6. Sa dynamiks ano ang kahulugan kapag nakatihaya ang kamay ng guro?
A. Mahinang lakas ng pag-awit
B. malakas na pag-awit
C. katamtamang lakas ng pag-awit
D. walang maririnig na pag-awit

Naihahambing ang gamit ng pasalitang tinig at paawit.


7. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit ang tinig sa pag-awit?
A. tinig ng mga batang nagbabasa
B. tinig ng mga batang bumibigkas ng tula
C. tinig ng mga batang kasali sa pag-awit sa simbahan.
D. tinig ng mga batang naglalaro

8. Nagtataglay ng anong tinig ang mang-aawit na si Sarah Geronimo?


A. mataas na boses C. mababang boses
B. mahinang boses D. malagom na boses
Nauuri ang pagkakaiba-iba ng tunog batay sa uri, galing sa iba’t- ibang pinanggagalingan ng tunog.

9. Alin ang pinagmumulan ng tunog ng pag-awit ng mga ibon sa sanga ng mga puno.
a. tao b. kalikasan c. Transportasyon d. Instrumento

Nakikilala ang tunog ng mga instrumentong pangmusika.

10. Tukuyin ang tunog ng instrumentong pangmusika


A. booom,boom C. tooot, tooot, tooot
B. klang, klang, klang D. bang, bang, bang

Art.
Nasasabi na ang paglilimbag ay magagawa gamit ang mga bagay na mula sa kalikasan.
11. Ang mag-aaral sa ikatlong baitang ay magsasagawa ng paglilimbag gamit ang mga bagay na galing
sa kalikasan? Alin sa mga sumusunod ang nararapat na gamitin?
A. supot, sako at tali C. water color, krayola at lapis
B. tela, sinulid at karayom D. maliliit na sanga, tangkay ng gabi at saging.

12. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba't- ibang kagamitan sa
paglilimbag?
A. Si Mikho na humihingi ng kagamitan lagi sa kaklase.
B. Si Erich na mamahalin ang kagamitang ginagamit.
C. Si Ryzha na masinop sa paggamit ng kagamitan.
D. Si Ace na laging nag-uulit ng gawain.

13. Ano ang tawag sa isang simpleng paraan ng paglilimbag ng mga disenyo gamit ang tatak ng mga
daliri sa kamay?
A. finger printing B stenciling C. marbling D. printing

14. Ang disenyong limbag ay maaring gawin ng paulit-ulit gamit ang kamay at makina. Ano ang maari
mong gawin sa mga disenyo na nilikha at nagamit mo na?
A. Punitin ito C. Ibahagi ang disenyo sa iba
B. Itapon sa basurahan D. Itago ito upang walang makagamit

15. Ang mga sumusunod na bagay ay ginagamit sa paglilimbag gamit ang


kalikasan upang makalikha ng di-karaniwang disenyo, maliban sa isa. Alin ito?
A. tuyong dahon C. balat ng kahoy
B. balahibo ng hayop D. aklat

Napahahalagahan ang iba’t ibang kagamitang ginagamit sa paglilimbag at ang kahalagahan nito.

16. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga


gawaing pansining ng kapwa?
A. Si Sally na kinukutya na pangit ang gawa ng kaklase
B. Si Andy na pinagtatawanan ang guhit ng katabi
C. Si Liza na buong pusong ipinagmamalaki ang gawang sining.
D. Si Jessa na pinagayayabang ang ginawa

17. Ito ay tumutukoy sa di-makatotohanang disenyo kung pag-uusapan ang


anyo, hugis at kulay.
A. Abstract C. Printing
B. oslo paper D. stencil
18. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing kagamitan sa paggawa
ng marbling, maliban sa sa. Alin ito?
A. pintura C. krayola
B. oslo paper D. kerosene

19. Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita ng pagsunod sa tuntunin sa


paggawa ng sining?
A. Nililigpit ni Angie ang mga kalat matapos gamitin
B. Hindi ibinalik ni Jerome ang mga gamit matapos gamitin
C. Iniwan ng pangkat ni Elsa ang mga pintura sa sahig.
D. Hindi pinunasan ang mga nagkalat na pintura

20. Ang __________ ay isang paraan ng paglikha ng disenyo mula sa tubig


na may hinalong pintura at inilimbag sa papel o tela.
A. Marbling C. Printing
B. Finger Printing D. Coloring

PHYSICAL EDUCATION
Nailalarawan ang galaw sa lokasyon, direksyon, antas, pathway and plane.
21. Aling hayop ang mabilis na nakagagalaw na posibleng pumunta sa kahit anong direksyon?
A. uod B. kuneho C. talangka D. pagong

22. Anong uri ng sasakyan ang pinakikilos ng tao na gumagalaw sa iba't ibang tiyempo gaya ng
mabagal?
A. balsa B. tren C. eroplano D. motorsiklo

23. Ang ehersisyong ito ay makatutulong upang malinang ang koordinasyon ng katawan, kaaya- ayang
galaw at tiwala sa sarili.
A. ehersisyo gamit ang buklod C. ehersisyo gamit ang ulo
B. ehersisyo gamit ang kamay D. ehersisyo gamit ang panyo

24-25 Kilalanin ang kilos ng mga hayop at mga bagay na gumagalaw sa iba’t-
ibang tiyempo.

24. Eroplano

A. mabagal B. Katamtaman C. Mabilis

25. motorsiklo

A. mabagal B. Katamtaman C. Mabilis

26. Ang paghagis at pagsalo ay mga pangunahing kilos sa maraming laro ng bola.
A. Tama C. Siguro
B. Mali D. Hindi

27. Ito ay isang masiglang sayaw mula sa rehiyong Tagalog na nangangahulugang


paggalaw ng kamay sa isang kaaya-ayang kilos tulad ng kumintang.
A. Tinikling C. Kunday-kunday
B. Singkil D. Pandango sa ilaw

28. Alin sa mga kagamitan ang ginagamit sa ritmikong ehersisyo na nakakatulong


sa pagdedebelop ng koordinasyon ng katawan, galaw at tiwala sa sarili.
A. buklod o hulahoop C. baso
B. bola D. ilaw
29. Ito ay isang laro na susubok sa iyong kasanayan sa pagtakbo, paglakad at
pag-iwas sa mabagal at mabilis na paggalaw sa iba’t-ibang direksyon. Ginagamitan
ito ng lata na patatamaan ng tsinelas sa pag-iwas g pagtaga ng taya.
A. luksong baka C. tagu-taguan
B. luksong tinik D. tumbang preso

30. Punan ang patlang ng tamang salita.

Ang __________at__________ng bola ay mga payak na kasanayan sa paglalaro ng basketbol.

A. pagdribol at pagbuslo
B. pagtakbo at paglukso
C. paghawak at paggalaw
D. pagsayaw at pag-indak

Health
31. Sino ang bumibili ng mga gamit para sa kanilang sariling pangangailangan?
A. mamimili C. negosyante
B. nagtitinda D. naglalako

32. Alin sa mga bagay na ito ang ligtas hawakan?


A. mga kagamitan sa pagkukumpuni
B. mga kagamitan sa paglilinis
C. pagluluto sa hurno
D. mga laruan

33. Alin sa mga ito ang dapat gawin para sa matalinong paggasta ng pera?
A. pagsesepilyo C. pagplano ng badyet
B. pamimili D. pangongolekta

34. Ang isang mamimili ang walang karapatang ____________.


A. pumili C. magsukat ng damit
B. manira D. magligtas

35. Sino sa mga ito ang matalinong mamimili?


A. Si Sally ay bumili ng hindi tinitingnan ang kalidad ng produkto
B. Si Maya ay bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan.
C. Si Jasper ay bumili ng napakaraming laruan.
D. Tinatanong muna ni Zaldy ang mga presyo bago bilhin.

36. Ano ang gagawin mo kung natuklasan mong sira pala ang bag na nabili mo?
A. Itapon ang produkto
B. Mahinahong humingi ng kapalit sa binilhang tindahan.
C. Magalit at kausapin ang tindera.
D. Siraan ang binilhang tindahan.

37. Mamamalengke ang nanay mo at may pera siyang P1,000. Inilista niya ang
pangunahing pangangailangan ng pamilya. Siya ay__________.
A. naghahanap ng mura C. bumibili
B. nagpaplano D. kumikita

38. Ang mga kaibigan ni Janna ay mahilig kumain ng banana cue. Binibigyan
siya ng kanyang kaibigan sa tuwing sila ay kakain nito. Nagsimula na rin
niyang magustuhan ang banana cue. Sino ang naghikayat sa kanyang kumain ng
banana cue?
A. magulang C. kapitbahay
B. kaibigan D. kaklase

39. Si Nanay ay nasa panaderya. Tinitingnan nito kung hanggang kailan ligtas
kainin ang tinapay. Bakit niya ito ginagawa?
A. Dahil kailangan niya ng maraming tinapay
B. Dahil gusto niya ng murang tinapay
C. Gusto niyang maging ligtas ang kanyang pamilya.
D. Gusto niya ng tinapay para sa kaniyang mga anak.

40. Bumili si Lara ng sabong panlaba sa murang halaga. Ano ang nalimutan
niyang gawin?
A. maghanap ng mas mura C. tingnan ang halaga
B. magtanong sa doctor D. magbasa ng leybel

Talaan ng Ispesipikasyon sa MAPEH III


S.Y 2023-2024
LEVEL OF LEARNING COMPETENCIES/ DOMAIN NO. OF ITEMS ITEM
ASSESSMENT PLACEMENT
Nauuri ang pagkakaiba-iba ng tunog batay sa 3 1-2,9
MUSIC uri, galing sa iba’t- ibang pinanggagalingan ng
tunog.
Nakikilala ang tunog ng mga instrumentong 3 3,4,10
pangmusika.
Naihahambing ang gamit ng pasalitang tinig at 1 7
paawit.
Nabibigyan ng tamang kahulugan ang dynamics 1 6
gamit ang kilos ng katawan.
Nakikilala ang malakas, katamtaman at mahina 2 5,8
sa musika.

Nasasabi na ang paglilimbag ay magagawa 5 11-15


ART gamit ang mga bagay na mula sa kalikasan.
Napahahalagahan ang iba’t ibang kagamitang 5 16-20
ginagamit sa paglilimbag at ang kahalagahan
nito.

Nailalarawan ang galaw sa lokasyon, direksyon, 15


P.E antas, pathway and plane.
Naipapakita ang kilos kaugnay ng tunog. 3 32-34
Nakasasali sa masaya at kawili-wiling gawain sa 2 37-38
pangpisikal tulad ng sayaw ng Kunday-kunday.
Natutukoy ang wastong pag ehersisyo na 2 16-17
nakatutulong sa pag-unlad ng katawan.

Naisasagawa nang palagian ang ritmong gawain 2 35-36


gamit ang buklod na yari sa kawayan.

HEALTH Natutukoy kung ano ang kahulugan ng 1 18


“consumer”
Natutukoy ang karapatan ng isang mamimili. 1 19
Nailalarawan ang isang matalinong mamimili. 1 20

Natatalakay ang responsibilidad ng isang 2 24-25


mamimili.
Natutukoy ang responsibilidad ng isang 2 22-23
mamimili.
Naisasagawa ang pangunahing karapatan ng 2 39-40
mamimili.
Natutukoy ang mapagkakatiwalan at 1 21
mapagkukuhanan ng impormasyon.
TOTAL 40

Prepared by:

LOUIE A. POLICARPIO
Teacher III Checked by:
REINA C. CASTRO
Master Teacher I
Noted by:

MYLENE B. PONTANOZA, Ed.


D.
Principal II

You might also like