You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V - Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ALBAY
Binitayan Elementary school
Daraga, Albay

PERIODICAL TEST IN MAPEH 5


QUARTER 3

Name: ____________________________________ Date: __________________


Teacher: __________________________________ Section: _______________
MUSIC
A. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Anyo ng musika na may kaugnayan sa hugis, estruktura ng organisasyon, at pagkakaugnay-ugnay ng
mga elemento ng sining. Ano ito?
A. form B. unitary C. binary D. strophic

2. Alin sa mga sumusunod na mga kanta ang may binary?


A. Santa Clara B. Malayyu C. Bahay-Kubo D. Himig ng Pasko

3. Ano ang tawag sa kalidad ng tunog na nagdudulot ng pagkakaiba ng tinig ng mga tao o tunog ng mga
hayop, at mga instrumento?
A. soprano B. timbre C. alto D. bass

4. Instrumentong mula sa salitang Espanyol na may kahulugan na harana o serenade. Ano ito?
A. gitara B. tambol C. rondalla D. cymbals

5. Bakit kailangan nating pag-aralan ang konsepto ng anyo ng musika kahit na sa pinakamaliit na bahagi
o ideya ng musika?
A. Magiging batayan ito komposisyon
B. Mas magiging mahaba ang awitin
C. Mas sisikat ang awit na gagawin
D. Mas magiging kaakit- akit ang awitin

6. Kailan maituturing na strophic ang isang kanta?


A. Kapag iisa ang melody
B. Kapag dalawa ang melody
C. Kapag walang melody
D. Kapag tatlo ang melody

7. Kailan maituturing na binary ang isang kanta?


A. Kapag binubuo ito ng isang ideya
B. Kapag binubuo ito ng dalawang ideya
C. Kapag binubuo ito ng tatlong ideya
D. Kapag walang melody at walang ideya

8. Kapag ang tinig ng babae ay mataas, matining at magaan. Saan mo ito ikakategorya?
A. soprano B. alto C. tenor D. bass

9. Bakit mahalaga ang mga katutubong instrumento?


A. Sumasalamin ito sa buhay ng mga katutubo
B. Nagpapakita ito ng kanilang pagkamasipag
C. Gabay nila ito sa kanilang pang-araw-araw na gawain
D. Gamit nila ito sa paghahanap-buhay at armas nila ang ito

10. Bakit mahalaga ang paggagaya ng mga tunog sa ating paligid?


A. Dahil dito madaling makilala ang timbre ng boses ng tao
B. Dahil dito nagkakaroon tayo ng iba’t ibang mga talento
C. Dahil dito marami tayong magagayang tunog sa ating paligid
D. Dahil dito nagiging kakaiba an gang tunog na magagawa natin

11. Sa paanong paraan nating uuriin ang kantang Jingle Bells?


A. Binary kasi binubuo ito ng dalawang ideya
B. Binary kasi binubuo ito ng tatlong ideya
C. Unitary kasi kasi iisa lang ang bahaging hindi inuulit
D. Strophic kasi mai iisang melody ang naririnig at paulit-ulit

12. Kung ang tinig ng mga babae na mababa, makapal, at mabigat ay tinatawag na alto, ano naman ang
tawag sa boses ng mga lalaki na mataas at magaan?
A. alto B. soprano C. tenor D. bass

13. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang gamit ng timbre sa musika?


A. Sa pamamagitan ng timbre gumagaling tayo sa pagkanta
B. Sa pamamagitan ng timbre lalakas ang boses
C. Sa pamamagitan ng timbre gaganda ang boses ng mang-aawit
D. Sa pamamagitan ng timbre madali nating makilala ang uri ng boses ng mang-aawit

14. Sa paanong paraan na higit na nakilala ang drum and lyre sa Pilipinas?
A. Mas madali itong buuin C. Mas madali itong ituro
B. Mas mura ang instrument D. Mas gusto nila ito

15. Kung ikaw ang tatanungin, anong musical choral ensembles ang sasalihan mo?
A. Rondalla, kasi sikat na ito noong unang panahon pa
B. Rondalla, para kakaiba naman
C. Rondalla, kasi katulad siya ng gitara
D. Rondalla, para mas makilala at mabuhay ang mga awiting –bayan

ARTS
16. Alin sa mga sumusunod ang gamit ng sining ng paglilimbag?
A. pagbabasa B. pagkukuwento C. pagkanta D. pagsayaw

17. Ang ukiyo-e ay halimbawa ng larawang nilimbag. Ano ang pinapakita nito?
A. larawan ng buhay C. larawan ng hardin
B. larawan ng bahay D. larawan ng laruan

18. Ayon sa kwentong Mariang Makiling, ito ay kwento ng isang diwata. Saan ito nakatira?
A. Kabundukan ng Makiling sa Laguna C. Kabundukan ng Arayat sa Pampanga
B. Kabundukan ng Palina sa Tuba D. Kabundukan sa Mt. Province

19. Ito ay pagkakaiba o pagkakasalungat ng kulay, hugis, o linya upang bigyan ng emphasis o diin ang
mga ito. Ano ang tawag dito?
A. contrast B. rhytm C. string D. print

20. Ito ay ang imahinasyon, pantasya, o kathang isip bunga ng masining at malikhaing pag-iisip at
paglalarawan. Ano ang tawag dito?
A. Himalaya B. Haraya C. Pantasya D. Kaharian

21. Bakit mahalaga ang sining ng paglilimbag sa mga Tsino?


A. Ginamit nila ang sining ng paglilimbag bilang pagtatala ng kanilang kasaysayan
B. Ginamit nila ang sining ng paglilimbag bilang pagtatala ng kanilang kayamanan
C. Ginamit nila ang sining ng paglilimbag bilang pagtatala ng kanilang negosyo
D. Ginamit nila ang sining ng paglilimbag bilang pagtatala ng kanilang utang

22. Bakit mahalaga ang pasalitang tradisyon?


A. Binubuo ito ng guhit at larawan ukol sa tradisyon at kultura
B. Binubuo ito ng mga aklat at magasin ukol sa tradisyon at kultura
C. Binubuo ito ng kwento at sayaw ukol sa tradisyon at kultura
D. Binubuo ito ng kwento at awit ukol sa tradisyon at kultura

23. Bakit mahalaga ang ritmo sa paglilimbag ng mga larawan?


A. Nagpapakita ito ng paggalaw sa isang likhang – sining
B. Nagpapakita ito ng makulay na likhang – sining
C. Nagpapakita ito ng magangdang likhang – sining
D. Nagpapakita ito ng maayos na likhang – sining

24. Bakit kailangang maging maingat sa pag-uukit ng disenyo sa ibabaw ng carving tool?
A. Para maging eksakto ang disenyo ng imahe
B. Para maging maayos ang disenyo ng imahe
C. Para hindi magalaw ang imahe na ililimbag
D. Para maging maganda ang imahe na ililimbag

25. Sa paanong paraan naisasagawa ang monoprinting?


A. Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tinta sa malinis na plate
B. Sa pamamagitan ng pagbabawas ng tinta sa malinis na plate
C. Sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabawas ng tubig sa malinis na plate
D. Sa pamamagitan ng pagdaragdag at pagbabawas ng tinta sa malinis na plate

26. Sa paanong paraan maipapakita ang ritmo sa isang sining?


A. sa pamamagitan ng maingat na paglalagay at pagsasaayos ng kulay, tinta, o hugis
B. sa pamamagitan ng maarte na paglalagay at pagsasaayos ng kulay, tinta, o hugis
C. sa pamamagitan ng mabagal na paglalagay at pagsasaayos ng kulay, tinta, o hugis
D. sa pamamagitan ng mabilis na paglalagay at pagsasaayos ng kulay, tinta, o hugis

27. Paano mo mapapanatili ang kaayusan ng lugar ng iyong paglilimbagan?


A. Saka na lang mag-ayos
B. Ilagay muna lahat sa cabinet
C. Nakalabas lamang ang mga gamit na gagamitin
D. Nakahanda at nakaayos ang mga gagamitin sa paglilimbag

28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa mga hakbang sa pamamaraang rubber cut?
A. Ihanda ang mga gagamitin
B. Isipin ang disenyong iguguhit sa ibabaw ng rubber cut
C. Iukit ang disenyong iginuhit gamit ang carving tools
D. Buhusan ito ng maraming tinta upang maging makulay ang gawain

29. Alin sa mga sumusunod ay mga halimbawa ng sining sa paglilimbag, MALIBAN sa isa?
A. monoprint B. cross hatching C. linocut D. drypoint
30. Kung ikaw ay papapiliin ng paksa sa paggawa ng cardboard painting para sa “school exhibit”, ano
ito?
A. Mga kwentong bayan para hindi ito makalimutan
B. Mga kantang uso para maging “in” sa grupo ng mga kaibigan
C. Mga tula para maging sikat sa mga taong mahilig sa tula
D. Mga teleserye upang magustuhan ng mga millennials na gaya namin

Physical Education
31. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang pinakaepektibong ehersisyo?
A. sayaw B. lakad C. jumping jack D. takbo

32. Alin sa mga sumusunod ang isa sa benepisyo ng pagsasayaw?


A. cardiovascular endurance C. pagkinis ng kutis
B. pagpalinaw ng paningin D. pagganda ng balance

33. Anong sayaw ang tumutukoy sa pagiging mapagmahal at malambing?


A. Tinikling B. Itik-itik C. Polka sa Nayon D. Cariñosa

34. Ang Cariñosa ay isang courtship dance na nagmula saang lugar sa Pilipinas?
A. Luzon B. Mindanao C. Visayas D. Cordillera

35. Alin sa mga sumusunod na sayaw ang halimbawa ng social dance?


A. Polka sa Nayon B. Itik-itik C. Tinikling D. Polka

36. Bakit mahalaga ang pagsasayaw?


A. Nalilinang ang lakas at koordinasyon ng katawan
B. Nalilinang ang lakas, liksi at balanse ng katawan
C. Nalilinang ang stamina at koordinasyon ng katawan
D. Nalilinang ang balance at koordinasyon ng katawan

37. Bakit sinasabi na ang sayaw ay isang uri ng komunikasyon?


A. Epektibo ito sa pagpapahayag ng damdamin
B. Epektibo ito sa paggawa ng proyekto sa paaralan
C. Epektibo ito sa pagpapatulog sa mga batang malliit
D. Epektibo ito sa pagpapapsaya ng mga manonood sa iyo

38. Bakit ang musika, formation, at kasuotan ng mga sayaw ay nagkakaiba-iba?


A. Depende sa pinanggalingan, kultura at tradisyon
B. Depende sa gusto ng gumawa at magtuturo ng sayaw
C. Depende ito sa kung ano ang gusto ng mga mananayaw
D. Depende ito sa kung ano ang merong isusuot at gustong sayawin

39. Pista ng Barangay Artacho. Iba’t ibang pagtatanghal ang ipapakita dito. Alin sa mga ito ang dapat na
itanghal sa programa?
A. Katutubong Sayaw B. Magic C. Hiphop D. Acrobatic

40. Naatasan kang bumuo ng katutubong sayaw na itatanghal sa programa sa paaralan. Ang mga gamit na
pwede nang magamit ay Maria Clara costume, anong sayaw ang pwede mong ituro at buuin?
A. Polka sa Nayon B. Tinikling C. Cariñosa D. Itik-itik

41. Ikaw ay taga-Batangas. Alin sa mga sayaw na ito ang pipiliin mo upang maituro sa mga kaklase mo?
A. Polka sa Nayon B. Tinikling C. Cariñosa D. Itik-itik
42. Lahat ng mga sumusunod ay kasuotang panlalaki sa sayaw na Polka sa Nayon, MALIBAN sa isa. Alin
dito?
A. Barong Tagalog B. Camisa de Chino C. pantalon D. patadyong

43. Paano mo ilalarawan ang sayaw na Cariñosa?


A. Isa itong courtship dance na nagpapakita ng pagmamahalan at lambingan
B. Isa itong sayaw ng pag-aani na nagpapakita ng kasanayan sa pag-aani sa bukid
C. Isa itong sayaw ng pamamanhikan na kung saan ipinapakita ang mga tradisyon na sayaw
D. Isa itong sayaw sa pagtatanim na kung saan ipinapakita ditto ang tamang pagtatanim sa bukid

44. Sa paanong paraan nabubuo ang tamang pormasyon ng sayaw na Polka sa Nayon?
A. Ang mga mananayaw ay napapangkat sa apat sa pormasyong parisukat
B. Ang mga mananayaw ay napapangkat sa walo sa pormasyong parisukat
C. Ang mga mananayaw ay napapangkat sa sampu sa pormasyong parisukat
D. Ang mga mananayaw ay napapangkat sa dalawa sa pormasyong parisukat

45. Bakit sa tingin mo mahalagang matutuhan at magtanghal ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas?
A. Nagpapakita ito ng kultura, tradisyon, at paniniwala ng isang lugar
B. Nagpapakita ito ng mga kagalingan, kakayahan, at katalinuhan ng mga Pilipino
C. Nagpapakita ito na mas magaganda ang katutubong sayaw kesa sa sayaw ngayon
D. Nagpapakita ito ng mga kasanayang kaiba sa mga nakasanayang mga uri ng sayaw ngayon
HEALTH
46. Ito ang tawag sa mga drogang nakahahalina at nakaaakit gamitin kung kaya paulit-ulit na ginagamit at
tinitikman. Ano ito?
A. Gateaway drugs B. Drugs C. Caffiene D. Nikotina

47. Ang substansiyang ito ay isang alkaloid na matatagpuan sa halamang tabako. Ano ang tawag dito?
A. Drugs B. Caffiene C. Nikotina D. Drugs

48. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang epekto ng pagkalulong sa alak?


A. Pagkalimot
B. Pagtaas ng kalidad ng trabaho
C. Nakakaiwas sa mga aksidente
D. Magkakaroon ng masaya at mapayapang pamilya

49. Ang kasanayang ito ay makakamit mo kung marunong kang tumanggi sa mga bagay na nakasisira sa
kalusugan. Aling kasanayan ito?
A. Resisting Temptation C. Sound decision-making
B. Communication D. Assertiveness

50. Higit na kilala sa taguring Tobacco Regulation Act of 2003. Anong batas ito?
A. Batas Republika 9211 C. Batas Republika 9311
B. Batas Republika 9911 D. Batas Republika 1192
51. Bakit nakakagising ang mga energy drinks?
A. Nagtataglay ito ng nikotina na nakakapagdulot ng karagdagang enerhiya
B. Nagtataglay ito ng alcohol na nakakapagdulot ng karagdagang enerhiya
C. Nagtataglay ito ng caffeine na nakakapagdulot ng karagdagang enerhiya
D. Nagtataglay ito ng gateaway drugs na nakakapagdulot ng karagdagang enerhiya

52. Bakit mapanganib at nakalululong ang pag-inom ng inuming may alkohol?


A. Nagdudulot ito ng malubhang karamdaman, pinsala sa sarili at sa pamilya
B. Nagdudulot ito ng kapayapaan at kasiyahan hindi laman sa sarili pati na rin sa pamilya
C. Nagdudulot ito ng magandang kalusugan at kaaya-ayang kalagayan sa ating buhay
D. Nagdudulot ito ng kumpiyansa sa sarili upang makamit lahat ang mga pangarap sa buhay
53. Bakit ang epektibong komunikasyon ay solusyon upang mabawasan ang mga taong gumagamit ng
gateaway drugs?
A. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng masamang dulot sa kanila ng gateaway drugs
B. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng magandang dulot sa kanila ng gateaway drugs
C. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng masayang dulot sa kanila ng gateaway drugs
D. Sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng makabuluhang dulot sa kanila ng gateaway drugs
54. Driver ang tatay mo at madalas bumibyahe siya sa gabi. Nakita mong nagbabaon siya ng energy
drinks. Ano pwede mong sabihin sa kanya?
A. Hinay –hinay lang po ang pag-inom ng mga energy drinks kasi nakakasama ito sa katawan
B. Maganda po ang dulot na epekto niyan sa inyo kasi magigising kayo sa pag-inom ng energy drinks
C. Kailangan ninyong uminom ng mga energy drinks para di kayo antukin sa daan
D. Huwag po kayong uminom ng mga energy drinks kasi po nakakamatay ang mga ito
55. Nakita mong naninigarilyo ang isang kaibigan mo. Niyaya ka niyang manigarilyo din ngunit
tinanggihan mo. Anong kasanayan ang ginamit mo?
A. Resisting temptation C. Sound decision-making
B. Communication D. Assertiveness
56. May nakita kang naninigarilyo sa isang pampublikong lugar. Alam mong bawal ito. Ano ang gagawin
mo?
A. Pababayaan ko na lang.
B. Sesenyasan ko siya na bawal ang manigarilyo doon
C. Sasabihin ko sa guard para siya na lang ang magsabi
D. Kakausapin ko siya at ipapaliwanag na bawal ang ginagawa niya
57. Paano nagdudulot ng insomnia sa mga bata ang pag-inom ng softdrinks at tsokolate sa gabi?
A. Nagtataglay ang mga ito ng drugs na nagpapasigla sa puso at isip
B. Nagtataglay ang mga ito ng alcohol na nagpapasigla sa puso at isip
C. Nagtataglay ang mga ito ng nikotina na nagpapasigla sa puso at isip
D. Nagtataglay ang mga ito ng caffeine na nagpapasigla sa puso at isip
58. Sa paanong paraan makakatulong ang Batas Republika 9211 sa pag-iwas ng mga kabataan sa
paggamit ng sigarilyo?
A. Pinalaganap nito ang masamang epekto ng paninigarilyo
B. Pinapahayag sa batas na ito ang magandang dulot ng paninigarilyo
C. Sinasabi sa batas na ito na ang epekto ng paninigarilyo ay sa matatanda lamang
D. Nakasaad sa batas na ito na puwede ang lahat na manigarilyo basta sa tamang lugar

59. Ang mga sumusunod ay pangmatagalang epekto ng paggamit ng alcohol. Alin ang HINDI kasama?
A. pagkakaroon ng sakit sa atay C. pagkasira ng brain cells
B. nahihirapang magsalita D. nagdudulot ng sakit sa puso

60. Bilang isang kabataan, anong paraan ang pwede mong magawa upang makaiwas sa iba’t ibang
gateaway drugs?
A. Gumawa ng mga poster ukol sa masamang dulot ng mga ito
B. Pababayaan ko na lang kasi may mga sarili naming isip ang mga tao
C. Pagsabihan ang mga tao na huwag gumamit ng mga ito kasi nakakasama sa kalusugan
D. Pagsabihan ang mga matatanda na sila ang gumawa ng paraan para umiwas sa mga ito

You might also like