You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija

Second Periodical/Summative Test


MAPEH 5
MUSIC:
PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa iyong papel ang letra ng tamang
sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tinatawag na F-clef?

A. B. C. D.

2. Ano ang ngalang pantono o pitch names ng mga notasyon na makikita mo sa ibaba?

A. BEAD B. DEED C. FACE D. FADE

3. Ano ang tawag sa distansya mula sa mababa hanggang sa mataas na tonong inaawit o

tinutugtog?

A. distansiya B. lokasyon C. range D. tunog

4. Ano ang tawag sa tumataas ng kalahating tono mula sa orihinal na tono?

A. # B. b C. D. wala sa nabanggit

5. Kumpletuhin ang lyrics ng awit na “Si Tembong nagsabong, nanalo ng piso________”.

A. Binangga pa ang awto C. Sumakay pa sa awto

B. Minaneho na ang awto D. Umakyat at tumalon pa sa awto

6. Anong iskala ang mayroon lamang na limang tono?

A. Iskalang C-Mayor C. Iskalang F-Mayor

B. Iskalang Pentatonic D. Iskalang G-Mayor


7. Anong tawag sa uri ng range na kinapapalooban lamang ng kaunting distansiya ang pagitan

buhat sa mababa hanggang sa mataas na tonasyon?

A. long B. narrow C. short D. wide

8. Ano ang tunugan kung mayroon itong isang sustinido o sharp?

A. C-Mayor B. D-Mayor C. F-Mayor D. G-Mayor

9. Alin sa mga sumusunod ang iskala ng C-Mayor?

A. C. B. C. D. wala sa

tatlo

10. Ano mangyayari sa tono kung ito ay nagmula sa tonong D, papunta sa tonong Db?

A. Bumaba ng kalahating tono. C. Nagtaas-baba ang tono.

B. Tumaas ng kalahating tono. D. Hindi kumilos ang tono nito.

11. Saan ginagamit ang F-clef?

I. Sa range ng boses ng mga lalake, ang bass o baho na may pinakamababang tono sa

lahat ng boses.

II. Sa range ng boses ng mga lalake,ang tenor na kung saan may pinakamataas na boses

ng lalake.

III. Sa range ng boses ng babae lamang magagamit ang F-clef.

III. Hindi kailanman ginagamit sa range ng boses ng mga babae ang F-clef.

A. I, II B. I, III C. I, IV D. III, IV

12. Ilan sa mga awitin sa ating bansa ang may tonong pentatonic. Kabilang dito ay ang Pentik

Manok, Chua-ay, at Temandan. Ano-ano ang pumapaloob na tono sa sa mga ito?

A. do, re, mi, fa, sol B. do-re-mi-sol-la C. do-re-mi sol ti D. do-fa-sol-la-ti

13. Madali lamang ang lumikha ng lyrics sa isang awit na may simpleng melodiya. Ito ay naaayon

sa notasyon nito. Alin sa mga sumusunod ang angkop na notasyon sa salitang “tsinelas”?

A. B. C. D.
14. Sa paglikha ng sariling melodiya, ano ang dapat mong isaalang-alang?

A. Kailangan mo ring isaalang-alang ang bilang ng sukat o measure.

B. Ang paglalapat ng pantig sa bawat salita sa lyrics ng simpleng melodiya.

C. Kailangan mong gamitin ang iba’t-ibang uri ng nota na naaayon sa palakumpasan o

time signature.

D. Lahat nang nabanggit sa itaas ay tumutukoy sa paglikha ng melodiya na dapat mong

isaalang-alang.

15. Saan mo makikita ang tonong do sa F-clef?

A. sa ilalim ng unang linya ng limguhit o staff

B. sa ikatlong linya ng limguhit o staff

C. sa ikalawang espasyo ng limguhit o staff

D. sa ikaapat na espasyo ng limguhit o staff

ARTS:

16. Ano ang isa sa mahalagang yaman ng Pilipinas na ginawaran ng UNESCO bilang World
Heritage Site?
A. Bulkang Mayon C. Chocolate Hills in Bohol
B. Cordillera Rice Terraces D. Yungib ng Callao sa Cagayan

17. Bakit mahalagang lugar ang Cordillera Rice Terraces sa ating kultura at kasaysayan?

A. Ang Rice Terraces ng Cordillera ang kaisa-isang monument sa ating bansa


na walang impluwensiya ng kulturang kolonyal.
B. Nasasalamin dito ang kultura ng sinaunang katutubong Pilipino at ang
maparaan nilang paglikha ng solusyon sa suliranin.
C. Ginawa nilang hagdan-hagdan ang bundok ng Banaue upang
makapagtanim ng palay na siyang nmang malimit na kinakain nating mga Pilipino.
D. lahat ng nabanggit

18. Ito ang bumubuo sa bahay na bato sa Batanes.


A. Apog C. Granite
B. Adobe D. Marmol

19. Ano ang pangunahing salita sa Batanes?


A. Batan C. Ivatan
B. Sabtang D. Itbayat

20. Alin sa mga sumusunod na kulay ang direktang magkaharap sa color wheel?
A. Supplementary color C. Complementary color
B. Color wheel D. Color
21. Ano sa mga sumusunod na likhang-sining na nagpapakita ng likas na tanawin?
A. foreground C. background
B. middle ground D. landscape

22. Sa pagguhit o pagpinta ng isang landscape, mahalagang hatiin ang larawan sa tatlong bahagi
maliban sa isa. Ano ito?
A. foreground C. background
B. middle ground D. pointillism

23. Ito ang paglapat ng kulay sa pamamagitan ng mga tuldok gamit ang mga dulo ng brush na
isinasawsaw sa pintura.
A. pointillism C. foreground
B. background D. middle ground

24.Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kalagitnaang obra upang maipakita ang
kagandahan ng isang obra.
A. pointillism C. foreground
B. background D. middle ground

25. Alin sa mga sumusunod ang ikatlong bahagi ng isang obra na pangkaraniwang kabahagi
upang mabuo ito. Ito ay ang parang malayo sa tumitingin at ito na rin ang dulo ng natatanging
obra?
A. pointillism C. foreground
B. background D. middle ground

PHYSICAL EDUCATION:

26. Ang _______ sa mga pisikal na aktibidad ay nakatutulong sa iyong kakayahang pangkatawan.

A.pagbati C. paglahok
B. paggawa D. pagtaya

27. Pag-isipan ang iyong mga layuning pangkalusugan at sumali sa mga aktibidad na
makatutulong sa iyo na makamit ang mga layuning ito. Nakadepende sa iyong mga gawain ang
patutunguhan ng iyong ___________ na kalusugan

A. emosyonal C. pisikal
B. mental D.sikolohikal

28. Ang mga gawaing ______________ ay nakapagbibigay ng lakas sa mga muscle at


napananatili ang tamang timbang.

A. emosyonal C. pisikal
B. mental D.sikolohikal

29. Ang paglalaro ng ____________ ay paglusob sa teritoryo ng kalaban at pagsakop o pag-


agaw nito sa pamamagitan ng

A. agawang sulok C. invasion game


B. fitness game D. mind game

30. Ang paglalaro ng invasion game ay nakatutulong sa pagsasanay ng lakas, koordinasyon at


pagiging ______.
A. alerto C. maliksi
B.mabilis D. Matalino

31.Mahalagang sundin ang mga panuntunang ____________ sa paglalaro.


A. pang emosyonal C. pangkatawan
B. pangkalusugan D. pang mental

32. Ito ay isang lead-up game kung saan kailangang mang-agaw ng teritoryo ng iba.

A. agawang lata C. agawang sulok


B. agawang langit D. agawang tao

33. Ito ang lapad na dapat paglaruan ng Agawang Sulok .

A. 20 metro C. 5 metro
B. 10 metro D. 12 metro

34. Ang pagpapahusay ng iyong __________ components ay makatutulong sa atin.

A. health related at skill related C. heart related at skill related


B. health related and emotional related D. mind related and skill related

35. Ang pagpapahusay ng iyong health-related at skill-related components ay makatutulong


sa atin pag-iwas sa sakit, pagdadagdag ng stamina, at pagsasaayos ng iyong ______.

A. ganda C. timbang
B. takbo D. upo

36. Sa paglalaro ng invasion game, kailangan ________________ ang teritoryo ng kalaban


A.ituro C. sirain
B. lusubin D. tingnan
37. Sa pamamagitan ng pagtayâ,kailangang maging alerto at mabilis sa pagkilos kapag
maglalaro ng invasion game tulad ng ________.
A. agawang sulok C. piko
B. patintero D. tagu-taguan
38. Bílang manlalaro laging tandaan na kailangang:
A. Ang respeto para sa iba ay dapat mamayani sa iyong paglalaro
B. Itulak ang iyong kalaro
C. Mainis sa kalaro.
D. Mandaya sa panuntunang pangkaligtasan sa paglalaro
39. Bílang manlalaro laging tandaan na kailangang:
A. Ang respeto para sa iba ay di dapat mamayani sa iyong paglalaro.
B. Huwag itulak ang iyong kalaro.
C. Mainis sa kalaro.
D. Mandaya sa panuntunang pangkaligtasan sa paglalaro.
40. Bílang manlalaro laging tandaan na kailangang:
A. Ang respeto para sa iba ay di dapat mamayani sa iyong paglalaro.
B. Itulak ang iyong kalaro.
C. Mainis sa kalaro.
D. Sumunod sa panuntunang pangkaligtasan sa paglalaro.
HEALTH:
41. Ang puberty ay tungkol sa _________.

A. \Pagbabago ng katawan, isipan at emosyonal

B. Pagiging mas matured ang pag-iisip

C. Pagkakaroon ng crush o paghanga

D. Lahat nang nabanggit ay tungkol sa puberty.

42. Ang sumusunod ay maling paniniwala tungkol sa pagbibinata MALIBAN sa_____.

A. Pagtangkad dahil sa tuli

B. Masama ang nocturnal emission

C. Pagtangkad dahil sa growth hormone

D. Pamamaga ng ari ng lalaking bagong tuli kapag nakita ng babae

43. Alin ang senyales ng sexual harassment?

A. Pagngiti at pagtingin sa katawan.

B. Pagpito o pagsitsit sa karaniwang babae.

C. Pagkukuwento ng mga sekswal na usapin.

D. Lahat nang nabanggit ay senyales ng sexual harassment.

44. Ano ang dapat gawin ng babaeng may dysmenorrhea?

A. Kumain ng maasim na prutas

B. Mag-hot compress sa bandang puson

C. Maligo sa dagat at magtampisaw.

D. Magpagupit at maglibang sa lansangan.


45. Ang iba’t ibang programa kagaya ng Catechism ay isa lamang sa mga gawain ng anong salik

na nakapagtitibay ng gampaning pangkasarian ng mga lalaki o babae?

A. midya C. pamilya

B. paaralan D. relihiyon

46. Alin sa mga sumusunod ang puwedeng gampanan ng mga kalalakihan o kababaihan?

A. pagsilbi sa bayan

B. paglilinis ng silid-aralan

C. pag-aayos ng computer hardware

D. lahat nang nabanggit

47. Ang bullying at harassment o pang-aabuso ay ilan sa mga nagiging isyu sa kalusugan ng

isang nagdadalaga at nagbibinata. Upang maiwasan ang pagiging biktima sa mga ito nararapat

na_______.

A. Ipakilala sa magulang ang mga kaibigan.

B. Umiwas sa pakikipag-usap sa mga taong hindi kakilala lalo na sa social media.

C. Magsumbong sa magulang o sa mga kinauukulan kung may masamang binabalak sa

iyo

ang isang tao.

D.Lahat ay nararapat na gawin upang maiwasan ang maging biktima sa bullying at pang-

aabuso.

48. Ang tamang pangangalaga sa sarili ay nakatutulong sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan.

Ang isa sa mga ito ay______.

A. palaging pagpupuyat

B. pag-eehersisyo kung may panahon lamang

C. pag-inom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw

D. hindi pagpunta sa doktor


49. Mahalaga ang paghingi ng payo sa mga eksperto tungkol sa mga usaping pangkalusugan

sapagkat_________.

A. makatutulong upang matugunan ang pangangalaga sa iyong kalusugan

B. makapagbibigay sila sa atin ng mga mungkahi kung paano pahalagahan ang sarili

C. masasabi nila sa atin kung ano ang dapat nating gawin upang mapanatili ang kalinisan

ng ating sarili

D. lahat nang nabanggit

50. Bakit kailangang humingi ng tulong at payo ang isang kabataan kung siya ay may matinding

suliranin?

A. upang hindi umiyak

B. upang magkamali ulit

C. upang magkaroon ng kaibigan

D. upang mabigyang linaw ang kanyang nararanasan


SECOND SUMMATIVE TEST IN MAPEH 5
1. C
2. D
3. C
4. A
5. C
6. B
7. B
8. A
9. B
10. A
11. A
12. B
13. A
14. D
15. C
16. B
17. D
18. A
19. C
20. C
21. D
22. D
23. A
24. D
25. B
26. C
27. C
28. C
29. C
30. A
31. B
32. C
33. A
34. A
35. C
36. B
37. A
38. A
39. B
40. D
41. A
42. C
43. D
44. B
45. D
46. D
47. B
48. C
49. D
50. D

You might also like